Share

VI. STRANGE

November 24 10:30 AM

Friday na ngayon at bukas na ang pinaka inaantay na homecoming. Everyone is excited. Sa kabila ng mga hindi magagandang nangyari sa loob ng ilang araw, hindi pa rin mawala ang labis na tuwa ng mga tao para sa pagbabalik ng pamilya ni Mayor Javier. Bukod pa doon ay abala din ang lahat para sa nalalapit na pasko.

"Half-day lang daw tayo ngayon kaya pwede natin tapusin mamaya ang pagdedecorate sa town hall," nakangiting sabi ni Macey.

"Guys, thank you ulit sa tulong niyo. Siguradong matutuwa si mom 'pag nalaman ang ginawa niyong tulong," sabi ni Sofia. Nginitian namin siya.

"Wala 'yon, Sofia. Kahit kami ay masaya na nakatulong kami," sabi ko sa kaniya.

"Gusto niyo bang pumunta mamaya sa Belle's pagkagaling natin sa town hall?" masayang tanong ni Sofia.

Tinignan niya kaming lahat at nagtanguan naman kami.

"Libre mo?" tanong ni Jayson.

"Oo, pambawi ko na rin dahil alam kong napagod kayo," sagot ni Sofia. Pumalakpak naman si Macey.

Biglang nag ring ang bell.

"Recess is over. Pumunta na tayo sa next class natin," saad ni Brix.

Nadaanan namin ang mga lockers habang naglalakad patungo sa next class namin. Ngunit natigilan ako sa paglalakad nang may nakita akong pamilyar.

Dela Cerna

       13

Tinitigan kong mabuti ang locker na iyon. Locker iyon ni Jude, nasa isang mental institution siya ngayon dahil nalaman na may schizophrenia siya.

Sa bandang ibaba ng locker niya ay nakita ko ang isang pamilyar na logo.

Sungay ng demonyo

Kaparehong-kapareho ng nakalagay na logo sa natanggap kong letter at pictures.

Bigla tuloy akong kinabahan.

"Demi!" nagulat ako sa sigaw ni Macey. Napatingin ako sa kanila at kunot-noo rin silang nakatingin sakin.

"What's wrong, Demi?" tanong ni Brix.

Umiling lang ako, "Tara na,"

Nauna na akong maglakad sa kanila at pumasok sa room namin.

"Are you okay?" tanong ni Brix nang makaupo na kami.

"Yeah," sagot ko, pero ang totoo ay hindi. May kakaiba akong nararamdaman.

"Namumutla ka," saad ni Brix.

Tumayo ako at tinignan ang teacher na nasa harap, "Mrs. Tenorio, pwede po ba akong pumunta muna sa clinic ngayon. Medyo sumasakit po kasi ang ulo ko," paalam ko.

"Kailangan mo ba ng kasama?" tanong niya.

Umiling ako, "Kaya ko na po mag-isa."

"Okay, you may go," aniya. Buti nalang mabait itong teacher na ito.

"Demi, samahan na kita," sabi ni Brix.

"Kaya ko na, Brix. Thank you," sabi ko at lumabas na ng room.

Bago pumunta sa clinic ay dinaanan ko muna ang locker ni Jude. Tinignan ko ulit nang mabuti ang logo at kinuhanan ng litrato.

Posible kayang si Jude ang nagpadala sakin ng mga litrato at sulat?

***

Nakahiga lang ako sa isang kama dito sa clinic. Tumagilid ako at tumingin sa bintana. Wala akong ibang makita kundi ang mga puno sa labas. Walang mga estudyante dahil oras ng klase ngayon.

30 minutes...

30 minutes na akong nakatingin sa labas. Nanlaki ang mata ko nang may biglang lumabas sa likod ng puno. Isang taong naka black hoodie at pants. Nakatalikod ito kaya hindi ko makilala.

Kanina pa ba siya nandoon?

Nang humarap siya ay hindi ko pa rin nakita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng isang itim na mask.

Hindi ko alam kung bakit pero parang nakaramdam ako ng takot. Hindi ko alam kung sa akin ba siya nakatingin.

Ipinikit ko sandali ang mga mata ko, ngunit pagdilat ko ay wala na yung tao.

Sino naman kaya iyon?

Bumuntong-hininga ako at pumikit muli.

Itutulog ko nalang muna ito.

***

"Dems,"

Dahan-dahan kong idinalat ang mga mata ko. Nasa harap ko ngayon ang mga kaibigan ko.

"Anong oras na?" tanong ko.

"12:30, uwian na natin," sagot ni Brix.

Dahan-dahan akong tumayo, "Pumunta na tayo sa town hall."

"Ihahatid na kita sa inyo," sabi ni Brix.

"Di na kailangan, Brix. Okay na ako," saad ko.

"Sabi mo kanina masakit ang ulo mo," sabi ni Sofia.

"Nakapagpahinga naman na ako," sagot ko.

"Are you sure?" tanong ni Brix. Tumango ako.

"Let's go," aya ko sa kanila.

***

2:30 PM

"Ikakabit na ba 'tong tarpaulin?" tanong ni Brix. Hawak nilang dalawa ni Jayson ang isang malaking tarpaulin.

"Ah oo, patulong nalang kayo kila kuya magkabit niyan. Salamat," sabi ni Sofia.

Kami naman ay nagkakabit pa ng iba't-ibang dekorasyon dito sa stage. Busy na ang lahat dahil bukas na ang homecoming.

