Home / Romance / Got pregnant by CEO / CHAPTER 3. SYMPTOMS

Share

CHAPTER 3. SYMPTOMS

Author: rai_slutears
last update Last Updated: 2025-06-08 08:45:20

Napabangon ako bigla mula sa kama, hawak ang tiyan ko.

Crap. Ang sakit na naman.

Dali-dali akong tumakbo papuntang banyo, habang gumugulong ang sakit sa loob ng tiyan ko.

Hindi na 'to bago. Halos araw-araw ganito-nauseous, hilo, at sobrang sensitive sa pagkain. Kahit amoy ng bawang, gusto ko nang sumuka. At lately, may napapansin pa akong isa pa-parang tumataba ako.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin sa banyo. Iba na 'yung katawan ko. Mas puno. Mas bilog.

Nang kumalam na naman ang sikmura ko, dumiretso ako sa kusina. Binuksan ko 'yung cabinet, umaasang may makukuhang snacks... pero wala. Puro hangin.

No wonder. Parang monster kung kumain ako lately. Kailangan ko na talagang lumabas para mamili ng groceries.

Napabuntong-hininga ako. Miss ko na friends ko. Si Liana, nasa out of town daw kasama ang pamilya. Si Nadia naman, busy sa restaurant nila dito sa Manila. Nasasanay na akong laging nandyan sila-sila lang 'yung nakakapagpatawa sa'kin kahit bad trip ako.

Bago pa ako tuluyang maiyak sa lungkot, kinuha ko na 'yung towel at nag-shower.

Nagdamit lang ako ng simple-black jeans, plain white t-shirt, at 'yung white Converse ko. No makeup. Hindi rin naman talaga ako mahilig doon.

Pagkatapos mag-ayos, lumabas na ako ng apartment at sumakay ng taxi.

Pag-upo ko sa loob, napasandal ako habang sinusubukang pakalmahin ang gulo sa isip ko.

"Sa mall, po," sabi ko sa driver.

Groceries lang naman. Wala namang dapat ipag-alala. Pero hindi ako mapakali.

What if makita ko siya ulit? 'Yung guy sa bar...

Napapikit ako sandali, tapos tumingin sa bintana. Nag-blur ang mga gusali habang umaandar kami.

No, ang OA ko naman. Ang laki kaya ng mall. This is Manila-millions of people. Walang chance.

Pero kahit ganon, bumilis ang tibok ng puso ko.

Pagdating namin, humarap ang driver sa'kin. "Ma'am, andito na po tayo."

Nagbayad ako at bumaba. Tinitigan ko 'yung napakalaking mall sa harap ko.

Grabe, ang laki talaga ng mall na 'to.

What if... makita ko siya dito?

Umiling ako. Stop it. Imposible 'yun. Ang laki-laki ng lugar na 'to. Tapos hindi ko pa nga siya naalala nang maayos.

Tried ko mag-recall nung gabing 'yon, pero blanko talaga 'yung memory ko.

Pumasok ako sa mall at dumiretso sa department store. Kumuha ako ng cart at nagsimulang mamili ng essentials-mostly snacks. Habang kukuha ako ng pack ng chips, biglang may narinig akong tilian.

May mga babae-nagshi-shriek.

Lumingon ako sa entrance ng mall. May crowd na pala dun, mostly teenage girls, tumatakbo pa nga 'yung iba.

"OMG, that's Mr. Nicholson! Let's go!" sigaw ng isang girl, hila-hila ang kaibigan niya.

Mr. Nicholson? Parang familiar 'yung surname na 'yon ah.

Pero binalewala ko lang. Nagpatuloy ako sa pamimili. Ang weird lang, kasi biglang naging empty 'yung department store-lahat ata nagsipuntang entrance. Lucky me, wala akong pila sa counter!

Thanks, Mr. Nicholson. Dahil sa'yo, walang pila. Hehe.

Pagkatapos magbayad, nagdecide akong kumain sa fast-food sa mall. Sumilip ulit ako sa entrance-wala na 'yung crowd. I guess umalis na siya.

Nahanap ko 'yung upuan ko at nilagay ang shopping bags sa katabing chair. Di naman mabigat-basics lang talaga binili ko. Kailangan magtipid hangga't wala pa akong trabaho. Maybe next week, mag-aapply na ako.

Habang kumakain, naalala kong may nabasa ako online tungkol sa isang book series na super trending. Addicting daw.

Pumunta ako sa bookstore at kinuha 'yung unang libro. 'Yung iba, next time na lang. Pag may pera na ulit.

Pagbayad ko, napangiti ako. At least may mababasa akong interesting mamayang gabi.

Papalabas na sana ako ng mall nang may naalala ako.

Wait. Libro lang 'yung hawak ko.

OH MY GOD. Naiwan ko 'yung grocery bags sa fast-food!

Bigla akong tumakbo-half walk, half sprint. Please, please andun pa sila. Ayoko na mawala 'yon.

At bigla na lang-BUMANGGA ako sa isang tao. Malakas.

Napapikit ako, ready na akong tumilapon. Pero may malakas na braso ang biglang humawak sa bewang ko. Binalanse ako.

"Careful," sabi ng isang deep na boses, malumanay.

Dahan-dahan niya akong inalalayan patayo.

Pagdilat ko ng mata-

HOLY.

Sa harap ko, may isang sobrang guwapong lalaki. As in, ridiculously guwapo.

Mukha niyang parang anghel. Pero katawan? Parang Greek god. Lord, bakit ganito ka-hot? Totoo ba 'to?

Natuyo bigla lalamunan ko... tapos, mas nakakahiya pa...

May DROOL. Literal.

"Don't look at me like that. Baka gusto mong punasan 'yung laway mo," sabi niya, naka-smirk, tapos naglakad palayo-iniwang stunned, napahiya, at nagpupunas ng bibig.

Gusto kong lamunin ng sahig.

Napahiya talaga ako. May mga nakakita. May tumawa. At siya? Walk out lang na parang wala lang siyang ginawang mental damage sa'kin.

Bakit ako nag-laway parang tuta?

Pero kahit ganon...

Thank you, stranger. Kung hindi dahil sa'yo, siguro nakahandusay na ako sa sahig.

At ayun na nga. Hindi ko na siya maalis sa isip ko.

Was that... love at first sight?

Siguro hindi. Or maybe. Pero gusto ko siyang makita ulit.

Paano kung hindi ko na siya makita?

What if dumaan lang siya sa buhay ko-parang shadow?

Isang shadow na iniwan akong hingal, kabado, at punung-puno ng tanong.

Kinagat ko labi ko, sinusubukang alisin sa isip ko, pero kapit na kapit 'yung thought.

Why did he look so familiar? Like someone from a dream I couldn't quite remember? Or maybe... someone I was meant to avoid?

Sumikip dibdib ko. Excitement at takot, magkasabay.

What if hindi lang basta-bastang pagkikita 'yon?

What if may mas malalim pa? Something dangerous beneath that perfect face and easy smirk?

Napalunok ako. Hindi ko alam kung gusto kong malaman ang totoo.

Pero ang mas nakakatakot? 'Yung possibility na hindi ko na siya makita ulit.

Napatingin ako sa paligid, parang umaasang andun pa siya-naghihintay, nakatingin.

Pero wala na siya.

At naiwan ako-malakas ang tibok ng puso, nanginginig ang kamay, at isang milyong tanong ang bumabagabag sa isip ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 14.

    Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 13.

    Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 12

    Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 11.

    Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 10 PAIN

    Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P

  • Got pregnant by CEO    CHAPTER 9 AFFECTED

    Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status