Share

Kabanata 8

NAWALA SA isip niya ang mga tao sa paligid. Alam niya naman na nagtatawanan sila dahil ito ang unang araw ng pasukan. Tulad ng pinlano ay pinagpatuloy ni Aiha ang kurso niyang may kaugnayan sa Entrepreneurship. Nakaupo siya sa unahan. Simula kasi noong elementarya siya ay gustung-gusto niya ang pag-upo sa harap. Mas marami kasi siyang natututuhan kumpara kung sa likod siya umuupo. Bukod dito ay ayaw ni Aiha ng maraming distruksiyon. Hindi rin siya masyadong matangkad na makita ang taong nagsasalita sa harapan at kung may nakasulat man sa pisara.

"Miss?" dinig niyang tawag ng instructor nila.

Nakatulala lang siya at iniisip ang sinabi ng lalaking 'yon.

Bakit naman kasi siya magseselos? Hayop talaga siya! Hindi na tuloy alam ni Aiha kung ano ang gagawin niya. Ayaw niya ng distruksiyon pero kanina pa pala siya inalipin nito. Wala na siyang alam kun'di ang tumunganga.

Ilang beses niya ng sinubukang alisin ang mga salitang sinabi ni Weiss pero nasawi lamang siya. Sa halip na maalis nga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status