LOGINEleanor's Point Of View.
Kinabukasan, naalimpungatan ako dahil bigla sa biglang pag-ikot ng aking tiyan. Agad akong nagmadaling bumangon bago pumasok sa CR ng aking kwarto. Ilang minuto akong nagsuka hanggang sa umaayos ang aking pakiramdam. Habang naghihilamos ng mukha ay napatingin ako sa salamin. "Ano bang nangyayari sa'kin?" tanong ko. "May sakit ba ako?" Kahapon pa 'ko nakakaramdam ng pagkahilo at ngayon naman ay pagsusuka. Baka naman— "Ma'am Eleanor?" Natigilan ako sa pag-iisip noong may kumatok sa aking kwarto. Agad akong lumabas ng banyo at nakita si Manang Niña sa labas. "Bakit po?" tanong ko. "Pinapa-check po sa'kin ni Sir Arthur kung gising ka na dahil naka-ready na po ang umagahan." Sandali akong natigilan para intindihing mabuti ang sinabi niya. "Nandito ang asawa ko?" gulat kong tanong. "Umuwi po siya kagabi, tinanong pa niya sa'kin kung tulog ka na." Hindi ko alam ngunit hindi ko napigilan ang pagngiti. "Okay, sandali lang. Mag-aayos lang ako at bababa na." Pagkasarado ng p***o ay mas lumawak ang ngiti ko. Anong meron? Bihira lamang ang ganitong mga araw na nandito siya sa bahay, tapos gusto niya pa 'kong makasama sa pagkain. Agad akong nag-ayos ng sarili dahil alam kong ayaw ni Arthur na pinaghihintay. Nang matapos ay bumaba na ako at napansing ang aking asawa na abala sa pag-cecellphone, mukhang hinihintay niya talaga ako dahil wala pang bawas ang mga pagkain. "Good morning," pag-agaw ko ng atensyon niya at agad siyang napatingin sa'kin. "Good morning," sagot niya sa mababang boses. "Seat down already." Mabilis akong sumunod sa sinabi niya. "Wala kang trabaho ngayon?" tanong ko habang kumukuha ng pagkain. Napansin ko kasing hindi usual na pang opisina ang suot niya ngayon. Sa ilang taon naming pagsasama, maikli pa lamang 'yon ngunit ang dami ko nang kabisado sa kaniya pero. . . hindi ko alam kung may alam ba siya kahit isa sa asawa niya. "No. Pupunta tayo sa mansyon nila Mom, they invited us. Ang tagal na rin kasi noong huli nating pagdalaw," paliwanag nito. "How about you? Do you have any plans today?" "May meeting ako with Damon Thorne. Naalala mo ba siya? 'Yung dati kong kaklase noong college, balak niyang mag-invest sa restaurant ko." "Cancel it." Sandali akong natigilan. "Maghapon ba tayo sa pamilya mo? Paniguradong saglit lang naman ang meeting na 'yon." "You can always reschedule meetings, Eleanor. I'm sure that guy will understand, right? Kung gusto niya talagang mag-invest, kahit ilang beses mo pang i-postponed ang meeting niyo, maiintindihan niya." "Tama ka pero may usapan na kasi kami kagabi. . . Nakakahiya naman kung bigla na lang hindi matutuloy," paliwanag ko at narinig ko ang malakas niyang pagbuntong hininga. "And? Hindi mo kawalan ang isang investor, Eleanor. Hindi naman siguro masama ang hinihiling ko sa'yo, hindi ba? My family missed you. Isang araw lang, ibigay mo na sa kanila." Hindi na ako nakasagot pa at napatingin na lamang sa pagkain nang marinig ko siyang muling magsalita. "'Yan ang mahirap sa'yo, masyado kang mabait. You're a people pleaser. Isang pag hindi lang sa isang tao, hindi mo na magawa," wika niya. "Hindi naman sa gano'n. . . Siyempre, pinapahalagahan ko rin ang oras ni Damon. Paniguradong busy din siya." "But you're the owner. . . And he's the investor, Eleanor. Hindi mo ba nakikita ang ibig kong sabihin?" tanong niya. "Huwag mong sabihin pati pag-manage ng restaurant mo, hindi mo pa rin kayang gawin? Kung ipipilit mo pa rin ang meeting niyo, paniguradong magtatampo ang pamilya ko, Eleanor. Kilala mo naman sila." Tumango na lamang ako. "Sasama ako sa'yo. Ipapaliwanag ko na lang kay Damon." "Good. That's what I want to hear from you." Hindi ko alam kung bakit pero dahil sa naging pag-uusap namin na 'yon ay napawi ang sayang nararamdaman ko dahil kasabay ko siyang kumain. Palagi naman siyang ganito ; direktang magsalita, kahit pa masakit dahil alam kong sinasabi niya lang ang lahat nga totoong nakikita niya. Natahimik na lamang tuloy kami sa pagkain, mukhang wala lang sa kaniya 'yon dahil abala siya sa pag-cecellphone. Nang matapos kaming kumain ay saka lamang siya muling nagsalita. "We'll leave at 9AM. Get ready." Hindi na niya ako hinintay na sumagot dahil kaagad na siyang umalis ng dining hall. Malakas na lamang ang naging pagbuntong hininga ko bago bumalik sa kwarto at i-chat si Damon. Me: Good morning, Damon. I'm sorry pero hindi matutuloy ang meeting natin ngayong araw dahil may importante pala akong lakad. We can reschedule if you want. Thank you for understanding. Pagkatapos kong mag-chat ay naghanda ako, isang simpleng white dress lamang ang sinuot ko. Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa mansyon ng pamilya nila Arthur dahil sa totoo lang, hindi naman talaga ako malapit sa kanila kahit close ang mga pamilya namin. Pero we're in good shape. . . Kahit pa alam kong tutol ang Mom niya sa pagpapakasal namin. Nang matapos ako sa paghahanda ay kaagad na akong bumaba bago pa man mag 9AM, naabutan kong handa na rin si Arthur kaya maaga kaming nakaalis. Saktong nasa byahe na kami nang makatanggap ako ng text mula kay Damon. Damon: Good morning, Eleanor. It's okay, I understand. We can reschedule it. Kaagad akong nagtipa ng reply. Me: Ikaw na lang ang mag-set ng date, sigurado naman akong matutuloy na. Thank you. "Who's that?" Napatingin ako kay Arthur dahil sa bigla niyang pagsasalita. "Si Damon. . . Sinabi ko na sa kaniyang i-reschedule na lang ang meeting." "What's he said?" "Ayos lang daw." "See? I told you. Maiintindihan niya." Tumango na lamang ako at hindi na nagsalita. Naging tahimik kami buong byahe na normal lang naman sa akin, isang oras din ang naging byahe hanggang sa marating namin ang private subdivision ng kaniyang pamilya. Sa tuwing pumupunta ako rito, hindi ko talaga maiwasang mamangha dahil ang ganda ng buong paligid. Halatang mayayaman ang nakatira, bigatin at elegante. Ilang sandali pa lang, nakita ko na ang pamilyar na mansyon ng pamilya nila Arthur. Old style mansion ito na napapalibutan ng mga puno at fountains sa paligid. Ngunit noong nakapasok kami sa loob, hiniling ko na sana pala ay tinuloy ko na lamang ang meeting kay Damon dahil pagpasok sa loob, nakita ko sa sala ang ex-fiancée ni Arthur—si Bella Nuñez.Eleanor's Point Of View."Hello, Eleanor. Pwede ba tayong magkita? Are you free today?"Napakunot ang noo ko sa narinig. "Yes, I'm free today. Bakit gusto mong makipagkita?" tanong ko."You left your bag sa restaurant na pinuntahan natin. Mabuti na lang dahil tinawagan ako ng may-ari at binalik sa'kin."Nanlaki ang mga mata ko nang maalala 'yon. "Oo nga, nakalimutan ko ang bag ko.""Nakalimutan ko ring dalhin dahil masyado akong nag-alala noong nahimatay ka sa CR. Walang ibang nasa isip ko kundi ang madala ka na ng hospital," paliwanag nito. "Free naman ako today so I was thinking if we could meet up para mabalik ko sa'yo 'to.""Of course, saan mo ba gusto?""Doon na lang ulit sa restaurant na pinuntahan natin. Ayos lang ba?""Sure, Damon. Hintayin mo na lang ako, salamat ulit.""Okay. See you later."Ibinaba ko na ang tawag at agad na pinaandar ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ang biyahe ko papunta sa restaurant na napagkasunduan namin. Pagdating ko roon ay agad kong nakita si Damo
Eleanor's Point Of View."Ano?! Ano bang pinaggagawa mo, Eleanor?!" gulat na sabi ni Soph nang sabihin ko sa kaniyang buntis ako. Hindi na ako nagulat pa na ganoon ang naging reaction niya. "Sinabi ko na sa'yo dati pa, mag-ingat ka. Tingnan mo kung anong nangyari ngayon. Anong plano mo, ha? Alam na ba 'yan ni Arthur?" dagdag niya"Hinaan mo nga ang boses mo, kumalma ka," sagot ko dahil kahit sa call lang kami nag-uusap ay ang lakas-lakas ng boses niya. "Paano ako kakalma kung ganyan ang unang sasabihin mo sa'kin?"Malakas akong bumuntong hininga at pumuna sa balcony ng kwarto ko."Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako, Soph," seryosong sabi ko. "At sa totoo lang, wala pa akong plano sa ngayon. Hindi pa rin 'to alam ni Arthur, wala akong balak sabihin sa kaniya dahil paniguradong ititigil niya ang kasal namin at alam mong hindi ko kayang mangyari 'yon. Mahal na mahal ko siya.""So si Damon at ako pa lang ang may alam?""Oo... Hindi ko rin muna sasabihin kina Dad o kay Vivienne.""Pero
Eleanor's Point Of View.Puting kisame ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam ko ang bigat ng aking katawan. Sinubukan kong tumingin sa paligid at nakita ko si Damon na nakaupo sa sofa at may ginagawa sa cellphone."D-Damon," halos pabulong kong sabi ngunit narinig niya pa rin. Kaagad siyang napalingon sa akin, binaba niya ang cellphone bago ako lapitan."How are you? Are you okay?" sunod-sunod nitong tanong. "I'll call the doctor."Hindi ko na nagawa pang makasagot dahil nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Nang maiwan akong mag-isa ay napatulala ako sa kisame habang iniisip ang nangyari.Ano nga bang nangyari?Pumunta ako ng restaurant dahil sa meeting namin ni Damon... nag-usap kami... at noong dumating ang order naming pagkain ay parang bumaliktad ang tyan ko kaya nagpaalam akong dumiretso ng CR at nawalan ako ng malay.Bakit nangyari 'yon? May sakit ba ako?Muling bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok, sunod kong nakita ang pagpa
Eleanor's Point Of View."Ano ba kasing iniisip mong babae ka?" narinig kong sabi ni Soph sa kabilang linya, kinuwento ko sa kaniya ang nangyari at katulad ng palaging nangyayari, alam kong papangaralan niya na naman ako. "Pero bakit niya 'ko hinalikan? Hindi siya lasing no'n, Soph.""And? Baka nalibugan lang sa'yo. Kahit hindi naman lasing ang isang tao, pwedeng makaramam pa rin ng libog."Malakas na lamang akong napabuntong hininga at hindi kaagad nakasagot."I felt like he was just manipulating you, Eleanor. Hindi na talaga healthy, simula pa man."Napailang ako na para bang kausap ko siya ngayon. "Parang impossible na 'yang sinasabi mo. . . Why would he manipulate me? Ano bang mapapala niya? At isa pa, hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya.""That doesn't mean hindi pwedeng magbago ang isang tao. . . Ni hindi mo nga inakala noon na kaya ka niyang saktan, tapos noong kinasal kayo, ang sakit na niya magsalita sa'yo."Napapikit na lamang siya bago sumandal sa pinto ng balcony.
Eleanor's Point Of View.Kinabukasan, ay maaga akong gumising. Hindi kaagad ako nakabangon dahil ang sakit ng mga binti ko. Nakatulog ako pagkatapos ng nangyari samin.Hindi ko maiwasang mapangiti, paniguradong binuhat niya pa ako papunta rito sa kwarto ko. At isa pa, sa unang pagkakataon, hindi alak ang dahilan kung may nangyari samin kagabi. Hindi siya lasing, hindi rin siya mukhang wala sa sarili. Alam niya ang ginagawa niya.Gusto niya ang nangyari samin.At hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong maniwalang may ibig sabihin iyon.Pagkababa ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa hapag-kainan habang nagbabasa ng ilang documents. Nakasuot na siya ng kaniyang pormal na damit, at mukhang naghahanda na para pumasok sa kompanya."Good morning," bati ko habang may ngiti sa labi.Sandali siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang atensiyon sa hawak niyang papel."Morning."Natigilan ako sandali dahil sa lamig ng tono ng boses niya.Umupo ako sa tapat niya habang pinagmamasdan siyang um
Eleanor's Point Of View.Ngunit patuloy lang akong napaiyak at bago ko pa mamalayan, bigla niya akong hinalikan.Napapikit na lamang ako dahil sa panghihina bago humalik pabalik—parang nakalimutan ko lahat ng inis na nararamdaman ko dahil lang sa paghalik niya sa'kin. At wala akong magawa kundi magpakalunod sa ginagawa niya."Hmmm," mahinang ungol ko nang bumaba ang labi niya sa leeg ko para halikan 'yon. Napahawak na lamang ako sa buhok niya para kumuha ng suporta.Sandali siyang tumigil bago tanggalin ang seatbelt naming dalawa at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, binuhat niya ako paupo sa kaniyang kandungan. Hindi na ako nakapalag noong mabilis niya akong halikan muli."Oh," ungol ko dahil sa init na aking nararamdaman."Remove your shirt," wika niya bago ako tumigil sa paghalik.Hindi ko maiwasang mahiya ngunit noong nakita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata ay isang malakas na pagbuntong hininga ang ginawa ko bago hubarin ang suot kong top at kaagad kong naramdaman ang lamig







