LOGINNapapikit ako nang mariin. Kahit sa ganitong bingit ng panganib, hindi pa rin niya kayang tanggihan at akuin ang bigat ng sarili niyang mga kasinungalingan.“Hindi ko kailanman hiniling na magsinungaling ka,” sabi ko.“Pero pinaniwalaan mo ako noon!”“Dahil nagpabulag ako.”“Ngayon, kasalanan ko na naman?”“Hindi ko sinasabing ikaw lang ang may kasalanan. Pero walang karapatang manakit ng ibang tao.”“Tumahimik ka!”Sa gilid ng aking paningin, nakita ko si Micah na maingat na inilabas ang kanyang cellphone. “Tumawag kayo ng pulis at security,” mahinang bilin niya sa isang empleyadong malapit sa kanya.Ngunit narinig iyon ni Audrey. “Ano'ng ginagawa mo?”“Gusto namin na matulungan ka,” sagot ni Micah.“Tumatawag ka ng awtoridad?”“Audrey, ibaba mo muna ang kutsilyo.”“Gusto mo akong ipakulong? Gusto mong sirain ulit ako?”“Hindi iyon ang iniisip ko ngayon.”“Sinungaling!”Lalong nagwala si Audrey. Itinaas niya ang kutsilyo at muling iwinasiwas sa hangin nang walang direksyon. “Walang m
Akala ko, iyon na ang huling pagkakataong makikita ko si Micah.Pagkatapos ng matagal naming pag-uusap sa loob ng kanyang opisina, pinili kong umuwi nang hindi na lumilingon pa pabalik. Masakit man tanggapin ang bawat salitang binitiwan niya, kailangan kong igalang ang kanyang desisyon. Hindi ko na siya guguluhin. Hindi ko na kailanman ipipilit ang aking sarili sa buhay na matagal na niyang piniling ipagpatuloy nang wala ako.Ngunit hindi ko inaasahang ilang minuto lamang ang lilipas bago muling magbago ang lahat.Paglabas ko ng exit na gusali ng Lorenzo Corporation, napansin kong may ilang empleyadong nagkakagulo sa may malaking entrance. May mga security guard na tila may hinaharang, at may mga taong nagkukumpulan sa di-kalayuan, may pag-aalala sa bawat mukha.Noong una, hindi ko iyon pinansin.Hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar at matinis na sigaw.“Lumayo kayo sa akin! Huwag kayong lalapit!”Napahinto ako. Kilala ko ang boses na iyon.At nang lingunin ko ang pinanggalingan
Umiling siya nang marahan.“Hindi na.”“Paano kung maghintay ako?”“Hindi mo na kailangang gawin iyon.”“Paano kung patunayan ko sa iyo na kaya ko nang maging mabuting lalaki?”“Patunayan mo iyon sa sarili mo, hindi sa akin.”“Gusto ko lang na makita mo.”“Hindi ko na kailangang makita.”Napakagat ako sa labi nang mariin. Unti-unting bumigat ang bawat paghinga ko, parang may nakadagan sa aking dibdib.“Kung ganoon…” Napatigil ako.Hindi ko alam kung paano ko dapat tapusin ang sasabihin ko. Kung sasabihin ko bang susuko na ako, para ko na ring tuluyang tinatanggap na wala na talaga siyang babalikan sa akin. At kung sasabihin ko namang hindi ako susuko, para ko na ring ipinagwawalang-bahala ang kanyang desisyon at ang kanyang sariling kaligayahan.“Kung ganoon, ano?” malamig niyang tanong.Tumingin ako sa kanyang mga mata. “Gusto mo na bang sumuko ako?”Hindi agad siya sumagot. Binigyan niya ako ng sandali bago dahan-dahang tumango.“Oo.”Iyon ang pinakamasakit na salitang narinig ko sa
“Matagal na akong tumigil sa paghihintay na sabihin mo iyan.”“Pero ngayon, nagsisikap akong magbago.”“Alam ko.”“Kung alam mo, bakit hindi mo ako bigyan kahit isang pagkakataon lang?”Huminga siya nang malalim, mabigat at punong-puno ng kapaguran. “Dahil hindi lahat ng taong nagbabago ay kailangang balikan ng taong sinaktan nila nang husto.”Parang biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. “Hindi ba puwedeng magsimula ulit tayo?”“Hindi na ako interesado.”“Pero mahal kita.”Hindi ko na napigilan ang sarili ko; lumabas ang mga salitang iyon nang walang pag-aalinlangan. Marahil dahil iyon ang unang pagkakataong naramdaman kong maaari ko na siyang tuluyang mawala sa aking buhay.At hindi ko iyon kailanman matatanggap.Napatitig si Micah sa akin. Sa loob ng ilang segundong namayani ang katahimikan, hindi man lang siya kumurap. Pagkatapos, bahagya siyang ngumiti—isang ngiting walang kasamang saya.“Dati, mahal din kita.”Naramdaman kong lalong bumilis ang kabog ng aking dibdib. “Micah—
Naramdaman kong biglang nanlamig ang aking mga palad.Hindi.Hindi niya maaaring sabihin iyon.Hindi pagkatapos ng lahat ng ginagawa ko para sa kanya.Tatlong buwan akong pabalik-balik dito. Tatlong buwan akong nagdadala ng bulaklak, pagkain, at kape. Tatlong buwan akong nagtitiis maghintay sa lobby para lamang masulyapan siya kahit sandali.Hindi ba niya nakikita iyon?Hindi ba niya nakikita na sinusubukan kong magbago at bumawi?Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang magkabilang balikat. “Hindi iyan totoo, Micah. Nagbibiro ka lang, hindi ba?”Hindi siya gumalaw. “Bitawan mo ako.”“Hindi. Pakinggan mo muna ako.”“Amiel, bitawan mo siya.”Boses iyon ni Julian.Napalingon ako sa kanya. “Ano?”Lumapit siya sa amin. “Sinabi niyang bitawan mo siya.”Napakunot ang noo ko. “Anong karapatan mong makialam sa amin?”“Karapatan ko bilang lalaki na pigilan kang hawakan siya kung malinaw namang ayaw niya.”Natawa ako nang mapait. “Wala kang alam sa pinagsamahan namin!”“Maaaring hindi ko alam ang
At hindi iyon simpleng pagkakaupo lamang.Nakahilig si Micah sa lalaki, habang nakapatong ang isang kamay nito sa sandalan sa likuran niya. Magkalapit na magkalapit ang kanilang mga mukha. Nakangiti si Micah habang may ibinubulong ang lalaki sa kanya.May kung anong kakaiba at pamilyar sa paraan ng kanilang pagtingin sa isa't isa.Hindi iyon ang simpleng tinging ibinibigay ng isang taong nakikipag-usap lamang sa isang katrabaho.Parang may sarili silang mundong ginawa.Parang hindi man lang nila napansing may pumasok.At ang pinakamasakit sa lahat—nang makita ako ni Micah, hindi man lamang siya nagulat.Umayos lamang siya nang upo. Inalis niya ang pagkakahilig sa lalaki at maingat na inayos ang laylayan ng kanyang damit bago ako tuluyang binalingan ng tingin.“Amiel,” mahinahon niyang bati.Wala akong naisagot. Nanatili akong nakatayo sa may pintuan.Napatingin ako sa lalaki. Matangkad ito, maayos at pormal na manamit, at mukhang nasa parehong edad namin. May sapat na kumpiyansa sa ka
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots







