Share

CHAPTER TWO

Author: Miss Axelle
last update publish date: 2026-03-17 23:55:17

 CHAPTER TWO

Hindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan natulog ang asawa. Lumabas na siya ng kwarto at inayos ang sarili, maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng keypad lock sa main door. Nang bumukas ng pinto, iniluwal nun si Ralph. Agad siyang lumapit sa asawa upang kunin ang coat at yakapin ito ngunit natigilan siya nang may maalala… oo nga pala baka galing si Ralph sa kabit nito. Malinaw pa rin kay Xyriel ang mga narinig niya kahapon.

“Wala ka pang nalutong umagahan?”

Bungad ni Ralph sa kanya at imbes na mag-sorry kasi hindi ito nakauwi kagabi.

“Nasa dinner party pala ako kagabi, hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko na busy ka dito sa bahay at saka hindi ka din naman kailangan doon.”

Tumango-tango na lamang si Xyriel at parang wala sa mood na harapin at kausapin ang asawa. Dati, sa tuwing may dinner party at may pinupuntahan si Ralph, lagi niyang kasama ang asawa.  Dati din ay niyayakap naman siya ni Ralph, ramdam nito ang pagmamahal sa kanya ng asawa ngunit kailangan niya kaya ulit mararamdaman ang init ng yakap ng asawa? May chance pa ba na mangyari iyon o tuluyan na nga ba talaga na mawawala na?

Nagbago lang ang pakikitungo ni Ralph kay Xyriel noong tatlong linggo na ang nakalipas. Kahit nga magkasama sila sa iisang kama, hindi mo makikita na naglalambingan sa kama ang dalawa. Magkatalikod kasi sila kapag natutulog at tila hindi mag-asawa ang turingan.  Minsan din ay akala niya’y pagod lang ang asawa sa trabaho, kaya wala nang kahit simpleng yakap. Kaso nang bumalik si Ayamea sa buhay nila, nagbago ang lahat. 

“Anong gusto mong almusal?”

Walang emosyon na saad ni Xyriel aa asawa ngumit inis na naglabas ng hangin si Ralph at tumingin sa asawa.

“Hay ewan ko sayo! Yan na nga lang gagawin mo, ako pa tatanungin mo? Kung ayaw mo magluto, huwag kana magluto. Sa labas nalang ako kakain mamaya. Wala talagang kwenta!”

Inis na sabi ni Ralph at napalingon sa sala at mas lalong nainis dahil makalat pa din iyon. Nakakunot noo siyang tumingin sa asawa.

“Bakit marami pa din kalat itong sala? Bakit hindi ka naglinis kahapon?”

Napayuko si Xyriel at ang kanyang mga mata ay malapit na naman umiyak pero pinigilan niya ito. Kung maaari ay ayaw niyang umiyak sa harapan ng kanyang asawa.

“Masama ang pakiramdam ko kahapon kaya hindi ko na yan nalinis, hayaan mo at lilinisin ko mamaya yan. Agad kasi akong nakatulog dahil sa pagod.”

Pagsisinungaling ni Xyriel dahil ang totoo niyan, kaya sumama ang pakiramdam niya ay dahil sa mga narinig na masasakit na salita galing kay Ralph. Hindi nakatulog sa pag-iisip si Xyriel dahil kay Ralph.

“Linisin mo na yan at nang makapag-order na ako ng pagkain, tinatamad akong lumabas.”

Pagbabago ng isip ni Ralph kaya wala din nagawa si Xyriel kundi linisin ang kalat sa sala dahil nangangamoy asim na ito at hindi na kaaya-aya sa ilong. Ayaw pa naman ni Xyriel na makalat at masakit sa mata iyon.

Habang naglilinis si Xyriel, napansin naman ni Ralph na may kakaiba sa pakikitungo sa kanya ng asawa. Hindi ganito katahimik si Xyriel at mukhang batid ni Ralph na may nagbago nga kay Xyriel.

Kahit gaano pa kasama ang pakiramdam ni Xyriel, lagi yan nagluluto ng almusal at hindi hinahayaan na may kalat sa bawat sulok ng bahay pero ngayon talagang may kakaiba sa mga aksyon ng asawa.

“Anong nangyari sa iyo at bakit parang iba ang pakikitungo mo sa akin? Galit ka ba dahil hindi ako natulog dito kagabi?”

Tanong ni Ralph kay Xyriel. Hindi umimik si Xyriel at pinagpatuloy lamang ang paglilinis sa sala.

“Asawa ko?”

