Share

Kabanata 5

ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro.

"Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha.

Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha.

"Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo.

Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo.

"I heard you," maikling sabi ng amo niya.

"Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya.

"Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya.

Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo.

"Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?"

Napailing na lang ang amo niya marahil sa winika ng matabil niyang dila. Kanina pa kasi siya nakatunganga kaya naman ay naghahanap siya ng paraan para hindi naman mapanis ang laway niya.

"Insane!" anas nito.

"Puro ka na lang 'insane!'"

"Can you please stop talking? May pinanonood akong cartoon!" anang amo niya.

Natatawa si Aiha nang narinig niya ang sinabi ng amo niya. Talaga bang nagsasabi ng totoo ang amo niya?

"Kamote ka! Totoo!?" Lumapit pa siya sa amo niya at sinilip niya ang monitor nito. Agad namang tiniklop ni Weiss ang kaniyang laptop.

"Ano ba!? Kindly mind your own business!" anas nito.

Umiling-iling si Aiha. Hindi siya makapaniwala sa nakita ng kaniyang mga mata. Mga kengkoy nga ang pinanonood ng amo niya.

"Bakit n*******d sila?" inosenteng tanong niya.

Tinitigan siya ng amo niya. "They are taking bath!" wika nito.

"Weh!?"

"Oo nga!" Namula ang pisngi ng amo niya. Halata na nagsisinungaling ito.

"Masamang magsinungaling! Bakit ka nanonood niyan? Hala ka! Patay ka! Minus sampu ka na sa langit," aniya.

"Chismosa! Pakialamera!" anas ng amo niya.

Parang bata ang amo niya. Hindi ito mapakali. Gusto niyang matawa sa accent ng amo niya habng sinasaad ang mga bansag nito sa kaniya.

"M*****g!" Tumayo si Aiha.

"Insane!" wika ng amo niya.

Sumulyap siya sa wall clock. Saglit na lang talaga ay mangyayari na ang unang klase niya. Ang problema ay wala pa siya sa campus. Nasa loob pa rin siya nitong kuwarto ng kaniyang amo na puno ng kasungitan at kaartehan.

"Makaalis na nga! Mamaya pa ay mahuli ako sa una kong klase," sabi niya.

"Walang maghahatid sa'yo. Umabsent ka na lang," wika ng amo niya.

Tumingin siya sa amo niya na nakatayo na. Pinapagpag ng lalaki ang balikat ng kaniyang damit kahit wala naman itong alikabok.

"Si Manong Kanor? Puwede niya akong ihatid."

"All the cars are in need to change tyres."

"Magco-commute ako," sabi ni Aiha.

Nakita niya paano gumulong ang mga bilog na bahagi ng mga mata ng amo niya.

"You're not allowed to go outside without my permission. You should stay," sabi ng amo niya sabay upo.

Lumapit siya kay Weiss at sinamaan niya ng titig ang lalaki. "Mag-aaral ako. Sa tingin ko ay hindi ko kailangan ang permisyon mo, Lord Weiss. Karapatan ko ang mag-aral. Tapos na ang trabaho ko, kaya naman ay puwede na akong umalis para mag aral," salaysay niya.

Pumikit ang amo niya ng ilang segundo bago muling binuksan ang talukap ng mga mata nito.

"Hindi ka nga puwedeng umalis," saad ng amo niya.

"Bakit hindi? Tapos na ako sa mga trabaho ko." Nakaramdam ng inis si Aiha. Hindi niya alam kung bakit siya pinipigilan ng amo niya. Wala naman siyang makitang matinong rason upang manatili pa.

"Basta," maikling tugon ng amo niya.

Bumuntong hininga si Aiha at lumunok. Gusto niyang tirisin ang amo niya. Kung hindi lamang imposible ay iisipin niyang tipo rin siya nitong si Weiss. Para kasing gusto siyang makasama nito palagi.

"Isa kang kilalang negosyante. Matalino ka. Guwapo. Matipuno ang katawan mo. Pero bakit may mga pagkakataon na wala kang kuwentang kausap?" Umiling si Aiha. "Isang tanong, isang sagot. Bakit ayaw mo akong umalis?"

"Dahil holiday ngayon. Special holiday ngayon sa Fortalejo University."

"Anong holiday?" usisa niya.

"Bakit ba palagi ka na lang nagtatanong. Hindi ba puwedeng sumunod ka na lang?"

"Hindi mo ako basta mapapasunod lalo na kapag hindi na iyon saklaw ng trabaho ko, Lord Weiss. May paninindigan ako na kapag tapos na ang trabaho ko ay hindi ko na gagawin ang mga bagay na hindi ko trabaho," katwiran ni Aiha.

