Share

XII. LETTERS

"M-maniwala kayo sa...akin. Wala akong k-kasalanan," nauutal na sabi ni Mang Isko. Tinignan ko siyang mabuti at punong-puno ng dugo ang damit at ang kamay niyang nanginginig.

Napailing nalang ako.

"Demi...bata palang kayo, kilala niyo na ako. Alam niyong hindi ko magagawa ang pumatay ng tao. Tulungan niyo ako, napag-utusan lang ako."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napag-utusan? Nino?

"Sino ang lalaking 'yan, Mang Isko? At sino ang nag utos sayo?" tanong ni Brix.

"Hindi ko siya kilala, nakita ko nalang ang katawan niya likod ng bahay namin," sagot ni Mang Isko.

Tinignan ko ang lalaki. Puno ng dugo ang mukha niya kaya hindi ko rin ito makilala. Ang dami niyang tama ng baril sa katawan.

"Nang makita ko siya kanina, may bigla nalang tumawag sakin, sabi niya dalhin ko daw ang katawan na 'to dito sa bahay ng mga Dela Cerna. Kapag hindi ko daw 'yon ginawa, makukulong ako," sabi ni Mang Isko. "Ayokong makulong. Wala akong kasalanan."

Nagkatinginan kami ni Brix. Sa palagay ko ay parehas lang kami ng iniisip ngayon.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at sinubukang tawagan ang totoong killer ngunit hindi niya ito sinasagot. Alam kong siya ang may gawa nito.

Pero bakit kailangan niyang gamitin si Mang Isko?

***

"Saan natin dadalhin ang bangkay niya?" tanong ko kay Brix na kasalukuyang nagdadrive. Si Mang Isko naman ay nasa backseat.

"Sa gubat. Sa gubat natin siya dalhin," sagot ni Mang Isko. Niliko ni Brix ang kaniyang sasakyan papunta sa gubat.

Tahimik kami habang nasa biyahe.

"Pinaghahanap ngayon ang isang lalaking nagngangalang Ronaldo Corpuz matapos tadtarin ng saksak ang asawang si Erika Corpuz kaninag umaga. Natagpuan ang bangkay ni Ericka sa isang bakanteng bahay sa Greenville, samantalang may nakakita naman kay Ronaldo sa isang karinderya bandang alas dose ng tanghali, nakasuot ito ng puting tshirt at pants."

"Shit!" napapreno bigla si Brix.

"Mang Isko, anong suot nung lalaki?" tanong ko.

"P-puti..." sagot niya.

"May nakita akong tattoo sa kanang braso niya. Letter R," sabi ni Brix.

Biglang tumunog ang cellphone ko.

"Si Ronaldo ba 'tong dala-dala namin?" tanong ko pagkasagot ko sa tawag.

"Ronaldo Corpuz, ang lalaking pumatay sa asawa niya."

Tumawa siya nang malakas.

"Don't worry, hindi ako magsusumbong sa mga pulis. Hindi ko sasabihin kung ano ang ginawa ni Isko."

"Hayop ka! Walang kasalanan si Mang Isko. Ikaw ang pumatay kay Ronaldo!"

"Shh.." tumawa ulit siya.

"Demonyo ka talaga!"

Hindi na siya sumagot at pinatay niya na ang tawag.

***

"Dito tayo, malayo na 'to sa town hall at walang pumupunta dito," sabi ni Brix. Nandito na kami sa kaloob-looban ng gubat. Medyo madilim na dahil ala-sais na.

Hila-hila nilang dalawa ni Mang Isko ang isang kumot kung saan nakalagay ang katawan ni Ronaldo.

Hindi namin alam kung bakit niya pinatay ang asawa niya. At anong kasalanan niya sa killer? Bakit siya pinatay nito?

Nakamasid lang ako sa paligid habang  naghuhukay ang dalawa.

"Natatakot ako, Brix. Baka makulong ako," saad ni Mang Isko.

"Hindi ka makukulong, Mang Isko," sagot ni Brix.

"Walang makakaalam sa nangyari," dagdag pa nito at tumingin sakin. "Walang makakaalam."

Huminga ako nang malalim at nilapitan sila.

"Pagkatapos nito, aalis tayo dito na parang walang nangyari," sabi ko sa kanila.

Inilibing na nila si Ronaldo. Pagkatapos ay umalis na rin kami sa gubat.

Habang nasa biyahe ay biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Kuya Derrick.

"Hello, Kuya?"

"Where are you, Demi?"

"Pauwi na ako. Galing kami ni Brix sa mall," sagot ko.

"Okay, bilisan niyo. Baka biglang dumating sila mom at hanapin ka nila sakin."

"Sige, kuya. Malapit na rin kami."

***

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. Pinipilit kong matulog pero tuwing ipipikit ko ang mata ko ay nakikita ko ang duguang katawan ni Ronaldo.

Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa namin. Hindi naman kami ang pumatay sa kaniya pero inilibing namin siya sa gubat. Pinaghahanap siya ng mga pulis at malamang nag-aalala na rin ang kamag-anak niya.

I tried to close my eyes again. Pero paulit-ulit lang ang nakikita ko. Maging ang mukha ni Mang Isko na takot na takot kanina.

Naisahan kami ng killer ngayon. Ginamit niya pa talaga ang isang tao na nananahimik lang at walang ginagawa. Dinamay niya si Mang Isko.

"Kasalanan? Madami. Madami silang kasalanan sa akin. The mayor and the whole Greenville, lahat kayo ay may kasalanan sakin and it's... payback time."

Naalala ko ang sinabi niya. Sino ba talaga siya? If he's the same killer five years ago, bakit siya bumalik? Ano yung mga kasalanan na sinasabi niya?

Naupo ako sa kama ko at tinignan ang mga envelope na pinadala niya. Kinuha ko ang mga iyon.

Kinuha ko ang mga pictures sa loob. Anim na pictures na ang pinapadala niya at lahat iyon ay puro ako.

Habang tinitignan ang mga pictures ay may napansin ako sa likod ng isang picture.

Picture ko ito noong nag-aayos kami sa town hall. Sa likod naman ay may nakasulat na letra.

Letter N?

Binaliktad ko ang mga litrato at lahat ng mga iyon ay may nakasulat na letra.

N, A, E, V, R, N

Anong ibig sabihin ng mga ito?

Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ko ng litrato ang mga letrang nakasulat.

Tinignan ko ulit ang mga letra at sinubukang i-arrange para makabuo ng salita pero hindi ko talaga maintindihan.

Code ba 'to?

***

December 2 10:00 AM

Habang nagkaklase ay pilit ko pa ring inaayos yung mga letra. Kung ano-ano ng arrangements ang nagagawa ko pero yung mga nabubuong salita ay para namang walang kinalaman doon sa killer.

"What's that?" bulong ni Brix.

Tinignan ko siya, "Sasabihin ko 'to sa inyo mamaya."

20 minutes nalang naman ay recess na namin kaya mapag-uusapan namin ito.

Plano ko rin magpatulong kay Macey dahil magaling siya pagdating sa mga codes na ganito.

Inantay nalang namin ang adviser namin na matapos sa mga sinasabi niya hanggang sa mag ring na yung bell.

"So, ano yung pinagkakaabalahan mo kanina?" tanong ni Brix habang naglalakad kami papunta sa cafeteria. 

Tinignan ko siya at mukhang hindi niya na iniisip ang nangyari kahapon. Kahit ang mga kaibigan namin ay walang alam sa nangyari. Napag-usapan namin na kahit sa kanila ay 'wag ng sabihin para hindi na sila mag-aalala pa at madamay. 

Nakarating na kami sa cafeteria at naupo sa pwesto namin lagi. 

"May ipapakita ako sa inyo," panimula ko pagkaupo namin. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang envelope na naglalaman ng mga pictures.  

"Oh, san galing 'yan?" tanong ni Macey.

"May secret admirer ka?" napairap ako sa tanong ni Jayson. 

"Ayan yung mga araw na nag-aayos tayo sa town hall diba?" tanong naman ni Sofia. 

"Oo, natanggap ko ang mga pictures na 'to last month lang. And last month lang din, may nagsimulang tumawag sakin. Unknown number at sa tingin ko siya ang killer," sabi ko sa kanila. Nabigla naman sila dahil sa sinabi ko. 

"Wait! Ibig sabihin nakakausap mo yung killer na gumagala dito sa Greenville?" agad kong sinenyasan si Macey na tumahimik dahil marami ang makakarinig. 

"Parang gano'n na nga and he's the one who sent me these pictures," sabi ko. 

"Are you sure? Maybe it's a prank," sabi ni Sofia.

"Naisip ko na rin 'yan pero yung mga sinasabi niya, yung mga salita niya, talagang nagpapatunay lang na siya talaga ang killer."

Binaliktad ko ang mga litrato.

"As you can see, there are letters written here at the back of the photos, I think this is a code. Baka makatulong ang mga 'to para malaman natin ang identity ng killer," pinakita ko sa kanila ang mga letters. Naningkit ang mga mata ni Macey habang tinitignan ang mga iyon.

"Macey, diba magaling ka sa mga codes and ciphers?" tanong ko sa kaniya.

"Uh, kinda...pahiram nga ng mga photos," aniya at ibinigay ko sa kaniya ang mga litrato.

"Teka, baka gusto niyo muna kumain. Mag o-order muna ako ng pagkain natin," paalam ni Jayson at tumayo.

"Samahan na kita," tumayo rin si Brix at sabay na silang dalawa pumunta sa counter para bumili ng mga pagkain.

Tinignan ko si Macey habang sinusuri niya yung mga litrato. Dumako naman ang tingin ko kay Sofia na tulala.

Kumuha ng ballpen at papel si Macey mula sa kaniyang bag.

Sinulat niya sa papel ang mga letrang nakalagay doon sa likod ng mga larawan. Sunod naman ay nagsulat siya ng iba pang mga letra.

"What's that?" tanong ko.

"ROT13," simpleng sagot niya. Medyo familiar sakin ang cipher na iyon.

Tahimik ko siyang pinagmasdan habang nagsusulat siya sa papel hanggang sa makarinig nalang kami ng mga sigawan.

"What the hell are you doing here?!"

Napatayo kami nang marinig ang sigaw ni Jayson.

Nakita nalang namin siya na tinutulungan ni Brix na tumayo. Dumudugo rin ang labi nito.

"Jayson!" sigaw ni Sofia at lumapit.

"Troy?!" sigaw ni Macey.

Sa harap ni Brix at Jayson ay isang lalaking matagal naming hindi nakita. Galit na galit ito habang nakatingin kay Jayson.

"Babawiin ko lang ang pagmamay-ari ko," wika ni Troy at tumingin kay Macey.

Paanong nakapasok ang baliw na ex ni Macey dito?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status