Se connecter“Heto ang sampung libo,” aniya at saka bumuntong hininga. Inilapag niya ang isang bungkos ng tag-iisang libo sa palad ni Cailyn. “Heto! Bumalik ka na…. Sa tahanan ng mga magulang mo at magpakabait ka. Itabi mo ang pera na ‘to pambili ng mga damit mo. Maaari mo rin itong magamit para sa pag-aaral mo sa susunod.”
Palaging maingat si Harvey sa bawat aksyon niya. Dahil sa napaka - halagang pagkakataon ay kakapanalo lang ng kanilang pamilya sa isang proyekto mula sa gobyerno, kaya’t ayaw na ayaw niya na magkaroon ng anumang kaguluhan.
Inimbestagahan na niya ang tunay na mga magulang ni Cailyn na darating para sunduin siya. Parang Quintana yata ang kanilang apelyido, mga guro ang kanilang propesyon, at nagmula sa syudad ng Iloilo.
Limandaang kilometro ang layo ng EDSA mula sa Iloilo, at ang lugar na iyon ay kilala mula sa kahirapan. Bawat taon ay maraming negosyante ang nag-dodonate ng pera sa syudad na iyon para makatulong sa paglaban sa kahirapan nila, at maging siya ay nakapag-donate na roon noon. Hindi na niya inimbistagahan pa ang mga guro sa mga ganoon kaliliit na syudad, basta na lamang niya naiisip ang mga guro sa mga bukirin na lugar na madalas na ibinabalita tungkol sa hirap ng kalagayan nila.
Senior high school naman na si Cailyn. At kung babalik siya sa Iloilo ay maaaring maging mahirap na ang pagpasok niya sa isang unibersidad. At lalo na ring magiging mahirap para sa kaniya ang makapagtapos mula sa isang middle school at makapunta sa unibersidad sa Plipinas kagaya ni Fayra.
Tila nasira na ang kaniyang buhay!
May pag aatubili sa mga mata ni Harvey.
“Kinuha mo na ba lahat ng gamit mo? Pwede mong isuot iyong kwintas na binili ko para sa ‘yo noong 10th birthday mo. Regalo ko naman sa ‘yo iyon. Sa ‘yo na iyon ngayon! Hindi na mahalaga kung susuotin mo iyon o hindi.” marahang tanong ni Harvey habang nakatingin sa makinis na mukha ni Cailyn.
Kaagad namang kumunot ang noo ni Priscilla matapos marinig ang tinuran ng anak, pagkatapos ay sinulyapan niya si Cailyn na tila hindi natutuwa. Dahil sa status ngayon ni Cailyn ay wala na itong lakas ng loob na humingi pa ng anumang kwintas na nagkakahalaga ng tatlong libo.
Sinegundahan naman ni Fayra ang mga salita ni Harvey na masunuring nakatayo sa tabi ni Priscilla.
“Oo nga, Ate, si daddy naman ang nagbigay n’on sa ‘yo, kaya suotin mo na iyon. Mamaya… baka pwede mo rin iyon suotin sa susunod.” ani Fayra.
Hindi naman tahasang sinabi ni Fayra ang mga natitirang salita, pero rinig na rinig ni Cailyn ang mga nakatagong kahulugan sa mga ito. Inangat niya ang kaniyang tingin kay Fayra at malamig itong tinitigan.
Napaka-wild at matigas talaga ang ulo ng babaeng ito!
Isang proud na ngiti lang ang isinagot ni Fayra sa kaniyang tingin. Nanatili naman ang parehong mayabang na ekspresyon na mayroon sa lahat ng naroon sa pamilya ng mga Avensa.
Inayos ni Cailyn ang dala-dalang shoulder bag at ibinalik ang pera kay Harvey.
“Inilagay ko sa drawer na nasa kwarto ko ang kwintas. Pwede niyo rin namang tignan kung nag-aalala kayo. Maliban pa sa notebook na binili ko para sa sarili ko ay wala na akong iba pang kinuha na galing sa pamilya niyo.” kalmadong sabi ni Cailyn.
Nakaramdam ng hiya ang bawat miyembro ng kanilang pamilya na naroon dahil sa salitang tinuran niya.