"Then, do tell your paninindigan na hindi niya madadala sa akin ang katwiran na iyon," anang Weiss sabay ngiti.

"Holiday o hindi?" seryusong tanong ni Aiha.

"Oo. Holiday."

"Diskripsiyon ng holiday."

"Memorial day of my mom," sagot ng amo niya bago umalis.

"Pasensiya ka-"

"Leave my room," sabi ng amo niya sa malungkot na tono.

Marahan siyang huminga. Yumuko siya bago niya iniwan ang kaniyang amo.

Umiling siya nang nasa labas na siya ng silid ni Weiss. Minsan ay hindi rin nakadudulot ng maganda ang pagiging mausisa. Sana ay hindi niya na lang inusisa ang patungkol sa kung ano ang mayroon sa araw na ito.

MALUNGKOT ANG buong paligid. Kanina pa niya tinitiis ang malungkot na alaala niya kasama ang kaniyang ina. He even wonder why his family refused to remember this very special day. Sa halip na alalahanin ng kapatid niya ang araw na ito ay nagpakasal pa ang Kuya Nigoel niya sa ilang ulit ng pagkakataon.

Tumayo siya at agad niyang tinungo ang kabinet na puno ng mga alak. Binuksan niya ang pinto nito at hinila niya ang isang bote ng Alfonso.

Kung walang gustong alalahanin ang araw na ito ay siya na lang. Kung sabagay ay hindi kailanman tinurin ng mga Fortalejo na pamilya ang kaniyang ina. Isa lamang kabit, kirida at malas ang turin nila sa kaniyang ina.

Tumungo siya sa veranda ng kaniyang silid. Nang maratnan niya ang bahaging ito ay agad siyang tumitig sa langit. Gabi na. Madilim ang kalawakan. Kabaliktaran ito ng makulitaptap na siyudad.

"Mom, I miss you," sabi ni Weiss bago gumulong pababa ng kaniyang pisngi ang ilang butil ng mga luha.

Mahirap ang naging buhay niya noon. Ilang beses rin siyang humiling na sana ay hindi na lang sila niligtas ng ama niya. Sana hinayaan na lang sila ng ama niya noon kung nasaan man sila.

Hindi maganda ang naging karanasan ni Weiss noong siya ay bata pa lamang. Kahit na gusto niyang mag-laro ay hindi siya pinapayagan. Tanging pag-aaral lamang ang puwede niyang gawin. Sa murang edad ay ilang librong patungkol sa economics at pagnenegosyo ang natapos niya.

Mabuti pa nga si Nigoel at Lambert. Kahit ano ang ginagawa nila ay hinahayaan lamang sila ng kaniyang stepmom.

Kinukulong nila noon sa iyang madilim na kuwarto ang ina ni Weiss. Tanda niya pa paano pinahirapan ng kaniyang stepmom ang kawawa niyang ina. Gusto niyang iligtas ang ina niya, subalit wala siyang magawa kun'di tiisin ang lahat-lahat.

"Lord Weiss," anang boses mula sa kaniyang likuran.

Madali niyang pinunasan ang kaniyang mga mata. Lumingon siya sa babaeng nakasuot ng kamison na kulay pula.

"I didn't call you. Tapos na ang trabaho mo. Bakit nandito ka?"

Tumikhim ang babae at humakbang ito papalapit sa kaniya. Napapikit si Weiss nang malanghap niya ang preskong amoy ng babae. Bagong ligo pa lamang ito kaya'y preskong-presko ang dalaga. Sa alindog ni Aiha ay hindi niya masasabing probinsiyana ito sa unang sulyap.

"Inisip lamang kita. Pinababa ka raw ni Aling Belen subalit ayaw mo. I just want to check up how are you doing," may simpatiyang sabi ng babae.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Weiss. Si Aiha lang ang tanong nag-tanong sa kaniya kung kumusta na siya. This woman was thoughtful.

"I'm good. I'm doing fine. M-Malungkot lang ako. Namimiss ko ang mom ko," bigla niyang kuwento sa babae.

Tumabi sa kaniya ang babae kaya naman ay mas naamoy niya pa ang halimuyak na nagmumula sa buong katawan ng babae. Naglalaban ang halimuyak ng pabango, shampoo at body soap na ginamit ng babae. Napakalma ng amoy ni Aiha ang kaisipan at damdamin niya.

"Pasensiya ka na kanina. Naging makasarili ako. Hindi ko man lang naisip na baka may masidhing rason ka bakit mo ako pinipigilan," wika ni Aiha.

