Share

Kabanata 22

Penulis: Belle Ame
last update Tanggal publikasi: 2025-11-24 00:12:04

Lalo pa tuloy naiintriga si Cailyn tungkol sa mga pinagmulang pamilya ng mga kamag-anak niya dahil sa ibinigay na card sa kaniya! At dahil sa hindi naniya kaya pang tanggihan ang inaalok ng tito niya ay tinanggap na lang niya ang bank card.

"Salamat po dito, tito." mahinahong sabi ng dalaga.

"Tsk, gusto ko ring marinig na tawagin akong kuya ni Cailyn." ani Kian na nakikinig lang sa isang tabi habang nangangasim ang sariling mukha.

Paano ba naman kasi ay napakabait ng pagtrato ng sarili nitong a
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 95

    Nang sumapit din ang hapon ay sumakay na ng taxi si Cailyn papunta sa ospital habang bitbit ang malalaking shopping bags na lagayan ng mga pinamili niya.At gaya ng dati ay napakarami pa ring tao sa buong ospital. Mabuti na lang at hindi siya pupunta sa outpatient department, kaya hindi na niya kailangan pang pumila. Dumaan siya sa mahabang hallway at dumiretso sa South Garden Inpatient Ward.Maingay at abala ang outpatient area, pero paglagpas niya sa isang corridor na napapalibutan ng mga halaman at puno ay tila ibang mundo na ang inpatient ward. Tahimik at presko ang paligid doon. May ilang mga pasyenteng naglalakad sa garden kasama ang kanilang mga bantay at payapa ang tanawin sa kabila ng pagiging abala ng mga tao sa ospital.At dahil maraming bitbit ay hindi na muna dumiretso si Cailyn sa kuwarto ng kaniyang tiyuhin. Sumakay muna siya ng elevator patungo sa ika-walong palapag. Halos puno ang VIP ward sa ikawalong palapag. Naroon sina Gavino at Jace. Kasama rin nila ang isang bi

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 94

    “Actually hija, hindi naman ito talagang malaking bagay, uh.. ” May kaunting hiya sa mabait na mukha ni Monette habang tinitingnan si Cailyn.“Ganito kasi hija, senior high school ka na at malapit ka na ring mag-college, hindi ba. May university ka na bang gustong pasukan? Kumusta kaya kung sa University of the Philippines College of Arts and Letters ka pumasok? Gusto mo ba roon, hija?” Bahagyang ngumiti si Monette matapos sabihin iyon.“K-kung gusto mo, may paraan ang Lola Monette para matulungan kang makapasok doon. Hindi naman masama ang grades mo, e. At saka kilala rin ang UP bilang isa sa mga pinaka-prestihiyosong university sa buong bansa. Kung makakakuha ka ng magandang recommendation at admission assistance ay mas mabuti iyon kaysa umasa ka lang sa resulta ng entrance exam.” muling saad ng ginang.   Wala ng libre sa mundo. Kahit na may nag-abot man sa’yo ng libreng pagkain ay kailangan mo pa ring mag-ingat. Baka naman nahulog lang iyon mula sa napakataas na lugar at sakto nam

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 93

    Commission-based kasi ang kita ng mga sales associate sa bawat luxury stores, at hindi naman sila nakakakuha ng malalaking kliyente buwan-buwan. Kadalasan nga ay umaabot pa sa daan-daang libong piso ang presyo ng mga paninda roon, kaya karamihan sa mga customer ay nag-iikot at tumitingin-tingin lang.Sa kasamaang-palad ay hindi pinansin ni Cailyn ang sales associate na nagngangalang Marie. Sa halip ay ang unang sales associate na kumausap sa kanya ang inutusan niyang mag-swipe ng card niya at ipaayos ang packaging ng mga binili niya. Dahil doon ay labis tuloy na pinagsisihan ni Marie ang naging asal niya rito kanina.At habang hinihintay ang mga binili niya na maipack ay nakaramdam si Cailyn ng kaunting pagkasikip sa loob ng store kaya lumabas muna siya saglit at naglaro ng kung ano sa phone niya. Balak sana niyang silipin ang bawat galaw ng stock market habang naghihintay doon. Sakto namang kakabukas pa lang niya ng screen ng phone at hindi pa man siya nakakapag-check nang maayos na

