Share

Kabanata 3

MAGKAHALONG KABA at pananabik ang nararamdaman ni Aiha ngayon. Maaga siyang naligo at nag-ayos para naman ay maging prisentable siya kapag nakita siya ng kaniyang amo.

Hindi pa sumilip ang araw ay naka-abang na si Kanor sa tapat ng gate ni Sabel.

"Aiha, ang mga bilin ko sa iyo ay pakatandaan lagi. May tiwala ako sa iyo, Aiha. Alam ko na kakayanin mo kung ano man ang mga kahaharapin mo sa mansyon at sa buong Maynila!" anang Tiya Sabel niya.

Yumakap saglit si Aiha sa kaniyang tiya. "Iisipin ko po at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa wala ang malaking oportunidad na ito, Tiya Sabel. Maraming salamat po!" aniya.

"Sige na! Umalis na kayo ni Kanor. Baka naghihintay na ang amo mo. Gusto ka raw makapanayam no’n," anang Sabel.

Ngumiti si Aiha at kumuway na lamang bilang hudyat na siya'y aalis na.  Nang nakalabas na siya mula sa residensiya ng kaniyang tiya ay tinulungan na siya ni Kanor na ipasok sa van ang mga dala niyang gamit.

"Maraming salamat, Manong Kanor," ani Aiha nang maka-upo na siya sa tabi ni Kanor.

Kinabit ni Aiha ang seatbelt sa kaniyang katawan.

"Handa ka na ba makita sa personal ang crush mo?" natatawang tanong ni Kanor.

"Alam mo,  Manong Kanor,  ang aga pa para tuksuhin mo ako. Kinakabahan kaya ako na makita siya. Hindi lang naman basta-bastang tao ang lalaking iyon. Isa siyang successful at famous bachelor sa bansa at maging sa ibayo," ani Aiha na halos lagutan na siya ng hininga.

"Akala ko ba ikaw na ang makapagpabago sa kaniya? Nabahag na ba ang buntot ni Kaihannah Kaguran?" mapanuksong tanong ni Kanor.

Ngumiti si Aiha sa kaniyang tiya na nakatingin pa rin sa kaniya kahit na sinisimulan ng lumayo ang kanilang sasakyan mula sa gate nito. Lumingon si Aiha sa kaniyang kausap. "Hindi naman sa ganoon! Pinag-aralan ko kasi ang background niya kagabi. Medyo puyat nga ako dahil doon. Parang hirap niya baguhin, Manong," aniya.

Napatawa na lamang si Kanor at niliko niya ang manibela ng kotse pakanan. "Ang sabi ng mga tao sa mansyon ay mabait raw siya sa kanila," ani'to.

"T-Talaga, Manong?" tanong niya kay Kanor.

"Sa kanila," diing paalala ni Kanor.

"Bakit, Manong? Masungit ba siya sa iyo?" usisa ni Aiha.

"Hindi naman. Mabait din siya sa akin." May pagmamayabang sa boses ng ginoo.

Humalukipkip si Aiha at dumiretso na lang siya ng tingin sa unahan. "Ano ba ang totoo, Manong? Mabait ba siya o hindi?" Naiinis na siya sa kausap niya.

"Eneng, lahat ng tao ay mabait kapag mabait ka sa kaniya. Kung masungit ka ay kasungitan din ang isusukli sa iyo," anang Kanor. "Nakakita ka na ba ng taong bumili gamit ang bente pesos na sinuklian ng bato?"

"Ng bato, Manong, ay wala pa. Pero kendi, aba'y marami na akong nakita!" pilyang tugon ni Aiha.

Tumawa pa lalo ang lalaki dahil sa sinabi ni Aiha. Mabuti na lang at mabait sa kaniya si Kanor. Kahit papaano ay lumalakas ang loob niya na harapin ang buong Maynila. Kasi nga'y nakaakay sa kaniya ang Tiya Sabel niya at ang kaniyang bagong kaibigan na si Kanor.

