LOGINPagkaalis ni Lira…Parang nawalan ng lakas ang buong katawan ni Rosilda.Dahan-dahan siyang napaupo sa sofa.Napahawak siya sa dibdib niya habang hirap huminga.“I’m sorry… Lira…” mahina niyang bulong, nanginginig ang boses. “Pero kailangan kong gawin ‘yon…”Unti-unting pumatak ang luha niya.At kasabay ng bawat patak…Ay ang pagbabalik ng mga alaala na matagal niyang pilit nililibing.FlashbackMasayang naglalaro ang batang si Angela… sa labas ng mansion.Walang kamalay-malay sa panganib.Hanggang sa…May biglang humablot sa kanya.Isang lalaking naka-mask.“Help!” sigaw ng bata.Agad siyang hinabol ni Rosilda.“Angela!” sigaw niya habang tumatakbo.Naabutan niya ang kidnapper.Nag-agawan sila.“Bitawan mo siya!” sigaw ni Rosilda.Sa gitna ng pagtutulakan…Biglang naitulak ang bata.Bumagsak ito.Tumama ang ulo ni Angela sa isang matigas na bato.Kasabay nito…Tumama rin ang ulo ni Rosilda sa semento.Nanlabo ang paningin niya.Pero pilit siyang bumangon.“Angela…?” nanginginig niyan
Hindi na nakatiis si Lira.Matapos ang ilang araw na pilit niyang pinipigilan ang sarili, matapos ang lahat ng nalaman niya… hindi na niya kayang manahimik pa.Kailangan niyang malaman ang totoo.Kailangan niyang harapin si Rosilda.Hapon nang makarating si Lira sa bahay.Tahimik ang paligid.Pero sa loob niya…Bagyo.Huminga siya nang malalim bago kumatok.Tok. Tok. Tok.Ilang segundo…Bumukas ang pinto.At bumungad sa kanya ang nanay niya.Si Rosilda.Nanlaki ang mata nito nang makita siya.“Lira…” bulong nito.Pero bago pa ito makapagsalita…“Ano ‘to?” agad na tanong ng nanay niya.Diretso.Matalim.Inabot niya ang phone niya at ipinakita ang balita.Yung tungkol sa kasal niya.Yung ipinadala.Napabuntong hininga si Rosilda.Unti-unting nagbago ang expression nito.Mula sa gulat…Naging galit.“Kasal ka na?” madiin nitong tanong.Nanlaki ang mata ni Lira.“Ha?”“Sumagot ka!” sigaw ni Rosilda. “Kasal ka na at hindi mo man lang sinabi sa akin?!”Napaatras si Lira.Hindi niya inasahan
Maagang nagising si Lira.Hindi dahil sa maayos ang tulog niya…Kundi dahil hindi siya makatulog.Magdamag siyang nakatulala sa kisame, paulit-ulit na iniisip ang lahat ng nangyari. Pero sa halip na mas lalo siyang malunod…May nabuo sa kanya.Isang desisyon.Magiging normal ako…bulong niya sa sarili.Kahit hindi.Kahit pilit.Kahit masakit.Dahan-dahan siyang bumangon.Nag-ayos.At tulad ng dati…Pumunta siya sa kusina.Tahimik siyang nagluto ng breakfast.Parang walang nangyari.Parang ordinaryong umaga lang.Nagprito siya ng itlog, nagluto ng bacon, at naghanda ng kape.Habang ginagawa niya iyon…Wala siyang emosyon.Focused lang.Controlled.Makalipas ang ilang minuto…Lumabas si Nathaniel mula sa kwarto.Bahagyang nagulat siya nang makita ang eksena.“Lira?” sabi niya.Napatingin si Lira.“Breakfast is ready,” simpleng sabi niya.Napakunot ang noo ni Nathaniel.May kakaiba.Mas lalong kakaiba ngayon.Kagabi….Tahimik, malamig.Ngayon…Parang normal.Pero hindi.Ramdam niya.Um
Tahimik ang sala.Ramdam ang bigat ng hangin matapos ang titigan nina Lira at Vanessa. Walang gustong magpatalo, pero parehong may itinatago.Napakunot ang noo ni Nathaniel.Hindi niya maintindihan ang nangyayari.“Anong meron?” tanong niya, lumilipat ang tingin mula kay Lira papunta kay Vanessa.Pero walang sumagot agad.Si Vanessa ang unang umiwas.Napabuntong hininga siya at pilit na ngumiti, kahit halatang awkward.“Ah… I think uuwi muna ako,” sabi niya habang inaayos ang buhok niya. “Nandito na kasi si kuya at mom… kailangan ko silang puntahan.”Saglit siyang napatingin kay Lira.Isang mabilis, matalim na tingin.Parang babala.Pero agad din niya itong inalis at nagkunwaring normal.“Well… I’ll see you later, Nathaniel,” dagdag niya, sabay hawak sa braso nito nang bahagya.Ngumiti siya, pero hindi umabot sa mata.Pagkatapos ay tumalikod at naglakad palabas.Pagkasara ng pinto…Click.Naiwan sina Lira at Nathaniel.Tahimik.Walang nagsasalita.Parang parehong naghihintay kung sino
Hindi mapakali si Vanessa.Matapos niyang ibaba ang tawag ng driver ni Marcus, hindi siya makaupo nang maayos. Parang may apoy na naglalagablab sa loob ng dibdib niya… halo ng galit, takot, at kaba.“Marcus…” madiin niyang bulong habang mahigpit na nakakuyom ang kamao. “Ano bang ginawa mo…”Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang sitwasyon.Nakipagkita si Marcus kay Lira.At base sa naging reaction ni Lira kanina…Tahimik. Walang emosyon. Parang wasak.Siguradong sinabi na nito ang totoo.Napailing si Vanessa habang naglalakad pabalik-balik sa sala.“No… hindi pwede…” bulong niya. “Hindi pwede na ganun lang kadali masira ang lahat…”Bigla siyang napahinto.Napatingin siya sa direksyon ng kwarto ni Lira.Kung alam na ni Lira ang katotohanan…Ibig sabihin…Alam na nito kung sino siya.Kung saan siya nanggaling.At kung ano ang ginawa ng nanay nito.Unti-unting nanlamig ang katawan ni Vanessa.“Damn it…”Napahawak siya sa ulo niya.Hindi niya pwedeng hayaang makontrol ni Lira ang s
Hindi mapakali si Vanessa.Habang nakatayo siya sa labas ng kwarto ni Lira, ramdam niya ang kakaibang tensyon sa paligid. Hindi siya sanay sa ganitong pakiramdam… yung parang may nangyayaring hindi niya kontrolado.At ayaw niya ng ganun.Napakagat siya sa labi at mabilis na kinuha ang phone niya mula sa bag.Pagtingin niya sa screen…Nanlaki ang mata niya.“Missed calls…?”Isa.Dalawa.Tatlo…Marami.Lahat galing sa iisang number.Driver ni Marcus.Agad siyang kinabahan.“Why would he call me this many times…?”Hindi na siya nag-isip pa.Mabilis niyang tinawagan ang number.Ilang ring lang…“Ma’am,” sagot agad sa kabilang linya.“Ano ‘to?” galit na bungad ni Vanessa. “Bakit ang dami mong tawag?”“Ma’am… pasensya na po,” sagot ng driver. “Importante lang po kasi…”“Spill it,” malamig niyang putol.Sandaling natahimik ang kabilang linya.“Ma’am… nakipagkita po si Sir Marcus kay Ma’am Lira.”Parang tumigil ang mundo ni Vanessa.“Ano…?”Mahina ang boses niya.Pero halatang nagpipigil ng