 Natigilan ai Xyriel sa kanyang ginagawa nang marinig ang salitang iyon galing kay Ralph. Muli na naman siyang tinawag na ‘asawa ko’ dahil ang huling tinawag siyang ganun ay last month pa.

Sumikip ang dibdib ni Xyriel at hindi makahinga ng maayos. May part kay Xyriel na masaya dahil sa wakas ay tinawag siyang muli ni Ralph na ‘asawa ko’. Na-miss ni Xyriel iyon dahil pakiramdam niya ay alagang-alaga siya ni Ralph at mahal na mahal siya nito. Ngunit may parte kay Xyriel na malungkot, dahil sa mga nalaman niya kahapon ay hirap na siyang magtiwala sa pagiging malambing ng asawa. Kung totoo ba iyon o akting lamang?

“O sige na, asawa ko. Huwag ka nang magalit pa. Kita mo naman na hindi ako uminom ng alak dahil iyon ang bilin mo sa akin lagi. Hindi na din ako magpapa-abot ng umaga dahil gabi-gabi na tayong magkatabi sa kama at dito lang ako sa apartment matutulog.”

Narinig ni Xyriel ang yabag ni Ralph na palapit sa kanya at nagulat sita nang hawakan siya sa kamay at ipaharap sa kanya kaya nabitawan ni Xyriel ang walis tambo. Naramdaman ni Xyriel ang haplos ni Ralph sa kanyang mukha. Napakasarap sa pakiramdam nun pero mabilis na umiwas si Xyriel kaya nagtaka si Ralph 

“Ayaw mo ba? Pahalik lang.”

Malambing na boses ni Ralph at nakatingin ng diretso sa asawa pero si Xyriel ay umiiwas ng tingin.

“Kakaiba talaga ang kinikilos mo, may problema ba?” 

Nagtataka na tanong ni Ralph dahil hindi siya sanay sa asawa niya ngayon.

“Masama ang pakiramdam ko.”

Yan na lamang ang sinabi ni Xyriel kay Ralph at umalis sa harap nito saka kinuha muli ang walis tambo upang ipagpatuloy ang paglilinis. Natahimik naman si Ralph dahil hindi siya pinagbigyan ni Xyriel na makaisa ng halik.

May kinuha si Ralph sa kanyang bag at muling lumapit sa asawa at hinawakan ang kamay, nagulat si Xyriel aa kanyang nakita. Isang scarf at sa itsura nito ay napaka mahal ang presyo.

“Nang makita ko ito kagabi, ikaw agad ang unang pumasok sa isip ko. Alam kong gustong-gusto mo ito. Bagay din sayo at alam ko na bagay din ito ilagay sa paborito mong bag bilang design.”

Nakangiti si Ralph at pekeng ngiti naman ang ginanti ni Xyriel sa asawa at tinanggap ang Scarf.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER FIVE

    “Bakit ngayon ka lang?”Bungad ni Rexi kay Xyriel nang makarating ito sa room nito. Napairap si Xyriel at hindi naman iyon nakita ni Rexi, buti naman. Palihim na kinuyom ni Xyriel ang kanyang kamao at nakita ang itsura ng kapatid ni Ralph, may sugat ito sa braso at maging sa noo.“Naaksidente ako at huwag mo akong pagtawanan! Isusumbong kita kay kuya!”Ano kay bata na magsusumbong kasi inaway ka ng kalaro mo? Sa loob-loob ni Xyriel, ay pinagmumura na niya si Rexi. Kapag talaga binago ka ng pera, pati ugali mo damay. Sa Pamilyang Villa Diego mo lang yan makikita. Sa halip na sumagot ay nanatiling tahimik lamang si Xyriel habang nakatingin kay Rexi na iniinda ang sakit ng katawan dahil sa aksidente na nangyari.Naaksidente daw pala ito sa kanyang kotse, nabangga sa isang poste dahil may tumawid na aso sa kalsada kaya mabilis nitong nailiko ang manibela kaso sa poste naman siya tumama.“Hipag, nagugutom na ako! Gusto ko ng lugaw na grouper. Pwede mo ba akong bilhan?”Kung dati ay isang u

