Share

BMSBK 5

Author: Yza D. C
last update Petsa ng paglalathala: 2026-09-01 14:11:48

REX'S P O V~

Tahimik ang opisina ko nang araw na iyon.

Napatingin ako sa labas ng glass wall. Diretso ang tingin ko sa desk ni Lily.

Wala siya.

Binalik ko ang tingin ko sa dokumento.

Makalipas ang ilang minuto, muli akong napatingin.

Wala pa rin.

Napakunot ang noo ko.

Hindi naman ito ang unang pagkakataong wala siya sa desk niya. Intern siya. May mga ipinapagawa rin sa kanya sa ibang bahagi ng opisina.

Pero bakit parang ilang beses ko nang hinahanap ang presensya niya?

Napabuntong-hininga ako at pilit na ibinalik ang atensyon ko sa trabaho.

Lumipas pa ang halos isang oras. Wala pa rin si Lily.

Tumayo ako at kinuha ang mug ko.

Iyon ang dahilan na ibinigay ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng opisina at dumiretso sa kitchen. Pagpasok ko roon, awtomatiko akong napatingin sa paligid.

Wala siya.

Napailing ako sa sarili ko.

Bakit ko ba inaasahang nandito siya? Nagtimpla ako ng kape at saglit na nanatili roon. Habang hinihintay kong lumamig nang kaunti ang kape, narinig ko ang ilang empleyado sa labas.

"Para kanino kaya 'yan?"

"Ang ganda."

Lumabas ako ng kitchen.

May delivery man na may hawak na malaking bouquet ng mga bulaklak.

Hindi ko sana iyon papansinin.

Hanggang sa narinig ko ang isang empleyado.

"Para kay Miss Lily Cruz."

Napatigil ako.

Dahan-dahan akong napalingon.

"Kanino?"

Napatingin sa akin ang empleyado.

"Kay Miss Cruz po."

"Sino ang nagpadala?"

Nagkatinginan ang dalawang empleyado bago sumagot ang isa.

"Manliligaw daw po niya."

Hindi ko namalayang bahagyang sumikip ang hawak ko sa mug.

Manliligaw.

Muli kong tiningnan ang bouquet.

Mga puti at rosas na bulaklak ang laman nito. Maayos ang pagkakaayos at halatang hindi basta-bastang binili.

Para kay Lily.

Tumalikod ako at nagsimulang bumalik sa opisina ko. Pero bago ako tuluyang makalakad, muli akong napatingin sa bouquet.

Hindi ko alam kung bakit.

Pero habang nakikita ko ang mga bulaklak, may isang alaala na biglang sumagi sa isip ko.

Gabing-gabi na noon nang makauwi ako sa apartment.

Hindi ko na halos maayos ang paglalakad dahil sa dami ng nainom ko. Pagod ako, magulo ang isip ko, at hindi ko na napapansin ang mga bagay sa paligid.

Si Lily ang sumalubong sa akin.

Naalala ko ang pag-aalala sa mukha niya habang tinutulungan niya akong makaupo.

Naalala ko rin ang kamay niyang marahang humawak sa braso ko para hindi ako matumba. Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nanatili roon.

Pero malinaw sa akin ang sandaling tumingin ako sa kanya.

Napakalapit niya.

At sa halip na umiwas, hinawakan ko ang kamay niya. Nagtagpo ang mga mata namin. At bago pa man ako makapag-isip nang maayos, hinalikan ko siya.

Isang halik na nagsimula dahil sa kalituhan, pero hindi ko agad nagawang putulin. Nang tuluyan kaming maghiwalay, nakita ko ang pamumula ng mukha niya at ang mabilis niyang pag-iwas ng tingin.

Pero hindi ko rin agad siya binitawan.

Sa halip, nanatili lang akong nakatingin sa kanya, na para bang may gusto pa akong gawin ngunit pinipigilan ko ang sarili ko.

Iyon ang gabing unang beses kong napagtanto na may kakaiba sa paraan ng pagtibok ng puso ko kapag si Lily ang nasa harapan ko.

Muli akong napakurap. Napatingin ako sa desk ko. Hindi ko alam kung bakit iyon ang naalala ko.

Pero isang bagay ang malinaw.

Hindi ko nakalimutan ang halik na iyon. May parte sa akin na gustong maranasan ulit iyon.

Napahawak ako sa noo ko.

"Get a grip, Rex."

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ito dapat maging ganito.

Si Lily ay intern ko.

Pero bakit sa tuwing may ibang lalaki na lumalapit sa kanya, parang nawawala ang pagiging kalmado ko?

Kinuha ko ang cellphone ko.

Tinawagan ko siya.

Walang sagot.

Muli akong tumawag.

Wala pa rin.

Napatingin ako sa oras. Ilang oras na siyang wala sa desk niya.

Tumayo ako.

Lumabas ako ng opisina. Tiningnan ko ang hallway.

Pumunta ako sa kitchen. Wala rin.

Tiningnan ko ang pantry at conference area. Wala

Dumaan ako sa desk niya, nandoon pa rin ang bouquet.

Napatingin ako rito.

Hindi ko na alam kung ano ang mas nakakainis—ang bulaklak o ang sarili kong reaksyon dito.

Bago ako makabalik sa opisina ko may isang empleyado ko na humarang sa akin.

“Boss, gusto mo ba tong tikman para sa LBM.”

Tiningnan ko ito ng matalim.

“Boss, kase kanina pa kita napapansin pabalik-balik sa kitchen at papunta sa banyo,” sabi pa nito.

Tumalikod ako.

Pagdating ko sa apartment nang gabing iyon, tahimik ang buong lugar. Inilapag ko ang mga gamit ko sa sofa.