Marahil walang mabigat na trapiko kasi'y maaga pa lamang ay agad na nakarating sina Aiha at Kanor sa mansyon.

Kinusot-kusot ni Aiha ang kaniyang mga mata nang makita ang dambuhalang mansyon ng kaniyang amo.

"W-Wow! Totoo ba itong nakikita ko, Manong?" hindi makapaniwalang wika niya.

"Tara na sa loob at hinihintay ka na ng iyong amo," anang Kanor at hindi na nito sinagot ang dalaga.

Palinga-linga si Aiha sa buong paligid. Akala niya ay sa mga pantaserye niya lamang makikita ang magaganda't nagdadambuhalang bahay.

Tumigil siya sa kaniyang pagnilay-nilay nang bumukas ang pintuan. Napalunok na lamang siya nang makita ang loob ng mansyon.

"Kamote!" aniya. "Para akong nasa mundo ng mga dugong-bughaw! Ang ganda-ganda naman ng mansyon ni Sir Weiss," aniya.

Lumapit sa kaniya ang isang katulong na halos ka-edad lang ng kaniyang Tiya Sabel. Nginitian siya nito.

"Ito na ba ang pamangkin ni Maria Isabel?" tanong nito't tumingin kay Kanor.

"Oo, Manang Belen," tugon ni Kanor.

"Napakagandang bata naman nito!" pagpuri ni Belen kay Aiha. "Ako si Belen, eneng. Matalik akong kaibigan ng iyong Tiya Sabel," pagpakilala nito.

Ngumiti si Aiha. "Ako naman po si Kaihannah. Aiha na lang po. Ikinagagalak kong makilala kayo, Aling Belen. Maraming salamat po sa oportunidad na ito," aniya.

"Walang anuman, Eneng," masayang sabi ni Belen. "Tama na itong pagpakikilala natin sa isa't isa. Kanina pa naghihintay ang iyong amo sa taas," anang Belen.

Napalunok na lamang si Aiha nang marinig ang wika ni Belen. Bigla siyang nilamon ng kaba. Pakiramdam niya'y kakapusan siya ng hininga dahil sa palpitasyong nararamdaman niya.

"H-Ho?" walang-malay niyang sabi.

"Ang sabi ko'y tara na sa taas," anang Belen.

Lumingon si Aiha sa kaniyang Manong Kanor. Tila ba tinatanong niya kung bakit hindi humakbang ang lalaki.

"Hindi ako puwedeng umakyat sa taas kapag walang utos mula kay Sir Weiss. Kaya mo 'yan, Aiha!" anang lalaki.

Tumango na lang si Aiha at tinuon na ang pansin sa kanilang paglalakad ni Belen.

Wala pa sila sa kalagitnaan ng hagdan ay nahingal na siya. Kahit napakalamig sa buong mansyon ay pinagpawisan siya.

"Paano niyo po natitiis umakyat-panaog sa hagdan na ito? Parang tulay na po ito patungong langit," aniya. "Kanina pa tayo akyat ng akyat," anas pa niya.

"Masasanay ka rin, Eneng," anang Belen.

Napahawak na lamang sa pader si Aiha nang makarating sila sa taas. Huminga siya ng malalim. Hindi na lamang kaba ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Namayani rin ang pagod niya. Ang aga-aga pero hingal na siya ng hingal.

"Mainam na kalmahin mo ang iyong sarili. Punasan mo ang iyong mga pawis baka mapagalitan ka ni Sir Weiss," payo ni Belen sa kaniya. "Sabihan mo ako kapag handa ka na at kakatok na ako," imporma nito.

"S-Sige po!" Muling huminga ng malalim si Aiha. "Sasamahan niyo po ako sa loob?" tanong niya kay Belen.

"Hindi na. Bababa na ako kapag nakapasok ka na. Dadalhin ko pa sa silid mo ang mga gamit mo," ani'to. "Ano? Handa ka na?"

