Share

Kabanata 4

SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina.

Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student.

Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda.

"Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha.

"Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito.

Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid.

"Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang.

"Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo ko! Napakametikuluso kasi, 'Mang! Nakaiinis!" bulyas niya.

"Ano ba ang ginawa niya sa'yo? Baka naman sa umpisa lang iyon? Malay mo bukas hanggang makalawa'y magiging mabait na siya sa iyo. Kapag nakilala ka niya, anak, ay tiyak akong pakikitaan ka na niya ng kabaitan," anang Mamang niya.

"Ewan ko, Mamang. Sobra pa siya sa babae.  Napakaarte niya talaga! Nakat-turn off ang ugali niya!" wika niya. "Sige na,  Mamang. Mag-iingat kayo lagi riyan. Tatawag ako kapag bakante ako. Subukan niyo rin akong tawagan kapag bakante kayo," aniya.

"Oo, Eneng. Sige na't kailangan ko pang ayusin ang mga kailangan namin sa bukid. Paalam na. Mahal na mahal ka namin!" anang Mamang niya.

Ngumiti siya. "Mahal na mahal ko rin po kayo, 'Mang!" aniya bago niya pinutol ang tawag.

Nilatag niya sa kaniyang tabi ang kaniyang keypad. Tumitig siya sa kisami. Maya't maya'y nakikita niya ang kaniyang sarili na naglalakad sa gitna ng kamotehan nila. Masagana ang ani ng kamote ngayon. Masayang inaayos ng kaniyang mga magulang ang sako na puno ng naglalakihang mga kamote.

"Aiha, ano pa ba ang hinihintay mo? Tulungan mo nga kami ng iyong Papang dito!" sigaw ng kaniyang Mamang mula sa kabilang dulo ng kamotehan.

Napailing si Aiha. Tumakbo siya palapit sa kaniyang Mamang at Papang. Agad siyang yumuko at pinili nila sa nakalatag na mga kamote ang malalaki at iniba nila ito ng lagayan sa mga katamtaman lamang.

"Mabuti na lang dahil malalaki ang ani natin, Mamang!" aniyang pangiti-ngiti habang patuloy siya sa kaniyang ginagawa.

"Pasalamat tayo sa Diyos, Aiha! Kung hindi niya tayo biniyayaan ng magandang panahon na akma sa ating mga tanim at lakas na alagaan ang mga ito'y hindi magiging masagana ang ani natin!" anang Papang niya.

"Tama ang iyong Papang, Aiha! Sa Diyos ang papuri't pasasalamat! Siya lang ang---" Naputol ang sabi nito nang mapunta sa taong parating ang kanilang mga sulyap.  "H-Hindi ba si Tonyo iyon, Tacio?" Lumingon ang Mamang niya upang matiyak na tama siya.

Tumango ang kaniyang Papang. Sinalubong ni Tacio ang kapatid nitong si Tonyo. Halata kasing nag-mamadali at animo'y importante ang lakad.

"Ton-"

"Papang!" sigaw ni Aiha palapit sa kaniyang Papang.

"Diyos ko! Ano ba itong nangyayari, Tonyo? Ni hindi ka man lang nagsabi ukol sa pasya mo!" halos maiyak na anang Kanda sabay alalay sa asawa niyang nakahiga na sa kamotehan marahil sa malakas na suntok ni Tonyo.

Tumayo si Tacio. Napasapo ito sa tabi ng kaniyang labi.

"Ano ba ang nangyari, 'Nyong?" magalang na tanong ni Tacio.

Walang-salitang sinabi si Tonyo. Dumiretso siya sa mga nakatayong sako ng kamote at agad niya itong tinabas na parang damo.

"Tama na, Tiyo Tonyo! A-Ano ba ang kasalanan namin sa i-inyo?" naiiyak na tanong ni Aiha sa kaniyang tiyo.

Tinadtad ni Tonyo na parang damo ang mga kamote na walang malay. Salitang nilingon ni Aiha ang kaniyang mga magulang. Naawa siya sa dalawa. Ang kanilang pinagpaguran sa loob ng anim na buwan ay nawala lang. Kung kailan gumanda ang ani ng kanilang kamote ay roon pa nila naranasan ang bagay na ito.