Lalo na si Priscilla at ang asawa ni Harvey, na palaging self-assured kaya hindi na nag-atubili pang magsalita, ay nagbago ang ekspresyon.
Hindi talaga alam ng Cailyn na ito kung paano tumino, palagi na lang namamahiya ng tao.
Sinulyapan ni Fayra ang bag na dala ni Cailyn, kumikislap ang mga mata nito na may bahid ng hindi maganda.
“Ate, hindi naman ganoon ang ibig sabihin nina Mommy at Daddy at magisng si Lola, napaka-sensitive mo naman. Higit sampung taon tayong namuhay ng magkasama. Kahit na nakita mo na ang tunay mong mga magulang ay kapatid pa rin kita. Ang gusto lang naman namin ay mamuhay ka ng maayos. Kung hindi mo gusto ang kwintas ay sana kinuha mo na lang iyong sampung lio na binibigay ni Daddy sa ‘yo. Malayo ang Iloilo sa EDSA, at maraming lugar doon na pagkaka-gastusan mo ng pera.” kawal na sabi ni Fayra.
Tila bumalik sa ulirat si Harvey, hindi na maipinta ang kaniyang itsura. “Oo nga, kunin mo na itong pera.” may pag-aatubiling saad ni Harvey kay Cailyn, at muling ipinating ang pera sa palad nito.
“Hindi na kailangan.” ani Cailyn. Mayroon naman siyang pera.
May sariling ipon at card si Cailyn at wala na siyang balak pa na makialam sa pamilya ng mga Avensa. Sa sandali ring iyon ay biglang nag-ingay ang kanyang cellphone dahil sa isang tawag. Inilapag nya ang pera na sapilitang ibinigay sa kaniya ni Harvey kanina sa lamesa, pagkatapos ay sinulyapan niya ang kaniyang cellphone para tignan kung sino ang tumatawag.
“Nandito na ang pamilya ko. Aalis na ako.” sabi niya sa harap ng pamilya Avensa.
Hindi maiwasan ni Priscilla na suminghal ng malamig sa hangin habang pinapanuod ang diretsong paglalakad palabas ni Cailyn.
“Hmph! Talagang wala kang utang na loob! Pinalaki na nga ng higit pa sa sampung taon ng walang saysay, hindi man lang nagawang magpaalam ng maayos bago umalis.” mapanuyang saad ng matanda.
“Lola, baka excited lang siyang makita ang totoo niyang mga magulang.” pumasok sa tainga ng matanda ang boses ni Fayra.
“Nakaka-awa naman na mahirap lang ang tunay na mga magulang ni Cailyn, at hindi man lang kayang pumasok sa complex. Nakakatawa!” turan ni Fayra sa kaniyang isip.
“Sabi ni Ate ay notebook lang niya ang kinuha niya, pero naka-umbok naman ang dala - dala niyang bag. Parang hindi lang naman notebook ang laman niyon…” ani Fayra.
Umiling si Harvey at saka bumuntong hininga.
“Hayaan mo na. Halos isang dekada na natin siyang kinupkop. Kung gusto niyang umalis, hayaan mo siyang kunin ang gusto niyang kunin. Hindi na rin naman natin kailangan ang ganoon kaliit na halaga.” aniya.
“Mabuti na iyan at wala na siya. Hindi rin naman siya galing sa pamilya Avensa.” may paghamak na saad ni Priscilla, nanatiling nakasandal sa kanyang tungkod habang pinapanuod ang tuluyang pag-alis ni Cailyn. “Simula ngayon ay ‘wag mo na siyang tawagin pang Ate, Fayra. Hindi worth it na maging kapatid mo ang ganyang klase ng tao! Magbihis ka. Maghahapunan tayo sa SR Pavillion mamaya. Kailangan mong kunin ang oportunidad na ito…” dagdag pa ng matanda.
May mga tao talagang palaging magaling kaysa sa ‘yo.
Maaaring pagdating sa kanilang paligid ay mabuting tao ang tingin sa kanilang pamilya, ngunit kumpara sa Quintana at mga Figueroa ay kulang na kulang pa rin ang background nila.
Hindi na narinig ng malinaw ni Cailyn ang iba pang usapan nila. Tanging kasiyahan na lamang ni Fayra at ang masayang atmosphere ng buong pamilya ang kanyang narinig, ngunit hindi iyon malinaw.
