IN A beautiful and historic land of Spain, many churches stood wonderfully that mesmerized hearts and satisfies the eyes of people. The land has a lot to offer; love, acceptance and hope. Kaya siguro naisipan ng kaniyang kapatid na pakasalan ang napangasawa nitong si Mina rito sa Basilica of Santa Maria del Mar. According to the advertisement he had read, 'located in the district of La Ribera, in the center of Barcelona and widely considered culturally interesting, this basilica is from the XIVth century and is notable thanks to its gothic Catalan style. The building has a robust feel and its facade stands out thanks to its octogonal towers. On the inside of the church there are three naves, very high ceilings and narrow windows that give it a unique charm.'
Sabi ng kapatid niya ay gusto niyang iparamdam kay Mina ang pagmamahal na walang-humpay at walang-katulad. Minsan natatawa na lang ang lalaki sa mga turan ng kaniyang kapatid. Weiss didn't expect his brother to recover from his saddest past. It was so funny for him when he heard how his older brother uttered romantic words during its exchange of vows with Mina. Umiiyak pa ang kapatid niya kanina habang hawak-hawak ang kamay ng babae. Ang cringe lang para kay Weiss makarinig ng mga ganoon.He was standing in front of the church with his red cane and luxurious suit that was perfectly matched with his shiny shoes. While the head of the snake above the back of his palm was tattooed perfectly. Ang kaniyang mga mata na kulay asul ang siyang nagpatingkad ng kaniyang labis na kaguwapuhan. He was like a god that was sent from above. His broad shoulders and athletic body said it all. Wala ka ng hahanapin pa sa isang Lorden Weiss Fortalejo. But despite that perfect attribute lies his unapproachable manner. He seldom talks, he doesn't accept greetings from anyone unless from his family, friends and business partners and he doesn't care about people's emotions. He better care about a point of dust that touched his skin, ikamamatay niya siguro kapag nadapuan siya ng putik."Congratulations," aniya sa kaniyang kapatid at sa kaniyang sister-in-law. "I wish you both a wonderful marriage and a bountiful life. Just please don't make too much babies," natatawa niya pang sabi."You're bad! Ayaw mo ba na marami kang pamangkin para kahit na wala kang anak ay hihiram ka sa akin. My children are wonderful, Weiss!" pagmamayabang ng kaniyang kapatid."I don't like children! They will just bring dirt inside my shimmering home," aniya.Napa-iling na lang si Mina. "Enough for that. Maraming salamat, Weiss. I am also wishing for your beautiful and shimmering life in the Philippines. Good luck," ani Mina.Napangiwi na lamang si Weiss. "I heard the place has a lot of dirt. Sana naman ay hindi masyado magiging rainy season kapag nandoon na ako." Tumayo ang balahibo niya habang iniimahe ang putik na tumama noon sa kaniyang pulsuhan.He did visit Philippines before. Ilang taon na ang lumipas pero tanda niya pa rin ang nakaw niyang pagpunta sa Pilipinas. Nagtampo siya noon sa kapatid nilang si Lambert kaya'y nagliwaliw siya sa Pilipinas. He was very disappointed because of the dirt that touched his wrist. Kung hindi lang mapilit ang kaniyang