Share

Kabanata 1

NAKATANAW SA niyugan ang dalaga habang nakasandal siya sa bangkong dinikit sa ding-ding. Nasa tabi niya ang isang puting tasa na may lamang kapeng-barako na binayo mismo ng kaniyang ina at sinala upang maiwan ang malalaking butil na hindi na kayang dugmukin pa. Inabot niya ang tainga ng tasa at sumimsim siya ng kape. Kahit na mayroong magaspang na teksturang nararamdaman ang kaniyang dila at gilagid ay talaga namang kay sarap ng kapeng-barako.

Madilim na ang kapaligiran. Nag-iingay na ang mga palakang-bukid na para bang sinusunog ang kanilang tahanan kaya sila humihingi ng saklolo. Malungkot na inangat ni Aiha ang kaniyang sulyap sa taong tumabi sa kaniya.

"Papang?" aniya.

Huminga ng malalim ang kaniyang Papang  at suminghot ito. "Umayos ka roon, Aiha. Tumatanda na kami ng Mamang mo. Ikaw lang ang pag-asang pinanghahawakan namin. Pares kaming hindi nakapag-eskuwela ng iyong Mamang. Alam ko naman na ilang beses mo na ring narinig paano kami maliitin ng mga tiyuhin at ibang tiyahin mo. Anak, kapag wala kang pinag-aralan, basura ang tingin ng mga tao sa iyo. Ang masakit kung sino pa ang mga kamag-anak mo sila pa ang unang tatapak sa iyo," anang ama niya.

Lumunok si Aiha. Hindi mawaglit sa isipan niya kung paano pahiyain ng mga tiyuhin niya ang kaniyang ama noon. Tinawag nilang sinungaling ang kaniyang ama na pumanig sa katotohanan. Pinintasan pa nila ang kaniyang ina. Ang higit na masaklap ay pinagbabato pa ang kanilang munting tahanan.

Ang kanina'y masarap na lasa ng kaniyang kape ay naging matabang at minsa'y nakalalasa siya ng pait na hindi kayang ipaliwanag. Ito ay dulot sa pag-gunita nila ng kaniyang ama sa masamang alaala na dinanas nila sa kamay ng mismong mga kamag-anak nila.

"P-Papang, kaya nga po ako nag-aalangan din na tumuloy ay dahil sa kanila. Paano po kapag ulitin nila ang ginawa nila noon? Paano po kung saktan na naman nila kayo ni Mamang at tawagin ng kung ano!? Gusto ko nandito lang ako para maprotektahan ko kayo laban sa mapagpintas nating mga kamag-anak," aniya.

Sinabit ng ama niya ang mga buhok niyang nakaharang sa kaniyang mukha na kung sukatin ay halos isang palad lamang. Maraming nagsasabi na kung hindi nila alam na anak ni Mang Tacio at Ginang Kanda ang dalaga ay aakalain nilang anak mayaman ito. Bukod sa kaniyang mala-labanos na balat na kahit ibilad pa sa araw ay hindi nangitim, balingkinitan ang katawan ng dalaga, singkit ang kaniyang mga mata, katamtaman ang tangos ng kaniyang ilong at hugis puso ang kaniyang mga labi na kulay rosas.

"Huwag mo kaming isipin. Huwag mong isipin ang bagay na iyan. Hindi maiiwasan na baka gagawin nga nila muli iyan sa amin ng Mamang mo, Aiha. Pero gusto kong sabihin sa iyo na may hangganan ang kabaitan ko. Huwag lamang sila magkakamaling saktan kami ng Mamang mo sa pisikal na paraan. Baka roon na nila makita paano magalit ang taong mabait," tugon ng kaniyang ama. "Sa ngayon ay isa-langit natin ang mga hindi kanais-nais na gawain nila," dagdag pa nito.

Lumingon si Aiha sa kaniyang ama. Tanging sinag lamang ng buwan ang kaniyang nagsilbing ilaw upang makita ang mukha ng kaniyang ama.

