แชร์

CHAPTER FIVE

ผู้เขียน: Miss Axelle
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-18 00:03:34

“Bakit ngayon ka lang?”

Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.

“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”

Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.

Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.

“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”

Kung dati ay isang utos lamang ni Rexi ay gagalaw na si Xyriel at magmamadali na sundin ang utos nito dahil takot ito noon na mapagalitan at masabihan ng masasamang salita pero ngayon ay ni hindi gumalaw si Xyriel at nanatiling nakatayo.

“Ano pa ang hinihintay mo dyan? Nagugutom ako sabi!”

Tiningnan lamang ni Xyriel si Rexi at napabuntong hininga saka huningi ng perang pambili sa kapatid ni Ralph. Nagtaka ito bakit humihingi ng pera si Xyriel sa kanya.

“Bakit ka nanghihingi ng pera?”

“Diba nagugutom ka at nagpapabili ka ng lugaw mo? Kaya pahingi ako ng pera para makabili na ako ngayon.”

Inosenteng sabi ni Xyriel at sumama ang tingin ni Rexi sa kanya. 

“Wala akong pera! Alam mo naman ang nangyari sa akin diba tapos hihingian mo pa ako ng pera! Ano ka sine-swerte?”

Magsasalita pa sana si Xyriel nang biglang bumukas ang pintuan ng private room at iniluwal nun ang magulang ni Rexi, ang biyenan niya. Napabuga siya ng hangin.

“Tamang-tama ang dati niyo, Mama at Papa. Pagsabihan niyo nga itong asawa ni Kuya Ralph! Hinihingian ba naman ako ng pera pambili ng lugaw!”

Nang marinig iyon ni Mrs. Villa Diego ay lumapit ito kay Xyriel at dinuro-duro ang balikat niya.

“Nasaan ang perang binigay sayo ni Ralph? Bakit ka nanghihingi sa anak ko?”

Sa tatlong libong pera na binibigay ni Ralph ay kulang na kulang iyon.

“Pinambili ko ng mga kailangan sa bahay.”

“Huwag kang magrarason dyan! Pambili lang ng lugaw manghihingi ka pa! Kapal naman ng mukha mo.”

Oo, ganyan nga sila magsalita kay Xyriel na akala mo ay katulong lamang. Simula ng umangat ang buhay nila ay naging matapobre na ang Villa Diego. Wala na ngang nagawa pa si Xyriel kundi ang sundin si Rexi, gamitin ang pera at lumabas para bumili ng lugaw. Nang makarating ulit siya sa private room ni Rexi ay nagulat ito nng makita si Ralph at hindi ito nag-iisa dahil kasama niya si Ayamea. 

Ang tawanan at kasiyahan ng pamilya Villa Diego ay nawala nang makapasok siya sa private room. Tila nag-iba agad ang ihip ng hangin. Nilagay ni Xyriel ang lugaw sa mesa at lumapit sa asawa kaya tumabi sa gilid sa Ayamea. 

Isang nakakabinging katahimikan ng magsalita si Xyriel.

“Sino ang bisita natin asawa ko?”

Tanong ni Xyriel at pinulupot ang braso sa baywang ni Ralph, napansin naman iyon ni Ayamea at umiwas ng tingin. Hindi naman mapakali si Ralph lalo na ng tawagin siyang ‘asawa ko’ ni Xyriel. Napalunok si Ralph at ngumiti sa asawa.

“Si Ayamea Collins pala. Ayamea si Xyriel asawa ko.”

“Ah ikaw ang nakita ko kanina? Ikaw ba may-ari ng Real Bag Company?”

Nang mabanggit iyon ni Ayamea, nakarinig si Xyriel ng mahinang tawa ng Pamilya Villa Diego. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Ayamea.

“Nagkakamali ka lang yata, Ms. Collins.”

Natatawang sabi ng Mama ni Ralph.

“Nagkakamali ka nga lang, hindi ako ang may-ari ng RBC, empleyado lang ako at pinagkakatiwalaan ng boss namin kaya ako ang umasikaso sa inyo kanina.”

“Isa lamang empleyado sa RBC ang asawa ko, Ms. Collins.”

Pag-uulit ni Ralph, hindi pa din matigil sa pagtawa si Rexi maging ang biyenan ni Xyriel. Masyado nilang inaapi si Xyriel at pati ang sarili nitong negosyo ay tinatago niya sa Pamilya Villa Diego dahil ayaw niya talaga ipaalam na mas mayaman siya sa mga ito.

“Isang karangalan pa din na isa ka sa gagawa ng bag ko, Mrs. Villa Diego.”

Napangiti na lamang ng peke si Xyriel.

“Isa nga iyong karangalan, Ms. Collins. Siya nga pala ano ang iyong pinagkakaabalahan?”

‘Bukod sa pagdikit sa aking asawa’ dagdag ni Xyriel sa kanyng isipan habang nakatingin ng diretso kay Ayamea. Umiwas naman ng tingin si Ayamea dahil sa titig ni Xyriel.

