Maaga akong gumising ngayon. Gusto ko lang makarating nang maaga sa coffee shop-ayaw ko talagang malate, lalo na't kailangan ko ng stable na trabaho para sa baby ko.
Tumayo ako sa harap ng salamin. Nakasuot na ako ng uniform naming beige polo at itim na apron, medyo masikip na sa tiyan ko. Hinimas ko ang tiyan ko nang marahan.
"Baby, wag mo muna pahirapan si mama ha... Malapit na tayong magkita. Hindi na ako makapaghintay," mahinang bulong ko habang ngumingiti.
Paglabas ko ng apartment, hinipan ako ng malamig na hangin. Umupo ako sa gilid ng kalsada, hinihintay ang taxi. Ilang minuto ang lumipas bago may dumating. Sumakay agad ako, hawak-hawak ang maliit kong bag.
Habang nasa biyahe, tahimik lang akong nakatingin sa bintana. Ang dami kong iniisip. Hindi ko kilala ang ama ng anak ko. Hindi ko nga alam kung may asawa siya. Baka may anak na rin. Nakakatakot. Ayokong makasira ng pamilya. Pero hindi ko rin gusto na lumaki ang anak ko na walang ama.
"Ma'am, andito na po tayo." Binayaran ko agad si manong at bumaba. Nasa harap na ako ng coffee shop-sarado pa. Umupo muna ako sa bench sa gilid. Tahimik. Rinig ang mga ibong dumadaan at mga yapak ng ilang dumadaang tao.
Habang nakaupo ako sa harap ng coffee shop, ni hindi ko na namalayan ang pag-agos ng luha ko. Tahimik lang akong umiiyak, walang hikbi, pero bawat patak ng luha ay parang may dalang kirot na hindi ko kayang ipaliwanag.
Hindi ko naman pinagsisisihan na nabuntis ako. Mahal ko ang batang nasa sinapupunan ko. Pero minsan, kapag nag-iisa ako, kapag tahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay tibok ng puso ko at hinga ko, bumabalik lahat ng sakit.
Minsan iniisip ko-bakit kailangang mangyari sa'kin 'to?
Hindi ko rin naman naranasan ang magkaroon ng ama. Wala akong alaala ng lalaking tinatawag kong "Papa." Si Mama lang ang kasama ko sa bawat yugto ng buhay ko. At kahit kailan, hindi niya binanggit kung sino o nasaan ang ama ko. Wala akong ideya-ni pangalan, ni litrato. Parang isang bahagi ng pagkatao ko ang nawawala pero hindi ko kayang hanapin dahil ni hindi ko alam kung saan magsisimula.
At ngayong ako na ang magiging ina... masakit isipin na baka ganun din ang maranasan ng anak ko. Ayokong lumaki siyang may puwang sa puso niya. Yung pakiramdam na may kulang, pero hindi niya alam kung anong parte 'yon.
Kung puwede lang ulitin ang lahat-kung puwede lang pumili ng ama para sa anak ko-gagawin ko.
Hindi para sa akin, kundi para sa kanya. Para hindi niya maranasan yung mga gabi na tahimik siyang iiyak, habang pinapanood ang ibang bata na buo ang pamilya. Para hindi niya maramdaman na kailangan niyang maging matatag nang mag-isa, gaya ng natutunan kong gawin.
Pinunasan ko agad ang mga luha ko nang mapansin kong may dumaang lalaki sa harapan ko.
Ayokong may makakita. Ayokong makita nila ang kahinaan ko.
Huminga ako nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Hinagod ko ng marahan ang tiyan ko.
"Baby, sorry ha... Hindi ako dapat umiiyak. Ayokong maramdaman mo 'to. Gagawin ko ang lahat para maging maayos ang mundo mo, kahit gaano kahirap. Para sa'yo 'to. Sa atin 'to."
Habang pinupunasan ko ang mga luha ko, narinig ko ang mahinang kalansing ng bell sa may pinto ng coffee shop. May pumasok na delivery rider, bitbit ang isang box ng gatas. Napaayos ako ng upo, pilit tinatago ang pamumugto ng mga mata ko habang nakayuko. Ayokong may makahalata.
"Selena, ayusin mo sarili mo... konting tiis pa," bulong ko sa sarili.
Sa tapat ko, may matandang lalaking umupo. Naka-barong siya at may hawak na dyaryo. Nakatingin siya sa kalye habang umiinom ng mainit na kape mula sa paper cup. Sa gilid ng mata ko, kita kong tinitingnan niya ako. Parang gusto niya akong tanungin kung ayos lang ako-pero hindi niya itinuloy. Tumikhim lang siya at muling tumingin sa dyaryo.
