Se connecterPagpasok ni Almira roon ay seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya, samantalang ang mga guro na kanina pa nagtatamasa ng kape at tsaa ay agad namang bumalik sa kani-kanilang mga upuan at pwesto.Ibinaba rin ni Emma ang hawak nitong tasa. Medyo nababagabag habang inihahandang kunin ang mga lesson plan at maglibot-libot na rin sa mga classroom.Pero hindi nito inaasahan na bigla na lamang haharang si Almira sa kanyang dadaanan. Malakas na ibinagsak ni Almira ang salansan ng mga papeles at lesson plan sa isang mesa. “Mag-sorry ka!”Tumingala si Almira, puno ng pagkalito at pagtataka.“At bakit? Anong problema mo? Bakit naman ako hihingi ng tawad sa’yo, ha?” ani Almira. “Narinig ko ang lahat ng mga sinabi mo mula sa labas.”Seryoso at matigas ang mukha ni Almira habang nagsasalita. Mas maganda at mas maayos man ang mga katangian at maging ng mukha niya kumpara kay Emma, pero hindi siya kasing ganda at kasing pormado manamit tulad nito. Laging maingat at maselan sa pananamit at ayos ng b
Matagal na silang magkasintahan ni Aiden, pero sa lahat ng panahong iyon aya palaging malamig at walang gaanong pakialam ang pakikitungo sa kanya ng ibang mga Salazar. Hindi man nila tanggap nang lubusan ay ayaw din naman nilang tanggihan o ipagtulakan si Fayra. Malabo at hindi talaga malinaw ang paninindigan ng pamilyang iyon.Ito na ang kauna-unahang pagkakataon na may ipinapagawa sa kanya si Nedeleine. Determinado at buo ang loob niya na gawin iyon nang tama at perpekto para naman sa ganitong paraan ay maibalik at maipagmalaki niya muli ang kanyang sarili sa harap ng pamilyang iyon!Kaya naman seryoso at mahalaga iyon para kay Fayra. “Mommy, kapag nakauwi na po si daddy ngayong gabi, kailangan niyo po siyang kausapin tungkol dito, ha. Siguraduhin niyo po na mapapayag niyo siya at mapapapirma ang Stephens Group na ibigay ang gamot na iyon sa atin. Handa naman po tayong magbayad nang mas malaki pa sa halaga niyon e, kaya san anaman ay huwag nilang tanggihan.” mariin niyang sabi mata
Bihira para kay Jace na makita ang ganoong side ng bata, iyong purong pagkabata at kawalang-malay. Kahit na matigas ito at tila wala talagang kinatatakutan ay bigla na lamang lumambot ang puso. "Masarap ba 'yang kendi?" mahinang tanong ni Jace. "Napakasarap po!" sagot naman ng bata habang tumatango nang mabilis at paulit-ulit.Parang tuloy itong isang sisiw na tumutuka ng bigas. Sobrang nasiyahan ito habang nakatingin nang masusi kay Cailyn, takot na takot talaga ito na baka mawala o di kaya'y bigla na lang umalis ang dalaga.Napansin din ni Cailyn na kahit saan siya pumunta, kahit anong kilos ang gawin niya ay nakasunod sa kanya ang mga mata ng bata. Tila ba nakadikit ito at labis na umaasa sa kanya. Kahit hindi niya maintindihan kung bakit ganito kalaki ang tiwala nito sa kanya ay nanatili pa rin siyang kalmado. Napansin din niya ang mga prutas na nakalagay sa mesa na nasa gilid lang ng higaan.Lumapit siya roon at saka kumuha ng isang peras, pagkatapos ay lumingon kay Drei para i
Sa ika-walong palapag ng pribadong silid, nakaalis na ang mga Salazar kasama si Fayra. Itinulak ni Jace ang pinto ng silid at saka humakbang papasok kasama si Cailyn.Nasa higaan pa rin ang bata. Nakataas ang bandang likuran nito sa kanila habang nakadikit naman ang puwitan ng bata sa unan. Narinig nito ang pagbukas ng pinto pero hindi ito nag-atubiling lumingon. Sa halip ay nagsalita ito nang may inis. “Hindi nga ako kakain dahil hindi nga ako gutom, ayaw ko ring maglaro ng mga laruan at mas ayaw ko rin ng mga peke at mapagpanggap na pag-aalaga. Kaya umalis kayo dito!” saad ng bata. “Tumayo ka na nga diyan, Ruan.” Malalim at may halong kapangyarihan ang boses ni Jace pagkasabi niyon. Nang marinig ng bata ang boses ni Jace ay parang kumilos nang kaunti ang maliit na pigura sa higaan. Pero nanatili pa rin ang kanyang likuran na nakatakip sa kumot at hindi pa rin ito lumilingon sa kanila.Wala siyang pinapakitang respeto o paggalang man lang sa kanila! Para tuloy sumakit ang ulo ni