kapatid ay hindi niya tatanggapin ang offer. He was also sure that she crossed paths with Mina before. Sa loob iyon ng mall kung hindi niya nagkamali."Palagiin mo ang pagiging ganiyan mo para tumanda ka mag-isa!" natatawang payo ng kuya niya."I thought you will let me borrow your children," aniya sabay kindat."You hate children.""Yeah! I do! But when I get old, your children will never be kids anymore. They are grown-up at that stage. So, no dirt to bring!" He winked."Get lost before you totally ruined my day!" anang kapatid niya.Tumawa ang Matandang Fortalejo mula sa kanilang likuran kaya'y tumingin sila sa gawi nito. Iba na ang pustura ni Senior Fortalejo. Masyado na siyang matanda. Kaya rin napilitan si Weiss tanggapin ang alok ng kapatid niya noong nakaraang taon dahil nagmaka-awa si Nigoel. Sabi kasi ng Abuelo nila na kapag walang tatanggap ng posisyon ay mainam na magbigti ito sa opisina na gustong iwan ng mga apo niya."Hurry up! Hinihintay ka na ng Andromeda, Weiss," anang matanda.Ngumiti si Weiss at yumakap ito sa matanda. Yumakap rin siya kay Mina. Sinunod niyang yakapin ang kaniyang kapatid."I really have to go. Take care and do not mind my jokes. Alagaan mo ang pamilya at si Abuelo. Ikaw na rin bahala sa kapatid nating si Lambert," aniya.Apat na beses tinapik ng kapatid niya ang kaniyang likod. "Wish you all the well, Weiss. You are a grown-up man now. Salamat dahil uuwian mo na ang tahanan natin, Ang Andromeda," anang kapatid niya.Humiwalay si Weiss sa kaniyang kapatid at huminga siya ng malalim. "This is not good bye. I will see you all again. Hindi na ako aattend ng party niyo kasi baka mahuli ako sa flight ko. Nakapapagod din kasi mag-rebooking," aniya."How about the gift?" pabirong tanong ng kaniyang kapatid."Kaya wala si Lambert dahil pinahanda ko sa kaniya ang mga regalo ko. Mula Italy at France ang mga regalo ko. Iyong kama naman ay gawa pa ng isang legendary bedmaker. Kaya dahandahanin niyo iyon," aniya."Go now, Weiss. Mahal ka namin!" anang Abuelo nila."Adios!" paalam niya sa kanila at tumalikod na.He breathed heavily. Hindi madali para sa kaniya na iwan ang lupang kinalakihan niya. España ang lugar na bumuo sa pagkatao ng isang Lorden Weiss Fortalejo. Ilang patak ng luha ang tumama sa semento habang siya'y naglalakad paalis mula sa kinatatayuan ng pamilya niya.It was a heartache for him. But his heart would be more aching if he disappoints the old man.ISANG MALAKING basket na lang ng kamote ang hindi pa nahahakot ni Aiha papunta sa kubo na tinambakan nila ng mga halamang-ugat. Dalawang-taon lang ang tinapos niya sa kolehiyo kaya'y hindi siya napalad na magkaroon ng matinong trabaho. Sumubok na rin siyang mag-abroad. Mas lumugmok lang ang pamilya nila dahil niloko siya ng agency na kuno ay tutulong sa kaniya.Napa-upo sa gitna ng kamotehan si Aiha dahil sa pagod. Malayo ang kubo kaya'y bilad na bilad siya sa araw. Siya lang ang tumutulong sa kaniyang mga magulang dahil wala siyang kapatid. Mag-isa lamang siya't hindi niya kayang tingnan na nagbibilad sa araw ang kaniyang mga magulang habang siya ay nasa loob lang ng bahay at nagbubuhay-prinsesa.Tinanggal niya ang kaniyang pandong at pinunas niya ito sa kaniyang pawisang mukha at