Share

Kabanata 6

Author: GreenRian22
last update publish date: 2026-10-24 17:37:10

Eleanor's Point Of View.

Ngunit noong nakapasok kami sa loob, hiniling ko na sana pala ay tinuloy ko na lamang ang meeting kay Damon dahil pagpasok sa loob, nakita ko sa sala ang ex-fiancée ni Arthur—si Bella Nuñez.

Si Bella ay isang kilalang model, half-American at talagang maganda. Naalala ko noon, nang marinig kong ikakasal sila ni Arthur, una kong hinanap ang mga accounts ng babae sa social media dahil wala akong ideya na may girlfriend na ang lalaking mahal ko.

Naalala kong umiyak ako kay Soph dahil pakiramdam ko ay natalo na ako. Na wala na akong pag-asa pa.

Pero nalaman ko kay Papa na ang kasalan na sana ay mangyayari sa kanila ay dahil lamang sa business. Kilala ang pamilya nila Bella sa isang fast food enterprise kaya hindi na nakakapagtaka na gano'n ang nangyari.

Pero hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng sakit dahil nalaman ko mismo sa engagement party nila na matagal na palang may nararamdaman si Arthur para kay Bella, so masaya siyang magpapakasal na sila.

Pero tatlong buwan lang ang tinagal ng engagement dahil sinira ko 'yon.

Flashback

"Bakit matagal na pala niyang mahal si Bella?" umiiyak kong tanong kay Soph habang nasa kwarto ko siya, kakauwi lang namin galing sa engagement party ni Arthur.

Nagkibit-balikat siya sa'kin. "Baka naman childhood friends sila?"

"Hindi. . . Kami ang childhood friends ni Arthur. At hindi rin naman malapit ang pamilya nilang dalawa. Baka naman sinabi lang 'yon ni Arthur para magmukhang hindi para sa business ang kasal nila."

Umilang siya sa kahibangan ko. "Wala pa rin naman magbabago. . . Ikakasal pa rin sila."

Kaagad na tumulo ang luha sa mga mata ko. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking minahal ko simula pagkabata ay ikakasal na.

"Pero kasi. . . Wala ka namang ginawa para iparamdam kay Arthur na mahal mo siya, hindi ba? Hindi niya alam. Wala siyang ideya," wika niya. "Matagal ko nang sinasabi sa'yo 'yan, Eleanor. Take the risk or lose the chance. Gusto mo siya simula pagkabata mo, pero baka hindi niya 'yon maramdaman kasi hindi mo pinapakita."

"Alam mo namang natatakot ako, hindi ba? Matagal na kaming magkaibigan. . . Ayoko namang mawala 'yon dahil lang bigla akong umamin sa kaniya."

"Pero tingnan mo ang nangyayari ngayon, dahil takot kang sumubok, ikakasal na sila."

Muling tumulo ang luha ko sa narinig dahil alam kong tama ang aking kaibigan.

"Mukhang kailangan ko na lang talagang ibaon sa limot 'tong nararamdaman ko."

'Yon ang naging plano ko, kakalimutan ko na ang nararamdaman ko para kay Arthur ngunit mapaglaro talaga ang Tadhana dahil isang araw, nasa isang private cruise ship party kami ni Soph nang bigla niya 'kong tawagan.

"Si Bella ba 'yon?" bulong niya sa'kin, sinundan ko ang tinuturo niya at kaagad na napakunot ang noo ko sa nakita.

Nasa isang table si Bella at may kausap siyang lalaki. Silang dalawa lang sa lamesa. Pinagmasdan ko silang mabuti at mas lalong napakunot ang noo ko noong hawakan ng lalaki ang kamay ni Bella.

"Anong meron sa kanila?" nagtatakang tanong ko habang nakatangin pa rin sa kanila. At nasagot ang tanong ko noong biglang lumapit si Bella at hinalikan sa labi ang lalaki.

Napatakip ako sa bibig habang napamura naman si Soph. At hindi ko alam kung bakit pero kaagad kong kinuha ang cellphone ko para picturan ang nakita namin.

"Kailangan 'tong malaman ni Arthur," wika ko, mabilis ang tibok ng puso dahil sa nakita.

"Pero gaano ka ka-sigurong maniniwala siya sa'yo? Pwedeng sabihin ni Bella na edited ang picture!" sagot nito. "Why don't we just investigate them first? Para marami tayong proof na hawak."

Kaagad akong sumangayon sa sinabi ni Soph, tama siya, kung isang litrato lang ang hawak namin, paniguradong madali lang 'yon mapapalabas na gawa-gawa lang.

Inembistigahan namin ang dalawa at tama ang desisyong 'yon dahil napansin naming madalas silang lumalabas ngunit palaging private na lugar lang pero sapat na ang ebidensiyang hawak namin na may ibang lalaki si Bella.

