Share

Kabanata 02

Nanggagalaiti kong hinubad ang helmet at basta na lang itong ipinatong sa ibabaw ng motor, bago pumasok sa loob ng pizza parlor. Padabog akong naupo sa gilid. Minudmod ko ang mukha sa bilugang mesa, at doon paimpit na nagsisisigaw habang nagpapadyak sa matinding inis. 

“Ay hala! Anong nangyari bakla?” nasisiguro kong si boss Amay ito. “May jugjugan ba —”

“Nakakainis siya! Nakakainis ‘yong lalaking ‘yon!” Tiningala ko siya. 

“Oh, natauhan ka na ba sa jowa mo—”

“Yung nag-order ng pizza!” sigaw ko. Napahawak siya sa kanyang dibdib at maarte akong nilayuan. “Porke’t mayaman ang bastos!”

“So may jugjugan nga—”

“Ano ba!” nandiri ako. Sinamaan ko siya ng tingin nang pagtawanan lang niya ako, Maarte siyang naupo sa kabilang upuan. “Walang jugjugan—walang ganun, okay? God, nandidiri ako sa iniimagine mo, tsk”

Tumikhim siya bago ulit ako pinagtawanan. “Ano ba kasing nangyari ha?”

Sa huling beses, minudmod ko ulit sa mesa ang mukha. Naalala ko na naman ang ginawa sa akin ng lalaking iyon. Tumayo ako kaagad. Kinikilabutan ako. “Mamaya na lang” 

Ikwinento ko kay boss Amay ang buong nangyari pagkatapos naming magsarado. Hindi ako makapaniwalang imbes na magalit siya katulad ko, aba’y kinikilig pa ang baklang ‘to.

“Shunga! Type ka nun! He’s hitting on you!”

“Tamaan ko pa ‘yon” asik ko. Nagulat ako nang isabit nito ang braso sa braso ko. Ayan na naman ang nakakalokong ngisi niya. 

“Gwapo ba? Ha? Ha?”

Inis kong winakli ang kanyang braso. “Maputi lang” Napasigaw ako nang kirutin niya ako bigla sa tagiliran.

“Inutang at pinautang mo. It means, gusto ka niyang makita ulit!” halakhak niya. Siniringan ko siya, “Mag move-on ka na dali!”

Wala pang isang linggo kaming naghiwalay ni Marky. Naiinis ako sa tuwing kinukumbinsi nila ako nang ganito. Na para bang ganoon na lang kadaling kalimutan ang nakarelasyon mo ng ilang taon. 

Kumpara kahapon, tatlo kaming on-duty ngayon at dalawang baker. Hangga’t maaari, iniiwasan ko talagang ako ang makasagot sa telepono. Lalabas agad ako o di kaya’y magpapanggap na abala. 

“Ah, kayo po ‘yong umutang kahapon, sir?” rinig kong sabi ni Melodie sa kabilang linya ng telepono. Isa siya sa mga katrabaho ko. Hindi pa kami ganoon ka-close dahil mag-iisang linggo pa lang siya. Nagkatinginan kami bago ko isinenyas sa kanyang sila na lang ang mag-usap. Nakahinga ako ng maluwag nang tumango siya. “Okay, sir. One box of...” 

Kinabukasan, nag-order na naman yata ng pizza ang lalaki. Magkakrus ang mga brasong pinanood kong ilista ng isa ko pang katrabahong si Cerra ang mga in-order nito. Magkaiba kami ng personality ni Cerra Acosa. Masyado siyang mahinhin na babae kumpara sa akin na bungangera at may pagkalalaki kung kumilos. 

Si kuya Roger naman ang madalas kong pinapakiusapang maghatid kapag oorder ang Yohann Min na iyon.

Isang araw, ensaktong nag-ring ang telepono na wala sila dito sa loob. Napalingon-lingon ako sa paligid bago mabigat sa loob na sumagot. “Yes, Gre-May Pizza Parlor ma’am, sir” Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pamilyar na boses niya.

“Can I order—

“Hindi ka ba nagsasawa?”

“Sa’yo? Hindi”

“Sa kakakain ng pizza!” sigaw ko. Natakpan ko ang bibig at yumuko sa mga kumakaing customer. Narinig ko siyang matawa sa kabilang linya. Pati sa pagtawa ay gano’n ka manly ang boses niya. 

“Hindi ikaw ang palaging sumasagot pero alam mo?”