likod."Aiha!"Lumingon siya sa taong tumawag sa kaniya.Nakita niyang papalapit sa kaniya ang kaniyang ina na may dalang sobre. Halos madapa ang ginang dahil sa pagmamadali nito.Tumayo si Aiha at sinalubong na niya ang kaniyang ina. Huminga ng malalim ang kaniyang ina habang nakatukod ang kanang kamay nito sa tuhod. Napagod ang ginang katatakbo mula sa paanan ng bundok paakyat sa kamotehan nila."Bakit ba kasi kayo tumakbo, Mamang? Ano ba ang balita't parang hindi kayo makapaghintay na makababa ako!?""Aiha, Anak, may offer na scholarship ang Andromeda! Sabi ng tiyahin mo ay naka-usap niya ang kaibigan niya na katulong sa bahay ng mga Fortalejo!" Halos hindi huminga ang ginang dahil sabik na sabik siyang ibalita kay Aiha ang nasagap niya."O ano naman po? Ayaw ko na po mag-aral, Mamang! Gusto ko na makapag-trabaho para makapagpahinga na kayo ni Papang sa pagtatrabaho niyo. Kung mag-aaral ako sa Maynila ay daragdag na naman ako sa gastusin natin. P-Problemahin pa natin ang pamasahe ko mula rito hanggang sa Malandag, tapos mula Malandag patungong Davao, may ticket pa na kailangang asikasuhin at ibang requirements palipad 'tungong Maynila, Mamang! Hindi pa kabilang doon ang renta sa bahay, tubig, kuriyente at pamasahe ko pa araw-araw." Umupo si Aiha sa ibabaw ng tinumpok na mga tangkay ng kamote. "K-Kung ang kapalit ng pag-aaral na iyan ay maghihirap kayo rito sa bukid ay mas mainam na ang gagastusin natin ay ipangbili na lang natin ng medisina para sa maisan ni Papang. Baka hindi po talaga para sa akin ang pag-aaral, Mamang!" Kaniyang pinutul-putol ang talbos ng kamote na hawak niya. "Isa pa, bente singko na po ako! Masyado na akong matanda para mag-aral," dagdag pa niya.Umupo sa tabi niya ang kaniyang ina at inakbayan siya nito. "Aiha, anak, hindi hadlang ang edad para tumigil sa mga pangarap. Hindi ka rin naman makapagtatrabaho sa trabahong gusto mo kung tulad ka rin sa amin ng Papang mo na walang-pinag-aralan. Tingnan mo ang buhay natin, mula noong bata ka pa, kung hindi mais ay kamote ang sumasalo sa atin mula sa gutom sa tuwing wala tayong bigas na masasaing. Kaya, Aiha, tulungan mo ang sarili mo at huwag mo isipin ang kahirapan natin sa panandaliang panahon. Masyado pang mahaba ang bukas, anak, at hindi rin kami mananatili ng Papang mo sa tabi mo habang-buhay," anang ginang.Tumulo ang luha ni Aiha dahil sa turan ng kaniyang ina. Kahinaan niyang makarinig ng mga salitang ganoon mula sa kaniyang mga magulang."Mamang, naman. Ayaw ko lang naman kayong mamroblema ni Papang e," aniya sabay punas sa kaniyang mga luha."Wala naman tayong dapat problemahin, Aiha. Sagot na ng kompanya ang gastusin. Ang hinihintay na lamang nila ay ang responde mo. Masuwerte ka nga dahil kakilala ng Tiya Sabel mo ang katulong sa mansyon ng mga Fortalejo. Hindi rin naman mahirap ang pag-aaral mo, Aiha. Sabi ni Sabel, baka puwede na ipagpatuloy mo ang kurso na nasimulan mo rito. Gabi ang pasok mo. Ang kailangan mo lang gawin ay linisin ang opisina ng CEO tuwing lunes hanggang sabado. Opisina lang ng may-ari ang lilinisin mo. At sa mansyon ka titira, Aiha. Minsan lang dumating ang ganitong oportunidad, Aiha. Kaya kung ako sa iyo ay tiisin mo ang lungkot at huwag mo kaming isipin ng Papang mo.""Mamang, wala