Share

XIII. TATTOO

Lalapit na sana si Troy sa pwesto namin ngunit agad na hinawakan ni Jayson ang braso nito at sinapak sa mukha.

Muntik na itong matumba ngunit napahawak siya sa upuan kaya napigilan niya ang pagtumba niya. Ngumisi-ngisi ito habang nakatingin kay Jayson.

Tinignan ko ang itsura niya. Lalong pumayat ito kumpara sa katawan niya noong huli namin siyang makita. Medyo mahaba ang magulong buhok at ang daming piercings. Mukha siyang adik. 

Tumawa ito at pumalakpak ng ilang beses, kasunod nito ang pagpasok ng limang lalaki na mukha ring mga adik. 

"Oh my God! P-paano sila nakapasok dito?" tanong ni Macey. Nagtayuan ang mga estudyante at bakas ang takot at gulat sa kanilang mga mukha. Sino ba namang hindi matatakot? Ang tatangkad nila tapos mukha pang adik. 

Bigla nalang nagtumbahan ang mga upuan at mesa. Kasunod nito ang pagrarambulan ng mga tao. 

"Brix!" napasigaw ako nang makitang nakikipag suntukan si Brix doon sa isa sa mga kasama ni Troy. Matangkad si Brix ngunit mas matangkad ang kalaban niya. 

Muntik na siyang masapak nito sa mukha pero buti nalang ay naka ilag siya. Tinignan ko ang iba. May ilang lumalabas na ng cafeteria pero ang iba naman ay nakisali sa rambulan. 

What the hell?! Bakit walang tumatawag manlang ng teacher o kaya ng guard? 

Narinig ko si Macey na umiiyak dito sa tabi ko. Tinignan ko si Jayson at nagulat ako nang makitang duguan ang mukha niya. Ganun din kay Troy pero mas mukhang napuruhan si Jayson. Ibinalik ko ang tingin ko kay Brix at nakita kong dumudugo ang pisngi niya.

Nakita kong may hinugot ang kalaban niya mula sa bulsa ng pantalon at bigla akong kinabahan nang makita ang kutsilyo. 

Dahil sa sobrang inis at takot, kusa nalang kumilos ang kamay ko at binasag ang isang bote. Hindi na ako nagdalawang isip pa at lumapit ako doon sa likod ng kalaban ni Brix at sinaksak siya sa braso ng hawak kong basag na bote bago niya pa masaksak si Brix. 

"Hayop ka!" sigaw ko. 

May nakita pa akong tray kaya hinampas-hampas ko iyon sa ulo niya. Sinuntok naman siya ni Brix hanggang sa matumba ito dahil sa sobrang hilo. 

"Jayson!" narinig namin ang sigaw ni Macey. Nakita namin siyang papalapit kay Jayson na nakahiga na ngayon sa sahig. 

Agad kaming sumunod sa kaniya. Tinignan ko ang nagdurugo at magang mukha ni Jayson. Iyak nang iyak si Macey habang nakaupo sa tabi ni Jayson. 

Tinignan ko si Troy. Nakangisi ito pero bakas pa rin ang galit sa kaniyang mga mata. Parang wala siya sa sarili. Ngunit hindi lang iyon ang nakaagaw ng pansin ko. Napatingin ako sa kanang braso niya. Punit ang manggas ng damit niya dahilan para makita ko ang naglalakihang tattoo niya at isa na doon ang isang sungay ng demonyo. 

Naningkit ang mata ko habang tinitignan iyon nang mabuti. Hindi ako pwedeng magkamali. Kaparehas na kaparehas iyon ng simbolo na nakalagay doon sa envelope na pinapadala sakin nung killer. 

Biglang gumapang ang magkahalong takot at galit sa buong katawan ko. Gusto ko siyang sugurin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko. 

"Demi, anong nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ni Brix. Hindi ako sumagot, nanatili ang atensyon ko sa tattoo ni Troy. 

"WHAT'S HAPPENING HERE?!" nangibabaw sa loob ng cafeteria ang nakakatakot na sigaw ni Mr. Francisco. 

Nawala ang ngisi sa mukha ni Troy at nagkatinginan sila ng mga kasama niyang adik. Maya-maya lang ay mabilis silang nagtakbuhan palabas ng cafeteria. 

***

"Mr. Capistrano, what are you doing here? Hindi ba't napagsabihan ka na namin dati na huwag na huwag ka ng babalik dito?" tanong ni Mr. Francisco. 

Nandito kami ngayon sa office niya. Hindi nakatakas ang grupo ni Troy kaya maging sila ay nandito pati na rin ang ibang estudyante na nakisali sa gulo kanina. 

Si Jayson ay wala dito dahil dinala siya sa clinic, sinamahan siya doon ni Macey. 

Nakaupo ako dito sa tabi ni Brix at nasa tapat ko lang si Troy. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na sugurin siya. 

Kanina habang papunta dito sa office ng principal, naisip ko na posibleng hindi siya ang killer. Ganoon din ang naisip ko kay Jude. May mga simbolo sila ng sungay ng demonyo pero maaaring tau-tauhan lang sila ng killer. Pwedeng ginagamit lang sila ng killer. 

"I'm here to get my girl," maangas na tugon ni Troy sa principal. 

Ang kapal. Matagal na siyang hiniwalayan ni Macey dahil sa ugali niya. Limang taon na ang lumipas pero naghahabol pa rin siya kay Macey? 

***

"A-aray!" sigaw ni Brix habang ginagamot ko ang sugat niya. Nandito kami sa clinic. Sa katabing kama ay mahimbing na natutulog si Jayson. Binabantayan pa rin siya ni Macey. Bigla namang dumating si Sofia na may dala-dalang mga pagkain. 

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Brix, hindi ko mapigilang mainis sa pagmumukha niya, "Muntik ka ng masaksak kanina."

"I know," aniya at ngumiti. 

"May gana ka pa talagang ngumit ng ganiyan?" 

"Thank you, Demi. Thank you for saving me," sabi nito at tinignan ako. "Ngayon, nalaman ko na mahal mo talaga ako."

Bigla akong naubo sa sinabi niya. Tinigil ko ang pag gamot sa kaniya at lumayo. 

"Anong sinasabi mo?" tanong ko sa kaniya. 

"Kitang-kita ko 'yang mukha mo kanina. Halos maiyak ka na habang lumalapit sakin."

Napaiwas ako ng tingin. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. 

"You're so cute. Kailan ka kaya magiging akin?" tanong niya. Sinamaan ko nalang siya ng tingin bago naglakad palayo at lumapit sa puwesto nila Macey. 

Napahawak ako sa pisngi ko at sobrang init nito. What the hell! 

***

5pm na nang makalabas kami sa school. Inantay pa namin na magising si Jayson. 

"Ayaw niyo bang sumabay nalang samin?" tanong ni Brix kina Jayson at Macey. Baka kasi hindi pa makapag drive si Jayson dahil sa lagay niya ngayon. 

Si Sofia naman ay nakauwi na kanina pa dahil pinauwi siya nang maaga ni Mayor Javier. 

"Salamat, pare. Kaya ko na 'to. Mauna na kayong dalawa ni Demi," sabi ni Jayson. 

"Sure ka?" tanong ulit ni Brix. 

Tumango naman si Jayson at binigyan kami ng ngiti na para bang sinasabi na kaya niya talaga. 

Wala na kaming nagawa. Imbis na maunang umalis ay pinauna nalang namin silang dalawa ni Macey. 

Nang tuluyan na silang makaalis ay pinaandar naman ni Brix ang sasakyan niya. 

Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Nakaramdam tuloy ako ng pagod at antok. Naalala ko wala nga pala akong masyadong tulog kagabi dahil sa kakaisip doon sa mga letrang nakasulat doon sa mga litratong pinadala sakin ng killer. 

"Anong nangyayari doon?" napadilat agad ako dahil sa tanong ni Brix. Malapit na kami sa bahay namin pero naagaw ang pansin namin dahil sa mga nagkakagulong tao sa labas ng bahay nila Mang Isko. 

"Baka may nangyari kay Mang Isko," kinakabahang wika ko. 

Bumaba agad ako ng sasakyan nang itigil ito ni Brix sa tapat mismo ng bahay ni Mang Isko. 

"Makikiraan po," pilit akong nakisiksik sa mga tao para lang makalapit ng husto sa bahay. 

"Tulong! Tulungan niyo ang tatay ko!" 

Bigla akong napaatras nang makita ang katawan ni Mang Isko, nakahandusay ito sa lupa, may mga tama siya ng baril sa dibdib at basag naman ang kaniyang mukha. 

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Malapit sa amin si Mang Isko at ang sakit para sakin na makita ang lagay niya ngayon. 

Muntik na akong matumba pero naramdaman ko ang pagsalo sakin ni Brix. 

"Nagsisimula na siya, Brix. Nagsisimula na siyang umatake."


Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status