MasukInilapag niya ang folder sa aking mesa. Napatingin ako sa kaniya. “Ikaw ang nag-asikaso niyan?”“Yes, sir.”“Akala ko ipinagawa mo lang sa accounting?”“Nagpadala po ako ng request, pero kailangan pa ring i-verify ang ilang figures bago nila ibalik. Kaya kinausap ko na rin ang department head para hindi na maantala ang submission.”Diretso ang sagot niya. Walang pagmamalaki, walang paghihintay na purihin ko siya—para lamang normal na bagay ang lahat. Binuksan ko ang folder at sinuri ang mga dokumento. Kumpleto at walang mali.Muli akong napatingin sa kaniya. “May iba ka pa bang ginagawa?”“May ilang appointments po kayo bukas na kailangan ng confirmation. Inayos ko na rin ang schedule ninyo at ipinadala ang reminders sa mga taong kasama sa meeting.”“At iyong mga report para sa susunod na linggo?”“Nasa shared folder na po. Nilagyan ko rin ng notes ang mga bahaging kailangan ninyong tingnan bago ang meeting.”Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Sa loob lamang ng isa
Bandang alas dos ng hapon, muling kumatok ang boses sa aking intercom.“Sir Amiel?”Napatingin ako roon. “Yes?”“Naipadala na po ni Ms. Lorenzo ang revised report para sa susunod na quarterly meeting,” sagot ng isang empleyado mula sa accounting department. “Nais lang po niyang malaman kung may iba pa kayong kailangang idagdag bago niya isumite sa department head.”Napakunot ang noo ko sabay tingin sa orasan. “Revised report?”“Opo, Sir. Iyong ipinagawa ninyo kaninang umaga.”Muli kong binuksan ang folder sa gilid ng aking mesa. Hindi ko namalayang may isa pa palang report na naisama sa mga dokumentong natapos niya kanina. Mas detalyado iyon kaysa sa naunang bersiyon, at may ilang bahaging inayos upang mas madaling makita ang pagkakaiba ng projected figures at actual results.Huminga ako nang malalim. “Sabihin mong nakita ko na. May ilang numero lang na kailangan kong kumpirmahin. Ipa-check niya sa accounting bago niya isumite.”“Noted po, Sir.”Ibinaba ko ang tawag. Hindi ko alam kun
Si Audrey ang nakakaalam kung ilang kutsaritang asukal ang gusto ko sa kape kapag kulang ako sa tulog. Siya ang nakakaalam kung anong mga dokumento ang gusto kong maunang makita tuwing umaga. Siya ang nakakaalam kung kailan ako dapat istorbohin at kung kailan kailangan niya akong hayaang mag-isip nang tahimik.Higit sa lahat, siya ang babaeng mahal ko.Hindi ko hahayaang mabura ng isang araw na mahusay na trabaho ni Micah ang lahat ng mayroon kami. Muli akong umupo at pilit na ipinagpatuloy ang aking ginagawa.Makalipas ang halos isang oras, napansin kong napakatahimik ng paligid.Karaniwan, sa ganitong oras, ilang beses nang kakatok si Audrey sa pinto ko para magtanong tungkol sa mga dokumento, magpaalala sa susunod kong appointment, o magdala ng mainit na kape habang sinasabi sa akin na kailangan ko nang magpahinga kahit limang minuto man lang. Minsan, kahit hindi ko siya tawagin, kusang pumapasok iyon kapag napapansin niyang ilang oras na akong nakatitig sa computer screen.“Sir, h
Pagsapit ng tanghali, saka ko lang napansin ang makapal na folder na nakapatong sa gilid ng aking mesa.Mga papeles iyon na ipinagawa ko kay Audrey—o sa bagong sekretarya ko—bago pa man magsimula ang araw ko. May ilang kontrata na kailangang suriin, mga dokumentong kailangang ayusin para sa meeting sa susunod na linggo, at mga report na kailangan kong makita bago matapos ang araw. Karaniwan, inaabot ng halos isang buong araw bago matapos ni Audrey ang lahat ng iyon, lalo na kapag may mga kailangang baguhin at kumpirmahin sa iba't ibang departamento.Kaya naman nagulat ako nang makita kong kumpleto na ang lahat.Napakunot-noo kong inilapit ang folder sa akin. “Ano'ng oras pa lang?” bulong ko habang tinitingnan ang aking relo.Labindalawang minuto pa lang ang nakalilipas mula nang mag-alas dose ng tanghali.Binuksan ko ang unang dokumento at isa-isang sinuri ang mga pahina. Inasahan kong may makikita akong mali—kahit man lang isang maling petsa, kulang na detalye, o hindi pagkakatugmang
"May kailangan ka pa?"“Aww... galit ka pa rin ba sa akin, boss?” pang-aasar niya, tinaasan ako ng isang kilay habang may nakatutuksong ngiti. “Huwag ka nang sumimangot diyan. Pangit sa image ng isang CEO ang salubong ang kilay maaga pa lang.”Mabilis kong pinalipat ang malamig kong titig sa kaniya. Kanina lang, akala ko, sasaludo na siya sa akin. Hindi niya talaga kayang magtagal ng hindi bumabalik sa totoong siya.“Micah, wala akong oras para sa mga trip mo. Umalis ka sa harap ko.”Natawa siya nang mahina—isang pilyang tawa na halatang nag-e-enjoy sa pagkairita ko.“Bakit naman ako aalis? I'm your new executive secretary, remember?” kumindat siya sa akin sabay umayos ng tayo at inayos ang kaniyang blazer. “Saka huwag ka nang mag-drama tungkol kay Audrey. Inilipat lang naman siya ni Tita Rendy sa HR department... hindi naman siya itinapon sa labas ng gusali.”“Huwag mo siyang mabanggit-banggit,” banta ko sa mababang boses.“Ouch!” pilit na humawak si Micah sa kaniyang dibdib at umart
“Oh... Nalaman mo na pala.”Napatitig ako sa pader ng aking opisina, halos manigas ang panga sa matinding galit.“Nalaman ko na pala?” ulit ko, nanginginig ang boses. “Iyon lang ang sasabihin mo, Mommy?!”“Amiel, huwag kang magtaas ng boses sa akin.”“Bakit mo ginawa iyon?!” singhal ko, hindi na mapigilan ang matagal nang kinikimkim na inis.“Si Micah ang bagong secretary mo. Mas makabubuti iyon para sa lahat.”“Para sa lahat? O para sa 'yo lang?!”“Para sa kumpanya.”“Don't lie to me, Mom!”“Amiel!” babala ng kaniyang boses sa kabilang linya.“Walang kinalaman sa trabaho ang ginawa mo!” sigaw ko, dumadaloy ang init sa buo kong katawan. “Alam mong si Audrey ang secretary ko! Alam mong napakaayos at napakasipag niya sa trabaho! At alam mo ring wala siyang ginagawang masama sa 'yo! Pero inalis mo siya sa tabi ko dahil ayaw mong tanggapin na siya ang girlfriend ko!”“Hindi mo alam ang lahat ng nangyayari sa kumpanya,” malamig niyang sagot.“Then explain it to me!”“Hindi ko kailangang ip
HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