na pong tutulong sa inyo sa bukid kapag aalis ako," aniya.Kinabig ng ginang ang ulo ni Aiha at pinasandal niya ang anak sa balikat niya."Huwag mo kaming alalahanin ng Papang mo. Isipin mo na lang na kapag may sahod ka sa paglilinis ng opisina ng CEO ng Andromeda at bibigyan ka ng allowance ay matutulungan mo kami ng Papang mo. Makabibili tayo mga pertilayser at ibang kagamitan na magagamit namin ng Papang mo sa bukid."Tumango si Aiha. "Basta kapag nasa Maynila ako ay palagi kayong tatawag sa akin, 'Mang, ha!" ani na lamang ni Aiha."Oo naman, Aiha. Ano pumapayag ka na ba?"Tumango si Aiha. "Para po sa inyo ni Papang, Mamang, papayag po ako.""O sige! Mamaya ay tatawag ako kay Tiya Sabel mo at sasabihan ko siya na pumapayag ka!" masayang sabi ng kaniyang ina. "Tulungan na kita humakot ng kamote total tapos na rin ako magpa-inom ng mga kambing!""Sige po!" aniyaTumayo silang mag-ina at sinimulan na nila ang humakot ng mga kamote patungo sa kubo.Nang matapos ay nauna ang ina ni Aiha bumaba ng bundok. Nag-paiwan siya sa tuktok ng bukid. Pumunta siya sa ilalim ng malaking puno ng bayabas at agad siyang kumuha ng isang bunga nito.Hindi niya man alam kung ano ang buhay na nag-hihintay sa kaniya sa Maynila ay susubukan niya pa ring makipagsapalaran doon. Para ito sa kaniyang mga magulang. Gagawin ni Aiha ang lahat mailagay niya lang sa ayos ang buhay ng mga magulang niya."Sana naman mabait ang amo ko roon," aniya't binato ang kalahati ng bayabas sa gubat.Sinimulan na ni Aiha tahakin ang daan pababa ng bundok. Isa lang ang hinihiling niya sa langit. Sana, halintulad sa tangkay ng kamote, ang pag-asang ito ay lumago nang lumago.NAKATANAW SA niyugan ang dalaga habang nakasandal siya sa bangkong dinikit sa ding-ding. Nasa tabi niya ang isang puting tasa na may lamang kapeng-barako na binayo mismo ng kaniyang ina at sinala upang maiwan ang malalaking butil na hindi na kayang dugmukin pa. Inabot niya ang tainga ng tasa at sumimsim siya ng kape. Kahit na mayroong magaspang na teksturang nararamdaman ang kaniyang dila at gilagid ay talaga namang kay sarap ng kapeng-barako.Madilim na ang kapaligiran. Nag-iingay na ang mga palakang-bukid na para bang sinusunog ang kanilang tahanan kaya sila humihingi ng saklolo. Malungkot na inangat ni Aiha ang kaniyang sulyap sa taong tumabi sa kaniya. "Papang?" aniya. Huminga ng malalim ang kaniyang Papang at suminghot ito. "Umayos ka roon, Aiha. Tumatanda na kami ng Mamang mo. Ikaw lang ang pag-asang pinanghahawakan namin. Pares kaming hindi nakapag-eskuwela ng iyong Mamang. Alam ko naman na ilang beses mo na ring narinig paano kami maliitin ng mga tiyuhin at ibang tiyahin mo
NAAWANG ANG kaniyang mga labi habang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa kaniyang natunghayan. Mula pa sa Davao hanggang ngayong nasa Maynila na siya ay hindi niya maiwasang sambahin ang matatayog na mga gusali. "Ito na ba ang Maynila?" tanong niya. "Oo, Miss Aiha! Nandito na po tayo sa Maynila!" Kanina pa niya ito naririnig mula sa kasama niya. Hanggang ngayong nagt-taxi sila papunta sa bahay ng kaniyang tiyahin ay iisa lang ang tanong niya. 'Ito na ba ang Maynila?' Ilang milya na rin ang layo nila mula sa airport subalit parehong tanong pa rin ang binubungat ng kaniyang bibig. "Kurutin mo nga ho ako, manong!" utos niya pa sa sundo niya. Tumingin sa kaniyang gawi ang ginoo at napailing na lang ito. "Miss Aiha, kahit na hindi po kita kurutin. Totoo po ang nakikita mo! Nasa Maynila na tayo," anang ginoo. Tumigil ang kaniyang sulyap sa isang matayog at napakalaking gusali. Bagay na bagay sa gusali ang pangalang nakaukit sa taas na bahagi nito. Mabuti na lang at medyo traffic