"May mga pandikit pa ba?" tanong ni Macey.

"Nasa stockroom ata yung iba eh," sagot ni Sofia.

"Ako nalang ang kukuha," sabi ko.

"Kaya mo ba?" tanong nila.

Ngumingiti naman ako at tumango, "Oo naman."

Iniwan ko na sila doon at naglakad patungo doon sa stockroom. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan makaramdam na may kakaiba.

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid.

Parang may nakatingin.

Feeling ko ay may nanonood sa mga kilos ko. Kanina pa lang sa school ay ganito na ang nararamdaman ko.

"Demi?" napatalon ako sa gulat.

"Saan ka pupunta?" lumapit sa akin si Mayor Javier.

"Good afternoon po, Mayor. May kukunin lang po sana ako sa stockroom," sagot ko.

"O sige, mauna na ako," saad niya.

Nang makarating ako sa stockroom ay kinuha ko agad ang mga kailangan. Bumalik din ako agad sa labas.

"Thank you, Dems," sabi ni Macey.

Ipinagpatuloy namin ang pag-aayos. Konti nalang ay matatapos na rin ang lahat.

"Wait! Si Jude ba 'yon?" nagulat ako sa tanong ni Macey. Kunot-noo akong tumingin sa tinuturo niya.

Si Jude nga! Nakatayo siya malapit sa stage at pinapanood ang mga gumagawa. Ang mga magulang naman niya ay kausap si Mayor.

"Ang balita ko ay pupunta na daw sila sa America. Doon ata siya magpapagaling," sabi ni Sofia.

"Magpapagaling?" tanong ko. May sakit ba si Jude?

"Nakitaan siya ng signs ng schizophrenia. Noong isang araw lang din nalaman ng mga magulang niya," sabi ni Sofia.

"Sabi na nga ba may mali kay Jude eh," wika ni Sofia.

Maya-maya lang ay may dumating na sasakyan. Lumabas doon si Ms. Belle na may dala-dalang mga pagkain galing sa shop niya.

"Hi!" bati niya sa amin.

"Hello, Ms. Belle!" bati ni Macey.

Nginitian namin siya.

"Napadaan ka, Ms. Belle," saad ko.

"Nagdala ako ng pagkain para sa inyo, hindi kasi ako nakatulong sa pag-aayos dito kaya ito nalang ang ambag ko," sabi niya.

"Wow! Libre!" napatingin kami kay Jayson na papalapit samin. Nasa likod niya si Brix.

"Ms. Belle, thank you ha," sabi ni Sofia.

"Wala 'yon. Malapit din sakin ang pamilya niyo kaya gusto ko lang din makatulong," sabi ni Ms. Belle. "Kumain na muna kayo. Meron pa doon sa kotse,"

"Kami na po ang kukuha," sabi ni Brix.

Tinawag muna ang lahat at kumain. Nakisalo din si Mayor Javier at halata sa mukha niya ang excitement dahil bukas na ang homecoming.

Kumain lang kami at nagkwentuhan.

"Maraming salamat sa lahat ng naitulong niyo dito," sabi ni Mayor.

Matapos kumain ay nagpatuloy kami sa mga gawain namin. Mag alas-singko na rin nang matapos lahat.

"Ang ganda!" masayang sabi ni Macey habang tinitignan ang paligid.

Humarap samin si Sofia at ngumiti, "Thank you, guys!"

"No problem, Sofia. Nandito lang kami anytime," saad ni Macey.

"Mauuna na rin ako. Mag-aayos din kasi kami sa bahay para sa pagdating nila mommy," paalam ni Sofia.

"Sige. Magkita nalang tayo ulit bukas," sabi ko. Kahit ako ay hindi na rin makapag hintay sa mangyayari bukas.

"Sige, susunduin pa namin si dad ngayon eh," sabi ni Jayson.

"OMG! Oo nga pala!" saad ni Macey. Ngayon din pala ang dating ng daddy ni Jayson.

"Hahatid muna kita bago ko sunduin si mommy," sabi ni Jayson kay Macey.

Tumingin sakin si Brix, "Demi, pwede bang sumabay ka nalang muna kina Macey ngayon? Nagpapasundo kasi si mom sa school eh," tanong niya.

"Ah sige, ayos lang," sagot ko.

"Babawi nalang ako bukas," sabi niya.

Nginitian ko siya at tumango.

"Jayson, pwede bang isabay niyo muna ngayon si Demi pauwi?" tanong niya.

"Sige, bro!" sagot ni Jayson.

Nagpaalam na kami sa isa’t-isa at nag-uwian.

"Dems, ayos na ba pakiramdam mo ngayon?" tanong ni Macey.

"Oo, sumakit lang talaga ulo ko kanina pero nawala din naman agad," sabi ko.

Nang makarating sa bahay ay napansin agad namin na wala pang tao.

"Wala atang tao sa inyo," sabi ni Jayson.

"Baka maya-maya lang ay dumating na rin sila mom. Thank you sa paghatid. Ingat kayo," sabi ko at bumaba na.

Pagkaalis nila ay naglakad na rin ako palapit sa bahay namin. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may makita na naman akong envelope. Dinampot ko iyon at binuksan.

Nanginginig na naman ang kamay ko nang makita ang laman. Mga litrato na naman habang nasa town hall kami kanina. Lahat ay naka close-up sa akin.

I knew it! There's something strange.


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status