Hindi lumingon pa si Cailyn. Nanatiling malalim at madilim ang maitim na mga mata niya. "Marami namang paraan para umasenso sa buhay, e. Pero ang pag-aaral ang pinakamabuting paraan at napatunayan na ng lahat na iyon ang pinakamaganda. Lahat ng tao ay kailangan ng 'ticket' o pagkakataon para makapasok sa mundo ng lipunan. At ang magiging tagumpay mo pagkatapos ay nakadepende na lang sa sarili mong kakayahan at kung gaano ka kasipag." mahinahon lang niyang sagot. "Sa ngayon, ang tanging tungkulin mo na lang ay ang mag-aral ka ng mabuti." dagdag nito. Pagkasabi niya ng mga katagang iyon ay ayaw na niyang makipagtalo pa sa batang tulad ni Renzo kaya kumaway na lamang siya sa likod habang naglalakad palayo."Sige na, aalis na ako. Bumalik ka na roon at alagaan mo ng mabuti ang nanay mo. Siguraduhin mo ring gagawa si tito ang sabaw gamit ang mga gamot na ipinadala ko, ha. "Tinitigan na lang ni Renzo ang pag-alis ng dalaga habang hindinniya namamalayan na humihigpit na ang pagkakakuyom
Umangat ang isang kilay ni Cailyn. "Anong klasing eskwelahan ba ang pinasukan mo noon? May tao akong pwedeng kausapin sa eskwelahan na pinasukan mo noon." aniya. "Wala ring kwenta kung kakausapin mo pa sila," sabi ni Renzo. "Sa Philippine Science High. Nasa Class A ako doon. Istrikto ang eskwelahan na iyon at ang homeroom teacher ng Class A ay dominante rin, paniguradong hindi 'yon papayag na bumalik pa ako at babaan pa ang average ng klase." dagdag nito. Dati naman ay maganda na ang mga grado nito sa klase, nasa top five pa nga, e. At mabuti ang pakikitungo sa kanya ng guro niya roon. Ngunit alam din ni Renzo na pinahahalagahan ng guro na iyon ang mga grado ng mga estudyante nito, kaya sa palagay nito na ang gumana noon ay hindi na garantisadong gagana sa mga panahon ngayon.Ngumiti si Cailyn ngunit walang ekspresyon ang kanyang mukha."What a coincidence, nandoon din ako sa Science High, doon ako nag-aaral ngayon, at sa Class A pa ako." aniya. Napangisi na lang si Renzo at hindi
Nakaalis na sina Fayra at ang iba pa nilang mga kasama bago pa magbago ang awra ng itsura ni Harvey. Hindi maipinta ang kaniyang itsura nang humakbang palapit sa kinaroroonan ni Cailyn."Cailyn," tawag niya sa dalaga.Mariing nakatingin si Cailyn sa brochure ng ospital. Kahit na common naman na ang
"Siya? Tss." pagak na ngumisi si Aina sa tinuran ni Fayra. "'Wag ka ngang masyadong mabait, Fayra. Madali ka nilang aabusuhin kapag ganyan!" taos-pusong payo ni Aina sa kaibigan."Naging matalino lang talaga ngayon si Cailyn. Maraming tao ang nakakita na nahulog ang bata sa tubig. Tumawag na rin na
---NAGSUMIKSIK sa pagmamadali si Kian sa mga nagkumpulang mga tao sa ilalim ng tulay. "Excuse me, makikiraan po." aniya.Kaagad na natanaw ni Kian ang nakatayong lalaki na agaw-pansin sa lahat na nakahawak sa palapulsuhan ng isang babae nang makatagumpay siyang nakasingit sa gitna ng mga tao. Sob
"Ayos lang naman ho ako." ani Cailyn."Kailangan mo pa ring magpatingin sa doktor, hija. Marumi ang tubig sa ilog na 'yan tapos ngayon ay may sugat pa iyang leeg mo. Baka mas lalo pang lumala 'yan hija kapag na-impeksiyon!" saad ng matanda na nag-aalala pa rin para sa kaniya, palapit na sumusunod







