Mag-log inHindi pa din mawala sa isip ni Xyriel ang mga nangyari kahapon at kanina, ano’t tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lamang siyang binigyan ng mamahaling scarf si Xyriel, gayong alam naman ni Xyriel ang rason bakit nagiging malambing sa kanya si Ralph ay dahil baka may kasalanan itong nagawa noong hindi ito nakauwi kagabi.
Hawak ni Xyriel ang scarf at tinitigan nf mabuti, maganda ito at nakakaakit tingnan. Huminga ng malalim si Xyriel at saka nilagay sa loob ng kanyang bag at lumabas na ng apartment dahil may trabaho pa ito.
Si Xyriel ang namumuno sa bag company dahil pansamatala na nagtungo sa ibang bansa ang kaibigan at mentor niya na si Azeiana Roxanne. Magkapatid ang turingan ng dalawa at nakisusyo lamang si Xyriel na ito ang magpakilala bilang boss nila sa RBC. Ipinagkatiwala naman sa kanya ang pagiging pansamantala na boss. Masipag at mapagkakatiwalaan din naman si Xyriel. Pero ang totoo talaga ay si Xyriel ang may-ari ng Real Bag Company, ginawa sa pangalan ni Xy-RIEL at pinalitan lamang ng REAL para hindi mapansin ni Ralph. Ang alam kasi ng asawa niya ay mababang empleyado lamang siya at konti ang kinikita na sahod.
“Ano at bakit wala ka yata sa mood ngayon, Madam Xy?”
Tanong ni Divine, ang isa sa malapit niyang kaibigan sa kompanya.
“Wala ito, huwag ka tsismoso dyan. Masama lang ang pakiramdam ko.”
“Asus! O siya kung ayaw mong magkwento, gusto mo ba na ikaw na ang mag-handle sa guest natin ngayon na si Ayamea?”
Biglang natigilan si Xyriel sa kanyang ginagawa nang marinig ang pangalan ng babae, si Ayamea. Kahit saan siya magtungo hindi siya nilulubayan nf pangalan na yan.
“Nasaan na siya?”
Tanong ni Xyriel, gusto niyang makita ang itsura ng Ayamea. Bakit baliw na baliw sa kanya si Ralph.
“Mamaya pa daw siya dadating, VIP natin siya at gustong-gusto niya ang mga bags natin dito.”
Napangisii si Xyriel at hindi na siya makapaghintay na makaharap ang kabit ng asawa niya. Kung sineswerte ka nga naman, tadhana na mismo ang naglalapit sa kanilang dalawa.
Hindi din naman nagtagal ay nakarating na si Ayamea sa kanilang boutique shop at nagninginging agad ang mga mata nang makita ang mga nag gagandahan na mga bag at puro mamahalin ang mga ito.
Bumati ang mga staff ng shop sa VIP na si Ayamea at nang magtagpo ang mga mga ni Xyriel at Ayamea, ngumiti si Ayamea at magalang na umupo sa tapat ni Xyriel.
“Ano ang maipaglilingkod namin sa iyo, Ma’am VIP?”
Tanong ni Xyriel sa babaeng kabit ng asawa niya. Hindi maipagkakaila na maganda nga si Ayamea, sopistikada, mukhang mabango, napakakinis ng kanyang balat, wala kang makikita na kahit anong bahid ng peklat at maging sa mukha nito ay wala kang makikita na pores. Maganda manamit at makikita mo agad sa unang tingin na sobrang successful na sa kanyang career.
Pero pagbaligtarin man ang mundo, kaagaw niya pa rin si Ayamea sa puso at isip ng kanyang asawa. Hindi iyon katanggap-tanggap.
“Nais ko sana na magpagawa ng sarili kong design bag sa inyo. Narinig ko kasi na expert ka sa paggawa ng mga luxury bags kaya nagtungo ako dito upang makausap ka ng personal.”
“Yes tama nga ang narinig mo. Maaari ko bang makita ang design?”
Kinuha ni Ayamea ang design ng bag sa loob ng kanyang luxury bag at napansin. ni Xyriel na may scarf na nakatali dito, katulad na katulad ng scarf na binigay sa kanya ni Ralph kanina. Tumaas ang isang kilay ni Xyriel na nakatingin sa scarf at kay Ayamea. Ngunit nagbago din ang reaksyon ni Xyriel nang humarap sa kanya si Ayamea at binigay ang design ng bag.
Napamaang si Xyriel sa ganda ng design ng bag, magaling sa pag-drawing si Ayamea, sabagay hindi ka na magtataka na alam niya lahat sa mundong ito dahil sa husay, ganda at talented niyang babae. Kaya nga gusto siya ni Ralph eh.
“Wow! Ang ganda naman po ng scarf niyo, Ma’am VIP.”
Sambit ni Divine, napangiti naman si Ayamea doon at sinuring mabuti ni Xyriel ang reaksyon ng kabit ni Ralph.
