Share

XXXIV. The Watcher

"Anong ginagawa mo malapit sa hotel?" tanong ko kay Kuya Derrick habang nasa byahe kami pauwi.

"I'm with my friends sa malapit na bar doon," sagot niya. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo kaya napatango na lang ako.

Bigla namang sumagip sa isip ko si Troy. Ang tagal niya ng walang paramdam, hindi kaya siya na 'tong umaatake at bumalik na siya?

"Iniwan mo si mommy sa bahay?!" gulat na tanong ko nang maalala si mommy.

"Gising pa siya no'ng umalis ako kaya nakapagpaalam ako," aniya.

Sumandal na lang ako sa upuan at pumikit. Sana ayos lang si mom doon sa bahay. 

Pagkarating namin sa bahay ay dumiretso agad ako sa kwarto ko. Tinanggal ko lang ang sapatos ko at nahiga sa kama. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako. Gulong-gulo rin ang isipan ko. 

Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to? Kailan namin makikilala 'yung killer? Hanggang kailangan niya ipagpapatuloy 'tong mga ginagawa niya? 

At sa dinami-rami ng tao, iniisip ko pa rin kung bakit ako ang kinakausap ng killer? Anong kailangan niya sa akin? May nagawa rin ba akong kasalanan sa kaniya? 

Napatulala na lang ako sa kisame ng kwarto ko hanggang sa nakaramdam na lang ako ng antok. 

***

Noong mga nakaraang buwan lang, gumigising ang bawat tao sa Greenville ng may ngiti sa mga labi, nagkukumustahan sa labas, nagbabatian, at masayang pumapasok sa mga trabaho at eskwelahan. Pero magmula noong gabi ng homecoming, doon na nagbago ang lahat. Sa isang iglap, nagbago ang buong Greenville. 

Ngayon, ilag na sa bawat isa ang mga tao. Takot lumabas na tila ba sa paglabas nila ay may bigla na lang aatake sa kanila. Ngunit hindi naman sila masisisi, kahit ako naman ay takot din. Walang nakakaalam sa amin kung sino talaga ang killer at kung kailan siya lalabas o aatake. 

"Demi!" tawag ni Kuya Derrick. 

"Pasok!" sigaw ko pabalik. Ilang saglit lang ay binuksan niya ang pinto ng kwarto ko at pumasok siya. 

"Are you busy?" tanong niya at naupo sa dulo ng kama ko. 

Umiling ako. "Hindi naman," sagot ko. Wala kaming pasok ngayon at tapos ko na rin ang mga projects ko, so wala na akong gagawin. 

"Great! Tara sa park?" aya niya. 

"Um...sige," sagot ko. 

Ngumiti siya at tumayo. "Sige, aantayin kita sa baba. Bilisan mo," aniya at lumabas ng kwarto ko. 

Tumayo na lang ako at lumapit sa closet ko. 

Ano naman kayang naisip ni kuya para ayain ako ngayon sa park? Siya lang ata 'yung may gana pang mag punta ngayon sa park sa kabila ng mga nangyayari.

Pero dahil minsan lang naman 'to mangyari, pagbibigyan ko na lang siya. Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. 

"Nasaan si kuya?" tanong ko kay mommy na nasa sala. Katabi niya si dad na nagbabasa ng dyaryo. 

"Nasa labas na," sagot niya. 

"Oh, okay po. Pupunta raw muna kami sa park," paalam ko at lumabas na ng bahay. 

Pagkalabas ko ay nakita ko si kuya na nakasakay na sa bike niya. Naka-ready na rin doon ang bike ko. 

"Let's go!" masayang sigaw niya. 

Ngumiti na lang ako at sumakay na rin sa bike ko. 

"Anong gagawin natin sa park?" tanong ko. 

"Matutulog, Demi. Matutulog," sarkastikong sagot niya. 

Napa-irap na lang ako. "I mean, bakit naisipan mong mag park?" 

"Hindi mo ba talaga naaalala?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. 

"Hindi mo nga naaalala. Ang dami-dami nating kalendaryo sa bahay pero tamad ka magtingin ng araw," aniya at binilisan ang pagba-bike. Ako naman ay naiwang nakatigil. 

Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang calendar. Nanlaki ang mata ko nang makita na February 21 pala ngayon. Birthday ko! 

Tinignan ko si kuya na medyo malayo na sa akin pero naririnig ko pa rin ang tawa niya. 

"Happy birthday!" sigaw niya. 

Napangiti na lang ako at pinaandar ulit 'yung bike. "Kuya, wait lang!" 

"Ang dami mo sigurong iniisip para makalimutan mo ang mismong birthday mo," sabi ni kuya. Nandito na kami ngayon sa park. Naupo muna kami sa isang bench at bumili siya ng ice cream. 

"Hmm...parang gano'n na nga," sabi ko. Tinignan ko ang paligid na kakaunti lang ang tao. Samantalang dati, kahit hindi pa bakasyon ay laging puno 'tong park. 

"Ngayon na nga lang ulit tayo magce-celebrate ng birthday mo ng kasama ako, kinalimutan mo pa," sabi niya. "Remember when we were still young? Tuwing birthday mo ginigising mo ako lagi para ayain dito sa park."

Tumango-tango ako. Naaalala ko nga. Hirap na hirap pa akong gisingin siya, maiiyak muna ako bago siya magising. 

"Sinasadya mo pang hindi gumising agad para umiyak muna ako," sabi ko. Natawa kaming dalawa. 

"Nakakamiss 'no? Ngayon kasi may kaniya-kaniya na tayong ginagawa at inaasikaso. Kaya nga pinilit ko talagang matuloy 'to ngayon," aniya at tumingin sa akin. "Happy birthday, Demi!" 

Pinunasan ko ang tumulong luha ko at niyakap siya. "Thank you, Kuya Derrick." 

***

Nagkaroon lang kami ng konting salo-salo sa bahay. Nagluto kasi si mommy. Nagkwentuhan lang saglit pero umalis din agad si dad dahil marami pa silang kailangang gawin. Medyo nakaramdam din tuloy ako ng guilt dahil nahihirapan na sila daddy sa paghahanap sa killer, samantalang ako, nakakausap ko siya at minsan ko ng nakaharap. At kung tutuusin, malaking tulong para sa kanila kung ibibigay ko sa kanila ang mga envelopes at kapag sinabi ko ang mga nalalaman ko, pero hindi ko magawa. 

Mag gagabi na rin kaya naisipan ko munang umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ko. Naiwan ko pala 'to dito kanina dahil kausap ko si Brix. Binuksan ko iyon at ang daming messages doon. 

Galing ang lahat ng iyon sa killer. Una kong nabasa ang bati niya sa akin. Fuck! Lahat na lang alam niya, kahit ang birthday ko. 

Sinunod kong buksan ang iba at puro pictures na iyon. Bagong-bago pa dahil kanina lang 'yon noong magkasama kami ni kuya sa park. 

Ibig sabihin magdamag niya kaming pinapanood. Nakasunod lang siya sa amin! 

Tumunog ulit ang cellphone ko. Text na naman galing sa killer. Binuksan ko iyon at mas lalo akong kinilabutan dahil isa na naman 'yung picture. 

Medyo madilim na ang kuha pero kitang-kitang pa rin ang bahay namin. Naka focus pa nga ito sa bintana ng kwarto ko. 

Tumingin ako sa bintana ko at mabilis akong tumayo nang makitang bukas ang kurtina. Lumapit ako roon at sumilip sa labas. Wala namang katao-tao. Pero sure ako na bagong kuha lang 'yung litrato. 

Narinig ko ulit ang cellphone ko. Pagkabukas ko ng message ay bagong picture na naman. Picture ko iyon habang nakadungaw ako sa bintana. 

"Are you looking for me?" Basa ko roon sa isa pa niyang text. 

Tumingin ulit ako sa bintana nang may narinig akong humarurot na motor. Agad kong sinara ang kurtina at nagmamadaling bumaba. 

"Demi, saan ka pupunta?" tanong ni mommy pero hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa pinto namin. Binuksan ko iyon at lumabas. Ni isa wala akong nakita sa labas. 

"Demi, anong problema?" tanong ni mommy na nakasunod pala sa akin. 

"Mommy, kagagaling niya lang dito," sagot ko.

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status