"Para akong maiihi, Aling Belen," aniya.

"Naku! Ikaw talagang bata ka! Kaya mo iyan. Ikaw pa!" anang Belen at kinatok ang pinto ng silid ni Weiss. "Aalis na ako ha," paalam nito.

"Aling Belen-!"

"Come in," ani ng baritonong boses mula sa loob.

Pumikit na lamang si Aiha. Kinumkom niya ang kaniyang kaliwang palad gamit ang kanan. Inangat niya ang mga kamay niya't hinalikan niya ang kaniyang hinlalaki.

"Aba Po Santa Mariang Hari, Inang ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin. Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eva. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis....Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ang mga mata mong maawain, at saka kung matapos yaring pagpanaw sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen. Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo."

Sana dinggin ng Santa Maria ang kaniyang dalangin. Pakiwari niya kasi'y nanlulumo siya't binubura ng baritonong boses na iyon ang kaniyang pag-iral.

HINDI YATA siya narinig noong taong nasa likod ng pinto nitong silid niya.

"Come in," pangalawang beses niya na itong pag-imporma.

Wala pa ring responde mula sa taong kumatok. He stood up because of the annoyance he felt. Ayaw niyang pinaghihintay siya. Ayaw niya rin sa taong nagtataingang-kawali.

Hawak na niya ang doorknob at inikot niya ito. He pulled the door to his way. Nakita niya ang isang babae na halos hanggang balikat niya lang ang tangkad. Nasa ilalim ng mga labi nito ang mga kamay habang may kung anong binubulong.

"You are Miss Kaguran. Aren't you!?" aniya.

Naatras ang babae nang binuksan nito ang kaniyang mga mata. Naawang ang mga labi ng babae. He noticed how the woman was stunned.

"S-Sir Weiss!? I-Ikaw po ba talaga ito!?" hindi makapaniwalang tanong ng babae. 

Kumunot ang kaniyang noo nang humakbang papalapit sa kaniya ang babae. Halos maduling siya noong hinawakan ni Aiha ang magkabilang pisngi niya.

"W-Wait! Ouch! Fuck the hell! Take your hands off of me," aniya't pilit na tinatanggal ang mga daliri ni Aiha na pinisil ang kaniyang mukha.

Napasapo siya sa kaniyang magkabilang pisngi. Tumakbo siya papalapit sa kaniyang lamesa at agad siyang bumuhos ng alkohol sa kaniyang mga palad. Kinalat niya sa mga palad niya ang alkohol at agad niya itong pinahid sa kaniyang mga pisngi.

Bumalik siya sa babaeng nanatiling nakatayo habang nakatitig ito sa kaniya. Maiinis ba siya o matatakot sa babae? Para kasing may masamang plano si Aiha sa kaniya.

"Hey! Ikaw ba si Aiha!?" tanong niyang muli sa babae.

Naalimpungatan ang babae at ngumiti ito. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso. Napayuko kasi ang babae sabay sabit ng buhok nito sa kaniyang tainga. Shit! Why he felt like this?

"Stop smiling! Will you?" inis niyang sabi sa dalaga.

Tinikom ng babae ang bibig niya.

"Kanina pa kita tinatanong! Are you Miss Kaguran!?" muli niyang tanong sa babae.

Tumikhim ang babae sabay ngiti.

"Oo, Sir Weiss, ako po si Kaihannah Kaguran," aniya.

Sinamaan niya ng tingin ang babae. Hindi ba marunong makiramdam ang babae? Halata naman na ayaw niya rito pero nanatili pa rin ang ngiti sa mga labi nito.

Tinitigan niya ang babae mula paa hanggang sa ulo nito. She expected the worse. But what he saw was above standard. Akala niya kapag taga-probinsiya ay hindi na marunong pumili ng mga damit na nababagay sa kanila.

