Isang linggo na akong nagtatrabaho dito sa coffee shop.
Si Liana ang nagpasok sa akin dito. Malaking pasasalamat ang nararamdaman ko-sa wakas, may trabaho na ako. Maayos ang pakikitungo sa akin ng mga empleyado. Hindi naging mahirap makibagay, at sa kabila ng lahat ng pinagdadaanan ko, malaking bagay 'yung magkaroon ng maayos na kapaligiran.
Sa loob pa lang ng isang linggo, nagkaroon na agad ako ng mga kakilala-at masasabi kong may mga kaibigan na rin. Tahimik ang lahat. Wala pa namang masamang nangyari.
Pero may lihim akong hindi pa handang ipaalam-buntis ako. Hanggang ngayon, sina Liana at Nadia lang ang nakakaalam. Sila rin ang madalas bumisita sa akin kapag may libreng oras. Kahit sandaling kwentuhan lang, nakakagaan ng pakiramdam. Parang may bahagi pa rin ng normal kong mundo kahit paunti-unti itong nagbabago.
Kapag wala masyadong customer, nakikichika rin ako sa mga kasamahan ko. Sabi nga ni Liana, kaibigan daw ng kuya niya ang may-ari ng coffee shop na ito. Pero hanggang ngayon, hindi ko pa siya nakikita. Sabi ng isa sa mga staff, bihira lang daw itong dumaan.
Sa totoo lang, minsan nakakapagod din. Lalo na kapag dagsa ang tao-tulad ngayon. Ang daming customer. Halos walang tigil ang pila. Isang tingin ko lang sa wall clock, ilang oras na pala akong nakatayo. Paikot-ikot. Order dito, punas doon. Tunog ng espresso machine. Steam ng gatas. At 'yung walang katapusang "Next po!"
Pagod na ang likod ko, nanginginig na ang binti. Pero kinakaya ko. Kailangan kong kayanin.
Nang biglang...
"Miss! Kanina pa ako dito, bakit ang tagal ng order ko?!"
Napatigil ako. Isang lalaki, nakakunot ang noo at halatang mainit ang ulo, ang sumisigaw sa harap ng counter. Naramdaman kong lumamig ang palad ko, pero pinilit kong ngumiti.
"Pasensya na po, Sir. Medyo nagka-aberya lang po sa machine-"
"'Wag kang palusot! Kung hindi niyo kayang mag-serbisyo ng maayos, 'wag kayong magbukas ng café!"
Lahat ng mata, nakatingin na sa amin. Narinig kong napahinto ang isa sa mga barista sa ginagawa niya. Napakabigat ng pakiramdam-parang nanliit ako sa kinatatayuan ko.
"Sorry po talaga, Sir. I'll check your order now," mahinahon kong sagot habang mabilis kong tinungo ang POS system. Hindi ko kayang ipakita na nanginginig na ang kamay ko. Hindi dahil sa galit-dahil sa hiya. Sa kaba. Sa pagod.
Sa sulok ng paningin ko, nakita kong nakatingin sa akin si Nadia mula sa lamesang malapit sa pinto. Tumayo siya, halatang handang lumapit.
Pero umiling lang ako. Kinaya ko.
Hindi ako sumagot pa. Hindi ko pwedeng patulan. Hindi ko rin pwedeng ipakita na naiiyak na ako.
Kailangan kong manatiling kalmado.
Kailangan kong manatiling matatag.
Pinilit kong hindi pansinin ang nakakapasong tingin ng lalaking sumigaw sa akin.
"Miss, kung di mo kayang trabaho mo, umalis ka na lang-"
"That's enough."
Isang malamig pero matatag na boses ang pumunit sa tensyon sa café.
Lahat ng ulo, biglang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Maging ako, napatigil.
Isang lalaking nakasuot ng itim na coat, mukhang kararating lang, ang dahan-dahang lumapit mula sa may pintuan. Matangkad. Tahimik ang kilos pero may awtoridad sa bawat hakbang.
Hindi ko siya kilala... o baka hindi ko lang inaasahang makikita siya ngayon.
"Kung may concern kayo, pwede ninyong ilapit sa management. Pero hindi sa ganitong paraan. Walang karapatang sigawan o bastusin ang kahit sinong staff dito," mahinahong sabi ng lalaki, pero ramdam ang bigat ng bawat salita.
Nagkatinginan ang ibang customer. Yung lalaking sumigaw kanina, bahagyang umatras. Pilit na itinataas ang ulo pero halatang naalangan.
"W-who are you say that?"
Ngumiti lang ang lalaki, bahagyang tumango sa staff sa likod ng counter.
