Eleanor's Point of View.Tatlong taon na ang nakalipas mula nang pakasalan ko si Arthur. Minsan, kapag ako lang ang mag-isa sa mansyon. Naaalala ko ang araw ng kasal namin at hindi ko maiwasang mapangiti dahil napakaganda ng araw na iyon. Maraming bisita ang dumalo para saksihan ang kasal namin, elegante ang venue at higit sa lahat, tuwang-tuwa ako dahil dumalo si Arthur.Pero bago pa man kasi kami ikasal, malinaw na sa akin ang dahilan kung bakit kami pinaglapit ng aming mga pamilya.Business. Trabaho. Para sa kompanya.Parehong real estate ang negosyo ng aming pamilya, at ang kasal namin ay makatutulong para mas mapatatag ang koneksyon ng dalawang kumpanya.Naalala ko pa ang sinabi ni Arthur sa akin bago kami tuluyang ikasal."Don't expect anything from this marriage, Eleanor. This is just business."Tumango lang ako noon. Kahit masakit dahil matagal na akong nararamdaman kay Arthur. Dahil nga close ang mga pamilya namin, bata pa lamang ako ay nakikita ko na siya at hindi ko mapigil
Huling Na-update : 2026-10-15 Magbasa pa