“Malamang...” hindi ko madugtungan. Pinanlakihan ako ng mata. Bago pa ako makapagsalita ay natawa ulit siya. 

“Malamang?”

“Malamang dito ako nagtatrabaho! ‘Wag ka ngang assuming” Natakpan ko ulit ang bibig dahil sa lakas ng boses ko. Dumungaw sa akin si boss Amay. Isinenyas ko ang kamay bago inilapit ang bibig sa telepono. “Okay, so anong order mo?”

“Anong address mo?”

“Ano?”

“Ng pizza parlor niyo. Address ng pizza parlor”

Napapikit ako. “Ba’t mo tinatanong ha?”

“Nang makabisita” Pinanlakihan ako ng mata sa sagot niya. “Wag kang assuming, kakain lang ako”

Napasinghap ako ng hangin at pekeng natawa. Hinilot ko ang batok. Mukhang kailangan ko na yata ng maintenance sa highblood, nahahighblood ako! “Ayoko”

“Ayaw mo?”

“Tsk, ayoko makita ‘yang pagmumukha mo, bwesit ka!” Dumungaw na naman si boss Amay kaya padabog kong binaba ang hawak. Sumenyas ulit ako na wala lang. Napapikit ako nang mag-ring ulit ito.”Hello! Gre-May—

“You hung me again—

“Ba’t ba kasi tawag ka nang tawag?” sigaw ko.

“Miss, bibili ako ng pizza niyo. Bakit parang ikaw pa ang galit?”

Natigilan ako. Gamit ang palad, tinakpan ko ang mukha sa kahihiyan. “Okay, what’s your order?”

“Yong address—

“Wala po kaming Address pizza, sorry” binabaan ko siya. Napaupo ako at yumuko.

Kaya naman pala mainit ang ulo ko ngayon dahil dinalaw ako ng buwanang kadiliman. Parang lahat nang madapuan ng aking mata ay kinaiinisan ko. Hindi ko natuloy ang pagmumura nang may humintong isang magarang itim na sasakyan sa labas. Agad akong pinamilugan ng mata nang lumabas ang pamilyar na mukha. 

Yohann Min?!

Tumalikod agad ako at nagpanggap na nagpupunas ng mesa. Napapikit ako nang tawagin niya ako sa buong pangalan. 

Inayos ko ang sarili bago siya seryosong hinarap. “Half day lang kami ngayon, make it fast” pinagkrus ko ang mga braso. Naupo siya sa mesang pinupunasan ko. Nakamot ko ang ulo. “What’s your order, sir?” 

He pointed something kaya sinundan ko ito ng tingin. He’s pointing the pizza menu. Inosente ko ulit siyang nilingon. 

“One box each” seryosong sabi niya. Napanganga ako.

“One box each?” pagkaklaro ko. Sa dami ng flavor na meron kami, makakain ba niya ito lahat? “Per flavor?”

Sumandal siya sa upuan bago pinagkrus ang mga braso. “I have cash on hand, don’t worry” 

Ayan na naman ang mayabang niyang pananalita. Inis kong kinuha sa bulsa ang maliit na notebook at inilista roon ang iba’t-ibang uri ng pizza. Hindi ko alam kung ikatutuwa ba ito ng dalawang baker sa loob, tsk.

“You can wait naman ‘di ba?” kamot ko. He just nodded, giving me a blank expresssion. “Uh, mga two hours siguro?”

“Hmm, okay” titig niya.

Peke akong ngumiti bago aligagang pumasok sa loob ng kitchen area para kausapin sila boss Amay at boss Greggy na nag-aayos na ng mukha. 

“Ha? Loka!” Napabuntong-hininga na lang ako nang magreklamo silang pareho. Sampung flavors kasi ‘yon! Muntikan pa akong matumba nang mabangga nila ako dahil sa pagmamadaling lumabas. Gusto nilang silipin ang lalaking nag-order ng ganoon karaming pizza. 

As expected, parang bulate ang dalawang kinikilig. Palibhasa gwapo ito at mayaman, tss.

Pahirapan kong binitbit ang sampung box ng pizza papunta sa kanya. Doon siya awtomatikong napadilat nang padabog kong naipatong ang mga ito sa kanyang mesa. Napanganga ako dahil binuksan niya ang isang box na nasa pinakaibabaw at kinain ito. 