MAGKAHALONG KABA at pananabik ang nararamdaman ni Aiha ngayon. Maaga siyang naligo at nag-ayos para naman ay maging prisentable siya kapag nakita siya ng kaniyang amo. Hindi pa sumilip ang araw ay naka-abang na si Kanor sa tapat ng gate ni Sabel. "Aiha, ang mga bilin ko sa iyo ay pakatandaan lagi. May tiwala ako sa iyo, Aiha. Alam ko na kakayanin mo kung ano man ang mga kahaharapin mo sa mansyon at sa buong Maynila!" anang Tiya Sabel niya. Yumakap saglit si Aiha sa kaniyang tiya. "Iisipin ko po at hindi ko hahayaan na mapunta lang sa wala ang malaking oportunidad na ito, Tiya Sabel. Maraming salamat po!" aniya. "Sige na! Umalis na kayo ni Kanor. Baka naghihintay na ang amo mo. Gusto ka raw makapanayam no’n," anang Sabel. Ngumiti si Aiha at kumuway na lamang bilang hudyat na siya'y aalis na. Nang nakalabas na siya mula sa residensiya ng kaniyang tiya ay tinulungan na siya ni Kanor na ipasok sa van ang mga dala niyang gamit. "Maraming salamat, Manong Kanor," ani Aiha nang maka-up
SINARADO NIYA ang pintuan at nanatili lamang siyang nakatayo pasandal sa pinto. Lubos ang kaniyang hiya marahil sa mga sinabi ng amo niya. Hindi niya alam kung bakit galit na galit ang amo niya. Nagpasalamat lang naman siya kanina. Huminga siya ng malalim bago niya tinungo ang higaan niya. Niligaw niya ang tingin niya sa buong paligid. Sa bango at linis ng silid ay hindi mo aakalain na tulugan ito ng isang working student. Naisipan niyang tawagan ang kaniyang mga magulang. Kinuha niya ang kaniyang lumang keypad phone at dinial niya ang numero ng kaniyang Mamang Kanda. "Eneng! Kumusta na? Nandiyan ka na ba sa mansyon?" agad na tanong ng Mamang niya kay Aiha. "Oo, Mamang! Nandito na po ako sa mansyon," tugon nito. Inabot niya ang unan at at niyakap niya ito sabay higa patakilid. "Kumusta naman ang mansyon, Aiha!? Kumusta ang pakitungo nila sa iyo?" tanong ng kaniyang Mamang. "Okay naman ang mansyon. Pati ang mga butlers at mga katulong. Mababait sila. Ang problema lang ay ang amo
ANG BILIS ng oras. Napatitig si Aiha sa kaniyang cellphone at nakita niya na ilang minuto na lamang at dadako na sa Alas Quattro. "Lord Weiss, akala ko ba aalis ka? Kanina pa natin nakita ang susi ng kotse mo. Tapos na rin po ako sa paglilinis ng kuwarto mo," anang Aiha. Parang walang narinig ang lalaking abala sa pagtutok sa screen ng laptop nito. Umirap na lang si Aiha. "Guwapo sana, kaso bingi," pamimintas niya sa kaniyang amo. Inangat ng lalaki ang titig nito sa kaniya. Biglang kinabahan si Aiha marahil sa titig na iyon ng kaniyang amo. "I heard you," maikling sabi ng amo niya. "Iyon naman pala, Lord Weiss. Bakit hindi ka sumasagot?" usisa niya. "Friends ba tayo? Belong ka ba sa family ko?" pambarang tanong ng amo niya. Ngumiti si Aiha at nilakasan niya ang loob niya para titigan sa mga mata ang kaniyang amo. Isang malagkit at mapagnasang titig ang binato niya sa kaniyang amo. "Hindi. Pero malay mo, ako pala ang future wife mo!?" Napailing na lang ang amo niya marahil sa