SUMISIKLAB ng mainit ang araw sa labas, parang nagngingitngit na apoy. May mga alon ng init na dumadaloy sa daan. Bukod sa ilang mga matatandang naghahanap ng lilim sa ilalim ng mga puno ay halos wala ng iba pang tao sa daan.
Sa labas naman ng hardin kung saan may mga rosas, sa gilid lamang ng kalsada ay may nakaparadang kulay itim na Mercedes.
Sinulyapan ni Kian ang suot na relo sa kaniyang palapulsuhan. Naka-ikot na ng kalahati ang minute hand n’on ngunit wala pa ring lumalabas na tao mula sa villa complex. Nauubos na ang kaniyang pasensya kaya ibinaba niya muna ang bintana ng sasakyan at sumilip sa labas.
Mabilis namang gumapang ang init sa loob ng sasakyan na nanggagaling sa labas, ganoon din kabilis na napuno ng mainit na hangin ang malamig na hangin sa loob nito.
Itinago ni Cailyn ang kaniyang telepono pabalik sa kaniyang bulsa at nilakasan ang loob na nagpaalam sa kaniyang Lolo."Lolo, m-may pupuntahan po sana ako mamaya." aniya."Saan mo gustong pumunta, hija? At uutusan ko ang pinsan mo para samahan ka." saad ng matanda nang hindi na nag-iisip. Ngayon lang niya ulit nakasama ang apo at handa siyang sungkitin ang mga bitwin sa langit para lang mabigay ang gusto ng apo."Lolo, may pupuntahan pa akong press conference mamaya. Nangako na sa akin si kuya na ihahatid niya ako do'n." singit ni Klaire na may pagkislal ng hindi pagsang-ayon sa mga mata.Medyo sikat at kilala si Klaire sa showbiz, bilang isa rin naman siyang maganda at matalinong pinagpalang babae. Bago pa ito makatapos sa kolehiyo ay ilang beses na siyang umakto sa mga TV Dramas. Kilala rin ang pangalan nito sa buong syudad ng Metro Manila."Hindi ba pwedeng ang driver na lang natin ang maghatid sa 'yo?" turan ng matanda. Hindi kasi ito sang-ayon sa pagsali ni Klaire sa showbiz. Hin
HINDI NAIWASANG humalakhak ng lolo ni Cailyn. "Haha! Hindi naman na importante ang itsura ng bata." saad nito.Hindi na naitago pa ng matanda ang sariling pride kahit na sinabi niya pa ang mga katagang iyon. "Cailyn, apo, siya si Monette Villanueva." pakilala ng matanda sa kausap kay Cailyn.Bahagya namang kumibot ang mga kilay ni Cailyn at masunurin pa ring binati ang matandang babae na kausap ng kaniyang Lolo."Hello po, Ma'am Monette." aniya.Maya- maya pa ay mabilis na hinubad ni Monette ang suot na bracelet sa kaniyang palapusuhan at pinilit itong iabot at ilagay sa palad ni Cailyn. Kulay ginto iyon at may naka-ukit na letrang 'C'."Naku, napakabait mo namang bata, hija. Pasensya na, hindi ko kasi alam na dadalhin ka pala ng lolo mo ngayon dito para maghapunan. Kung alam ko lang ay naghanda sana ako ng mas magandang regalo para sa 'yo, hija. Ilang taon na rin mula nang mabili at mapabasbasan ko ito. Sana ay 'wag mong masamain." humihingi ng paumanhin na saad ni Monette sa dala
HINATID NINA Priscilla at Harvey sina Monette at ang anak nito palabas ng pavillion kasama ang mga Salazar, sumunod din sa kanila si Fayra.Napansin ni Aiden ang namumutlang mukha at wala sa sariling pag-kilos ni Fayra matapos nilang iwan ang kanilang lamesa. "May problema ba?" magaang tanong ni Aiden na katabi ni Fayra sa paglalakad.Kinagat ni Fayra ang ibabang labi at saka umiling. "Wala naman, medyo masakit lang ang ulo ko." malambing niyang sagot ni Fayra habang nakatingin sa determinadong itsura ng nobyo.Mula pa naman noong bata ay sakitin na si Fayra kaya hindi na iyon masyadong inisip pa ni Aiden. Nilingon niya ang mga matatanda habang sumusunod sa mga ito sa paglalakad palabas ng pavillion at nagpapalitan ng pagbati sa isa't isa."Gusto mo bang pumunta ng ospital?" ani Aiden.Kaagad namang hinaklit ni Fayra ang braso ni Aiden, pinipigilan niya. Nagsisinungaling lang naman kasi ang dalaga at hindi naman talaga masama ang pakiramdam nito. "Hindi na kailangan, Babe. Ganito na