Napaiwas ako ng tingin nang lingunin niya ako. Napangiwi ako. Akala ko pa naman aalis na siya pagkatapos. 

Total naman siya na lang ang natitirang customer, umupo ako sa katapat na upuan niya at tumikhim. Pinandirian ko siya. “Hindi ka ba nagsasawa sa kakakain ng mga ‘yan?”

Walang araw atang hindi siya kumakain ng pizza.

“Paborito ko ‘to”

Halata nga. “Gusto mo atang tikman lahat ng pizza no? Ganyan ka rin siguro sa mga babae. Nasasarapan ka sa iba’t-ibang klase”

“Nabilaukan sa katotohanan” natatawang tumayo ako para bigyan siya ng tubig. Mabilis niya itong tinanggap at ininom. Pinagtaasan ko siya ng kilay nang titigan niya ako ng seryoso. 

Ngumisi siya pagkatapos ibaba ang hawak na water bottle. Kinabahan ako bigla. “May hindi pa ako natitikman” pabulong na sabi niya.

Na alin? Pizza o babae? 

Ako rin mismo ang pinanlakihan ng mata sa naisip na sagot. Nangunot ang noo ko nang mahina siyang matawa. Pareho ba kami ng iniisip?!

Napalunok ako nang itabi niya sa gilid ang mga pizza boxes bago ipinatong ang kanyang sariling mga braso sa mesa. Ayan na naman ang nangungusap niyang mga mata. “Baka gusto mong ipatikim?”

Nagsipagtunungan ang mga upuan sa likuran ko nang wala sa sarili akong napatayo. Pinagtawanan niya ako kaya mas lalong sumama ang mukha ko. Isinuko niya ang parehong mga kamay na narurumihan ng kinakain at ng utak niya! 

“Hey, I know what you’re thinking” 

Tumayo siya pero mabilis akong lumayo sa kanya. Papasok sana ako sa loob kitchen nang maunahan ako ni boss Amay sa pagbukas ng pinto. Muntikan pa kaming magkabanggaan,

“Hoy Rui! May regla ka ba ha?!”

“Meron!” inis ko. Hinila niya ako bigla sa loob. “Boss, pahiram nga ng rolling pin” Nasa bewang ang isang kamay ko habang nasa noo ko nakahilot ang isa. 

“Para saan ba?”

“May hahampasin lang ako, sige na. Mabilis lang ‘to”

“Para sa dough ang rolling pin, baklita!”

Napadyak ko ang paa sa inis. Idinuro ko ang saradong pinto at pasigaw na bumulong sa tenga niya. “Eh mukhang harina naman ‘yon eh!”

“Ba’t ba ang init ng ulo mo sa chinitong ‘yon? Eh mukha namang angel? Napakaputi!”

Maputi lang ‘yon pero maitim ang budhi, tsk!

Kinalma ko sa abot ng makakaya ang sarili bago lumabas ng kusina. Komportableng kumakain pa rin siya sa pwesto niya. Naupo ako sa kabilang upuan, malayo-layo sa kanya. Magkakrus ang mga braso ko siyang pinanood at pinag-aralan.

Sigurado ba siyang mauubos niya iyan lahat? 

Tatayo na sana ako nang bumukas ang pinto. Tuluyan akong naestatwa nang makita si Marky na may kasama. 

Naituon ko sa kasama niyang babae ang paningin. Dikit na dikit ito sa kanya na parang linta. Nanginginig sa galit kong pinasadahan ang kanyang bagong babae. Sobrang sexy nito, malayo sa katawan kong katamtaman lamang. Hindi ko rin tipong magsuot ng ganoong uri ng damit. Pantay at mahaba ang kanyang itim na buhok, mataas ang kanyang pilik-mata, at sabog na sabog ang kanyang pulang labi. Mas may laban din siya sa dibdib. 

Pero doon ako nagulat nang mapansin ang nakausbong na bukol sa kanyang bandang pribado. Hindi ako makapaniwalang napatayo.

Pinagpalit ba niya ako sa...

Mabilis na namasa ang mga mata ko lalo na nang lumabas kaagad sila pagkatapos akong makita ni Marky. Hindi pa man ako nakakalabas nang may pumigil na sa braso ko. Sinubukan kong kumalas sa kanyang pagkakahawak pero mas hinigpitan pa niya ito. Inis ko siyang tiningala pero umiling siya.

“Nakalimutan mo ata ang sinabi ko”

Natigilan ako sa sinabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status