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 92

    “P-po?”Natigilan ang sales assistant. Nanlaki ang almond-shaped nitong mga mata sa gulat at hindi makapaniwalang nakatingin kay Cailyn.Bahagyang nakaawang ang mga labi. “I-ikaw… g-gusto mo talagang ng bilhin ’to?” saad ng sales associate.   Tumango si Cailyn.Casual lang din niyang sinulyapan ang iba pang mga naka-display na items, hanggang sa makita niya ang maliit na seahorse na kanina pa inirekomenda sa kanya.  “Ito na nga rin.” ani Cailyn. Mas lalo pang hindi nakaimik ang dalagang kumukuha ng mga bagat na nais niyang bilhin. Para kasi sa sales associate na si Ciara ay mukha lamang isang high school student 'tong si Cailyn!  Marami mang mayayamang babae sa siyudad ang maingat na pumipili ng mga items sa loob ng Seven, nagtatanong tungkol sa mga produkto at sinusubukan pa ang mga ito bago tuluyang magdesisyon kung bibili ba sila o hindi.  Napansin ng sales assistant na baka hindi alam ni Cailyn kung anong klaseng brand ang Seven. “Uh... Miss, medyo pricey po kasi ang brooc

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 91

    Kaswal na naglibot muna si Cailyn bago tuluyang umakyat sa second floor. May Seven na counter sa loob ng mall, pero kakaunti lang ang mga taong tumitingin-tingin doon. Karamihan kasi ay alam na sobrang mahal ng brand na iyon kaya hindi na rin pumapasok.Dire-diretsong pumasok roon si Cailyn, at agad siyang magiliw na sinalubong ng isang sales assistant.“Hello po. Ano pong klaseng jewelry ang hinahanap ninyo? Pwede ko po kayong tulungan mamili.” saad ng saleslady roon.Napatingin ito kay Cailyn at bahagyang natigilan nang mapansin na isa lamang itong high school student. Pero hindi nagbago ang ngiti nito. Hindi rin ito nagpakita ng pagkainip o pag-aakalang nagsasayang lang ng oras ang dalaga dahil bata pa ito.“Miss, ano po ang gusto ninyong bilhin? Bracelet, necklace, earrings, brooch…? Sabihin ninyo lang po at ituturo ko kung saan nakalagay ang bawat style.” magiliw nitong tanong habang patuloy na sumusunod kay Cailyn.Hindi pa kailanman nakapunta si Cailyn sa physical store ng Seven

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 90

    Ang Seven ay ang isang internationally renowned brand na kilala sa kakaiba at natatangi nitong design style. Taon-taon, tuwing ginaganap ang mga major fashion week sa iba’t ibang panig ng mundo, ang mga modelong naglalakad sa runway ay may suot na accessories mula sa Seven. At ahil dito ay itinuturing ng mga top celebrities at socialites sa bansa na isang karangalan ang makapagsuot ng mga produkto mula sa Seven.Iilan lamang ang nakakaalam ng katotohanan na ang kilalang genius designer na si S, ang taong nasa likod ng mga disenyo ng Seven, ay isang high school student pa lang na kakadiwang lang ng ika-18 na kaarawan, at isa pang babae.Sa katunayan nga ay sa mundo ng design industry, kalalakihan pa rin ang mas nangingibabaw. Karamihan kasi sa malalaking brands ay pinamumunuan ng mga lalaki. Kaya lalaki rin ang kadalasang target ng kanilang mga interests at designs!Pero si Cailyn ang sumisira sa tradisyong iyon. Matagal nang pakiramdam ni Leana na walang bagay na hindi kayang gawin ng

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 5

    Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada l

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 4

    SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. T

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 3

    “Isara mo ‘yang bintana!” kaagad na utos ng lalaking may mababa at magaspang na boses mula sa back seat.Mababaw lang ang boses ng lalaki, may bahid din iyon ng talim, ngunit may kasamang tapang na hindi madaling balewalain.Mabilis na lumingon si Kian sa back seat nang marinig ang boses na iyon. M

  • From Adopted Daughter To Billionaire's Fiancé   Kabanata 2

    “Heto ang sampung libo,” aniya at saka bumuntong hininga. Inilapag niya ang isang bungkos ng tag-iisang libo sa palad ni Cailyn. “Heto! Bumalik ka na…. Sa tahanan ng mga magulang mo at magpakabait ka. Itabi mo ang pera na ‘to pambili ng mga damit mo. Maaari mo rin itong magamit para sa pag-aaral mo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status