"Tonyo! A-Ano ba ang nangyari? Magsalita ka naman!" wika ni Tacio na hindi na mapigilan ang sarili. 

"Tandaan mo ito, Tacio, hindi ka na makapagtatanim pa sa lugar na ito! Puro ka lang tanim! Hindi ka marunong magbahagi sa amin!" sigaw ni Tonyo habang tinuturo gamit ng itak si Tacio.

"Hindi ba kabibigay ko lang ng parte niyo noong nakaraang ani? Sinabi ko na rin sa inyo noon na pangmatrikula ni Aiha ang makukuhang pera kapag binenta na ang mga kamote, Tonyo! Sinang-ayunan niyo ang bagay na iyon," anang Tacio.

"Putang matrikula naman iyan! Ikaw kasing ambisyosa ka! Aral ka ng aral! Pabigat ka sa pamilya! Iyan ang mga kamote niyo't pagdikit-dikitin niyo!" Nilagpasan ni Tonyo ang tatlo at agad siyang pumaibaba ng bundok.

Halos sabay na naupo ang mga magulang ni Aiha. Kanina lamang ay napakasaya nila dahil sa ani nila. Ngayon ay parang hibla na pinutol ang saya na iyon. Ang mga ngiti sa mga labi nila'y napalitan ng pagkasawi.

Hindi na napigilan ni Aiha ang kaniyang sarili. Humagulgol siya ng iyak sabay luhod sa paanan ng kaniyang mga magulang.

"P-Pang!? M-Mang!? Bakit ganoon sila sa atin? Kung umasta si T-Tiyo Tonyo ay parang hindi nila tayo kaanak! Ang pinagpaguran at pinagtiyagaan natin ay napunta lamang sa wala!" iyak niya.

Malabo man dahil sa mga luha'y nakita ni Aiha paano umangat-baba ang balikat ng mga magulang niya. Kung kanina'y nagtatawanan sila dahil sa galak. Ngayon ay nag-iyakan na lamang sila dahil sa sinapit ng mga kamoteng nahiwa ng itak ni Tonyo.

"Diyos ko! Saan na ako kukuha ng pang matrikula ng a-aking anak!?" iyak ni Tacio.

Wala siyang narinig mula sa kaniyang mga magulang maliban sa gusto ng mga ito na makapag-tapos siya. Kahit kapos sa pera at naghihirap sa buhay ang pamilya nila'y nagsisikap ang kaniyang mga magulang upang may pang-gastos lamang si Aiha sa pag-aaral niya.

Tinipon ni Kanda ang mga kamote't pinilit niya itong binubuo subalit palagi siyang nasawi.

"B-Baka puwede pa n-natin itong mapakinabangan, Tacio? I-Ito! Ito pang i-isa! B-Bilhin pa ito ng mga tao sa baranggay! B-Baka---"

"Mamang!"

Dahil sa awa ni Aiha sa kaniyang mga magulang at pighati niya sa kanilang sinapit ay nasigawan niya ang kaniyang ina.

"T-Tama na po iyan! H-Hindi na iyan bibilhin sa baranggay," awat ni Aiha sa kaniyang Mamang.

"K-Kaya pa ito, Aiha! H-Halika! Piliin natin ang p-puwede pang-"

"Diyos ko!" umaalingawngaw na sigaw ni Tacio sa gitna ng kamotehan kaya'y natigil si Kanda sa ginagawa at napaluhod na lamang ito habang yakap-yakap ang mga kamoteng nasa bisig niya.

Humagulgol sa pag-iyak si Aiha nang makita ang sitwasyon ng kaniyang mga magulang.

"H-Huwag na lang natin ipilit ang hindi na kaya. A-ang pag-aaral ay para lamang sa mapapalad, 'M-Mang at 'Pang! Hindi na ako mag-aaral," aniya't pinunasan ang kaniyang mga luha.

"A-Anak!?" anang Tacio. "G-Gawa ako ng paraan. K-Kaya natin ito. P-Pupunta ako sa baranggay mamaya. Susubukan kong umutang-!"