"Why you didn't greet me?" Tinaas niya ang kaniyang kabilang kilay.

"You hate greetings. Bago pa lang ako rito sa mansyon kaya susunod ako sa mga patakaran mo. Pasensiya na lang ho sa nagawa ko kanina. Hindi ko kasi naiwasan na mamangha. Akala ko hindi ko makikita sa personal ang crush ko!" ani'to.

Naramdaman ni Weiss paano tumalon-talon ang kaniyang puso dahil sa tuwa. Alam naman niya na maraming nagkakandarapa at nagkagugusto sa kaniya. Kaso, itong si Kaihannah lang ang matapang na nagsabing crush siya nito.

"I'm real. Obviously, you're not dreaming! Pumasok ka na," aniya.

"Maraming salamat po," anang dalaga. "Kamoteng-kahoy!" diing sambit ng dalaga nang makita ang ganda ng buong paligid ng silid ni Weiss.

Lihim na natawa si Weiss dahil sa reaksiyon ng dalaga. This woman has something in her. Alam naman ni Weiss na mula sa probinsiya ang dalaga kaso hindi niya ito magawang pandirian ng lubusan. Nalilito siya sa marapat niyang maramdaman tungkol sa babae. Gusto niyang mandiri pero hindi naman nakadidiri ang babae. Gusto niyang hindi mandiri pero ayaw niyang tapakan ang pride at standard niya.

"Sit-down," aniya.

Sumunod naman ang babae "Salamat," anang Aiha.  Nakatitig si Weiss sa puting kamisetang suot ng dalaga. Medyo manipis ang tela nito kaya naman halos makita niya ang balat ng babae sa dibdib nito. Napalunok lang si Weiss dahil sa nakita niya. Ang lulusog naman ng dyoga nitong si Aiha. Hindi na nga magawang tumitig sa ibang direksiyon si Weiss.

"Hindi na ako magpaliligoy-ligoy pa, Miss Kaguran. For sure that they already mentioned you about your job. Gusto ko lang ulitin na weekends lang ang pahinga mo. Pero kapag may duty ako on Saturday o hindi naman kaya ay may pupuntahan ako ay isasama kita. You have 10,000 pesos allowance weekly. Ang sahod mo naman sa pagtatrabaho dito sa kuwarto ko at sa opisina ay didiretso sa iyong bank account, your salary is 15,000 pesos. If you do your job better, dadagdagan natin ang sahod mo," aniya't inangat niya ang titig sa mukha ng babae.

Bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa. "T-Talaga po? Ang laking halaga po para sa akin ang magiging allowance at sahod ko!" masayang sabi ng dalaga.

Hindi alam ni Weiss kung nagbibiro ang dalaga. Para kasi sa kaniya ay barya lang ang mga halagang binanggit niya. Pero pansin niya na tuwang-tuwa si Aiha habang pinakikinggan siya nito.

"Really!? Malaking halaga na iyan para sa iyo?" tanong niya sa dalaga.

"O-Oo po!" halos maiyak na tugon ni Aiha.

"About your school... Since Fortalejo University is offering Entrepreneurship, you will school there. Ihahatid-sundo ka ni Mang Kanor. Ang schedule ng klase mo ay 5-9PM! Klaro!?" tanong niya sa babae.

Tumango ang babae. "Opo, S-Sir Weiss!" masayang sabi nito.

Kumunot ang kaniyang noo. Pakiramdam niya ay sobrang tanda niya para po-in ng dalaga.

"Cut the 'po!'" aniya. "H-Hindi pa ako matanda!" angal niya.

"Trenta ka na po, Sir Weiss! Dapat lang na i-po kita! Isa pa amo kita kaya dapat lang na respetuhin kita," paliwanag ng babae.

"Ayaw ko nga na i-po mo ako!"

"E ano'ng gusto mo? Babe? Honey?" biro ng babae.

Napapikit si Weiss dahil sa suhestiyon ni Aiha. "I'm not kidding," aniya.