Sa loob ng coffee shop, naririnig ko na ang paghampas ng steamer ng gatas. May mga customer na ring dumadating, kadalasan ay mga empleyadong naka-corporate attire. Yung iba ay tila araw-araw na customers-pamilyar na mga mukha na may regular na order. Tahimik akong nagmamasid habang hinihimas ang tiyan ko.
Biglang bumukas ulit ang pinto. Tumambad si ate Dhalia, hawak ang cellphone at may kausap habang papasok. Nang makita niya ako, itinigil niya agad ang tawag.
"Oh, Selena, ang aga mo talaga. Ikaw na naman ang unang dumating," sabi niya habang inilalapag ang bag niya sa may counter. Napansin niyang hindi agad ako tumugon.
Lumapit siya sa akin at pinagmasdan ako ng mabuti. "Namumugto ang mata mo... Umiyak ka ba?"
Napalingon ako sa kanya, mabilis na iniwas ang tingin. "A-ano po... Nanuod lang po ako kagabi ng Korean movie. Ang lungkot kasi nung story, kaya ayun," palusot ko, pilit na ngumiti.
Pero hindi siya kumbinsido. Umupo siya sa tabi ko, at sa malambing niyang boses, nagsalita.
"Alam mo, Selena, minsan hindi kailangan sabihin lahat. Ramdam ko, may dinadala ka." Nilingon niya ako. "Pero tandaan mo, hindi ibibigay ng Diyos ang ganyang pagsubok kung wala kang kakayahang lampasan ito."
Tumango lang ako, pero hindi ko na napigilan ang muling pag-agos ng luha ko. Parang bumigay ang lahat ng depensang tinayo ko.
Napayuko ako at mahigpit siyang niyakap. "Salamat, ate... Salamat talaga..."
Saglit na katahimikan lang ang pumuno sa paligid namin. Tila kahit ang ingay sa loob ng shop ay lumambot, humupa.
"Anong nangyayari d'yan? Nagyayakapan kayo?" bungad ni Clyde habang papasok.
Hindi ko na siya nilingon. Dumeretso na lang ako papasok, bitbit ang bag ko papunta sa locker area. Pilit kong kinakalma ang sarili.
habang lumilipas ang mga oras, naging abala na kami sa pagtanggap ng orders. Pero kahit nasa counter na ako, hindi pa rin lubusang nawawala sa isip ko ang mga naiwan kong tanong... ang tungkol sa ama ng anak ko.
Pag tingin ko sa relo, lunch time na pala. Ang bilis ng oras. May mga naupo na rin sa labas para mag-break, at sa loob, may pila na ng tatlo o apat na tao.
"Selena," tawag ni Kath mula sa likod. Lumingon ako.
"Pwede ba ikaw na lang ang maghatid nito?" tinuro niya ang isang maliit na kahon na nakapatong sa mesa, may kasamang sobre.
"Ha? Bakit ako? Wala bang ibang puwedeng pumunta?"
"Nasabi ko na kay Sir na ikaw ang magdadala, sayang naman," sagot niya sabay abot ng pera para sa pamasahe.
Wala na akong nagawa. Tinanggap ko na lang iyon. Hayst, bahala na...
"Grabe ka Kath," bulong ko habang kinukuha ang box. Iniabot niya rin ang isang sobre at kaunting pera pamasahe. "Mamaya ko na 'to babasahin," bulong ko ulit.
"Sa Nicholson Global Holdings po, manong," sagot ko sa tanong ng driver matapos kong tingnan ang papel.
Habang tumatakbo ang sasakyan, iniisip ko-Nicholson... bakit parang pamilyar? Parang naririnig ko na 'yan dati. At bakit parang kinikilabutan ako tuwing naiisip ko ang apelyidong 'yon?
Pagdating sa Nicholson Company
Bumaba ako sa harap ng matayog na building. Grabe, halos abutin ang ulap! Ang laki, ang kinis ng salamin, ang sosyal ng paligid.
Pinakita ko ang ID ko sa guard. "Sa 30th floor po ang office ni Mr. Nicholson," sabi niya at tinuro ang elevator.
Paglabas ko ng elevator, naamoy ko agad ang malamig at mamahaling pabango ng opisina. May isang babae sa desk, abala sa pagta-type sa laptop. Nang maramdaman ang presensya ko, tumigil siya at nagsalita.