"Cailyn, siya ang iyong tunay na ama, si Archer Quintana. Isa na siyang guro ngayon." pakilala ng matanda kay Cailyn. Umangat ang kilay ni Jace at saka sumandal sa pader habang pinapanuod ang matandang ipinapakilala kay Cailyn ang lahat ng naroon. "Isa siyang propesor sa UP Diliman," kaswal na pagpapakilala ng matanda sa kaniyang ama bilang isang guro. Napansin ni Cailyn ang isang lalaki na nakasuot ng kilalang suit mula sa Tiño Suits, bahagyang namumula ang mga mata nito at nakakuyom ang mga kamao, mukhang nagpipigil ng mabuti para makontrol ang sariling mga emosyon.Malabo ang konsepto ni Cailyn para sa isang ama, ngunit gusto yata ng lalaking iyon na tawagin siya nito sa ganoong paraan. Mariin niyang itinikom ang kaniyang mga labi. "Dad," tawag niya rito matapos tignan ang isang middle-aged na lalaki gamit ang malinaw na mga mata. "Ah!" mabilis namang namula ang mga mata ng lalaki na nasa middle-aged kasunod ng pag-iwas nito ng tingin, natatakot na ipakita kay Cailyn ang
Ilang saglit pang napaisip si Cailyn bago sumunod.Napakalaki at napakalawak ng Pavillion, tila alam na alam rin ng lalaking kasama niya ang pasikot-sikot sa lugar. Na matangkad at may mahahabang mga binti. At kahit na mukha itong mabilis maglakad ay pinanatili pa rin nito ang kalahating pulgada lang na layo kay Cailyn.Kumunot ang noo ni Cailyn nang makaramdam ng kaunting pananakit ng ulo. Humigpit ang hawak niya sa dala-dala niyang shorlder bag.Noon pa naman niya gustong malaman kung sino ba talaga ang kaniyang tunay na mga magulang, ngunit ngayon ay tila nagkakagulo-gulo lang ang lahat..."Cailyn?" isang pamilyar na boses ang umalingawngaw sa kaniiang tabi habang nagpapatuloy siya sa paglakad. Inangat niya ang kaniyang tingin sa tumawag sa kaniya at sa hindi kalayuan ay nakita niya ang mga nakatayo na grupo ng mga tao. Ang pamilyang nagpalayas sa kaniya kanina lang, kasama sina Harvey Avensa at ang kaniyang asawa, si Priscilla Avensa, at si Fayra Avensa ay naroon.Maliban pa ki
SINO NGA BA naman ang aayaw sa magagandang tao at kahit mga bagay man? Tumaas ang sulok ng mga labi ni Kian at lumapit kay Cailyn para tulungan ito sa bitbit nitong mga gamit. “Cailyn, ‘di ba? Ako si Kian, ‘yong pinsan mo. Pwede mo rin akong tawaging kuya.” pinangunahan na ni Kian ang pagbati. Tiningala ni Cailyn ang lalaki. Matangkad si Kian at gwapo rin ang itsura nito. Natural na nakangiti ang makitid at peach blossom na mga mata nito, nagbibigay ng impresyon sa ibang tao na siya ay hindi mapanakit at palakaibigan ang pakiramdam. May matingkad na purple highlight sa buhok nito na tumatakip sa kaniyang noo. At sa marangal nitong anyo ay makikita ang mapaglaro at palabiro nitong pag-uugali.Hmmm… tila nakita na niya ang ganitong mukha noon.May pagka - face blind si Cailyn kaya hindi siya gaanong nakakaalala ng mga hindi naman ganoon ka-importanteng tao. Pinipili lamang niya sa kaniyang isip ang itsura ng mga tao na nakilala na niya at hinahayaan na lang kung hindi niya maalala an