"E ano nga ang gusto mo?"

"Lord... Address me Lord," aniya.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib nang humagalpak ng tawa ang babae.

"Hindi ka Diyos! Isa lang ang Diyos na pinaniniwalaan ko at tatawagin kong Lord!" natatawang sabi ni Aiha.

"Do you think I'm kidding!?" aniya.

Biglang natahimik ang babae nang sinabi niya ang linyang iyon. Nababanas na kasi siya sa ugali ni Aiha.

"S-Sorry, My Lord," anang Aiha.

"Masyado kang komportable na kausapin ako. Malayo ka sa totoong probinsyana!" aniya.

Huminga ng malalim si Aiha. Mabuti na lang dahil natauhan na ang babae.

"H-Hindi na mauulit," ani'to.

"Better not! Pinagbigyan lang kita dahil bago ka pa lang dito. Later,  I will not going to tolerate your manner!" seryuso niyang saad.

Nawala ang sigla sa mukha ng dalaga. Para itong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya rito.

"S-Sorry ulit, My Lord," anang Aiha.

Hindi siya umimik. "You can leave now. Tatawag lang ako sa baba kapag may kailangan ako," aniya at agad na inikot ang kaniyang swivel chair.

"Aalis na ako, My Lord," anang Aiha.

Sa halip na tumugon ay minabuti niyang hablutin ang kaniyang smartphone mula sa kaniyang bulsa.

He breathed heavily. He did not hate Aiha. It's just he couldn't fake his feelings regarding province people. Admittedly, he found Aiha beautiful but he must always remind himself about the dirt of a province.

"M-My Lord!?"

Lumingon siya sa babaeng nagsalita. Tumayo ang balahibo niya nang makita ang pawisang mukha ni Aiha. Kanina pa kasi ginagalaw ni Aiha ang inside knob pero hindi niya ito maikot.

Tumayo siya. Lumapit siya kay Aiha subalit iniiwasan niyang makatitig siya sa pawisang mukha ni Aiha. He really hate sweats.

"You just have to push the push botton twice before you do it like this," he explained while performing it. Umawang ang pintuan, senyales na bumukas na ito.

"Salamat," anang babae sabay hawak sa kaniyang pulsuhan.

Ramdam niya paano tumayo ng tuluyan ang bawat balahibo niya sa buong parte ng kaniyang katawan. Hinawakan kasi siya ni Aiha at dama niya ang malagkit na pawis mula sa palad ng dalaga.

"Take your sweaty hands away!" sigaw niya.

Binawi ni Aiha ang mga kamay at tinago ang mga ito sa ibabang bahagi ng kaniyang likod.

"S-Sorry, M-My Lord," anang babae.

"Leave!" pasigaw niyang sabi sabay turo sa pintuang naka-awang na.

Hindi na nagsalita ang babae. Nagmadali itong lumabas.

Sumakit ang ulo ni Weiss dahil sa ginawa ni Aiha. Agad niyang tinungo ang kaniyang swivel chair. Kinuha niya ang alkohol at binuhusan niya ang kaniyang pulsuhan n hinawakan ni Aiha. 

"She's so dirty!" iritado niyang sabi.

At saka lamang niya hininto ang pagbuhos ng alkohol sa kniyang balat nang makaramdam siya ng hapdi.

Napasabunot sa buhok niya si Weiss dahil hindi maalis sa isip niya ang ginawa ni Aiha. Kahit na hinugasan niya ang kaniyang balat gamit ang alkohol ay pakiramdam niya'y nakadikit pa rin sa balat niya ang pawis ng babae.

"Fuck the hell!" muktal niya at tumayo agad.

Hindi siya nakontento sa pag-hugas ng alkohol. Pinuntirya niya ang kaniyang bathroom para maligo. Ang sagwa-sagwa para sa kaniya ang madiktan ng pawis ng ibang tao. He felt depressed.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status