"I'm the owner."
Biglang natahimik ang buong café.
Halos sabay-sabay ang paglingon ng mga kasamahan ko. Ako man, napako sa kinatatayuan ko.
So... siya pala 'yun.
Yung sinasabi nilang bihira lang magpakita. Yung hindi ko inakalang mismong ngayon ko makikilala-sa ganitong pagkakataon pa talaga.
Nanatiling tahimik ang lalaki, hindi na muling tumingin sa customer. Sa halip, lumapit siya sa akin. Hindi siya ngumiti, pero may kung anong bahagyang kabaitang sumilip sa mga mata niya.
"Okay ka lang?" tanong niya, mahina lang ang boses, pero sapat para marinig ko.
Tumango ako. Kahit hindi ko alam kung naniniwala ako sa sarili kong sagot.
"Good," sabi niya. "Balik ka na sa station mo. I'll take care of the rest."
Sumunod ako, tahimik. Pero sa loob-loob ko, humigpit ang dibdib ko.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa pagkabigla... at kakaibang tensyon na hindi ko maipaliwanag.
Pagbalik ko sa likod ng counter, tahimik lang ako. Ramdam ko pa rin ang panginginig sa mga daliri ko, pero mas matindi ang kaba na bumabalot sa dibdib ko.
Hindi dahil sa takot.
Kundi dahil sa kaniya.
Ang may-ari.
Sa wakas, nakita ko rin siya. Ang lalaking ilang beses ko nang naririnig sa mga kwento nina Liana. Tahimik. Minsan lang magpakita. Pero respetado. Mayaman. Matalino. Malamig daw ang dating.
Pero kanina, iba.
Hindi siya sigaw. Hindi siya nagtaas ng boses. Pero nang siya ang nagsalita, para bang tumigil ang buong mundo. Parang walang makakapalag. Hindi dahil sa galit-kundi sa presensya.
May awtoridad siya... pero hindi nakakapanakit. Naramdaman ko 'yon.
Tiningnan ko siya mula sa malayo. Nasa gilid siya ngayon, may kausap sa phone habang tahimik na nagmamasid. Hindi ako sigurado kung napapansin ba niya ako, pero ako... hindi ko siya maalis sa isip.
Ang tanong ko lang-
Bakit siya mismo ang dumipensa sa akin?
Pwede naman siyang hindi makialam. Pwede naman siyang lumapit sa manager at i-handle discreetly. Pero hindi. Siya mismo ang nagsalita. Para sa'kin.
At ngayon, hindi ko alam kung mas gusto ko bang lumubog sa hiya...
O matunaw sa kung anong hindi ko maipaliwanag.
Jusko, buntis pa ako. Ano bang iniisip ko?
"Selena, out ka na. Good job today."
Sa wakas.
Pagod na pagod na ako. Napabuntong-hininga ako habang tinatanggal ang apron. Diretso akong pumunta sa locker room. Hinubad ko ang uniform shirt at pinalitan ng hoodie-maluwag, komportable, at sakto para matakpan ang tiyan ko. Ramdam ko ang pawis sa batok at bigat ng buong katawan ko.
Hinila ko ang bag ko mula sa locker, saka naupo sandali sa bench. Saglit lang. Isang minuto para huminga.
Ang bigat ng araw na 'to.
Hindi lang dahil sa dami ng customer, kundi dahil din sa inis at kaba-mula sa customer na sumigaw sa'kin kanina, hanggang sa lalaking tumahimik pero tumindig para ipagtanggol ako. Ang may-ari ng coffee shop. Siya.
Napailing ako.
Hindi ko alam kung bakit nakakapit pa rin ang presensya niya sa isipan ko. Hindi ko nga siya kilala. Pero 'yung titig niya kanina... tahimik pero matalim, parang nabasa niya ang buong pagkatao ko.
Hindi na ako nagtagal pa. Pagkatapos ayusin ang gamit, lumabas ako ng locker room.
Tahimik na ang shop. Kaunti na lang ang customer. Nasa dulo pa rin siya, pero this time, hindi na ako tumingin.
Dumiretso ako palabas.
Ang lamig sa labas. Hinila ko ang hoodie pababa para mas takpan ang tiyan ko, saka humigpit ang hawak ko sa bag.
Uuwi na 'ko. Pagod na ako.
Pero kahit pagod ang katawan ko... gising na gising ang isipan ko. At sa lahat ng pwede kong maisip, siya pa rin ang naiwan sa dulo ng gabi ko.
Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl
Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng
Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong
Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa
Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P
Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig