Share

X. RED

November 30, 10:00 AM

Yakap-yakap namin ang umiiyak na si Sofia. Nandito kami ngayon sa sementeryo at halos lahat ay umiiyak habang pinapanood na dahan-dahang ibinabaon sa lupa ang mga kabaong kung saan nakalagay ang labi ng asawa't anak ni Mayor Javier.

Nasa harapan namin si Mayor, hindi siya umiiyak pero alam naming sobra rin siyang nasasaktan. He just lost his loved ones and he's also the father of Greenville. At sa nangyayari ngayon, malamang ay sobrang nahihirapan siya.

Pagkatapos ng libing ay nag uwian na rin ang iba, kami naman ay sinamahan muna si Sofia sa bahay nila. Tahimik lamang siya at namamaga na ang mata dahil sa sobrang pag-iyak kanina.

"Sofia, everything will be alright. Okay?" sabi ni Macey. Hindi na umiiyak si Sofia pero bakas na bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya.

"Mahahanap din yung killer at siguradong makukuha niyo ang hustisya," sabi ko sa kaniya.

"Thank you so much, guys. This is really hard for me. Ang tagal kong hindi nakasama sila mommy pero pagbalik nila, hindi ko inaasahan na ganito ang sasalubong sa kanila. Pero salamat dahil hindi niyo ako iniwan," aniya.

Niyakap namin siya, "We always got your back, Sofia."

Sofia is so fragile, seeing her like this also gives us so much pain.

***

Gabi na kami nakauwi dahil hindi namin maiwan si Sofia. Mag-isa lang siya kanina dahil nasa town hall si Mayor, si Sander naman ay hindi namin alam kung saan pumunta. Matapos nang nangyari noong huling pag-uusap namin ay hindi ko na siya nakausap pa ulit. Kung nasaan man siya ngayon, sana ay ayos lang siya. I know that he's also hurt right now, pero sana naman ay wala siyang maisip na gawin na pwedeng ikapahamak niya.

Kumakain kami ngayon ng dinner at sa wakas ay nandito si daddy. Ibibigay ko na sa kaniya mamaya yung mask.

"How's the investigation, dad?" tanong ni Kuya Derrick.

"May minamatyagan na kami ngayon na posibleng pumatay sa pamilya ni mayor," nagulat ako sa sinabi ni dad.

"Talaga po? Sino naman 'yon?" tanong ko.

"Hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon. Naghahanap pa kami ng mga ebidensya," sagot niya.

Ebidensya. Kailangan ko na nga talaga ibigay sa kaniya yung mask.

***

"Dad?" kumatok ako sa pinto ng office ni daddy. Ang isang kamay ko ay hawak-hawak ang mask at nakatago sa likod ko.

"Pasok," sabi niya.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko siyang nagbabasa ng dyaryo.

"Dad..." tawag ko. Ibinaba niya ang hawak niyang dyaryo at tumingin sa akin.

"Bakit, Demi?" tanong niya. Hindi niya pa rin inaalis ang tingin sa hawak na dyaryo.

"May ibibigay po sana ako sayo," lumapit ako sa table niya at naupo sa isang upuan doon.

"Is that a Christmas gift? Masyado pang maaga," natatawang sambit niya.

Ngumiti ako, "No, dad."

Ipinatong ko sa table niya ang puting maskara, "Nakita ko po ito sa entrance ng town hall noong gabing nagkakagulo na ang mga tao. Baka po makatulong sa investigation niyo."

Tinignan iyon ni dad nang mabuti. Nanlaki ang mata niya at agad na dinampot iyon. Pagkatapos ay tumingin siya sakin.

"Thank you, Demi. Makakatulong nga ito," aniya.

"Dad, if you need help, we're always here. Me and my friends are ready to help you," sabi ko.

"No need, Demi. Mag focus na lang kayo sa studies niyo," I knew it. Hindi talaga siya papayag, pero ayos lang dahil may sariling plano na kami. Basta't wala lang makaalam ng plano na iyon, then we're good, magagawa namin iyon nang maayos.

"Okay po. Pupunta na po ako sa kwarto ko. Goodnight, dad," humalik ako sa pisngi niya at lumabas na ako sa office niya.

Pagpunta ko sa kwarto ko ay sakto namang tumunog ang phone ko dahil sa isang tawag.

"What do you need?" tanong ko agad sa killer.

"I want to see you," Medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Pero pumasok din agad sa isip ko ang plano namin.

"I want to see you, too."

"Aww, that's so sweet, honey. I want to see you, but this is not the right time."

WTH?! Honey? Nakakadiri!

"By the way, I have a gift for you. I heard that you're having a Christmas Party."

Bakit ba ako ang tinatawagan nito? At napakadami niyang alam. Kinakabahan tuloy ako. Baka mamaya ay nasa paligid lang siya, baka nakakatabi ko na pala siya nang hindi ko alam.

"I'll just leave it here outside your house."

Agad akong napatayo at bumaba.

Shit! Kahit ang bahay ko ay alam niya.

"Dems, where are you going?" tanong ni Kuya Derrick.

"May kukunin lang ako dito sa labas," paalam ko.

Lumabas ako ng bahay ngunit walang tao.

"Nasaan ka?" tanong ko sa kausap ko. Ngunit hindi na siya sumagot at pinatay na lamang ang tawag.

Napansin ko naman ang isang itim na box. Medyo malaki ito. Sumilip muna ako sa loob ng bahay para tignan kung nasa sala pa si kuya. Buti na lang at wala na.

Agad akong pumasok na dala-dala yung itim na box. Pagka akyat ko sa kwarto ay nilapag ko ang box sa table. Ilang segundo ko pa iyon tinitigan at nagdadalawang isip kung bubuksan ko.

Huminga muna ako nang malalim.

Pagkabukas ko sa box ay nakita ko agad ang isang red na dress. May nakapatong na maliit na card doon kaya kinuha ko muna iyon at binasa ang nakasulat.

I will be at your school's Christmas party and I want to see you wearing this red dress, honey.

Sunod kong kinuha ang dress at tinignan iyon ng mabuti. Ngunit nang mas inangat ko iyon ay may narinig akong nahulog.

Tinignan ko ang sahig pero hindi ko makita kaya naman sinubukan kong silipin sa ilalim ng kama ko.

Nanlaki ang mata ko sa nakita. What's the meaning of this?

Under my bed is a small knife covered with bloody red stains.

Kinuha ko iyon at inamoy. Amoy pintura lang iyon ngunit sa unang tingin ay aakalain mong dugo talaga.

So, another threat from the killer?

Napangisi ako.

Sisiguraduhin ko na bago ako mamatay, alam ko na kung sino ang taong nasa likod ng maskara.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status