“Kahit sabihin ni Ms. Collins baka hindi mo rin maintindihan, asawa ko.”

Sambit ni Ralph, may kirot sa dibdib ni Xyriel nang marinig iyon sa mismong asawa niya at sa harapan pa ng Pamilya Villa Diego at ni Ayamea. Tila pinapahiya siya ng mga ito sa harap ng kabit ni Ralph. Alam ni Xyriel na hindi boto ang mga ito sa kanya pero ang ipahiya sa harapan ng kabit ni Ralph ay ibang klase na iyon, hindi na siya katanggap-tanggap. 

Natahimik si Ayamea sa sinabi ni Ralph at tila nagulat din dahil ganun pala ituring si Xyriel ng Pamilya Villa Diego.

“Isa akong CEO ng isang malaki at mayaman na kompanya dito sa Pilipinas. Nagha-handle din kami ng mga new technology at bumabagsak sa ibang bansa oati na din dito sa Pilipinas. Sobrang sikat ng kompanya na iyon dito sa Pilipinas.”

Oh, mayaman nga kaya ka pala hinahabol ng asawa ko, siguro ay para madagdagan ang yaman ng Pamilya Villa Diego.

“Hindi pamilyar sa akin.”

Yan na lamang ang nabanggit ni Xyriel kaya natawa na naman ang biyenan at hipag niya.

“Paano lagi ka lang naman sa bahay at sa trabaho mo, paano mo malalaman na may nag-eexist palang sobrang yaman na kompanya dito sa Pilipinas.”

Sambit ni Rexi at natawa na naman.

“Don’t be so hard on her, Rexi. Ganun talaga ang iba nagugulat din kapag naikekwento ko yung about sa company.”

Malumanay na sabi ni Ayamea, umirap naman ng palihim si Xyriel dahil napaka-epal ng kabit ni Ralph. Laging kinukuha ang loob ng pamilya ni Ralph.

“Sabagay! Hayst! Ignorante kasi yang hipag ko, sana nga ay ikaw nalang ang naging sister-in-law ko, Ms. Collins.”

Napangiti si Ayamea at yumuko, at palihim din na tiningnan si Ralph na nakatingin din pala sa kanya. Napansin naman iyon ni Xyriel, ang palitan ng tingin ng dalawa, ang malagkit na tinginan at palihim na ngiti ng dalawa.

“Akala ko dati, biro lang nung nagpakasal ka, Ralph I mean Mr. Villa Diego.”

“Ralph nalang, masyadong formal ang last name, Aya.”

Napangiti si Ayamea kay Ralph, ganun din ang asawa ni Xyriel. Mas nilapit ni Xyriel ang sarili sa asawa at napansin iyon ni Ayamea kaya nawawala ang ngiti nito kay Ralph at iniiwas ang tingin.

“Kailanman ay hindi nagbiro tungkol sa kasal ang asawa ko.”

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER NINE

    “Kailangan natin mapalapit sa kaaway natin.” Tumango-tango si Roxy habang naka de-kwatro at naka-cross arms habnag umiinom ng kape na inihanda ni Xyriel kanina. “Sabagay, tama ka. Ang galing mo sa part na yun.”Nang matapos ang dalawa ay lumabas na sila sa condo unit at sabay mna silang nagtungo sa RBC at for sure magugulat si Divine kapag nakita si Roxy.“Bakit naman hindi mo sinabi agad sa akin Boss na nakauwi kana pala?”Niyakap ng mahigpit ni Divine si Roxy, habang tuwang-tuwa na nakitang muli ang magandang Boss ng RBC.“Oh, at bakit kayo magkasamang dalawa? Nako, nagseselos ako.”Dagdag pa ni Divine, natawa naman si Roxy at Xyriel. Kahit close friend nila si Divine ay hindi pa rin nagkwento ng kung ano-ano ang dalawa lalo na’t kapag tungkol sa mga personal nilang impormasyon. Hindi din nila sinabi kay Divine ang totoo na si Xyriel ang may-ari ng RBC, ang alam lamang nito ay mapagkakatiwalaan at magkaklase sila ni Roxy at Xyriel noong college sila. Yun lamang ang alam ni Divine.

