LOGIN“Hindi lahat ng babae ay pare-pareho,” patuloy niya, walang kamalay-malay sa kumukulong inis ko. “May mga babae talagang nababagay sa level ng isang lalaking katulad ko.”“Ah... ganoon po ba?”“Kaya kung magiging asawa kita balang araw, kailangan mo iyong tanggapin bilang bahagi ng buhay ko.”“Tanggapin ang alin?”“Na maraming babae ang didikit at lalapit sa akin. It's unavoidable.” Napangiti siya nang nakakasuklam. “At alam mo na... sa kalagayan ko, pwede naman akong kumuha ng side chick kung kinakailangan para sa mga pangangailangan ko, basta walang ingay.”Napatigil ako. Ibinaba ko ang aking baso ng wine sa mesa nang walang anumang ingay. Tiningnan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata.“Side chick?”“Yes, of course,” sagot niya nang may kaswal na tono, na para bang ang pinag-uusapan lang namin ay ang panahon bukas. “Alam mo naman sa profession namin, napakahirap umiwas sa temptation lalo na kapag stress sa ospital. Normal lang 'yun sa mga lalaking may kapangyarihan.”“Talaga
“YES, Cum Laude ako noong nag-aaral pa ako,” nakangiting sabi ni Dr. Gabriel Generoso habang pormal na nakasandal sa kaniyang upuan. Inayos niya ang kaniyang mamahaling polo shirt at ibinaba ang mga braso sa mesa. “Nakilala ko na rin si Dr. Regalado, your dad, noong nag-OJT pa lang ako sa Makati Med... I mean, residential trainee.”Napangiti siya nang napakalapad, na para bang napakalaking achievement ng kaniyang sinabi na dapat kong palakpakan.“Kapag mababang uri kasi ng course at vocational programs, OJT ang tawag, 'di ba?” dagdag pa niya na may bahagyang tawa. “Sa aming mga nasa medisina kasi, residential trainee ang pormal na tawag.”Napatitig ako sa kaniya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako, mauubo, o direktang maiinis sa kaniyang harap-harapang kawalan ng preno. Sampung minuto pa lang kaming nakaupo sa sikat na fine dining restaurant na ito sa BGC—na sagot daw ng Daddy ko—pero pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng isang corporate presentation kung saan siya ang nag-iisang aplikan
Hinalikan niya nang napakabanayad ang aking noo. “Always, my sweet darling.”Ngumiti ako at pumikit nang ilang segundo upang damhin ang katahimikan ng gabi.Pero siyempre... hindi pa rin talaga tapos ang aking ama.“By the way, anak...” biglang boses ni Daddy mula sa kaniyang pwesto.Napalingon ako muli sa kaniya, nakataas ang isang kilay. “Ano na naman po 'yun, Dad? Akala ko ba tahimik na tayo?”Inayos ni Daddy ang kaniyang polo at ngumisi. “Libre ko ang buong dinner ninyo ni Dr. Gabriel sa kahit anong five-star restaurant na gusto mo.”Napabuka ang bibig ko sa kaniyang sinabi. “Daddy! Seryoso ka ba?!”Tuluyan nang napasandal si Mommy sa sofa habang tumatawa. “Manuel! Sobra ka na talaga!”“Ano'ng sobra? Supportive father lang ako na gustong masigurong masarap ang kakainin ng anak ko!”“Hindi ka supportive father lang! Official Matchmaker at Sponsor ka na ngayon!”“Same thing! Minsan lang 'to, e!”Napahawak ako sa aking noo habang napapailing. “Hindi ko na talaga alam kung matatawa ba
“Of course! Anong tingin mo sa akin, hindi nag-iingat kapag ikaw ang nakasalalay?”“Bakit ba alam niyo ang halos lahat ng detalye tungkol sa kaniya?”“Kaibigan ko nga kasi ang tatay niya at madalas kaming magkasama sa mga meeting.”Napailing na lang ako sa kaniyang dedikasyon. “Grabe talaga kayo...”“May picture ako rito kung gusto mong makita,” biglang dagdag ni Daddy habang kinukuha ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang polo.Agad kong tiningnan si Daddy, nanlalaki ang mga mata. “May picture ka agad nung tao?!”“Oo naman! Hiningi ko kanina bago ako umuwi!”“Dad!”Kinuha niya ang kaniyang eyeglasses sa mesa at inayos ang screen ng kaniyang phone. “Sandali lang, itinabi ko sa gallery ko 'to.”“Bakit ka may picture ng ibang lalaki sa phone mo, Daddy?! Baka magalit si Mommy sa 'yo!”Tumawa muli si Mommy. “Anak, tingnan mo na lang para matapos na ang usapan ng Daddy mo.”“Hindi ko kailangang tingnan ang mukha niya, Mommy...”“Isang tingin lang, darling. Para alam mo kung sino
Napabuntong-hininga ako nang napakalalim at isinandal ang aking ulo sa gilid ng sofa. “Hindi pa nga po ako tapos mag-enjoy sa pagiging single at sa bagong freedom ko matapos ang lahat, tapos may ipapakilala na agad kayo sa akin na hindi ko man lang kilala?”“Hindi naman kita pinipilit makipagtanan agad, anak,” mabilis na paliwanag ni Daddy.“Pero parang gusto niyo na siyang maging manugang agad sa tono ng boses niyo!”“Hindi naman sa ganoon...”“Dad!”“Sige, medyo gusto ko na ring magkaroon ng apo sa hinaharap.”Napailing na lang ako habang hindi makapaniwala sa naririnig. Si Mommy naman ay napahawak na sa kaniyang noo habang nakatitig sa asawa.“Manuel! Pakiusap lang!”“Bakit na naman, Hon?”“Hindi mo ba pwedeng huwag munang i-pressure ang anak natin? Kababalik lang niya rito mula sa probinsya, tapos ire-reto mo agad sa kung sino-sino?”“Hindi ko siya pine-pressure!” depensa muli ni Daddy. “Ipinapakilala ko lang ang mga maayos na option sa buhay niya.”“Pero para mo na siyang binibig
POV: AmaliaPAGKALIPAS NG TATLONG BUWAN…Umuwi ako sa Maynila upang makasama ang Mommy ko na bagong dating mula sa kaniyang tatlong linggong bakasyon sa Paris.Matagal-tagal din bago kami muling nagkasama nang ganoon katagal sa iisang bubong. Kahit halos gabi-gabi kaming magkausap sa telepono habang nasa probinsya ako, iba pa rin talaga kapag naririto ako sa bahay—kapag naririnig ko ang mga yapak niya sa hallway, kapag naaamoy ko ang paborito niyang pabango sa salas, at kapag magkasama kaming kumakain sa hapag-kainan.Mas magaan.Mas masaya.At higit sa lahat, ramdam na ramdam ko na malaki na talaga ang ipinagbago ng aming relasyon matapos ang lahat ng mga unos na pinagdaanan ng aming pamilya.Hindi na siya katulad ng dati. Hindi na siya iyong ina na kailangan ko pang magmakaawa o habulin para lang mabigyan ako ng kaunting pansin at oras.Ngayon, siya na mismo ang kusang naghahanap at lumalapit sa akin.“Anak, kumain ka na ba?”“Anak, huwag ka nang magpuyat sa panonood, ha?”“Anak, ma
Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak
“TITA, kaunti laang ho areng dala kong gamit. Maglalaba na laang ho ako nang madalas doon para hindi ako mangamoy-ipis. Di ga, may uniform naman ho kami sa restaurant?” tanong ko kay Tita Mandy habang umaandar ang kanyang magarang sasakyan.Kung titingnan mo ang dala kong bag, parang lalayas lang a
POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m
PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul







