LOGIN
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”
Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap nitong premyo. For sure, magiging masaya si Ralph sa kanya.
Pero ano kaya ang bagay na maaaring iregalo kay Ralph, gayong lahat naman ng mamahaling gamit ay mayroon na ang asawa nito. Siguro ay naaayon sa pagiging isang Pangulo ng kompanya ng mga malaking Mall sa lungsod, at marami itong branch sa iba pang lugar sa Pilipinas.
“Bakit nakabukas ang pinto?”
Napansin ni Xyriel na bahagyang nakabukas ang pinto ng kanilang apartment kaya sumilip siya doon at nakita ang kaibigan ni Ralph na si Leo kausap ang kanyang asawa.
“Ngayong bumalik na si Ayamea, paano naman ang asawa mo?”
Tumaas ang isang kilay ni Xyriel ng marinig ang pangalan ng isang babae na pamilyar sa kanya, Ayamea? Ngunit bakit tila naging tahimik si Ralph nang mabanggit ni Leo ang pangalan ni Ayamea? Nagtaka tuloy si Xyriel sa naging reaksyon ng kanyang asawa. Tila masyado itong apektado sa pangalan ng babae at bakit pati siya ay nabanggit sa kanilang pinag-uusapan.
“Paano ako ngayong bumalik na si Ayamea?”
Nagtatakang tanong sa sarili ni Xyriel. Curious man pero nanatili pa din na nakikinig sa usapan si Xyriel at iniingatan na hindi siya makita ng dalawa.
“Pre, hindi naman sa nangingialam sa inyong mag-asawa, sa buhay mo pero lumipas ang napakaraming taon hindi mo pa rin makalimutan si Ayamea? Nagtitipid ka, pati asawa mo tinitipid mo sa mga gastusin dito sa apartment niyo pero palihim ka naman na gumagastos ng milyon para lamang mahanap si Ayamea. Ngayong nakabalik na siya dito sa bansa, at isa nang ganap na mayaman at sobrang ganda ng kanyang career, kakausapin mo ba siya?”
Biglang napatingala si Xyriel sa kanyang narinig. Puno ito ng gulat at pagdududa sa kanyang mga mata. Sandaling sumagi sa isip niya kung mali ba ang kanyang narinig. Ngunit… Tatlong milyon? Handang gumastos si Ralph ng ganung halaga para lamang sa isang babae?
Samantalang si Xyriel ay tatlong libo lamang ang nahahawakan, buwan-buwan para sa gastusin sa apartment tapos malalaman niya na tatlong milyon pala ang handang gastusin ni Ralph sa ibang bagay. Sa mga sandaling iyon, halos hindi makahinga si Xyriel. Unfair iyon para sa kanya na asawa ni Ralph. Bigla naman tumayo si Ralph, sinulyapan ang kanyang relo, at malamig na nagsalita saka ibinaling ang tingin sa kaibigan.
“Hindi ko pa alam pero nasisiguro kong makakausap ko din si Ayamea para na din masiguro ko ang takbo ng aking negosyo. Kailangan ko pang sunduin ang kapatid ko sa trabaho. Ang mga gamit dyan, huwag mo ng aksayahan pa ng oras na ayusin. Si Xyriel na ang bahala dyan.
“Oh! Tignan mo itong loko na ito, napakabait ng asawa mo, tapos gagawin mo lang katulong sa bahay niyo. Si Xyriel ang dahilan kung bakit mukhang bahay itong apartment na ito dahil malinis siya sa gamit at inaalagaan pa ang kapatid at magulang mo. Hindi ka man lang ba naaawa sa asawa mo? Pagod din yun sa trabaho.”
Buti pa ang kaibigan ni Ralph, kahit papaano ay may concern sa kanya pero mismong asawa niya ay wala man lang pakialam sa kanya. Masakit iyon para kay Xyriel. Huminga naman ng malalim si Ralph at walang expression na humarap kay Leo.
“Alam mo naman yung gusto ko diba dati pa, hindi yung si Xyriel na ang alam lang ay ang pagiging masipag, maalaga, at umiikot lamang sa gawaing bahay at sa pagbibigay ng kailangan ko bilang asawa niya. Ang gusto ko yung katulad ni Ayamea na sobrang successful ng career, mayaman, nakahiga na sa maraming pera sa kama niya. Maganda ang bahay at mala-mansyon.”
Tila sinaksak si Xyriel ng ilang beses sa likod nang marinig iyon mula sa kanyang asawa. Napakasakit na ikumpara ka sa ibang babae at i-down ka bilang asawa na ang tanging alam lang ay sa kusina at ibigay ang kailangan ni Ralph bilang asawa niya. Agad na nangilid ang mga luha sa mata, at ang kamay niyang nakalaylay sa kanyang tagiliran ay bahagyang nanginig.“Kung ganoon, bakit mo pa hinabol si Xyriel noon at bakit mo siya pinakasalan gayong ibang babae naman pala ang gusto mo?”
Tanong ni Leo.
“Kasi nga wala akong choice dahil iniwan ako ni Ayamea para pumunta sa ibang bansa at doon magpakayaman. Pinagpalit ako sa yaman eh.”
Sagot naman ni Ralph at napabuga sa hangin.
“So gumaganti ka? Ganoon ba?”
Hindi nalang nagsalita pa si Ralph dahil mukhang ganun ang ang ginawa nito, ang gantihan si Ayamea ngunit bakit si Xyriel pa ang ginamit niya?
“Ito na lang pre, ngayong bumalik na si Ayamea, hihiwalayan mo na ba si Xyriel?”
Muling natahimik si Ralph sa tanong ni Leo, hindi din nito alam ang isasagot. Nakinig naman si Xyriel at kahit hindi niya narinig ang sagot ni Ralph, alam na niya agad ang totoong gusto ng asawa… ang mag-divorce sila at bumalik si Ralph kay Ayamea.
“Oo, tama ka mabait at maalaga si Xyriel dahil sa tuwing nagkakasakit ako, siya ang nagiging doktor ko. Kapag sinusumpong ako ng sakit ko, siya ang gumagamot nun at nag-aalaga sa akin. Maaasahan siya sa bahay ngunit ang isang kagaya ni Xyriel ay hanggang dito lang sa bahay at pagiging asawa ko lang pero si Ayamea ay halos sambahin dahil sa kanyang natatanging kinang sa negosyo at career. Mahirap makahanap ng isang babaeng ganun, pre.”
“Ay, ewan ko sayo pre. Pero sabagay tama ka mahirap makahanap ng katulad ni Ayamea kaya nga baliw na baliw ka sakanya eh kahit may asawa ka na.”
Natawa na lamang si Ralph sa sinabi ng kaibigan, umiling na lamang din si Leo sa naging reaksyon ng kanyang kaibigan. Matinik sa babae itong si Ralph. Naalala ni Xyriel noong halos magpakalunod sa alak si Ralph makuha lamang ang loob ng dating presidente ng kompanya, si Xyriel ang nag-aalaga sa kanya kapag sinusumpong ang kanyang tiyan. Nagluluto ng agahan at pinapainom sa tamang oras si Ralph para maibsan ang sakit ng tiyan nito. Sa tuwing overtime naman si Ralph sa trabaho ay hinahatiran siya ni Xyriel ng makakain bago bumalik sa kanyang trabaho sa isang bag company.
Sa apat na taon nilang pagsasama, mahirap man pero kinakaya iyon ni Xyriel para sa kanyang asawa. Masaya si Xyriel na naalagaan niya ang asawa. Ngunit sa kabipa ng mga paghihirap ni Xyriel, nagawa pa ni Ralph na mablmbabae at pasikreto na gumastos ng tatlong milyon. Ganito ba talaga kapag nagmamahal ng totoo ang isang tao?
Hindi mapigilan ni Xyriel ang lumuha dahil nasaktan siya sa mga narinig sa loob. Nalasahan na niya ang kanyang luha, puno ito ng sakit… ang sakit na idinulot ni Ralph sa kanya. Mabilis na nagtago si Xyriel sa isang sulok nang makarinig siya ng yabag papalapit sa kanya, nang tuluyan nang makalabas si Ralph at Leo at makasakay na ito sa elevator, huminga ng malalim si Xyriel at pinunasan ang kanyang mga luha at ikinuyom ang kanyang palad.
Pumasok na siya sa loob at hindi na nagtaka pa na titigan ang makalat sa sala. Muling tumulo ang luha sa mga mata niya dahil hindi siya tinuring na asawa ni Ralph, kundi parang isang kasambahay laman. Matamlay at laylay ang balikat ni Xyriel kaya wala siyang lakas na ligpitin ang mga kalat ng asawa niya. Pakiramdam ni Xyriel ay ubos na ubos siya at hindi na niya kayang tiisin pa ang asawa niya. Pagod na din ang mga mata niya at parang gusto na lamang niya na matulog.
Tumingin sa kisame at pinikit ang mga mata ngunit kahit nakahiga na siya sa kama, hindi pa rin siya makatulog. Isa-isang sumagi sa kanyang isip ang mga alaala nila ni Ralph bago pa sila ikasal. Masaya at akala mo ay mala-fairytale ang kwento ng kanilang unang pagkikita. Napangiti ng mapait si Xyriel habang inaalala ang unang pagkikita nila, may mga lalaki na nambabastos kay Xyriel at biglang lumapit itong si Ralph upang iligtas si Xyriel at ilayo sa mga bastos na lalaki.