“Thank you, may nagbigay lang sa akin nyan kagabi.”
Ang boses nito ay tila naging boses pabebe at animo’y kinikilig na parang isang teenager dahil umamin sa kanya ang ultimate crush niya.
Napangiwi si Xyriel pero nasaktan din siya dahil akala niya ay special siya sa asawa, iyon pala may iba din palang binigyan na regalo si Ralph, at si Ayamea pa.
At nalaman niya na magkasama sila buong gabi ni Ralph at Ayamea, kaya pala hindi nakauwi si Ralph sa bahay nila dahil siguro nag-enjoy kasama ang kabit niya.
“Magagawa mo kaya?”
Tila natauhan si Xyriel nang magsalita si Ayamea, kanina pa pala ito nakatingin sa kanya at kanina pa ito nagsasalita. Masyadong na-pre occupied si Xyriel. Hindi niya namalayan na nasa trabaho pala siya.
“Yes, Ma’am Ayamea, gagawin ng team ko ang best namin para sa inyong well own design bag.”
Magalang na tugon ni Xyriel kay Ayamea, si Ayamea naman ay ngumiti lamang na tila isang boss para utusan ang kanyang tagapasunod.
Nang tuluyan nang makaalis si Ayamea, saka lamang nakahinga ng maluwag si Xyriel. Hindi naman iyon napansin ng mga staffs lalo na si Divine dahil naka-focus ito sa VIP nila na si Ayamea. Tila namangha sa ganda at mukhang matalino nga ang kabit ng asawa ni Xyriel.
“Madam napansin niyo ba yung bag ni Ma’am Ayamea? Ang ganda ‘no? Mukhang mamahalin at hindi siya galing dito sa Pilipinas. I think nabili niya yun sa ibang bansa, grabe worth of 3 million yata ang bag na yun. Mas mahal pa sa bahay ko.”
Naalala na naman ni Xyriel ang tatlong milyon na narinig niya kahapon, bakit kaya nag-aksaya ng ganun kalaking pera si Ralph na hanapin si Ayamea? Ang tanong, worth it ba iyon? Siguro nga ay oo, kasi malamang nagkausap na si Ralph at Ayamea kagabi, at baka nga magkatabi pa sila sa iisang kama.
“Sobrang kinis ng balat niya, akala mo ay naliligo lagi sa bathtub na punong-puno ng gatas at mga bulaklak. Pati ang mukha ay napakakinis, kumikintab ang kanyang mukha at hindi na kailangan pa ng ilaw dahil may sarili siyang ringlight kahit saan siya pumunta.”
Panay ay papuri ni Divine kay Ayamea at nakikinig lamang si Xyriel. Walang ideya si Divine tungkol sa narinig ni Xyriel kahapon dahil ayaw naman nito na magkwento tungkol sa kanyang buhay. Ni hindi nga nito alam na may asawa pala si Xyriel na presidente ng isang mall, ang alam lang ni Divine ay may asawa si Xyriel at hindi ito sobrang yaman na lalaki.
“At yung scarf niya, mukhang bagong labas lang yun sa Mall na pagmamay-ari ng mga Villa Diego. May stock pa kaya sila?”
Ah so sa Mall pala galing ang scarf? Siguro nga ay bagong labas lang iyon at sadyang sinadya ni Ralph na kumuha ng dalawang magkapareho na scarf para ibigay kay Ayamea at Xyriel.
“Teka nga Madam Xy, diba Villa Diego rin ang last name mo? Sure ka ba na hindi ka related sa mga Villa Diego na iyon?”
“Kailangan natin mapalapit sa kaaway natin.” Tumango-tango si Roxy habang naka de-kwatro at naka-cross arms habnag umiinom ng kape na inihanda ni Xyriel kanina. “Sabagay, tama ka. Ang galing mo sa part na yun.”Nang matapos ang dalawa ay lumabas na sila sa condo unit at sabay mna silang nagtungo sa RBC at for sure magugulat si Divine kapag nakita si Roxy.“Bakit naman hindi mo sinabi agad sa akin Boss na nakauwi kana pala?”Niyakap ng mahigpit ni Divine si Roxy, habang tuwang-tuwa na nakitang muli ang magandang Boss ng RBC.“Oh, at bakit kayo magkasamang dalawa? Nako, nagseselos ako.”Dagdag pa ni Divine, natawa naman si Roxy at Xyriel. Kahit close friend nila si Divine ay hindi pa rin nagkwento ng kung ano-ano ang dalawa lalo na’t kapag tungkol sa mga personal nilang impormasyon. Hindi din nila sinabi kay Divine ang totoo na si Xyriel ang may-ari ng RBC, ang alam lamang nito ay mapagkakatiwalaan at magkaklase sila ni Roxy at Xyriel noong college sila. Yun lamang ang alam ni Divine.
