Bigla akong tumakbo papunta sa banyo, hawak-hawak ang tiyan ko habang umiikot ang sakit sa loob. Parang sinasakal ako ng hilo at pagsusuka, pero pagdating ko sa toilet—wala. Wala akong nailabas.
Gaaad! Anong nangyayari sa'kin? Ilang araw na 'to.
Nang maramdaman kong gutom na ako, napilitan akong bumaba.
Pagdating ko sa kusina, nandoon 'yung dalawa. Sabi nila na-miss daw nila ako kaya doon na sila natulog sa kusina. Hindi ko na sila pinigilan—wala namang ibang tao dito. Na-miss ko rin sila. Ilang araw din silang nawala.
"Have you eaten, Selena? I made fried rice," sabi ni Nadia, sobrang lambing ng boses niya na halos mapaiyak ako.
Pero bakit ganon? Bakit parang ang sama ng amoy? Umikot lalo ang tiyan ko. Parang tinatanggihan ng katawan ko ang amoy. Tumakbo ulit ako papunta sa lababo, halos maduwal dahil sa amoy ng garlic sa sinangag.
Nanunuot ang amoy sa ilong ko. Napatungo ako sa lababo, sumuka pero wala pa rin lumabas. Inabot ni Nadia ang isang basong tubig. Uminom ako agad, hoping mabawasan 'yung hilo.
Ngayon, pakiramdam ko parang basag na basag ako.
Nang medyo nakahinga na ako, naupo ako sa silya.
"Tell me the truth, Selena," putol ni Laina sa katahimikan. "Are you... pregnant?"
Parang tumigil ang mundo. Umalingawngaw ang tanong niya sa utak ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Wala ni isa sa aming makapagsalita. Kahit ako.
"You're sensitive to food, gaining weight... I notice changes every time I see you. Are you really pregnant?" tuloy niya, seryoso ang tono.
Kung totoo man 'to... Diyos ko, huwag naman. Hindi ako handa.
"I don't know," bulong ko. Kasi totoo—hindi ko rin maintindihan ang nangyayari sa katawan ko. Hindi naman ako may sakit... o baka nga?
"What do you mean, you don't know? Don't lie to us, Selena! How long have you been hiding this? Why didn't you tell us?" galit na sigaw ni Laina. Halos hindi ko siya makilala. Ang luha ko, tuloy-tuloy na.
Ibinuhos ko lahat. Lahat ng takot ko, 'yung kaba, 'yung pagkalito. Sobrang gulat nila. Wala man silang magawa, pero umiyak pa rin ako—para sa mga hindi ko naikwento agad. Si Nadia at Laina, sabay din akong iniyakan, parang pinasan naming tatlo ang bigat ng lahat.
Kung totoo nga ito—kung may batang lumalaki sa loob ko—tatanggapin ko. Hindi ko ipapalaglag ang anak ko. Kahit pa sabihin nilang mali ito, para sa akin, biyaya siya. Mahal ko na siya.
Umalis si Nadia para bumili ng pregnancy test kits. Habang wala siya, tumitibok ang puso ko na parang lalabas sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko. Umiiyak ako, hindi na mapakali. Si Laina tahimik lang, pero tuloy-tuloy ang luha.
"Laina, I'm sorry. I didn't mean for this to happen," sabi ko habang humahagulgol. Lalo akong nasaktan nang makita ko siyang umiiyak din.
"I should be the one apologizing," sagot niya, lumuhod sa harap ko, nanginginig ang balikat sa iyak. "Because of me, you're suffering."
Itinayo ko siya. Hindi niya kasalanan.
"Laina, don't blame yourself. If I am pregnant, I'm not angry with you. Maybe... this is my fate. Kung ano man ang mangyari, tatanggapin ko." Nanginig ang boses ko. Lalo siyang umiyak.
Tumahimik kami nang bumalik si Nadia. May dala siyang five pregnancy tests, iba't ibang brand.
Nakatayo ako sa banyo, nanginginig habang binabasa ang instructions. Bawat minuto parang isang oras. Dasal ako nang dasal: Please. One line lang.
Tiningnan ko ang mga test sa ibabaw ng lababo.
Dalawang linya. Lahat.
Buntis ako.
Bumigay ang tuhod ko. Napaupo ako sa malamig na sahig. Anak ko... walang ama... Ano'ng gagawin ko? Halos umikot ang buong mundo ko.
"Selena! What's wrong? Come out!" sigaw ni Nadia sa labas. Pero mas malakas ang iyak ko. Natakot na rin silang dalawa.
Pinilit kong tumayo at lumabas. Niyakap ko silang pareho nang mahigpit. Wala akong ideya kung ano'ng mangyayari bukas.
"We're here for you," bulong ni Nadia, mahigpit ang yakap. "We won't leave you now, not when you need us most."
Friends like them—blessings in disguise.
Pagkatapos ng confirmation, dumiretso kami kay Dr. Santos.
"The baby is healthy," sabi niya nang mahinahon. "Avoid stress. It could harm the baby." Binigay niya ang reseta para sa vitamins.
"Where will you find the father?" mahina ang tanong ni Nadia. Umiling lang ako. Wala akong alam. Hindi ko nga matandaan ang mukha niya.
"I don't know where to start," sabi ko habang naglalakad kami sa park. "And I don't have a job yet. I'll figure it out later."
Napadaan kami sa ice cream vendor. Bumili ako, hoping it would calm me down.
Umupo kami sa bench. Parang dinudurog ang dibdib ko.
"Tomorrow, I'll find a job," matatag kong sabi. "I can't just depend on you. I'm going to have a child. I have to work."
"If you work, you could lose the baby. You should stay in your apartment until you give birth," babala ni Nadia.
"No," sagot ko, diretso. "I will be careful. I'm doing this for my baby, too. And besides, I'm not your responsibility. I can take care of myself."
Tahimik si Nadia. Alam niyang decided na ako.
"I know a place for you," sabi ni Laina. "A coffee shop owned by a friend of my brother. Their cashier quit. If you want, I can help you start."
Kailangan ko ng chance. Kakapitan ko 'to.
"I need it now. Will you really be okay with this? It's not that hard—it's not waitress work," sabi ko.
"I'll call my brother's friend tonight. You can start tomorrow," ngiti niya.
Ikinuwento ni Laina 'yung mga kaibigan ng kapatid niya—mayayaman, gwapo, mga anak ng influential families.
"They're so good-looking, they'd make your panties drop," biro niya. Tumawa kami ni Nadia. Unang beses ulit kaming tumawa ng totoo.
Pagkatapos ng ice cream, inihatid nila ako sa apartment.
Hindi ko alam kung anong dala ng bukas.
Habang nakahiga, paikot-ikot lang ako. Hindi mawala sa isip ko yung lalaking nakita ko sa mall. 'Yung gwapo na parang bigla na lang sumulpot.
Hindi ko siya makalimutan.
Maybe... maybe I have a crush.
Pero sa ngayon, kailangan ko nang matulog.
Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl
Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng
Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong
Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa
Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P
Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig