Share

XXXV. Wicked Town

Sa mga nakalipas na araw, feeling ko laging may nakatingin sa akin. Simula no'ng nag send ng pictures sa akin 'yung killer, pakiramdam ko lagi na siyang nakasunod sa akin ngayon. Kahit sa school ay hindi ko maiwasang magmasid sa paligid.

"After ng graduation natin, aalis na kami dito sa Grenville. This town is not safe anymore." Narinig kong sabi noong isang estudyante na nakasandal malapit sa locker ko. May kasama siyang lalaki, sa tingin ko ay boyfriend niya.

"Sure na ba 'yan? I'm gonna miss you," sabi no'ng lalaki.

"Gusto nga ni dad umalis na agad. But, I told him that I want to finish this school year muna. I'm gonna miss you, too. Babalik din naman kami kapag ayos na ang lahat."

Sinara ko ang locker ko at napatingin sa dalawa. Napansin ata nila ang tingin ko sa kanila, maya-maya ay umalis na rin sila.

"Good morning, Demi." Nilingon ko si Brix, kasama niya si Jayson.

"Good morning," bati ko sa kanilang dalawa.

"Coffee muna tayo sa cafeteria," sabi ni Jayson. Tinignan ko ang wristwatch ko at maaga pa naman para sa first class namin.

"Ano, Demi?" tanong ni Brix.

Tumango ako. "Tara."

Kinuha ni Brix ang ilang dala ko at naglakad na kami sa hallway. Ngunit napatigil kami nang makarinig ng hiyawan. Nilingon namin kung saan nanggaling 'yon. Napaatras na lang ako nang makita ang limang kalalakihan na may suot na puting maskara.

"The heck?!" sigaw ni Jayson. "Ang lakas ng trip ng mga 'to," dagdag pa nga. 

"Guess who's the real killer," sabi no'ng lalaking nasa gitna at tumawa nang malakas. Nakaramdam ako ng inis sa mga nakikita ko. Ang ilang estudyante ay tuwang-tuwa pa at sinasabayan ang pinaggagagawa no'ng limang lalaki. 

"Removed your masks!" Biglang dumating si Macey at nagtungo doon sa pwesto no'ng limang lalaki. 

Inangat no'ng lalaking nasa gitna ang mask niya at nakangising tumingin kay Macey. 

"Chill, Miss President. We're just having fun here," natatawang saad nito. 

"Mga walang magawa sa buhay," bulong ni Brix sa gilid ko. 

"Having fun? Sa tingin niyo ba nakakatuwa ang ginagawa niyo? Anong klaseng utak meron kayo?" naiinis na tanong ni Macey. 

"Grabe ka naman sa amin, Macey." Mas lumapit 'yong lalaki kay Macey at hinawakan nito ang pisngi ng kaibigan ko. 

"Gago 'to ah." Hindi na namin naawat si Jayson at mabilis niyang sinugod 'yung lalaki. Napaupo ito sa sahig habang hawak-hawak ang pisnging sinapak ni Jayson. Nagsimula na namang magkagulo nang sumugod na rin 'yung ibang lalaking naka mask. 

"Brix!" sigaw ko nang sumugod din si Brix. 

Lumapit ako kay Macey na napapaatras na lang din palayo sa mga nag-aaway. 

"Tumawag kayo ng guard or ng teacher. Bilis!" utos ko roon sa mga estudyanteng nanonood lang naman. 

May ilang naki awat na rin pero meron pa rin talagang matitigas ang mukha na nagpustahan pa. 

Ilang saglit ay nagdatingan ang mga teacher pati na rin ang guard. Inawat nila ang mga nag-aaway. Lumapit agad ako kay Brix nang makalayo siya mula roon sa gulo. Buti na lang ay wala siyang masyadong tama. 

Lumapit na rin si Jayson na nagpupunas ng pawis. 

"May masakit ba sa inyo? Let's go to the clinic," nag-aalalang tanong ni Macey. 

"We're okay. Ikaw ba?" tanong ni Jayson. 

Napatikom ng bibig si Macey at nagkatinginan silang dalawa ni Jayson.

"Mr. Lee and Mr. Mariano, go to the guidance office. Now!" 

***

Ilang oras nakakulong sa detention room sina Brix at Jayson. Pagkatapos no'n ay pinaglinis sila sa library. Buti nga ay gano'n lang ang naging parusa nila dahil hindi naman talaga sila ang nagsimula ng lahat. Samantalang, 'yung lima ay suspended for three weeks. 

Inabutan ko ng tubig si Brix. Katatapos lang din nila maglinis sa library. Uwian na rin at hindi na sila nakapasok pa sa afternoon classes. 

"Mauuna na kami. Ihahatid ko pa si Demi sa kanila," paalam ni Brix. 

"Sige, ingat kayo." Tinapik siya ni Jayson sa balikat. 

Tumingin naman ako kay Macey na nakayuko lang. "Macey, uuwi na kami."