"Kung isa ka sa mga fling ni Sir, umuwi ka na lang. Wala siyang balak seryosohin ka."
Napuno ako ng inis.
"Excuse me? Hindi ako fling ng amo mo. Delivery lang 'to!" sabay bagsak ko ng box sa desk.
Tinitigan ko siya, galit na galit. "Hindi ko kailanman hiniling na maging fling ni Sir. At kung tulad ng sinabi mo, wala siyang balak seryosohin ako, bakit ikaw, andiyan ka pa rin? Di ba mas masakit 'yun?"
Napatigil siya. Mabilis ang hininga. Akmang sasampalin niya ako-
Pero isang kamay ang sumalo. Napatingin ako. Ang mundo ko parang tumigil.
Siya? Lupa, lamunin mo na ako.
Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan. Pero sa puso ko, parang isang lifetime na ang lumipas.
Nakahawak pa rin siya sa braso ng babae. Matangkad siya, naka-itim na long-sleeved shirt na bahagyang bukas ang tatlong unang butones. Ang buhok niya ay bahagyang magulo pero mukhang sinadya-messy yet immaculate. May suot siyang relo na mukhang mas mahal pa sa buong buhay ko.
At ang mga mata niya... malamig. Matalim. Parang kahit hindi siya nagsasalita, alam mong kaya ka niyang basahin hanggang kaibuturan ng kaluluwa mo.
"Enough," malamig na sabi niya sa babaeng receptionist. Binitiwan niya ang braso nito, saka lumingon sa akin.
hello, my tearbabies enjoy rading guys <:
Actually, totoo naman-hindi tunay na pangalan ni Nadia ang Alemaw. Ang buong pangalan niya ay Nadia Brie Aleman, pero tinatawag lang naming Alemaw. Si Liana naman, minsang tinatawag na Clarita, at ako-Laureta, galing sa apelyidong Laurel.Pagdating namin sa shop na Belinda Fashion, agad kaming sinalubong ng staff. Lahat sila nakangiti, parang hindi stress sa trabaho. Nakakagaan ng loob."Ms. Medrano, nakahanda na po ang gowns na pinili ninyo," bati ng babaeng designer, si Mrs. Alvarez-siya rin ang sumukat sa amin nung nakaraang linggo.Hindi man ito yung mga tipong high-end couture, pero grabe, ang gaganda. Detalyado, elegante, at bawat piraso parang may sariling kwento. Sa totoo lang, pangarap ko noon maging fashion designer. Mahilig akong mag-drawing ng gowns sa notebook ko. Pero ngayon, isa na lang siyang alaala ng panaginip na tila hindi na matutupad."Halika na, Laureta!" tawag ni Liana "Dadaan pa tayo sa mall, may bibilhin pa ako!""Saan na yung mga gowns?" tanong ko habang nagl
Kailangan na natin puntahan 'yung designer na kilala ko," sabi ni Liana, abalang nagche-check ng phone. "Doon ako nagpagawa ng gown na susuotin natin mamaya sa birthday ni Drake.""Grabe naman, pwede bang huwag na lang mag-gown?" reklamo ni Nadia, halos mapunit ang tissue sa kakakalikot niya sa pagkain. "Ayoko talaga ng ganyan. Hindi bagay sa'kin-ang init, ang sikip. Feeling ko mapipilay 'yung confidence ko n'yan.""lahat ng lalaki doon naka-suit. Gusto mo ikaw lang mukhang na-ligaw sa ukay-ukay? Ayaw mo mag-gown? Eh 'di mag-suit ka na lang. Total, puwede mo naman na ring sabayan si Johnny Bravo sa entrance!"sabay tawa namin ni Liana, halos mabulunan ako sa kape. Si Nadia, nakasimangot pero halatang hirap pigilan ang tawa."Bilis na nga kayong kumain," sabi ko habang tinatanggal ang luha sa gilid ng mata kakatawa. "Baka ma-late tayo. Alam n'yo na kung sino ang reyna ng 'Five minutes na lang' sa ating tatlo."Sabay naming tinignan si Liana, na kahit breakfast pa lang, naglalagay na ng
