Generational Fued

Generational Fued

last updateLast Updated : 2023-07-03
By:  Lady EOngoing
Language: English
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
17Chapters
1.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

The tragedy began from the conspiracies and misconceptions of their parents. Something that happened years ago now holds an impact on their children, making them slaves to past sins and misunderstandings. Will their love for each other surpass this family feud? Will they choose their own fate or would they partake in the wrongs of their parents? Find out those questions and more as you flip through the pages of this astonishing story.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1: I don't want any trouble.

PUNO ng takot at pangamba ang dibdib ni Kaia, ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang trabahong inialok sa kaniya ni Selena— ang ibenta ang sarili kapalit ng malaking halaga ng pera.

Labag man iyon sa kaniyang kalooban, desperado na siya. Kailangan niya ng pera para sa agarang operasyon ng kaniyang ina na kasalukuyang nasa Critical Care Unit ng St. Valencia Medical Center sa Maynila. Isang malubhang tumor sa utak ang natuklasan dito at kinakailangan agad operahan bago pa lumala ang kondisyon nito.

Wala na ring ibang maaasahan si Kaia. Maaga siyang naulila sa ama at nag-iisang anak lamang siya. Kaya naman hindi niya kayang isipin ang mangyayari sa kanya kung mawawala rin ang kaniyang ina. Kung mangyayari iyon, tuluyan na siyang magiging mag-isa...

Mariing ipinikit ni Kaia ang kaniyang mga mata kahit nababalutan iyon ng makapal na telang nakapiring sa kaniya. Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang mahigpit na nakakapit sa puting kumot ng kama. Tanging manipis na robe lamang ang nakatakip sa kaniyang katawan ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung anong klaseng lalaki ang makakasama niya ngayong gabi. Hindi niya alam kung mabuti ba ito o halimaw.

Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng mahinang pag-click ng doorknob, kasunod ang marahang paglangitngit ng pintong unti-unting bumukas. Kasabay niyon ay ang mabibigat ngunit kontroladong yabag na palapit sa kaniya.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Kaia. Dahil sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, puro dilim lamang ang nakikita niya kaya’t pinili na lang niyang hintayin kung ano ang susunod na mangyayari.

“There you are, woman...”

Napasinghap si Kaia nang marinig ang malalim na tinig ng lalaki mula sa kaniyang harapan.

Hindi niya maipaliwanag kung bakit kakaiba ang epekto niyon sa kaniya. Bahagyang paos ang boses nito, mababa at tila pagod na pagod. Ngunit higit sa lahat, ramdam niya ang lungkot na nakapaloob doon.

Hindi ba dapat masaya ito? Dahil narito siya ngayon—isang babaeng binayaran para samahan ito ngayong gabi. Bukod sa piring na nakatakip sa kaniyang mga mata, wala na siyang ibang harang sa katawan.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang lumubog ang kama sa kaniyang tabi. Kasunod niyon ay ang mainit at malambot na palad na marahang dumampi sa kaniyang pisngi.

“What’s your name, woman?” tanong nito sa parehong mabigat na tinig.

Bahagyang natigilan si Kaia bago sumagot.

“A-Anna...”

Hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Sinadya niyang magsinungaling. Ayaw niyang malaman ng estrangherong ito kung sino talaga siya. Mahirap na at baka isang araw ay makilala siya nito sa labas.

“Anna...” marahan nitong ulit habang tila ninanamnam ang pangalan niya. Pagkatapos ay ilang segundo itong natahimik. “How would you feel if the person you loved more than your own life betrayed you?”

Napatigil si Kaia. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kung anong kumurot sa kaniyang puso nang marinig ang tanong nito. Iyon marahil ang pinakamalungkot na tinig na narinig niya sa buong buhay niya.

Unti-unting naglaho ang takot at kaba na kanina’y bumabalot sa kaniya. Sa halip, awa at pag-aalala ang pumalit doon. Pakiramdam niya, gusto niyang haplusin ang mukha ng lalaking hindi niya nakikita. Hindi niya maintindihan kung bakit tila dama rin niya ang sakit nito.

Nang hindi siya sumagot, marahan itong napabuntong-hininga. Kasunod niyon ay ang mahinang pagsinghot. At pagkatapos... ay paghikbi. Nanlaki ang mga mata ni Kaia sa ilalim ng piring.

Umiiyak ba ito?

Hindi maintindihan ni Kaia kung bakit, ngunit tila kusang gumalaw ang kaniyang mga kamay. Dahan-dahan niyang inabot ang mukha ng lalaki hanggang sa maramdaman niya ang basang pisngi nito. At doon niya napatunayan na totoo ang haka-haka niya. Umiiyak ito.

At nang marahang haplusin ni Kaia ang mukha nito, bigla na lamang siyang niyakap ng lalaki nang mahigpit at parang desperado. Napasinghap siya nang maramdaman ang bigat ng katawan nito habang nakasubsob ito sa kaniyang dibdib. Kasunod niyon ay ang pigil na paghagulhol nito.

Parang pinipiga ang puso ni Kaia sa bawat hikbi ng estranghero. Hindi niya alam kung anong klaseng sakit ang pinagdaraanan nito para umiyak nang ganoon. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, gusto niya itong damayan. Kaya hinayaan lang niya ito. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito habang tahimik na nakikinig sa bawat paghinga at hikbi ng lalaki.

Hindi niya maunawaan kung bakit lubos siyang naaapektuhan dito. Pakiramdam niya, may kung anong bahagi sa kaniyang puso ang biglang nabuhay. Pakiramdam niya, handa siyang gawin ang lahat para pagaanin ang sakit ng lalaking ito.

“Is it possible to fall in love with someone you only met for one night?” tahimik na tanong ni Kaia sa kaniyang sarili.

Posible nga kayang mahulog ang loob niya sa isang lalaking boses lamang ang alam niya? Sa isang lalaking hindi niya kailanman nakita? Posible kaya iyon?

Ilang sandali pa ay unti-unting tumigil sa pag-iyak ang lalaki. Matapos niyon ay marahan nitong hinaplos ang kaniyang pisngi.

“Thank you, Anna...” bulong nito sa masuyo ngunit pagod na tinig. Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. “Now... can you be mine tonight?”

May pagsusumamo sa boses nito habang marahang pinipisil ang kaniyang baba.

Hindi namalayan ni Kaia ang sarili na tumatango bilang tugon. At matapos niyon, marahan nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Naramdaman niya ang mainit nitong hininga bago tuluyang naglapat ang kanilang mga labi. Mabagal, maingat, at parang natatakot itong masaktan siya. Ngunit habang tumatagal, lalong nagiging mapusok ang bawat haplos at halik nito sa kaniyang balat.

Napahigpit ang kapit ni Kaia sa balikat ng lalaki habang dinadala siya nito sa init ng gabing iyon.

“Anyway... I’m Mr. C,” paos nitong bulong malapit sa kaniyang tainga. Saglit itong huminto bago marahang hinaplos ang telang nakatakip sa kaniyang mga mata.

“And I’m sorry for the blindfold. It’s for your own good, woman...”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

No Comments
17 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status