"So, anong plano mo?" tanong sa'kin ni Soph isang gabi habang nasa sasakyan kami pauwi. "Kailan mo balak sabihin kay Arthur ang totoo? Tatlong buwan na silang engaged ngayon, baka naman hihintayin mo pang ikasal na sila mismo bago pa lumabas ang katotohanan? Walang divorce rito sa Pilipinas."

"Huwag kang mag-alala, sasabihin ko na."

Kinabukasan lang din ay umalis ako ng mansyon para puntahan si Arthur. Saktong siya lamang ang nandoon. . . Noong una ay hindi siya naniwala sa akin pero pinakita ko sa kaniya lahat ng hawak kong ebidensya, at kinabukasan lang no'n, binalitang hindi na tuloy ang kasal.

End Of Flashback

"Long time no see, Arthur," narinig kong wika ni Bella kaya bumalik ako sa ulirat, malaki ang ngiti niya habang nakatingin sa lalaki ngunit nang malipat 'yon sa'kin ay unti-unti 'yong nawala.

"How are you, Bella?" narinig kong tanong ni Arthur, umiwas na lamang ako ng tingin.

"I'm good! Still modeling. Kakauwi ko lang from Francisco. Tita invited me here because she missed me. How about you? How are you?"

"I'm always busy with the company. Alam mo na, it's my passion."

Sasagot pa sana si Bella ngunit may maid na lumapit at sinabing pinapunta si Arthur sa opisina ng Tatay nito. Balak ko sanang sumama ngunit bigla na lang siyang umalis na para bang nakalimutan niya nang kasama niya ako.

Hindi ko alam ang gagawin ko kung susunod ba ako o hindi dahil naiwan akong mag-isa kasama si Bella. Aalis na sana ako ngunit narinig kong nagsalita siya.

"How are you, Eleanor?"

Napahinto ako at nilingon siya. "Ayos lang, ikaw ba?"

"I'm fine too. More than you know.," sagot niya at napatango na lamang ako. "So, how's the life with Arthur being your husband? Dream come true, right? Para kang nasa isang fairy tail, Eleanor. Naging asawa mo ang matagal mo nang mahal."

Natahimik ako sandali dahil ramdam na ramdam ko ang sarcasm sa boses niya. Noong pinakita ko kay Arthur ang mga proof na hawak ko, nalaman kong hindi naman talaga gusto ni Bella ang magpakasal dahil may mahal siyang iba ngunit kailangan niyang sumunod dahil itatakwil siya ng pamilya niya.

Kaya noong araw na 'yon, hindi lang engagement nila ang nasira ko, pati na rin ang relasyon ni Bella sa pamilya niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 15

    Eleanor's Point Of View."Hello, Eleanor. Pwede ba tayong magkita? Are you free today?"Napakunot ang noo ko sa narinig. "Yes, I'm free today. Bakit gusto mong makipagkita?" tanong ko."You left your bag sa restaurant na pinuntahan natin. Mabuti na lang dahil tinawagan ako ng may-ari at binalik sa'kin."Nanlaki ang mga mata ko nang maalala 'yon. "Oo nga, nakalimutan ko ang bag ko.""Nakalimutan ko ring dalhin dahil masyado akong nag-alala noong nahimatay ka sa CR. Walang ibang nasa isip ko kundi ang madala ka na ng hospital," paliwanag nito. "Free naman ako today so I was thinking if we could meet up para mabalik ko sa'yo 'to.""Of course, saan mo ba gusto?""Doon na lang ulit sa restaurant na pinuntahan natin. Ayos lang ba?""Sure, Damon. Hintayin mo na lang ako, salamat ulit.""Okay. See you later."Ibinaba ko na ang tawag at agad na pinaandar ang sasakyan. Hindi naman nagtagal ang biyahe ko papunta sa restaurant na napagkasunduan namin. Pagdating ko roon ay agad kong nakita si Damo

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 14

    Eleanor's Point Of View."Ano?! Ano bang pinaggagawa mo, Eleanor?!" gulat na sabi ni Soph nang sabihin ko sa kaniyang buntis ako. Hindi na ako nagulat pa na ganoon ang naging reaction niya. "Sinabi ko na sa'yo dati pa, mag-ingat ka. Tingnan mo kung anong nangyari ngayon. Anong plano mo, ha? Alam na ba 'yan ni Arthur?" dagdag niya"Hinaan mo nga ang boses mo, kumalma ka," sagot ko dahil kahit sa call lang kami nag-uusap ay ang lakas-lakas ng boses niya. "Paano ako kakalma kung ganyan ang unang sasabihin mo sa'kin?"Malakas akong bumuntong hininga at pumuna sa balcony ng kwarto ko."Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako, Soph," seryosong sabi ko. "At sa totoo lang, wala pa akong plano sa ngayon. Hindi pa rin 'to alam ni Arthur, wala akong balak sabihin sa kaniya dahil paniguradong ititigil niya ang kasal namin at alam mong hindi ko kayang mangyari 'yon. Mahal na mahal ko siya.""So si Damon at ako pa lang ang may alam?""Oo... Hindi ko rin muna sasabihin kina Dad o kay Vivienne.""Pero