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER FOUR

    “Maraming magkakapareho ang last name, Divine.”Tumango at nag-agree na lamang si Divine sa sinabi ni Xyriel. “Ang project na design bag ni Ayamea, next week ay kailangan na natin umpisahan. Ikaw, Divine isa ka sa team na napili ko para sa paggawa ng mga design sa bag na gusto ng VIP natin.”Nanlaki ang mata ni Divine sa sinabi ni Xyriel dahil bihira lamang siya makatanggap ng ganung project at sa isang VIP pa. Mukha ngang idol ni Divine si Ayamea eh.“Isang karangalan na makasama sa team na iyon, Madam Xy. Thank you! Anyway Madam, wala naman na masyadong gagawin dito sa shop, pwede ka nang magpahinga muna. Tatawagin ka nalang namin kapag kailangan ka dito.”Sambit ni Ayamea at tumingin kay Xyriel na nakaupo habang sinusuring mabuti ang kopya ng design na binigay ni Ayamea sa kanya kanina.“Gusto kong magpaka-busy ngayon, Divine. May mga kailangan ba akong pirmahan na bagong labas na mga bags?”Saad nito nang hindi tinatanggal ang tingin sa design, inaaral niyang mabuti ang design at

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER THREE

    Hindi pa din mawala sa isip ni Xyriel ang mga nangyari kahapon at kanina, ano’t tila nagbago ang ihip ng hangin at bigla na lamang siyang binigyan ng mamahaling scarf si Xyriel, gayong alam naman ni Xyriel ang rason bakit nagiging malambing sa kanya si Ralph ay dahil baka may kasalanan itong nagawa noong hindi ito nakauwi kagabi.Hawak ni Xyriel ang scarf at tinitigan nf mabuti, maganda ito at nakakaakit tingnan. Huminga ng malalim si Xyriel at saka nilagay sa loob ng kanyang bag at lumabas na ng apartment dahil may trabaho pa ito.Si Xyriel ang namumuno sa bag company dahil pansamatala na nagtungo sa ibang bansa ang kaibigan at mentor niya na si Azeiana Roxanne. Magkapatid ang turingan ng dalawa at nakisusyo lamang si Xyriel na ito ang magpakilala bilang boss nila sa RBC. Ipinagkatiwala naman sa kanya ang pagiging pansamantala na boss. Masipag at mapagkakatiwalaan din naman si Xyriel. Pero ang totoo talaga ay si Xyriel ang may-ari ng Real Bag Company, ginawa sa pangalan ni Xy-RIEL at

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER TWO

    CHAPTER TWOHindi nakatulog si Xyriel hanggang abutin na siya ng alas dos ng madaling araw at nang sumapit ang ala-sais ng umaga. Kahit antok at tinatamad pa si Xyriel ay iminulat niya ang mata at ramdam na agad ang pagod ngayong araw. Hindi nga umuwi si Ralph kagabi at hindi nito alam kung saan natulog ang asawa. Lumabas na siya ng kwarto at inayos ang sarili, maya-maya ay nakarinig siya ng tunog ng keypad lock sa main door. Nang bumukas ng pinto, iniluwal nun si Ralph. Agad siyang lumapit sa asawa upang kunin ang coat at yakapin ito ngunit natigilan siya nang may maalala… oo nga pala baka galing si Ralph sa kabit nito. Malinaw pa rin kay Xyriel ang mga narinig niya kahapon.“Wala ka pang nalutong umagahan?”Bungad ni Ralph sa kanya at imbes na mag-sorry kasi hindi ito nakauwi kagabi.“Nasa dinner party pala ako kagabi, hindi ko na sinabi sayo kasi alam ko na busy ka dito sa bahay at saka hindi ka din naman kailangan doon.”Tumango-tango na lamang si Xyriel at parang wala sa mood na

  • Four Years of Marriage, His Heart was never Mine   CHAPTER ONE

    “Ano kaya ang magiging reaksyon ni Ralph kapag ibinalita ko yun?”Tanong ni Xyriel sa sarili habang nakasakay sa elevator. Hindi mawala ang ngiti sa napakagandang mukha ni Xyriel, hindi na rin makapaghintay pa na sabihin sa asawa ang balita. Naisip pa ni Xyriel na regaluhan ang asawa sa natanggap nitong premyo. For sure, magiging masaya si Ralph sa kanya.Pero ano kaya ang bagay na maaaring iregalo kay Ralph, gayong lahat naman ng mamahaling gamit ay mayroon na ang asawa nito. Siguro ay naaayon sa pagiging isang Pangulo ng kompanya ng mga malaking Mall sa lungsod, at marami itong branch sa iba pang lugar sa Pilipinas. “Bakit nakabukas ang pinto?”Napansin ni Xyriel na bahagyang nakabukas ang pinto ng kanilang apartment kaya sumilip siya doon at nakita ang kaibigan ni Ralph na si Leo kausap ang kanyang asawa.“Ngayong bumalik na si Ayamea, paano naman ang asawa mo?”Tumaas ang isang kilay ni Xyriel ng marinig ang pangalan ng isang babae na pamilyar sa kanya, Ayamea? Ngunit bakit tila

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status