Share

XI. THE KILLER

December 1 8:30 AM

Nandito kami ngayon sa student lounge at nakatambay. 9AM pa naman ang start ng klase namin kaya may 30 minutes pa kami.

Napatayo ako nang makita si Sofia na naglalakad papasok.

"Sofia!" tawag ko sa kaniya. Napatingin din ang iba naming kaibigan sa kaniya. Ngumiti siya sa amin at kumaway.

Nang makalapit siya ay agad namin siyang niyakap.

"Bakit hindi mo sinabi na papasok ka na pala ulit ngayon? Nasundo ka sana namin," sabi ni Macey sa kaniya.

"Sorry, kagabi ko lang din kasi napag-isipan. Naisip ko na pumasok nalang kaysa mag mukmok sa bahay. Hinatid naman ako ni kuya ngayon," sabi niya.

"Okay ka na ba?" tanong ko.

"Malapit na, Demi lalo na't kasama ko kayo kaya kahit papaano'y nagiging ayos ang pakiramdam ko," aniya.

"Oh, Sander!" nagulat ako nang sumigaw ni Jayson. Tumingin ako sa entrance ng student lounge at nakita ko si Sander na papalapit sa amin.

Tumingin muna sa akin si Sander bago niya kami binati.

"Good morning, guys. Iaabot ko lang 'tong libro ni Sofia. Nakalimutan niya kasi sa sasakyan," sabi niya at inabot kay Sofia ang libro.

"Gusto mo bang mag kape muna?" tanong ni Jayson sa kaniya.

"Salamat pero hindi na. Aalis na rin ako agad," sabi ni Sander.

"Kuya Sander, magkakaroon nga pala kami ng Christmas Party this Saturday, gusto mo bang um-attend?" tanong naman ni Macey.

Tumingin ulit sakin si Sander, naramdaman ko naman ang pag akbay sakin ni Brix.

"Pwede ba ang outsider?" natatawang tanong ni Sander.

"You're not an outsider naman, Kuya Sander. Dito ka rin naman nag-aral dati kaya welcome na welcome ka dito," sabi ni Macey at tumingin sa aming dalawa ni Brix.

"Kayo din, ayain niyo si Ate Bianca at Kuya Derrick para naman masaya," aniya.

"Sige, tatanungin ko si kuya," tugon ko.

"Sige na, mauna na ako," paalam ni Sander.

"Bye, Kuya," saad ni Sofia.

Nang makaalis si Sander ay saktong tumunog na rin ang bell kaya pumunta na kami sa room namin.

Mabilis lumipas ang oras. Lunch na namin at pag-uusapan namin ngayon ang Christmas Party namin sa darating na Sabado.

"Sofia, kung hindi mo pa kaya mag perform sa party natin, ayos lang," sabi ni Macey kay Sofia. Mag pe-perform nga pala kami sa party at wala pa kaming practice.

"Kaya ko," sagot ni Sofia at tumingin siya kay Jayson. "Jayson, pag-usapan nalang natin mamaya ang gagawin natin, we still have time pa naman para mag practice."

"Sure, sure!" sagot ni Jayson.

"Kayo Demi? May napag-usapan na ba kayo ni Brix?" tanong ni Macey.

Nagkatinginan kami ni Brix at sabay na umiling.

"Kumanta nalang kaya kayo. Magaling naman mag gitara si Brix at ikaw Demi, kumakanta ka naman," mukhang ganun nga ang gagawin namin ni Brix. Wala namang sumasayaw saming dalawa eh.

"Pwede naman," sagot ko nalang at tumingin kay Brix, ngumiti naman siya at tumango.

"Wala pa pala akong susuotin sa party. Dems, Sofia, mag shopping kaya muna tayo?" tanong ni Macey. Naalala ko naman ang red dress na binigay ng killer. I can't believe that I would wear that dress. Galing 'yon sa isang killer.

"May susuotin na ako pero pwede naman kitang samahan," sabi ko.

"Nakabili ka na? Bakit hindi ka nagsabi? Nasamahan sana kita," sabi ni Brix.

"Bigay lang 'yon ni mom sakin," sabi ko nalang.

"Oh, okay! Sa Wednesday nalang tayo pumunta sa mall," sabi ni Macey. Pumayag naman si Sofia kaya pumayag na rin ako.

Madami pa kaming napag-usapan tungkol sa party hanggang sa natapos na ang lunch.