"Sabing hindi na ako mag-aaral! T-Tama na muna itong natapos ko! Kung kapalit ng pag-aaral ko ang pahirapan kayo ng mga kapatid niyo 'Pang ay mabuti pa na hindi ko na lang itutuloy ang pagsumamong makamtan ang mga pangarap ko! A-Ayaw ko na po! S-Suko na ako! Kaya kung puwede ay s-sumuko na rin kayo!" aniya.

Tumalikod siya. Para na siyang sasabog sa galit niya sa kaniyang tiyuhin. Akala niya'y  iintindihin ng mga kamag-anak niya ang sitwasyon at susuportahan siya upang makapagtapos ng pag-aaral. Nagkamali siya. Umasa siya sa mga taong akala niya'y magiging lakas niya pero ang totoo'y sila itong dahilan upang mas malayo pa siya sa kaniyang pangarap.

Suminghot si Aiha at agad na bumangon. Nakarinig kasi siya ng ilang pagkatok mula sa likod ng pinto. Tinuyo niya ang kaniyang basang mga mata gamit ang kaniyang mga daliri. Ilang taon na ang lumipas noong nangyari ang alaalang humigop sa kaniya kanina pero hindi niya ito malimut-limot. Iyon ang isa sa mga bagay na tunay na masalimoot na naganap sa buhay ni Aiha at ng kaniyang mga magulang.

"Aiha! Tumawag ang iyong amo," anang Belen mula sa labas. "May ipagagawa raw siya sa iyo," dagdag nito.

Tumikhim si Aiha bago siya tuluyang tumayo mula sa kaniyang pag-upo sa ibabaw ng malambot na kama.

Lumapit siya sa pintuan. Binuksan niya ito. Nakita niya si Belen kaya ngumiti siya. "Pupunta na po ako," aniya.

Ngumiti pabalik sa kaniya ang ginang. Nang nalagpasan niya ito ay tumikhin ito kaya'y tumigil siya. Lumingon siya kay Belen.

"May sasabihin po ba kayo?" magalang niyang tanong.

"Aiha, pagpasensiyahan mo na sana ang amo mo," ani'to. "Sa simula lang iyan ganiyan. Kapag lumaon ay magiging mabait din iyan sa iyo," dagdag pa ng ginang.

Umaasa si Aiha na sana'y mangyari ang winika ng ginang. Sabagay, wala pa naman siya sa lugar para husgahan ang amo niya. Metikuluso nga ito pero baka kapag palagi na silang magkasama'y mababawasan na ang hindi kaaya-ayang ugali ng amo niya.

"H'wag ka pong mag-alala, Aling Belen. Kung kaya kong harapin ang mga banta sa aming sakahan ay sisikapin ko rin na haharapin ang kahit na anumang mga bagay na sasabihin at ipakikita ni Lord Weiss sa akin. Siya ang amo ko. Kahit na hindi pabor sa akin ang trato at mga ginagawa niya'y susundin ko pa rin siya," aniya. "Kailangan ko na po tumungo sa taas nang sa ganoon ay mapagsilbihan ko na siya," paalam niya sa kaniyang kausap.

Tumango ang ginang bilang pahintulot nito kay Aiha kaya naman ay agad na tinungo ng dalaga ang silid ng kaniyang amo.

HUMINGA SIYA ng malalim at siniguro na wala siyang pawis nang nasa tapat na siya ng pinto ni Weiss. Kaniya ring tiniyak na walang kahit na anong uri ng dumi sa kaniyang damit at mukha bago siya kumatok.

"Come in," anang baritonong boses mula sa loob ng silid.

Inikot ni Aiha ang doorknob at tinulak niya ang pinto papasok. Sinarado niya ang pintuan at agad siyang lumapit sa kaniyang amo.

Tanging paa lang ni Weiss ang nakita ni Aiha dahil nahihiya siyang iangat ang kaniyang sulyap.

"Umupo ka muna," utos ng kaniyang amo.

Hinamak ni Aiha na unti-unting iangat ang kaniyang sulyap. Nagulat siya nang makita ang maputing binti ng kaniyang amo at may malalagong buhok na nakapalibot dito. Kinabahan si Aiha nang makita ang kaniyang amo na puting tuwalya lamang ang naikot sa kaniyang mga baiwang.