"Basta, Papang, kapag nasa Maynila na ako ay palagi kang tatawag sa akin. Huhulugan ko ng load linggo-linggo ang numero mo para mabalitaan mo ako sa kung ano ang nangyayari sa bukid. Palagi kayong mag-iingat ni Mamang dito, Papang, ha!"

Kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay at niyakap niya ang kaniyang ama.

"Huwag ka na masyadong malungkot, Aiha." Tinapik-tapik ng kaniyang ama ang kaniyang likod.

Maya't maya'y lumapit sa kanila ang kaniyang Mamang at nakisali ra rin ito sa yakapan nilang mag-ama.

"Isali niyo naman ako. Parang kayo lang dalawa ang pamilya rito ha!" sabat ng kaniyang ina.

"Mamimiss ko kayong dalawa," aniya.

Humigpit pa ang yakap ng kaniyang mga magulang sa kaniya. Nagtawanan sila sa huli. Hiling ng dalaga ay ang kalusugan ng mga magulang niya at mahabang panahon pa na makasama niya ang mga ito.

KINAUMAGAHAN AY handa na para umalis si Aiha. Panay buntong-hininga siya dahil sa magkahalong  kaba at lungkot na namayani sa kaniyang puso. Maiging pinagmasdan ng dalaga ang kapaligiran. Batid niya kasi na kapag nasa Maynila na siya ay hindi na niya mararanasan ang lumanghap ng sariwang hangin at makakita kung ano ang nakikita niya sa bukid. Malamang ay puro usok mula sa mga pabrika't mga sasakyan ang malalanghap niya. Wala rin siyang makikitang tanawin halintulad sa natatanaw niya ngayon sa naturang lugar.

"Mamang? Talaga ba na hindi ka sasama sa dulo ng tulay?"

"H-Hindi n-na. May g-ginagawa ako rito. Kailangan ko pang makagawa ng sandamakmak na pawid para mabubungan na ang k-kubo. M-Malapit na tayong u-umani ng palay hindi ba?" Kahit na ibunyi pa ng kaniyang ina ay alam ni Aiha na umiiyak ito.

Lumapit si Aiha sa kaniyang ina at yumuko siya. Maigi niyang niyakap ng mahigpit ang ginang. Hindi niya na rin mapigilan ang kaniyang damdamin. Paisa-isa ng pumapatak sa ibabaw ng nangalahating pawid na ginawa ng kaniyang ina ang kaniyang mga luha.

"M-Mamang, mamimiss kita!" aniya.

Doon na lamang humagulgol sa pag-iyak ang kaniyang ina. "A-Aiha, p-patawarin mo ako k-kung ako pa mismo ang tumulak sa iyo papalayo s-sa amin ng iyong Papang! M-Mahal na mahal lang kita, anak ko, kaya ko ginagawa ito," anang ina niya.

"Alam ko! H-Huwag ka na malungkot para may ibibili na k-kayo ni Papang ng mga kakailanganin dito," aniya at pinunasan niya ang kaniyang mga mata.

"Sige na! T-Tawag na lamang ako sa iyo kapag nasa Maynila ka na," anang Ginang Kanda.

Sa katapusan, matapos niyang yakapin ang kaniyang ina ay umahon siya. Kumuway siya sa ina niya bago siya tuluyang tumalikod.

"Hep!" anang ama niya at hinila pabalik ang taling nakakabit sa bridle ng kabayo. "Tara na't sumakay ka na, Aiha. Baka mahuli ka pa sa iyong biyahe," sambit pa ng kaniyang ama.

Sumakay na nga siya sa kabayo. Muli siyang kumuway sa kaniyang ina bago nila tuluyang nilisan ang niyugan.

Habang nasa ibabaw ng kabayo si Aiha ay hinayaan niyang tumama sa kaniyang binti ang mahahabang dahon ng damong hawig ng palay. Kaniyang binilang ang mga puno na nagsilbing gabay pabalik sa kanilang bahay. Dalawang daang puno ang kaniyang nabilang. Iyon lang kasi ang nasakop ng kaniyang mga mata. Nililibang niya lang din ang sarili upang hindi tuluyang lunurin ng lungkot.

"Hiyah! Haw!" pigil ng ama niya sa kabayo nang marating nila ang dulo ng tulay

Bumaba mula sa kabayo si Aiha. Kanina pa  pala naghihintay ang driver ng pulang kotse na maghahatid sa kaniya patungong Davao. Ito na rin ang magsisilbing kasama ni Aiha palipad tungong Maynila.

Lumabas ang drayber ng kotse at agad siyang pumunta sa gawi ni Aiha. "Magandang umaga po!" bati ng lalaki. "Kayo po ba si Miss Kaihannah Kaguran?" tanong ng lalaki.

"Magandang umaga rin po, manong," aniya. "Opo! Ako nga po si Kaihannah Kaguran. Pamangkin po ako ni Tiya Sabel!" pagpakilala ni Aiha.

"Akin na po ang mga gamit mo, Miss Aiha!" anang lalaki at agad na kinuha ang mga bag ni Aiha.  "Una na rin po ako sa kotse," dagdag pa niya. "Kung maaari po ay pakibilisan para hindi tayo mahuli sa biyahe at para mabutan natin ang ating flight po," paalala ng lalaki.

Ngumiti lamang si Aiha at tumango. "Sige po, manong. Kauusapin ko lang ang aking Papang." aniya.

Nang bumalik sa kotse ang drayber ay agad na lumingon si Aiha sa kaniyang Papang. Lumapit si Aiha sa kaniyang Papang at hinawakan niya ang kamay nito. 

"Papang, aalis na po ako! Ayaw ko na p-po umiyak. Magang-maga na po ang mga mata ko kaiiyak mula pa kahapon!" aniya.

Umiwas ng titig ang kaniyang Papang. Nakita ni Aiha paano bumilog ang pakete ng mga luha mula sa mga mata nito hanggang sa isa-isang bumagsak ang mga ito.

"Aiha, mag-iingat ka!" anang Papang niya.

"Papang, umalis na po kayo. Pangako niyo po sa akin na kapag tumalikod kayo ngayon ay huwag ka na pong lilingon sa akin.  Baka po kasi mag-bago pa ang isip ko at sasakay ako sa likod ng kabayong iyan!"

Tumango lang ang kaniyang ama at hinila na niya ang tali ng kabayo paharap kung saan sila galing.

"Hiyah!" diing sigaw ng kaniyang ama habang pinatatakbo ang kabayo.

Nakatayo lamang si Aiha habang pinagmamasdan ang kaniyang ama na nilalamon ng mga punung-kahoy.  Huminga siya ng malalim.

"Papang, babalik ako at sinisiguro ko na matapos ang dalawang taon ay may anak ka na na nakapagtapos ng pag-aaral! Mahal na m-mahal ko kayo ni Mamang!" aniya.

Binusinahan siya ng drayber kaya'y wala sa oras niyang tinuyo gamit ang kaniyang damit ang mga mata niya. Lumingon siya sa drayber at ngumiti siya. 

Tumalima siya at pumasok sa nakabukas na pintuan ng kotse. Hinila niya papasok ang pinto ng sasakyan. Muli siyang huminga ng malalim at pinikit na niya ang kaniyang mga mata.

HE WAS sitting peacefully while his shades hides his mesmerising blue eyes. He was glad to read about the success of Andromeda that was posted in front of Nation's Time newspaper.

"Excuse me, Signore," bati ng isang attendant sa kaniya. The woman seduced him using her smile. "What do you want? Coffee, tea or me?" The woman even winked.