Napadaan ulit kami sa hallway kung nasaan ang mga locker. Muli akong napatigil nang makita ko ang locker ni Jude.

Wait! Yung logo sa locker at sa envelope na natanggap ko ay pareho, at yung mga envelope na 'yon ay posibleng galing din sa killer na tumatawag sakin.

"What's wrong, Demi?" tanong ni Brix pero hindi ko pinansin iyon.

Lumapit ako sa locker ni Jude. Posible kaya?

Posible kayang si Jude Dela Cerna ang killer?

***

"Ok, let's start again," saad ni Brix at muling nag strum sa kaniyang gitara. Nandito kami sa bahay at nagpapractrice na para sa ipe-perform namin.

"I've been awake for a while now..." sinimulan ko ang pagkanta. Nakatitig lamang sakin si Brix habang kumakanta ako.

"It starts in my toes, and I crinkle my nose---"

Natigil ako sa pagkanta nang mag ring ang phone ko. The killer. Tumingin muna ako kay Brix.

"You can answer that first," aniya. "Kukuha lang ako ng tubig natin."

Nang tumayo si Brix ay sinagot ko ang tawag.

"If you wanna see the real killer, go to the Dela Cerna's residence. You can find him there right now."

Oh my God! No!

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa cellphone ko.

Shit! Is Jude Dela Cerna the real killer?

"Demi!" napatakbo papalapit sakin si Brix nang mahulog ang cellphone ko.

"Sino yung tumawag sayo?" tanong niya.

"Brix, samahan mo ako sa bahay nila Jude," sabi ko sa kaniya.

"Bakit? Wala ng tao doon," aniya.

"May titignan lang ako. Please Brix, kailangan nating pumunta ngayon doon," sabi ko.

"Okay! Okay!" kinuha ko ang phone ko mula sa kaniya at tumayo. Paglabas namin ng bahay ay nakita pa namin ang parating na si Kuya Derrick pero hindi na namin siya pinansin at sumakay na lamang sa kotse.

Mabilis lang din kaming nakarating sa bahay ng mga Dela Cerna. Bakante na nga talaga ang bahay at wala na talagang tao. Pero ang sabi ay nandito daw ang killer.

"Anong titignan mo dito, Demi?"

Bumaba ako ng sasakyan at agad namang sumunod si Brix.

"Kailangan nating pumasok sa loob," sabi ko sa kaniya.

"That's trespassing, Demi."

"Wala akong pake, Brix! Kailangan nating makita yung killer!" sigaw ko.

Halata ang pagkagulat sa mukha ni Brix.

"Killer? Anong ibig mong sabihin?"

"Someone's calling me. Last month pa siya tawag nang tawag sakin and I think he's the killer. Kanina tumawag ulit siya sakin, he said that the real killer is here," sabi ko sa kaniya.

"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi?"

"Plano ko palang sabihin 'to sa inyo. Nagpapadala rin siya sakin ng pictures na nakalagay sa envelope. Sa envelope na 'yon, may logo ng sungay ng demonyo. At doon sa locker ni Jude may nakita rin akong parehas na logo."

Bigla kaming nakarinig ng ingay mula sa loob.

"Teka lang," sabi ni Brix at bumalik sa sasakyan niya.

Pagbalik niya ay may hawak na siyang baril.

"Bakit may ganiyan ka?" tanong ko.

"Kay dad 'to, kinuha ko lang 'to noong sinabi mo na mag iimbestiga tayo," sagot niya.

Napapikit nalang ako.

"Huwag kang aalis sa tabi ko," aniya at hinawakan ang kamay ko.

Buti nalang ay may bukas na pinto sa likod ng bahay. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob. Dumagdag pa sa kaba ko ang mga bakas ng dugo sa sahig. Sariwang-sariwa pa ang mga ito.

Nakarinig ulit kami ng ingay mula sa sala.

Nang malapit na kami doon ay tinaas ni Brix ang baril niya. Pero nagulat kami sa kung sino ang nakita namin.

"Brix, Demi, tulungan niyo ako..."

Nangilid ang luha ko. Hindi ako makapaniwala. Tinignan ko ang hila-hila niyang katawan ng isang lalaki. Siya bang ang may gawa nito? Pero bakit? Paano? Napaatras ako habang siya naman ay papalapit sa amin. 

"Mang Isko..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status