Iyak nang iyak si Xyriel dahil hindi niya inaakala na dadating sila sa ganitong sitwasyon ng asawa. Kanina lamang ay masaya sila sa dinner date pero bakit pag-uwi ay naging ganito si Ralph. Namimilit na gumawa sila ng anak ni Xyriel.Litong-lito si Xyriel at hindi alam saan pupunta pero biglang pumasok sa isip niya ang condo niya malapit sa RBC, hindi ito alam ni Ralph kaya doon sia nagtungo. Gulo-gulo ang buhok ni Xyriel nang pumasok sa hotel kaya nakatingin sa kanya ang mga staffs at guest. Dumiretso ito sa elevator at pinipindot ang elevator button pero dahil sa luha ay hindi niya mapindot ng maayos, kaya ang isang kasabay niyang babae ang nagpindot nun.“Anong floor po?”“17th floor.”Tahimik lang si Xyriel habang naalala ang mga nangyari sa apartment, ang pangba-baboy ni Ralph sa kanya. Hindi niya batid bakit naging ganun ang asawa niya.Nang makarating siya sa condo niya ay halos manghina siyang napahiga si sofa at patuloy na umiiyak. Niyakap ang sarili hanggang sa nakarinig siy
Nang makapagbayad na si Ralph ng hospital bill, agad itong umuwi sa kanila ngunit laylay ang balikat nang makita na walang tao sa loob, ni walang anino ni Xyriel. Saan kaya nagpunta ang kanyang asawa?Kinuha ni Ralph ang kanyang cellphone at tinawagan ang asawa, nagri-ring lamang ito. Samantala si Xyriel ay tinitingnan lamang ang kanyang phone na mag-ring at hindi niya alam kung bakit tumawag si Ralph sa kanya. Nag-iwan din ng messages si Ralph at nabasa naman iyon ni Xyriel. “Nasaan ka? Umuwi kana, gabi na. Nag-aalala ako saiyo asawa ko.”Basa ni Xyriel sa message ni Ralph, nag-aalala pala siya bakit hindi man lang niya inuna na ihatid si Xyriel kaysa kay Ayamea. Inuna niya ang kabit niya kaysa sa legal na asawa tapos mag-aalala siya. Napangiti ng mapait si Xyriel sa kanyang nabasa, pinunasan ang luha at tumayo dahil gusto na din niyang umuwi lalo pa’t ang sumunod na message ni Ralph ay…“Aalis tayo, kaya umuwi kana. May pupuntahan tayo.”Sumakay si Xyriel sa taxi at habang papunta
“Kailanman ay hindi nagbiro tungkol sa kasal ang asawa ko.”May konting inis sa boses ni Xyriel ng banggitin iyon, tila kinabahana naman doon si Ayamea at napalunok. Tumahimik naman ang biyenan at hipag ni Xyriel maging si Ralph na nakatingin sa kanya at hinawakan ang kamay.“Ay, sorry if na-offend ka hind iyon ang gusto kong maramdaman mo, Mrs. Villa Diego. Akala ko biro lang siya kaya hindi agad ako nakauwi sa kasal niyo. Mapagbiro kasi itong si Ralph eh.”Sinuring mabuti ni Xyriel si Ayamea at napansin naman iyon ng babae kaya agad ulit napawi ang ngiti sa kanyang labi. Tila yata nakakalimutan nito na nasa isang silid lang silang lahat. Nakakalimutan yata ng kabit na kasama ni Ralph ang totoong asawa, ang legal na asawa.“Mukhang kilalang-kilala mo ang asawa ko ah, base sa tono ng iyong pananalita, Ms. Collins.”“Ms. Collins na-miss kita ng sobra!”Biglang sabi ni Rexi para maiwasan ang sagutan ni Aya at Xyriel. Sumenyas kasi si Ralph sa kapatid na ibahin ang topic at mukhang na-ge
“Bakit ngayon ka lang?”Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”Kung dati ay isang u
“Maraming magkakapareho ang last name, Divine.”Tumango at nag-agree na lamang si Divine sa sinabi ni Xyriel. “Ang project na design bag ni Ayamea, next week ay kailangan na natin umpisahan. Ikaw, Divine isa ka sa team na napili ko para sa paggawa ng mga design sa bag na gusto ng VIP natin.”Nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ni Xyriel dahil bihira lamang siya makatanggap ng ganung project at sa isang VIP pa. Mukha ngang idol ni Divine si Ayamea eh.“Isang karangalan na makasama sa team na iyon, Madam Xy. Thank you! Anyway Madam, wala naman na masyadong gagawin dito sa shop, pwede ka nang magpahinga muna. Tatawagin ka nalang namin kapag kailangan ka dito.”Sambit ni Ayamea at tumingin kay Xyriel na nakaupo habang sinusuring mabuti ang kopya ng design na binigay ni Ayamea sa kanya kanina.“Gusto kong magpaka-busy ngayon, Divine. May mga kailangan ba akong pirmahan na bagong labas na mga bags?”Saad nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa design, inaaral niyang mabuti ang design at
CHAPTER TWOHindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan n
“Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap n







