Share

MANILENYA 93

Author: ExDealers
last update publish date: 2026-09-13 12:37:16

“Hindi lahat ng babae ay pare-pareho,” patuloy niya, walang kamalay-malay sa kumukulong inis ko. “May mga babae talagang nababagay sa level ng isang lalaking katulad ko.”

“Ah... ganoon po ba?”

“Kaya kung magiging asawa kita balang araw, kailangan mo iyong tanggapin bilang bahagi ng buhay ko.”

“Tanggapin ang alin?”

“Na maraming babae ang didikit at lalapit sa akin. It's unavoidable.” Napangiti siya nang nakakasuklam. “At alam mo na... sa kalagayan ko, pwede naman akong kumuha ng side chick kun
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 38

    Halos lahat ng mga empleyado—mula sa HR, Finance, Design Team, hanggang sa mga utility staff—ay nakatayo at nakakumpol sa harap ng malaking Smart TV sa lobby ng floor.May mga nagbubulungan, may mga nakatitig sa kani-kanilang phone, at ang iba ay nakatingin sa monitor nang may matinding gulat, galit, at pagkadismaya."Napakakapal naman ng mukha niya..." bulong ng isang HR staff."Akala mo kung sinong mabait at kawawa kapag kasama si Sir Denis... traydor pala!" ganti pa ng isa.Napatigil ako sa paglalakad. Nanlamig ang aking tiyan."Anong nangyayari rito?!" sigaw ko sa isang matigas at galit na boses.Nagulat ang lahat ng empleyado at mabilis na lumingon sa akin. Biglang tumahimik ang buong floor. May ilang mabilis na nagtago ng kani-kanilang phone, habang ang iba naman ay hindi makatingin sa akin nang diretso.Lumapit ako sa gitna ng lobby kung saan nakasindi ang malaking Smart TV screen.Sa screen ng TV... nakaplay ang isang HD video recording na galing sa cellphone ng isang nakatago

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 37

    Nagkatinginan ang dalawang receptionists."Sir, strictly confidential po ang CCTV footages at incident reports ng ospital. Hindi po namin basta-basta maibibigay 'yon sa kahit kanino nang walang court order o formal request mula sa pulisya.""Naiintindihan ko," tumango ako, pilit na pinatitigas ang aking boses. "Pero ako ang asawa ng kabilang partidong idinawit sa gulo na 'yon. May Security Chief o Head Security Officer ba rito na maaari kong makausap nang pormal?"Tinitigan ako ng staff bago tumango. "Sandali po, Sir. Aabisuhan ko ang Security Office."Pumunta ako sa waiting area at naglakad-lakad habang nanginginig ang aking mga kamay sa kaba.Makalipas ang sampung minuto, isang matangkad na lalaking nakasoot ng itim na security barong at may badge na 'Chief Security' ang lumapit sa akin."Mr. Robles?" tanong ng security chief."Ako nga po, Chief," nakipagkamay ako sa kaniya. "Maraming salamat sa pagharap sa akin.""Sabi ng reception, nagtatanong kayo tungkol sa insidente noong Septe

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 36

    "You're leaving early, Sir Denis?" tanong niya habang mabilis na lumalapit."Yes.""Saan ka pupunta? May client meeting ka pa ba?""May mahalaga lang akong bibilhin at pupuntahan," malamig kong sagot habang tuloy-tuloy ang lakad ko."Samahan na kita," alok niya agad, hawak ang kaniyang handbag.Umiling ako nang hindi tumitingin sa kaniya. "Hindi na kailangan, Lisbeth. Kaya ko na.""I can drive for you or buy whatever you need, Sir Denis. Halatang pagod ka pa."Bahagya akong napatigil sa paglalakad at tinitigan siya. "Sinabi nang okay lang ako. Hindi ko kailangan ng kasama.""Sir, ano ba? Sabihin mo lang kung ano 'yon! Ako na ang gagawa para sa 'yo!" pilit pa niya, pinalalapit ang kaniyang katawan sa akin."Hindi."Naglakad ako nang mas mabilis patungo sa elevator bay. Sinundan niya ako nang mabilis, ang tunog ng kaniyang high heels ay umaalingawngaw sa buong floor."Maybe you're just exhausted from work. Let me help you handle things," giit niya habang sabay kaming nakatayo sa harap n

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 35

    POV: DenisHindi ako mapakali sa aking opisina.Ilang beses ko nang binuksan ang aking laptop, pero wala akong natatapos kahit isang paragraph. May mga kontratang kailangang pirmahan sa harap ko, may mga email mula sa mga kliyente na naghihintay ng agarang sagot, at may malaking executive meeting na dapat kong paghandaan para sa susunod na araw.Pero wala sa mga 'yon ang atensyon ko.Paulit-ulit na napupunta ang tingin ko sa screen ng cellphone ko na nakapatong sa gilid ng desk.'Wala pa ring sagot mula kay Rendy.'Maghapon na. Kahit noong isang araw pa, noong pumunta ako sa Cavite at pinalayas ako ng tatay at mga kuya niya, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung binabasa ba niya ang mga nagmamakaawa kong mensahe o sadyang ayaw niya na talaga akong kausapin kailanman."Sir Denis."Napatingin ako sa pinto ng aking opisina. Nasa harap ko si Lisbeth, nakasuot ng kaniyang pormal na business attire, may hawak na dalawang tasa ng mainit na kape mula sa pantry."Here... brought you som

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 34

    Napatingin ako kay Mama at kay Papa. Ngumiti nang mahinhin si Mama habang si Papa naman ay marahang tumango.“Kung gusto niyo ni Amiel, manatili muna kayo rito hangga’t gusto niyo,” mahinahong sabi ni Papa sa kaniyang malalim na boses.Humarap ako muli kay Amiel at tumango. “Okay, baby. Dito muna tayo kina Lolo at Lola.”Napatalon sa tuwa si Amiel sa kaniyang upuan. “Yay! Yes!”“Pero, excuse me... may online school ka pa rin, ha,” paalala ko sa kaniya habang itinuturo ang kaniyang tinidor.“I know, Mommy!”“At homeworks sa hapon.”“I know!”“At kailangan mong ayusin ang mga toys mo sa room.”“I know, Mommy!” natatawa niyang sagot, habang pinaliligiran ng kaniyang mal maliliit na kamay ang kaniyang mukha.Napailing ako habang tumatawa nang malakas. “Okay! Alam mo pala ang lahat, eh!”Ipinagpatuloy namin ang aming almusal sa gitna ng walang katapusang kuwentuhan. Napakasarap ng pagkain, at mas maingay ang buong bahay kaysa sa mga nakaraang malamig na umaga sa aming condo sa BGC. Walang

  • From Maid to Billionaire's Wife   CAVITENYA 33

    Bago ako bumaba sa dining area para mag-almusal pagkatapos ng aking ehersisyo at pagligo, kinuha ko muna ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table.Sunod-sunod ang notifications sa aking screen.Pagbukas ko ng phone, galing halos lahat kay Denis ang mga panibagong mensahe.[Rendy, okay ba kayo ni Amiel?]Ilang segundo lang ang nakalipas habang binabasa ko iyon, agad na may sumunod na naman.[Please tell me if okay lang si Amiel... nag-aalala ako nang sobra.][I'm sorry, Rendy...]Napakunot ang aking noo habang nakatitig sa screen. Sinundan pa iyon ng dalawa pang sunod-sunod na pop-up.[I'm sorry sa lahat ng nagawa ko at sa mga naisip ko. I was wrong.][Hindi ko dapat ginawa 'yong mga pekeng pictures gamit ang AI para lang subukan ka... I was so jealous, insecure, and stupid.]Napailing ako nang bahagya. May kakaibang takas ng pait at matinding pagtataka na lumitaw sa aking dibdib.Kagabi lang, ang lakas ng loob ni Lisbeth na mag-message sa akin para ipamukha na iniwan ko si Denis

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 2: Unang Trabaho

    POV: Jamilla“Totoo ga hong magiging waitress ako doon, Tita? Hindi ga ho ako magiging tagahugas ng sangkatutak na plato?” tanong ko kay Tita Mandy. Pinsan siya ng tatay ko, ngunit masyadong obvious sa ngayon ang agwat ng aming buhay.Si Tita Mandy ay tipikal na isang “Rich Tita”. Kung makikita m

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 1: Honey Moon

    PROLOGUE: “Si-sir.. Saglit laang ho.. Ano hong– ano ga hong ginagawa ninyo?” tanong ni Jamilla kay Angelo, habang pinipilit pumasok ng lalaki sa pinto ng kanyang silid.“Bakit? Hindi mo papapasukin ang asawa mo sa silid mo?” halatang nakainom ito, dahil na rin sa tapang ng amoy ng alak na nagmumul

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 5: Pagtakas

    HABANG nasa sasakyan kami, panay ang himas ni Cong sa hita ko. Binabaybay namin ang isang kalsadang napapalibutan ng mga puno. Madilim ang paligid at wala halos ibang sasakyan."Cong..." malambing kong tawag."Huh? Bakit?" agad niyang sagot."Kung tutuusin, puwede naman tayong dito na laang sa kots

  • From Maid to Billionaire's Wife   BATANGENYA 4: Swerte pero Malas

    Lumingon siya sa akin, pero walang bahid ng pagsisisi sa kanyang mga mata."Ipa-auction na sila!" malakas na utos ni Tita Mandy.Wala na kaming nagawa nang kaladkarin kami ng mga bantay. Halos mapigtas ang balikat ko sa higpit ng pagkakahawak nila.Bigla nilang binuksan ang isang silid at itinulak

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status