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 13

    Eleanor's Point Of View.Puting kisame ang una kong nakita pagmulat ng mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit ramdam ko ang bigat ng aking katawan. Sinubukan kong tumingin sa paligid at nakita ko si Damon na nakaupo sa sofa at may ginagawa sa cellphone."D-Damon," halos pabulong kong sabi ngunit narinig niya pa rin. Kaagad siyang napalingon sa akin, binaba niya ang cellphone bago ako lapitan."How are you? Are you okay?" sunod-sunod nitong tanong. "I'll call the doctor."Hindi ko na nagawa pang makasagot dahil nagmamadali itong lumabas ng kwarto. Nang maiwan akong mag-isa ay napatulala ako sa kisame habang iniisip ang nangyari.Ano nga bang nangyari?Pumunta ako ng restaurant dahil sa meeting namin ni Damon... nag-usap kami... at noong dumating ang order naming pagkain ay parang bumaliktad ang tyan ko kaya nagpaalam akong dumiretso ng CR at nawalan ako ng malay.Bakit nangyari 'yon? May sakit ba ako?Muling bumukas ang pinto at nakita ko ang pagpasok, sunod kong nakita ang pagpa

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 12

    Eleanor's Point Of View."Ano ba kasing iniisip mong babae ka?" narinig kong sabi ni Soph sa kabilang linya, kinuwento ko sa kaniya ang nangyari at katulad ng palaging nangyayari, alam kong papangaralan niya na naman ako. "Pero bakit niya 'ko hinalikan? Hindi siya lasing no'n, Soph.""And? Baka nalibugan lang sa'yo. Kahit hindi naman lasing ang isang tao, pwedeng makaramam pa rin ng libog."Malakas na lamang akong napabuntong hininga at hindi kaagad nakasagot."I felt like he was just manipulating you, Eleanor. Hindi na talaga healthy, simula pa man."Napailang ako na para bang kausap ko siya ngayon. "Parang impossible na 'yang sinasabi mo. . . Why would he manipulate me? Ano bang mapapala niya? At isa pa, hindi gano'n ang pagkakakilala ko sa kaniya.""That doesn't mean hindi pwedeng magbago ang isang tao. . . Ni hindi mo nga inakala noon na kaya ka niyang saktan, tapos noong kinasal kayo, ang sakit na niya magsalita sa'yo."Napapikit na lamang siya bago sumandal sa pinto ng balcony.

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 11

    Eleanor's Point Of View.Kinabukasan, ay maaga akong gumising. Hindi kaagad ako nakabangon dahil ang sakit ng mga binti ko. Nakatulog ako pagkatapos ng nangyari samin.Hindi ko maiwasang mapangiti, paniguradong binuhat niya pa ako papunta rito sa kwarto ko. At isa pa, sa unang pagkakataon, hindi alak ang dahilan kung may nangyari samin kagabi. Hindi siya lasing, hindi rin siya mukhang wala sa sarili. Alam niya ang ginagawa niya.Gusto niya ang nangyari samin.At hindi ko alam kung bakit, pero gusto kong maniwalang may ibig sabihin iyon.Pagkababa ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa hapag-kainan habang nagbabasa ng ilang documents. Nakasuot na siya ng kaniyang pormal na damit, at mukhang naghahanda na para pumasok sa kompanya."Good morning," bati ko habang may ngiti sa labi.Sandali siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang atensiyon sa hawak niyang papel."Morning."Natigilan ako sandali dahil sa lamig ng tono ng boses niya.Umupo ako sa tapat niya habang pinagmamasdan siyang um

  • GANTI AT PAG-IBIG (SPG)   Kabanata 10 ( SPG )

    Eleanor's Point Of View.Ngunit patuloy lang akong napaiyak at bago ko pa mamalayan, bigla niya akong hinalikan.Napapikit na lamang ako dahil sa panghihina bago humalik pabalik—parang nakalimutan ko lahat ng inis na nararamdaman ko dahil lang sa paghalik niya sa'kin. At wala akong magawa kundi magpakalunod sa ginagawa niya."Hmmm," mahinang ungol ko nang bumaba ang labi niya sa leeg ko para halikan 'yon. Napahawak na lamang ako sa buhok niya para kumuha ng suporta.Sandali siyang tumigil bago tanggalin ang seatbelt naming dalawa at nagulat ako sa sunod niyang ginawa, binuhat niya ako paupo sa kaniyang kandungan. Hindi na ako nakapalag noong mabilis niya akong halikan muli."Oh," ungol ko dahil sa init na aking nararamdaman."Remove your shirt," wika niya bago ako tumigil sa paghalik.Hindi ko maiwasang mahiya ngunit noong nakita ko ang pagnanasa sa kaniyang mga mata ay isang malakas na pagbuntong hininga ang ginawa ko bago hubarin ang suot kong top at kaagad kong naramdaman ang lamig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status