"Aya, obligasyon kong ipaalam sa iyo na walang pasok."

Nakita niyang ngumiti ang babae. That smile melt his heart.

"Aiha po," koreksiyon ni Aiha sa kaniya.

"Ayaw kong pati pangalan mo ay pagtatalunan pa natin. Hayaan mo akong tawagin kang Aya. I'm your lord afterall. I will address you whatever I want."

"Diyan ako dehado, Lord Weiss. Ikaw ang diyos at alagad mo lang ako. Hahayaan na lang kita na tawagin ako sa kahit na anong gusto mo," pilyang sabi ni Aiha. "Puwede mo rin naman akong tawaging Baby, Mahal, Love at kahit na ano pang endearment na gusto mo," dagdag niya pa.

Napailing si Weiss at niliko ang kaniyang mukha upang makubli na siya'y namumula dahil sa mga hirit ni Aiha.

Unang araw pa lang pero pakiramdam niya ay tinamaan na siya sa probinsiyang nasa tabi niya.

"H'wag mo akong kausapin na parang ka-lebel mo ako, Aya," aniya. "Here. Drink this," aniya at inabutan ng tagay si Aiha.

Napatitig lamang si Aiha sa goblet na may lamang alak. Alam ni Weiss na hindi nagustuhan ni Aiha ang amoy ng alak na inabot niya.

"B-Baka mapait," sabi ni Aiha. "H-Hindi. A-Ayaw ko. Magalit si Mamang kapag nalaman niyang umiinom-inom ako rito," nauutal na pagrason ni Aiha.

"Come on, Aya. Drink it. Hindi ba at pumasok ka rito ng walang pahintulot mula sa akin? This is your punishment," aniya.

Nanlaki ang kaniyang mga mata. Agad na kinuha ni Aiha ang goblet at tinungga niya ito ng agaran. Nilagok niya ang laman ng goblet na hawak niya. Wala siyang tinira kahit na isang patak.

Napangiwi si Aiha at nawala sa ayos ang ekspresiyon ng kaniyang mukha dahil sa pait ng alak na pinainom ni Weiss sa kaniya.

"K-Kamote ka! Ang pait!" reklamo ni Aiha. Binalik ng babae ang goblet.

"Mapait talaga ang alak kapag wala kang problema o hindi naman kaya ay hindi ka malungkot," paliwanag niya sa babae. "Pero kapag malungkot ka at may problema ka, ang tamis ng alak. Sa tamis nito ay parang gusto mong lunurin ang sarili mo nang sa ganoon ay lamunin ng tamis ang buong sistema mo," dagdag niya pa.

Humawak sa nakahigang rehas si Aiha at tumingin ito sa kaniya. Namumula na ang pisngi ng babae.

"Bakit ka ba malungkot? Sinosolo mo kasi ang lungkot ngayong memorial day ng nanay niyo nila Sir Nigoel. You can actually call them and share the sadness with them," sabi ng babae.

"My mom," maikli niyang tugon.

"Ha? Your mom? Pati s nnay ang selfish mo, Lord Weiss. Ayaw mong ipananay ang mga kapatid mo sa nanay niyo. Bad iyon oy!"

Tumikhim siya habang nilagyan niya ng alak ang goblet. Ang bango ng alak para sa kaniya. Pakiramdam niya ay amoy tsokolate ito. Nilagok niya ang laman ng alak. Napaisip siya sa nangyari sa kaniya. Bigla na lamang siyang kumukuwento sa isang taong ngayon niya lang nakita.

"Oo. My mom. Iba ang nanay ko s nanay ni Kuya at Lambert. M-My mom is a mistress," aniya.

"W-What? S-So a-anak ka s-sa---"

"Oo. Anak ako sa labas. Illegitimate. Bunga ng pagkakamali. Kirida ng ama namin ang mom ko. Sana huwag mo itong ikukuwento sa iba. Hindi ito alam ng kahit na sino. Maging si Cleint na matalik kong kaibigan ay hindi rin alam ang bagay na ito. Sa iyo ko lang ito sinabi. I'm not sure if you are trustworthy, Aya. Nasa sa'yo na ito kung sasabihin mo sa iba," aniya sa babae. "But I hope that, as long as you can hold your tongue, do it," paalala niya sa kausap.

Muli niyang inabutan ng tagay si Aiha. Walang satsat na tinanggap ni Aiha ang tagay at nilagok ang lamang ng goblet.

"Kawawa ka naman," sabi ng babae.

"I am. To be honest, I'm tired of extending pity for myself, Aya. No one knows that I am in extreme grieving. Walang nakararamdam sa akin. Wala-"

"Mayroon," putol ng babae sa kaniyang sabi. "Naiintindihan kita, Lord Weiss. Hindi ka naman mahirap maintindihan. Oo, metikuluso ka, masungit at mapagmataas. Pero hindi ka mahirap intindihin at maramdaman. Kaya nga ako nandito ngayon kasi naramdaman ko ang lungkot na nasa puso mo," saad ng babae. "Hayaan mo at sa ating dalawa lang kung ano ang kinuwento mo sa akin ngayon. Maaasahan mo ako, My Lord," dagdag pa ng babae.

Sumulyap siya sa babae. Ang mga matang maningning ay nakatitig sa kaniya. Ang mga labing gumuhit ng ngiting may simpatiya ay nakahilera sa kaniyang harapan ngayon. Dama niya ang simpleng pagdamay sa kaniya ng babae. He appreciated the innocent woman who was with him right now... right this moment during his grief.

"Lasing ka lang. I know you hate me to death. Baka nga hindi mo na ako crush dahil sa ugali ko," natatawa niyang sabi.

Mas namula ang babae dahil binanggit niya ang tungkol sa pagkakaroon ng paghanga ni Aiha sa kaniya.

"H-Hindi ah!" anang Aiha.

"Hindi mo na ako crush?" direktang tanong niya sa babae

Hindi mapakali ang babae dahil sa tanong niya. Iniwas din ni Aiha ang titig nito sa kaniya.

"C-Crush pa. K-Kahit metikuluso ka, masungit at medyo bastos ay hindi pa rin nawala ang paghanga ko sa'yo," pag-amin ni Aiha. Hindi talaga marunong magsinungaling ang mga lasing.

"You're insane," aniya.

"Hindi ba ako maganda?" biglang tanong ng babae sa kaniya.

Umiling-iling ang babae. Mahigpit na rin ang kapit niya sa rehas. Maging ang pagbukas ng talukap ng mga mata ay pinipilit na lamang nito. Lasing na lasing na ang dalaga.

"Lasing ka na nga talaga," aniya.

"Bakit hindi mo masagot? Aminin mo na kasi na maganda ako. Maganda ako ano?" ulit na tanong ni Aiha sa kaniya.

"Ngayon ka lang ba nakainom? Naka-tatlong tagay ka pa lang pero lasing na lasing ka na." Kahit na halata ay inusisa niya pa rin ito.

"Oo. Ngayon lang ako nakainom ng alak," sagot ng babae.

Lumapit ang babae. Nawalan ng balanse ang babae kaya naman ay natumba ito. Mabuti na lang dahil sa kaniyang direksyon napunta ang katawan ng babae. Mabilis niyang inahon ang babae.

"Aya? Hey! Don't sleep." Ginagalaw niya ang babae subalit walang responde mula rito.

Nilapag niya sa sahig ang bote ng Alfonso at goblet na hawak niya. Nahirapan siya sa ginawa dahil nakasandal sa kaniya ang babae. Nang nakaahon na siya ay maigi niyang binuhat si Aiha.

"Hindi ba ako maganda? Sabi naman ng mga tao sa probinsiya napakaganda ko raw. B-Baka may problema sa mga mata mo?" lasing na tanong ni Aiha.

Nanatili siyang nakatitig sa maamong mukha ng babae. Tumigil siya sa paghakbang. Ngumiti siya nang makita niya paano bumusangot ang babae.

"Hindi ka lang maganda, Aya. You are so beautiful," aniya bago tuluyang dinala sa kaniyang kuwarto ang babae.

"H-Huwag mo akong iwan dito. D-Dito ka lang s-sa tabi ko."

Nais niyang bawiin ang kamay niya mula sa pagkakakulong nito sa mga daliri ng babae pero hindi niya ito magawa. Nagugustuhan niya ang sensasyon na dulot ng paghawak ni Aiha sa kaniyang mga kamay. Ngayon niya lang naramdaman na espesyal siya at hindi siya nag-iisa. At si Aiha lang ang nakapagparamdam nito sa kaniya sa unang araw pa lang nilang nagsama.

"I will not leave you, Aya," aniya.

Umupo siya sa tabi ni Aiha at sumandal sa uluhan ng kaniyang kama. Sinulyapan niya ang mukha ng babae. Saglit na ngumiti ang babae kaya naman ay napangiti na rin siya. Nakakahawa kasi ang ngiti ng babae.

He shook his head when he caught himself smiling while being amused on the most beautiful view he was staring at.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status