Pangalawang pagkikita nila ay umuulan at walang masakyan at walang dalang payong si Xyriel, kaya ang ginawa ni Ralph ay pinasakay nito sa kanyang kotse si Xyriel at inihatid sa mismong bahay nito. Ang pangatlong pagkakataon naman ay nagja-jogging tuwing weekend si Xyriel at saktong nakita niya si Ralph. Kaya sabay na silang nag-jogging at bumili ng kape sa coffee shop. Nagtuloy-tuloy ang pagkikita ng dalawa at naging magkaibigan.
Comfort zone ang isa’t-isa at sandalan ni Xyriel ang braso ni Ralph sa tuwing umiiyak ito, sa tuwing kailangan ni Xyriel ng taong mayayakap, nandyan si Ralph para yakapin ng mahigpit at iparamdam kay Xyriel na hindi siya nag-iisa.
Kailan kaya niya ulit mararamdaman ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya ni Ralph?.
“Bakit ngayon ka lang?”Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”Kung dati ay isang u
“Maraming magkakapareho ang last name, Divine.”Tumango at nag-agree na lamang si Divine sa sinabi ni Xyriel. “Ang project na design bag ni Ayamea, next week ay kailangan na natin umpisahan. Ikaw, Divine isa ka sa team na napili ko para sa paggawa ng mga design sa bag na gusto ng VIP natin.”Nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ni Xyriel dahil bihira lamang siya makatanggap ng ganung project at sa isang VIP pa. Mukha ngang idol ni Divine si Ayamea eh.“Isang karangalan na makasama sa team na iyon, Madam Xy. Thank you! Anyway Madam, wala naman na masyadong gagawin dito sa shop, pwede ka nang magpahinga muna. Tatawagin ka nalang namin kapag kailangan ka dito.”Sambit ni Ayamea at tumingin kay Xyriel na nakaupo habang sinusuring mabuti ang kopya ng design na binigay ni Ayamea sa kanya kanina.“Gusto kong magpaka-busy ngayon, Divine. May mga kailangan ba akong pirmahan na bagong labas na mga bags?”Saad nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa design, inaaral niyang mabuti ang design at
Hindi pa din mawala sa isip ni Xyriel ang mga nangyari kahapon at kanina, ano’t tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lamang siyang binigyan ng mamahaling scarf si Xyriel, gayong alam naman ni Xyriel ang rason bakit nagiging malambing sa kanya si Ralph ay dahil baka may kasalanan itong nagawa noong hindi ito nakauwi kagabi.Hawak ni Xyriel ang scarf at tinitigan nf mabuti, maganda ito at nakakaakit tingnan. Huminga ng malalim si Xyriel at saka nilagay sa loob ng kanyang bag at lumabas na ng apartment dahil may trabaho pa ito.Si Xyriel ang namumuno sa bag company dahil pansamatala na nagtungo sa ibang bansa ang kaibigan at mentor niya na si Azeiana Roxanne. Magkapatid ang turingan ng dalawa at nakisusyo lamang si Xyriel na ito ang magpakilala bilang boss nila sa RBC. Ipinagkatiwala naman sa kanya ang pagiging pansamantala na boss. Masipag at mapagkakatiwalaan din naman si Xyriel. Pero ang totoo talaga ay si Xyriel ang may-ari ng Real Bag Company, ginawa sa pangalan ni Xy-RIEL at
CHAPTER TWOHindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan natulog ang asawa. Lumabas na siya ng kwarto at inayos ang sarili, maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng keypad lock sa main door. Nang bumukas ng pinto, iniluwal nun si Ralph. Agad siyang lumapit sa asawa upang kunin ang coat at yakapin ito ngunit natigilan siya nang may maalala… oo nga pala baka galing si Ralph sa kabit nito. Malinaw pa rin kay Xyriel ang mga narinig niya kahapon.“Wala ka pang nalutong umagahan?”Bungad ni Ralph sa kanya at imbes na mag-sorry kasi hindi ito nakauwi kagabi.“Nasa dinner party pala ako kagabi, hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko na busy ka dito sa bahay at saka hindi ka din naman kailangan doon.”Tumango-tango na lamang si Xyriel at parang wala sa mood na
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap nitong premyo. For sure, magiging masaya si Ralph sa kanya.Pero ano kaya ang bagay na maaaring iregalo kay Ralph, gayong lahat naman ng mamahaling gamit ay mayroon na ang asawa nito. Siguro ay naaayon sa pagiging isang Pangulo ng kompanya ng mga malaking Mall sa lungsod, at marami itong branch sa iba pang lugar sa Pilipinas. “Bakit nakabukas ang pinto?”Napansin ni Xyriel na bahagyang nakabukas ang pinto ng kanilang apartment kaya sumilip siya doon at nakita ang kaibigan ni Ralph na si Leo kausap ang kanyang asawa.“Ngayong bumalik na si Ayamea, paano naman ang asawa mo?”Tumaas ang isang kilay ni Xyriel ng marinig ang pangalan ng isang babae na pamilyar sa kanya, Ayamea? Ngunit bakit tila