Weiss took his shades and hung it on the middle of the neck of his shirt. His eyes narrowed while staring on the woman's boobs. Parang hindi makahinga ang mga s**o ng babae dahil sa sikip ng uniporme nito.

"I guess this is a VVIP set? Why there is an annoying dog shaking her titts in front of me? Hindi mo ba alam na ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay makakita ng basura, dumi at tae sa harap ko!?" He leaned on the chair. "You better get out of my sight so that I won't tell your head crew to kick you out from your job!" walang emosyong sabi niya sa babae.

Nakita niya paano yumuko at napahiya ang babae. Hindi niya kasalanan kung bakit napahiya ang attendant. Hindi nga siya nakaramdam ng pagsisisi  matapos niya itong pahiyain.

"S-Sorry--"

"Stop!" pigil niya sa babae. "Sorry are intended to be said when you did unpleasant things accidentally. I am certain, sinadya mong iyugyog ang mga dyoga mo dahil iniisip mo na maaakit ako ng mga iyan!" natatawa niyang sabi.

Lumala ang bulungan sa loob ng set nila.

"What's he saying?" tanong pa ng ibang banyaga na nasa likuran niya.

"Sayang! Guwapo naman sana kaso nakasisindak lang landiin baka mapahiya pa ang p****k ko riyan," anang babae sa bandang kaliwa. Napa-isip si Weiss kung bakit afford ng babae ang VVIP set na ito. Inisip niya baka ilang matandang banyaga ang nadugas nito. Natawa na lamang siya ng palihim.

"Why are you still standing in front of me? Doon ka sa matandang lalaki na kanina pa humihimas ng kulubot niyang itlog kapapantasya sa iyo," aniya at tinuro ng nguso ang matandang lalaki na nag-iwas na ng titig sa kanilang gawi. "Get lost before you regret losing your job because of your flirtatious act!" babala niya sa babae bago niya muling sinuot ang kaniyang itim na shades.

Humalukipkip na rin siya matapos ang senaryo. Mabuti na lamang at tumahimik na ang paligid.

Hanggang sa maka-landing na ang eroplano ay hindi siya inabala ng mga attendant.

Matapos ang halos labing-anim na oras na biyahe mula sa España ay nakarating na siya sa Pilipinas.

Humarap siya sa ibang pasahero. "Hayaan niyo muna akong lumabas bago kayo sumunod. Sayang lang ang pagiging VVIP niyo kung makipagsiksikan kayo!" Tulad ng kaniyang turan ay una nga siyang lumabas.

Naduwag siguro ang mga nakasama niya sa set kaya naman ay hindi na sila humamak pa na gambalain ang gusto niyang mangyari.

Nang makababa na siya ay diretso lamang siyang lumakad. Habang nasa gitna siya ng airport ay pinagtitinginan na naman siya ng maraming tao. Tili ng tili ang mga kababaihan habang ninanakawan siya ng  litrato. Pinalagpas niya ang mga taong kumuha ng litrato niya ng palihim. Gusto niya kasing makaalis agad sa lugar na ito. Pakiramdam niya'y nahihilo siya dahil sa dami ng tao.

"Para siyang modelo!" sabi ng isang babaeng nadaanan niya.

"Ang bango niya! Amoy air-con, mare!" napapikit na saad naman ng isang babae.

"Para akong lalabasan kapag tinititigan ko siya!" Napanganga pa ang babaeng nagsabi nito habang pinagpipiyestahan ng mga mata niya ang lalaking tahimik lang na naglalakad.

"Ang laki ng alog, mare!" sambit pa ng isang haliparot na babae habng nakatitig siya sa sa gita ng mga hita ni Weiss.

Napangiti lang si Weiss dahil sa mga babaeng nagpapantasiya sa kaniya. Pinalalagpas niya ang mga tao na hanggang salita lang.  Pero iyong gumagawa na ng hakbang para landiin siya ay hindi niya kayang sikmurain. Ayaw niya sa mga babaeng malalandi.