UMUNAT SI Aiha. Minulat niya ang kaniyang mga mata. Umahon siya bigla at inayos ang kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim nang natauhan siya. Wala siya sa kaniyang silid. Nasa silid siya ng kaniyang amo."Kamote ka, Aiha!" anas niya. "Kapag malaman ito ng Mamang mo ay patay ka talaga. Bakit ka nakipag-inuman sa amo mo?" wika niyang mag-isa sa loob ng silid ng amo niya. Napakamot siya sa kaniyang ulo nang bigla siyang nakarinig ng pagkatok. Humakbang siya ng may pagdadalawang-isip papunta sa pintuan. Muling kumatok ang tao sa labas ng silid ni Weiss. "What the heck are you doing, Weiss!? Buksan mo ang pintuan! Bullshit, P're!" sigaw ng lalaki mula sa labas.Inisip niyang baka kaaway ng amo niya ang lalaki sa labas. Sa halip na buksan ang pintuan ay tumungo s'ya sa banyo. Kumatok siya ng kumatok. "Aya, is that you!?" pasigaw na tanong ng amo niya. "Oo, Lord Weiss.""Buti naman at gising ka na. Akala ko wala ka ng planong gumising pa," supladong sabi ng amo niya. "By the way, what
TUWANG-TUWA si Aiha papasok sa mansion. Maya't maya kasi ay papasok na siya sa paaralan. Matagal-tagal na panahon na rin kasi ang lumipas noong huli niyang pagtapak sa paaralan. Panibagong yugto na rin ito ng kaniyang buhay. May makikilala siyang mga bagong tao na tiyak ay magiging kaibigan niya. "Aiha, nag-away na naman kayo?" tanong ni Aling Belen. "Hinahanap ka niyan kanina. Tapos pagdating niya ay galit na galit siya. Parang may sanib ng demonyo. Nagtago nga ang iba kanina dahil baka mapagbuntungan ng galit niya. Ano ba kasi ang nangyari?" usisa pa ng ginang. Huminga ng malalim si Aiha. Pakiwari niya ay wala naman talaga siyang ginawa sa amo niya. Sinabihan niya lang ito kanina na kung ayaw niya sa palengke edi umalis na siya."Pinilit niya akong mag-mall, Manang. Tapos nandiri pa siya sa palengke kanina. Sumuka siya ng sumuka dahil nakita niya ang sitwasyon ng mga trabahante roon. Nakakainis siya. Kung gusto niya sa malinis edi doon siya sa malinis. Ayaw ko sa mga metikuluso.
NAWALA SA isip niya ang mga tao sa paligid. Alam niya naman na nagtatawanan sila dahil ito ang unang araw ng pasukan. Tulad ng pinlano ay pinagpatuloy ni Aiha ang kurso niyang may kaugnayan sa Entrepreneurship. Nakaupo siya sa unahan. Simula kasi noong elementarya siya ay gustung-gusto niya ang pag-upo sa harap. Mas marami kasi siyang natututuhan kumpara kung sa likod siya umuupo. Bukod dito ay ayaw ni Aiha ng maraming distruksiyon. Hindi rin siya masyadong matangkad na makita ang taong nagsasalita sa harapan at kung may nakasulat man sa pisara. "Miss?" dinig niyang tawag ng instructor nila. Nakatulala lang siya at iniisip ang sinabi ng lalaking 'yon. Bakit naman kasi siya magseselos? Hayop talaga siya! Hindi na tuloy alam ni Aiha kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ng distruksiyon pero kanina pa pala siya inalipin nito. Wala na siyang alam kun'di ang tumunganga. Ilang beses niya ng sinubukang alisin ang mga salitang sinabi ni Weiss pero nasawi lamang siya. Sa halip na maalis nga