Nag-angat siya ng tingin at ngumiti. "Okay. Ingat kayo. See you tomorrow."

Naglakad na kami ni Brix palayo sa kanilang dalawa at dumiretso na kami sa parking lot. 

"Grabe! Nakakapagod," aniya nang makapasok kami sa sasakyan. 

Napatingin ako sa kaniya. Tagaktak pa rin ang pawis niya at halatang pagod na pagod nga. 

"Magpahinga ka muna sa bahay namin saglit at kumain. No'ng lunch pa ata huling kain mo," sabi ko sa kaniya. 

"Sige. Salamat," aniya. 

Habang nasa byahe ay nakaagaw sa pansin ko ang mga salitang nakasulat sa pader. 

"Leave Greenville!" 

"We're all gonna die!" 

"It's all Mayor Javier's fault!" 

"Greenville is a wicked town!" 

"Sino naman kaya ang mga gumawa nito?" tanong ko habang nakatingin pa rin sa bintana. 

Nakakainis lang na may mga taong gumagawa ng mga ganito. Mas makakadagdag lang ito sa takot ng mga taong nakatira rito sa Greenville. 

***

Hinatid ko si Brix sa labas ng bahay. 

"See you tomorrow," aniya habang nasa tapat ng sasakyan niya. 

Tumango ako at ngumiti. "Sige, ingat ka."

Nang makaalis si Brix ay pumasok agad ako sa bahay. Nakita ko si mommy sa kusina, nakakunot ang noo habang nakatingin sa cellphone niya. 

"Mom," tawag ko sa kaniya. Naupo ako sa tabi niya. "May problema ba?" tanong ko. 

"He's texting me," aniya at pinakita sa akin ang cellphone niya. "Hanggang ngayon ay pinagbabantaan niya pa rin ako."

Tinignan ko nang diretso si mommy. "Ano po ba talagang kailangan niya sayo?" 

Napayuko si mommy at hindi sumagot. 

"Mom, tell me. May tinatago ka ba sa amin?" tanong ko ulit sa kaniya. 

Huminga nang malalim si mommy at tumingin sa akin. "I'm sorry, Demi. Pero hindi mo na kailangan malaman 'yon. Hayaan mo na ako, okay? Ayokong madamay ka pa rito."

Madamay? Simula pa lang damay na ako dito. Hindi nila alam na ako ang kinakausap ng killer. 

"I'm really sorry, anak." Saglit niya akong niyakap at tumayo na siya. 

Umakyat na lang ako sa kwarto ko at nahiga. Nagbukas ako ng Facebook at unang tumambad sa akin ang isang post tungkol sa Greenville. Dito rin nakatira 'yung nag post. 

Felix Cipriano

Greenville: The Wicked Town

Ano na nga ba ang nangyayari sa Greenville? 

Anong ng nangyari sa bayan na dati'y puno ng saya at kapayapaan?

It all started that night - the night of the homecoming. We're all excited to see Mayor Javier's family. Pero ano ang nangyari? Nabalot ang lahat ng takot nang tumambad sa atin ang karumal-dumal na itsura nila. 

Sino nga ba ang pumatay sa kanila?

Sino ba talaga ang may kagagawan ng lahat ng patayan sa lugar na 'to? 

Totoo bang pinapabayaan na tayo ni Mayor Solomon Javier?

May mga kasunod pa 'yon pero hindi ko na tinuloy basahin. Madaming likes ang post at madami rin ang ang nag-share. 

May ibang comments na nagsasabi ng mga pangalan kung sino ang killer. Ang iba naman ay sinasabing si Mayor Javier ang killer. 

Napailing na lang ako sa nabasa ko. Pinatay ko ang cellphone ko at pumikit. Matutulog na lang muna ako. 

***

Naalimpungatan ako at bigla akong nakaramdam ng uhaw. Tumayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. 

Habang pababa ay may naririnig akong kumakaluskos sa kusina. Dahan-dahan akong naglakad papalapit doon.

"Dad?!" gulat na tanong ko. Mabilis akong lumapit sa kaniya at nakita ko ang tumutulong dugo mula sa braso niya. 

"Anong nangyari?" tanong ko. Nanlalaki pa rin ang mata ko habang tinitignan ang braso niya. 

"Mommy! Mommy!" sigaw ko para humingi ng tulong. 

"Demi, ayos lang ako. Daplis lang 'to," sabi ni dad habang nililinis 'yung sugat niya. 

Nag-aalala akong tumingin sa kaniya. "Ano po bang nangyari?" tanong ko ulit. 

"Umatake na naman 'yung killer. May tumawag sa amin at naabutan namin 'yung killer. Naka-engkwentro namin siya pero nakatakas din. 

"Oh my God! Nakita niyo po ba 'yung mukha niya?" tanong ko.

Umiling lang si dad. 

Shit! Si daddy naman ngayon ang napahamak at dahil na naman 'yon sa kaniya. 

---

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status