"Ang laking kamote," bulong niya sa sarili nang makita ang mahaba at malaking umbok sa gitna ng mga hita ni Weiss.

Bumilis ang tibok ng puso ni Aiha nang lumapit sa kaniya ang kaniyang amo. Napalunok siya nang makita paano umalog ang malaking kuwan ni Weiss.

Umatras ng umatras si Aiha nang makita niyang palapit ng palapit ang bawat hakbang ng kaniyang amo sa kaniyang direksiyon.

"M-My Lord, h-huwag po. B-Bata pa po ako," aniya at tinakpan niya ang kaniyang mga dibdib.

Kumunot ang noo ng kaniyang amo dahil sa inasta niya. Bumalik ang kaniyang katinuan nang makita niya paano inabot ni Weiss ang plastik na bote ng alkohol.

"Insane," kunot-noong sabi ni Weiss.

Puwersang umupo si Aiha dahil nahiya siya. Akala niya kung ano na ang gagawin ng kaniyang amo. Uminit ang kaniyang mga pisngi dahil sa hiyang sinapit niya.

"Aya, stop looking on my body! Turn around and do not look on my way," supladong sabi ng amo niya. "Lalo na ng puwet ko!" dagdag pa ng amo niya.

"Aiha po, My Lord," koreksiyon niya sa kaniyang amo.

"Whatever!" Umirap pa ang amo niya bago siya tinalikuran nito.

Kahit na sinabihan na siya ni Weiss na huwag niya itong titigan ay hindi niya pa rin maiwasan iyon. Matambok at mukhang matigas kasi ang magkabilang pisngi ng puwet nitong amo niya kaya'y para siyang minamagnet ng mga ito para ituon ang titig niya rito.

"Kamote!" gulat na gulat niyang sambit nang biglang lumingon ang kaniyang amo.

"I told you to not look on to my butt. Insane!" anas ng kaniyang amo.

"S-Sorry!" aniya sabay liko ng kaniyang sulyap.

Ninakaw niyang silipin ang kaniyang amo. Sinuot ng amo niya ang mga damit nito. Sumuklay ang amo niya't halos pinaligo nito ang hawak nitong pabango. Napailing na lang si Aiha dahil sa nasaksihan niya. Ngayon lang siya nakakita ng lalaki na daig pa ang babae pagdating sa pananamit at kalinisan.

"Ano ba, Aya!? Can you please cut that way of staring!?" anang Weiss.

"Sorry, My Lord." Inayos niya ang kaniyang pag-upo. "Ano pala ang dahilan bakit mo ako pinatawag?" tanong niya sa kaniyang amo.

Tinungo ng bagong ligo niyang amo ang swivel chair nito. Dumequatro ito sabay titig sa gawi ni Aiha. Saglit na pumikit si Aiha buhat noong tinangay ng hangin ang mala-tsokolateng amoy ni Weiss patungo sa kaniyang gawi. Bigla siyang natakam dahil sa kaniyang naamoy.

Napalunok siya at ang masaklap ay nakita ng kaniyang amo paano namukol saglit ang kaniyang lalamunan dulot ng paglunok niya.

"Insane!" bulong ng kaniyang amo. "Aya, do find the key of my car." utos ng amo niya.

"Saan po?" magalang niyang tanong bago siya tumayo.

Tinitigan siya nitong amo niyang parang palaging may menstrual period. "Sa Malacañang Palace!" wika nito.

"Totoo?" tanong niya sa amo niya.

"Aya, dito malamang sa mansyon ka maghahanap," kunot-noo nitong sabi.

Nalito si Aiha sa kaniyang amo. Lalaki ba talaga itong amo niya? Natalo pa niya ang babae dahil sa ugali niya.

"Rito po sa kuwarto niyo, My Lord?" usisa ni Aiha.

Tumigil ang amo niya sa ginagawa nito. Umismid siya at sinamaan ng tingin si Aiha.