"Sana mapasukan niya ako," anang babae na kulay green ang buhok.

Weiss tsked. Hindi niya maimahe ang mukha ng kaniyang titirahin dahil sa laki ng kaniyang alaga. Alam niya kasi na kahit gaano pa kaluwag ang kepyas na uulusin ng alaga niyang nasa labing-tatlong pulgada at kalahati kapag tumigas ay tiyak na hihimatayin. Sa taba rin ng alaga niya na mala lata ng sardinas ay natitiyak niyang makokombulsiyon ang makakantot niya. Pasalamat na lang talaga ang mga babaeng humaharot sa kaniya dahil hindi niya pinapatulan ang mga ito.

Umiling na lamang si Weiss at kinapa ang kaniyang smartphone. Tinitigan niya ang screen ng device niya at nakita ang litrato ni Cleint.

"What?" agad na tanong niya.

"Woah! After the long wait! The CEO is finally here!" Humagalpak pa ng pagtawa si Cleint kaya'y nailayo niya ang device sa kaniyang tainga.

Nang nilapit niya muli sa kaniyang pandinig ang hawak niyang smartphone ay huminga siya ng malalim dahil sa inis. Ang ingay kasi ni Cleint. "What now? Magpapahinga pa rin ako ng isang linggo kaya patuloy pa rin ang pagiging Acting CEO mo! Huwag kang umayaw baka isumbong kita kay Kuya Xy!"

"Ano ba iyan, Weiss!? Can't you see that I am having hard time acting in behalf of your place? Huwag ka na mag-pahinga!" reklamo ni Cleint.

"Okay! Hindi ako magpapahinga pero hindi ko ipakikilala sa iyo ang mga chikababes na dadalo sa welcome party ko!"

"A-Ano ka ba!? Siyempre okay lang sa akin na magpahinga ka! Kahit na buong-taon ka pang magpapahinga! Basta ba't bigyan mo ako ng fresh chikababea ha!" Alam na alam niya kung ano ang gusto ng kaibigan niya.

Higit isang taon pa lang silang naging magkaibigan ni Cleint. Tanda niya pa noong una nilang pagkikita. May pagaka-suplado rin kasi ang kaibigan niyang iyon kaya hindi sila nagkasundo noong una. Kaso noong lumaon ay para ng magkapatid ang dalawa. Para silang si Xyrex at Nigoel noon. Daig pa ang kadena dahil sa tibay ng pagkakaibigan.

"Iyon naman pala," aniya. "Kumusta naman pala ang scholarship program natin? May napili na ba kayong nararapat tulungan?" seryuso niyang usisa sa kaibigan.

"Ehem!" Cleint cleared his throat. "Oo naman! Actually baka bukas ay ihahatid na siya sa mansion," tugon ng kaibigan.

"Sana naman ay malinis at mukhang disente ang scholar natin ano? Nang sa ganoon ay hindi sasakit ang ulo ko!" aniya. "Hayaan mo na nga iyon! Kung nakadidiri edi hanapan na lang ng boarding house!" saad niya.

"Sige na! Maghintay ka na lang sa coffee shop malapit sa airport. Mag-papagas lang ako at susunduin na kita!" anang Cleint.

Nang marinig niya iyon ay binaba niya agad ang tawag at pinasok muli sa bulsa ang kaniyang smartphone.

Talaga namang agaw atensiyon siya. Wala kasi siyang dala na kahit na ano maliban sa guwapo niyang mukha, makisig niyang katawan at umaalog niyang alaga. Hindi kasi siya mahilig sa brief kasi kapag nagb-brief siya'y pakiramdam niya'y hindi siya makahinga. Nahihirapan din siyang pagkasyahin ang kaniyang pitong pulgadang tulog na ari sa loob ng brief. Para sa kaniya mainam na boxer na lang ang susuutin  marahil nakahihinga siya ng maayos at kaginhawaan ang dama ng kaniyang dambuhalang alaga sa loob nito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status