Nasaktan ako hindi lang dahil itinago sa akin ang katotohanan, kundi dahil naramdaman kong hindi ako sapat para sa isang ama na kailanman ay hindi ko nakilala. Ngunit sa kabila ng lahat, pinilit kong intindihin si Mama. Pinili kong manahimik. Hindi na ako nagtanong pa tungkol sa kanya.At mula nang pumanaw si Mama, ako na lang mag-isa ang humaharap sa bawat unos ng buhay.Oo, mahirap. Masakit. Nakakapagod.Pero kahit papaano, naging masaya ako habang siya ay kasama ko pa. Si Mama ang naging sandalan ko. Siya ang nagpalakas sa akin tuwing ako'y nanghihina. Siya ang nagpapatawa sa akin kapag punô na ako ng pagod at luha. Siya ang nag-aalaga sa akin tuwing ako'y may sakit, at sa mga oras na pakiramdam ko'y wala na akong silbi sa mundo.Hanggang ngayon, dama ko pa rin ang sakit ng pagkawala niya. Isang sakit na hindi kayang tapalan ng kahit anong salita o oras.Si Mama-pinili niyang mamuhay sa tahimik. Lumayo sa gulo. Hindi dahil sa duwag siya, kundi dahil sa pagmamahal. Gusto niya akong
Alas singko ng umaga.Wala akong pasok ngayon. Gusto ni Sir Drake na makapag-prepare lahat ng empleyado para sa birthday celebration niya mamayang gabi. Ayon kay Kath-isa sa mga ka-trabaho ko-marami raw talagang dumadalo tuwing birthday ng aming boss. Mga galing sa mayayamang pamilya, mga business partners niya, at kung sinu-sinong sikat na personalidad.Kaya lalo akong kinakabahan.Lutang ako buong gabi-iniisip kung pupunta ba ako o hindi. Wala akong matinong damit. Puro luma, puro simpleng kasuotan lang ang meron ako. Magastos ang gumayak. Kailangan maganda ang suot mo para hindi mapag-isipan ng masama, para hindi ka pagtawanan. Para hindi ako magmukhang kawawa.Napatigil ako sa pagmu-muni-muni nang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa.Nadia's calling.Ano na naman 'to? Inis kong sinagot ang tawag niya."Oh, bakit ka napatawag?" tanong kong walang gana. Sigurado akong mangungulit na naman siya."Hoy, babae! 6:30 ang start. Dapat pagdating namin diyan, ready ka na ha? Sasa
Tahimik lang ako at tulala walang sigawan, walang luha ang lumalabas sa mga mata ko.pero sa loob ko may isang kirot na hindi ko maipaliwanag parang may kamay na biglang humawak sa puso at iniwang kumikirot kahit walang sugat.Hindi ko inasahan ang mga nalaman ko. Ngunit totoo pala ang sinasabi nila—kapag ang sakit ay totoo, hindi mo ito kailangang isigaw. Dumarating ito nang tahimik. tahimik ngunit matalim. Tahimik ngunit ubos-lakas."Ikakasal na si Nox."Isang pangungusap lang mula kay Liana.Ngunit sapat na iyon para mabasag ang katahimikan sa loob ko. Sapat na upang magkalamat ang mga pader na matagal kong itinayo sa puso ko.Bakit siya pa?Sa dinami-rami ng maaaring mahalin, bakit si Nox pa? Ang lalaking hindi ko naman dapat pinagtuunan ng damdamin.Ang taong pilit kong kinalimutan, ngunit palaging bumabalik sa bawat sulok ng isip ko.Pinilit kong paniwalaan ang sarili:"Wala namang masama magmahal, 'di ba?"Basta huwag lang aasa. Basta huwag lang aangkin ng hindi para sa iyo.P
Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng sinabi ni Kath. Hindi ko malaman kung saan ako maniniwala-sa artikulong nabasa ko, o sa mga salitang mula kay Kath. Parang nagtatalo sa loob ko ang katotohanan at mga tanong na walang sagot.Gulong-gulo na ang isipan ko. Baka naawa lang talaga siya sa akin, pero hindi ko kailangan ng awa. Alam kong alam niya ang nangyari sa pagitan namin, ang mga sugat na hindi nakikita pero masakit pa rin.Gusto ko man kalimutan ang lahat, pero paulit-ulit sa ulo ko ang mga pangyayari noong gabing iyon-parang musikang umiikot nang walang tigil, hindi ko matakasan.Hindi ko na mapigilan ang mga luha. Biglang bumaha ang damdamin ko, pumaimbulog nang walang kontrol. Parang bawat patak ng luha ay dala ang bigat ng pagkabigo, sakit, at takot na matagal ko nang tinatago.Umiyak ako nang tahimik sa loob ng kwarto, iniisip kung paano ba haharapin ang bukas na may ganitong pagkalito sa puso at isipan.Tahimik ang kwarto. Nakaambang dilim sa mga sulok, habang ang lamig