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER EIGHT

    Iyak nang iyak si Xyriel dahil hindi niya inaakala na dadating sila sa ganitong sitwasyon ng asawa. Kanina lamang ay masaya sila sa dinner date pero bakit pag-uwi ay naging ganito si Ralph. Namimilit na gumawa sila ng anak ni Xyriel.Litong-lito si Xyriel at hindi alam saan pupunta pero biglang pumasok sa isip niya ang condo niya malapit sa RBC, hindi ito alam ni Ralph kaya doon sia nagtungo. Gulo-gulo ang buhok ni Xyriel nang pumasok sa hotel kaya nakatingin sa kanya ang mga staffs at guest. Dumiretso ito sa elevator at pinipindot ang elevator button pero dahil sa luha ay hindi niya mapindot ng maayos, kaya ang isang kasabay niyang babae ang nagpindot nun.“Anong floor po?”“17th floor.”Tahimik lang si Xyriel habang naalala ang mga nangyari sa apartment, ang pangba-baboy ni Ralph sa kanya. Hindi niya batid bakit naging ganun ang asawa niya.Nang makarating siya sa condo niya ay halos manghina siyang napahiga si sofa at patuloy na umiiyak. Niyakap ang sarili hanggang sa nakarinig siy

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER SEVEN

    Nang makapagbayad na si Ralph ng hospital bill, agad itong umuwi sa kanila ngunit laylay ang balikat nang makita na walang tao sa loob, ni walang anino ni Xyriel. Saan kaya nagpunta ang kanyang asawa?Kinuha ni Ralph ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa, nagri-ring lamang ito. Samantala si Xyriel ay tinitingnan lamang ang kanyang phone na mag-ring at hindi niya alam kung bakit tumawag si Ralph sa kanya. Nag-iwan din ng messages si Ralph at nabasa naman iyon ni Xyriel. “Nasaan ka? Umuwi kana, gabi na. Nag-aalala ako saiyo asawa ko.”Basa ni Xyriel sa message ni Ralph, nag-aalala pala siya bakit hindi man lang niya inuna na ihatid si Xyriel kaysa kay Ayamea. Inuna niya ang kabit niya kaysa sa legal na asawa tapos mag-aalala siya. Napangiti ng mapait si Xyriel sa kanyang nabasa, pinunasan ang luha at tumayo dahil gusto na din niyang umuwi lalo pa’t ang sumunod na message ni Ralph ay…“Aalis tayo, kaya umuwi kana. May pupuntahan tayo.”Sumakay si Xyriel sa taxi at habang papunta

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER SIX

    “Kailanman ay hindi nagbiro tungkol sa kasal ang asawa ko.”May konting inis sa boses ni Xyriel ng banggitin iyon, tila kinabahana naman doon si Ayamea at napalunok. Tumahimik naman ang biyenan at hipag ni Xyriel maging si Ralph na nakatingin sa kanya at hinawakan ang kamay.“Ay, sorry if na-offend ka hind iyon ang gusto kong maramdaman mo, Mrs. Villa Diego. Akala ko biro lang siya kaya hindi agad ako nakauwi sa kasal niyo. Mapagbiro kasi itong si Ralph eh.”Sinuring mabuti ni Xyriel si Ayamea at napansin naman iyon ng babae kaya agad ulit napawi ang ngiti sa kanyang labi. Tila yata nakakalimutan nito na nasa isang silid lang silang lahat. Nakakalimutan yata ng kabit na kasama ni Ralph ang totoong asawa, ang legal na asawa.“Mukhang kilalang-kilala mo ang asawa ko ah, base sa tono ng iyong pananalita, Ms. Collins.”“Ms. Collins na-miss kita ng sobra!”Biglang sabi ni Rexi para maiwasan ang sagutan ni Aya at Xyriel. Sumenyas kasi si Ralph sa kapatid na ibahin ang topic at mukhang na-ge

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER FIVE

    “Bakit ngayon ka lang?”Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”Kung dati ay isang u

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER FOUR

    “Maraming magkakapareho ang last name, Divine.”Tumango at nag-agree na lamang si Divine sa sinabi ni Xyriel. “Ang project na design bag ni Ayamea, next week ay kailangan na natin umpisahan. Ikaw, Divine isa ka sa team na napili ko para sa paggawa ng mga design sa bag na gusto ng VIP natin.”Nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ni Xyriel dahil bihira lamang siya makatanggap ng ganung project at sa isang VIP pa. Mukha ngang idol ni Divine si Ayamea eh.“Isang karangalan na makasama sa team na iyon, Madam Xy. Thank you! Anyway Madam, wala naman na masyadong gagawin dito sa shop, pwede ka nang magpahinga muna. Tatawagin ka nalang namin kapag kailangan ka dito.”Sambit ni Ayamea at tumingin kay Xyriel na nakaupo habang sinusuring mabuti ang kopya ng design na binigay ni Ayamea sa kanya kanina.“Gusto kong magpaka-busy ngayon, Divine. May mga kailangan ba akong pirmahan na bagong labas na mga bags?”Saad nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa design, inaaral niyang mabuti ang design at

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER THREE

    Hindi pa din mawala sa isip ni Xyriel ang mga nangyari kahapon at kanina, ano’t tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lamang siyang binigyan ng mamahaling scarf si Xyriel, gayong alam naman ni Xyriel ang rason bakit nagiging malambing sa kanya si Ralph ay dahil baka may kasalanan itong nagawa

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER TWO

    CHAPTER TWOHindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan n

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER ONE

    “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status