Mag-log in“Kailangan natin mapalapit sa kaaway natin.” Tumango-tango si Roxy habang naka de-kwatro at naka-cross arms habnag umiinom ng kape na inihanda ni Xyriel kanina. “Sabagay, tama ka. Ang galing mo sa part na yun.”Nang matapos ang dalawa ay lumabas na sila sa condo unit at sabay mna silang nagtungo sa RBC at for sure magugulat si Divine kapag nakita si Roxy.“Bakit naman hindi mo sinabi agad sa akin Boss na nakauwi kana pala?”Niyakap ng mahigpit ni Divine si Roxy, habang tuwang-tuwa na nakitang muli ang magandang Boss ng RBC.“Oh, at bakit kayo magkasamang dalawa? Nako, nagseselos ako.”Dagdag pa ni Divine, natawa naman si Roxy at Xyriel. Kahit close friend nila si Divine ay hindi pa rin nagkwento ng kung ano-ano ang dalawa lalo na’t kapag tungkol sa mga personal nilang impormasyon. Hindi din nila sinabi kay Divine ang totoo na si Xyriel ang may-ari ng RBC, ang alam lamang nito ay mapagkakatiwalaan at magkaklase sila ni Roxy at Xyriel noong college sila. Yun lamang ang alam ni Divine.
Iyak nang iyak si Xyriel dahil hindi niya inaakala na dadating sila sa ganitong sitwasyon ng asawa. Kanina lamang ay masaya sila sa dinner date pero bakit pag-uwi ay naging ganito si Ralph. Namimilit na gumawa sila ng anak ni Xyriel.Litong-lito si Xyriel at hindi alam saan pupunta pero biglang pumasok sa isip niya ang condo niya malapit sa RBC, hindi ito alam ni Ralph kaya doon sia nagtungo. Gulo-gulo ang buhok ni Xyriel nang pumasok sa hotel kaya nakatingin sa kanya ang mga staffs at guest. Dumiretso ito sa elevator at pinipindot ang elevator button pero dahil sa luha ay hindi niya mapindot ng maayos, kaya ang isang kasabay niyang babae ang nagpindot nun.“Anong floor po?”“17th floor.”Tahimik lang si Xyriel habang naalala ang mga nangyari sa apartment, ang pangba-baboy ni Ralph sa kanya. Hindi niya batid bakit naging ganun ang asawa niya.Nang makarating siya sa condo niya ay halos manghina siyang napahiga si sofa at patuloy na umiiyak. Niyakap ang sarili hanggang sa nakarinig siy
Nang makapagbayad na si Ralph ng hospital bill, agad itong umuwi sa kanila ngunit laylay ang balikat nang makita na walang tao sa loob, ni walang anino ni Xyriel. Saan kaya nagpunta ang kanyang asawa?Kinuha ni Ralph ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa, nagri-ring lamang ito. Samantala si Xyriel ay tinitingnan lamang ang kanyang phone na mag-ring at hindi niya alam kung bakit tumawag si Ralph sa kanya. Nag-iwan din ng messages si Ralph at nabasa naman iyon ni Xyriel. “Nasaan ka? Umuwi kana, gabi na. Nag-aalala ako saiyo asawa ko.”Basa ni Xyriel sa message ni Ralph, nag-aalala pala siya bakit hindi man lang niya inuna na ihatid si Xyriel kaysa kay Ayamea. Inuna niya ang kabit niya kaysa sa legal na asawa tapos mag-aalala siya. Napangiti ng mapait si Xyriel sa kanyang nabasa, pinunasan ang luha at tumayo dahil gusto na din niyang umuwi lalo pa’t ang sumunod na message ni Ralph ay…“Aalis tayo, kaya umuwi kana. May pupuntahan tayo.”Sumakay si Xyriel sa taxi at habang papunta
“Kailanman ay hindi nagbiro tungkol sa kasal ang asawa ko.”May konting inis sa boses ni Xyriel ng banggitin iyon, tila kinabahana naman doon si Ayamea at napalunok. Tumahimik naman ang biyenan at hipag ni Xyriel maging si Ralph na nakatingin sa kanya at hinawakan ang kamay.“Ay, sorry if na-offend ka hind iyon ang gusto kong maramdaman mo, Mrs. Villa Diego. Akala ko biro lang siya kaya hindi agad ako nakauwi sa kasal niyo. Mapagbiro kasi itong si Ralph eh.”Sinuring mabuti ni Xyriel si Ayamea at napansin naman iyon ng babae kaya agad ulit napawi ang ngiti sa kanyang labi. Tila yata nakakalimutan nito na nasa isang silid lang silang lahat. Nakakalimutan yata ng kabit na kasama ni Ralph ang totoong asawa, ang legal na asawa.“Mukhang kilalang-kilala mo ang asawa ko ah, base sa tono ng iyong pananalita, Ms. Collins.”“Ms. Collins na-miss kita ng sobra!”Biglang sabi ni Rexi para maiwasan ang sagutan ni Aya at Xyriel. Sumenyas kasi si Ralph sa kapatid na ibahin ang topic at mukhang na-ge
“Bakit ngayon ka lang?”Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”Kung dati ay isang u
“Maraming magkakapareho ang last name, Divine.”Tumango at nag-agree na lamang si Divine sa sinabi ni Xyriel. “Ang project na design bag ni Ayamea, next week ay kailangan na natin umpisahan. Ikaw, Divine isa ka sa team na napili ko para sa paggawa ng mga design sa bag na gusto ng VIP natin.”Nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ni Xyriel dahil bihira lamang siya makatanggap ng ganung project at sa isang VIP pa. Mukha ngang idol ni Divine si Ayamea eh.“Isang karangalan na makasama sa team na iyon, Madam Xy. Thank you! Anyway Madam, wala naman na masyadong gagawin dito sa shop, pwede ka nang magpahinga muna. Tatawagin ka nalang namin kapag kailangan ka dito.”Sambit ni Ayamea at tumingin kay Xyriel na nakaupo habang sinusuring mabuti ang kopya ng design na binigay ni Ayamea sa kanya kanina.“Gusto kong magpaka-busy ngayon, Divine. May mga kailangan ba akong pirmahan na bagong labas na mga bags?”Saad nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa design, inaaral niyang mabuti ang design at
Hindi pa din mawala sa isip ni Xyriel ang mga nangyari kahapon at kanina, ano’t tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lamang siyang binigyan ng mamahaling scarf si Xyriel, gayong alam naman ni Xyriel ang rason bakit nagiging malambing sa kanya si Ralph ay dahil baka may kasalanan itong nagawa
CHAPTER TWOHindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan n
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap n