"Subukan mo hanapin sa stockroom o hindi kaya ay sa maid's room. Baka sakaling makita mo roon ang susi ko!" anang Weiss bago binalik ang pansin sa kaniyang ginagawa.

"Sige po, My Lord. Pupuntahan ko po ang maid's room-"

"Aya!" pasigaw nitong wika kay Aiha.

"Saan ka pupunta!?" naiinis na tanong ni Weiss.

"Pupunta po sa stockroom," inosente niyang sabi.

Nakita niya paano napatukod ang mga siko ni Weiss sa ibabaw ng mesa. Hinilot din ng lalaki ang magkabilang bahagi ng ulo nito.

"Dito ka sa kuwarto ko maghanap, Aya," ani'to.

"Akala ko po sa stockroom at sa maid's room?" tanong niya kay Weiss. "Alam mo, My Lord, pakiramdam ko ay ginagawa mo akong baliw," aniya.

Umiling si Weiss. Bumuga ng hangin ang lalaki dahil sa inis niya. Ramdam naman ni Aiha na naiinis sa kaniya itong amo niya. Marami kasing satsat si Weiss kapag may inuutos kaya nalilito siya dahil doon.

"Hindi ko na kailangang gawin ang bagay na iyon. Baliw ka naman talaga," supladong anas ni Weiss.

"Kung baliw ako ikaw naman loko-loko. Nasa tabi lang ng telepono ang susi ng sasakyan mo tapos pinahahanap mo pa sa akin!" inis na wika ni Aiha. Hindi pa siya nakontento. Kinuha niya ang susi ni Weiss at nilapag niya ito sa tapat ng lalaki. "Ito po, Lord Weiss!" aniya.

Halatang nandiri ang amo niya kaya'y kinuha niya ang alkohol na nasa ibabaw ng kama ni Weiss. Binuksan niya ang takip nito at binuhusan niya ang susi.

"You are really insane, Aya!" inis na sabi nito kay Aiha.

Ngumiti lang si Aiha. "Binuhusan ko na ng alkohol para matanggal ang dumi ng susi mo na mula pa sa mga kamay ko. Baka kasi makaligo ka na naman ng hindi oras e!" sarkastikong sabi ng dalaga.

"You are-"

"Insane! I am insane, Lord Weiss! Baliw na talaga ako kaiisip bakit may taong tulad mo. Ngayon pa lang kita nakasama pero parang gusto ko na lang mag-alaga ng kahit na ilang hektarya ng kamotehan," aniya na may ngiti pa sa mga labi.

"Gusto mo hindi ka pa nagsisimula ay bibigyan na kita ng red card?" tanong ng amo niya.

Nasabihan na siya ng tiyahin niya tungkol sa red card. Ito ang magsisilbing minus points ng pagiging iskolar niya ng Andromeda. Limang piraso lamang red card ang maaari niyang matanggap mula kay Weiss. Kapag nakalima siya ay otomatikong tatanggalin siya bilang iskolar ng kompaniya.

"Sige! Bigyan mo ako ng isa, My Lord. Hindi naman ako natatakot dahil lang sa red card na iyan," wika niya.

"Sumasakit ang ulo ko sa iyo, Aya," reklamo ni Weiss.

Namula ang mukha ng kaniyang amo. Pansin ni Aiha na seryuso ang amo niya pero wala siyang pakialam sa lalaki. Sa halip na ikonsidera niya ang galit ng amo niya'y inalayan pa niya ito ng mapang-inis na ngiti.

"My Lord, kapag masakit ang ulo mo ay huwag kang mahiyang magtanong...kung ano ang rightmed nito!" asar niya pa sa lalaki.

"Fuck the hell! I'm getting crazy!" reklamo ni Weiss.

Tinawanan ni Aiha ang lalaki. "Ayaw mo noon? Baliw ako. Tapos baliw ka. Masaya iyon kapag dalawa na tayo! Ang boring kapag ako lang ang tinatawag mong baliw, Lord Weiss!" aniya.

Gumapang ang mga daliri ng lalaki patungo sa batok nito. Marahan nitong minasahe ang likod ng kaniyang ulo.

Mabuti nga para kay Weiss. Nakatagpo na nga siya ng isang taong katulad ni Aiha.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status