Wala si Lily.

Umupo ako at tiningnan ang cellphone ko.

Wala pa ring message.

Lumipas ang ilang oras.

Nagising ako nang marinig ang pagbukas ng p***o. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.

Si Lily.

Nakatayo siya malapit sa pintuan, hawak ang bag niya. Nang makita niya ako, bahagya siyang nagulat.

"Boss?"

Umayos ako ng upo.

"Where were you?"

"Kumain lang ako sa labas."

"With who?"

Saglit siyang natahimik. "Someone."

Napakunot ang noo ko.

Hindi ko na siya pinilit.

Pero napansin kong may maliit na ngiti sa labi niya. At muli kong naalala ang bouquet.

"Next time, tell me if you're going somewhere."

Napatingin siya sa akin.

"Bakit?"

"You were gone for hours."

"Boss, hindi naman ako nawawala."

Hindi ako sumagot.

Dumaan siya sa harapan ko.

Nang malapit na siya, naamoy ko ang pamilyar niyang pabango.

Saglit akong natigilan.

Muli na namang bumalik sa isip ko ang halik.

"Good night, Boss."

Bago siya makapasok sa kuwarto ay hinila ko ito pabalik para halikan.

Sa pagkakataong ito, hindi na tulad ng unang halik.

Mas malinaw.

Mas sinadya.

Pinasok ko ang dila ko sa bibig nito habang hinahaplos ko ang buhok nito, at ang isang kamay ko naglalakbay papunta sa dalawang malaking hinaharap nito.

Ramdam ko ang pag pupumiglas nito. Mas diniinan ko pa ang halik at narinig kong umungol ito. Hinalikan ko ito sa leeg at nag iwan ng marka, hinalikan ko ulit ang labi nito, laking gulat ko nang tumugon ito sa halik ko.

Napangiti ako habang hinahalikan ko ito pababa hanggang sa dalawang malaking pakwan nito. Habang hinahaplos-haplos ng kamay ko ang mga ito.

Tumigil ako sa ginagawa ko at tiningnan ito.

Humalakhak ako ng tawa nang makita ko itong parang kulay kamatis na namumula ang mga pisngi.

Hinawakan ko nang marahan ang kamay niya.

Hindi siya agad bumitaw.

Hinalikan ko ito sa noo.

“Good night, Lily.”

Pumasok siya sa kuwarto niya. Naiwan akong nakaupo sa sofa.

Tahimik na ang apartment.

Pero hindi tahimik ang puso ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
ash ford
More scenes pa miss A
goodnovel comment avatar
Berta
Grabe ka Rex haha
goodnovel comment avatar
Artemia
Rex, iba na 'yan! Nako pumapag-ibig na shaaa
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 49

    LILY'S P O V~Wala po.”“Lily.”“Good luck, Boss!”Umiling siya at muling pumuwesto.Sa ikalawang hagis, muntik nang matumba ang target pero nanatili pa rin iyon sa kinatatayuan.Sa ikatlo, tuluyan na niyang napabagsak ang isa.Napapalakpak ako.“Isa na lang!”“May dalawa pa.”“Ah, oo nga pala.”Napatingin siya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya tungkol sa paglalaro.Pero nang tuluyan niyang mapabagsak ang mga natitirang target, hindi ko napigilang mapatalon sa tuwa.“Boss! Nanalo ka!”Kinuha ng attendant ang teddy bear at iniabot iyon sa kaniya.Tinanggap niya ang premyo bago bumaling sa akin.“Here.”Inabot niya sa akin ang teddy bear.Napangiti ako nang malawak habang tinatanggap iyon.“Thank you, Boss!”“It's just a stuffed toy.”“Pero ikaw ang nanalo!”Hindi ko alam kung bakit biglang naging espesyal sa akin ang isang simpleng teddy bear. Hindi naman iyon ang pinakamagandang laruan na nakita ko, at hindi rin iyon ang pinakamahalagang bagay na maaari

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 48

    LILY'S P O V~“Boss, paano kung doon tayo sumakay mamaya?”Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa Ferris wheel. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi siya agad nakasagot.Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan ang malaking ride na dahan-dahang umiikot sa gitna ng makukulay na ilaw. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ang mga taong nasa loob ng mga cabin. May mga magkasintahang magkahawak-kamay, may mga magkakaibigang nagtatawanan, at may ilang taong abala sa pagkuha ng litrato habang unti-unti silang umaakyat.Para sa akin, napakaganda ng tanawin na ito. Nabawi ang lahat ng pagod at sakit na mga nararamdaman, kabaliktaran naman para kay Rex, parang isa iyong malaking problemang kailangan niyang solusyunan.“Bakit Ferris wheel pa?!” nagtatakang tanong niya sa wakas.Napangiti ako. “Kasi maganda ang view sa taas eh. Sabi mo naman lahat gagawin mo para sa akin, ito na 'yon, gustong-gusto ko makita ang tanawin sa itaas,” pagpapa-cute ko sa kaniya pa

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 47

    LILY'S P O V~“Gusto ko po sana pumunta sa carnival. Alam ko kasing malapit lang iyon dito, Boss.”Ilang segundo akong tinitigan ni Rex matapos kong sabihin iyon. Nakatayo kami sa labas ng restaurant, at habang hinihintay ko ang sagot niya, hindi ko maiwasang kabahan. Kanina lang, sinabi niyang maaari akong humiling ng kahit ano bago kami umuwi. Hindi ko naman inakalang ganoon kahirap sabihin ang gusto ko kapag nasa harapan ko na siya.“Carnival?” ulit niya, para bang hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.Tumango ako. “Yes, Boss.”“Totoo ba ang sinasabi mo o nagbibiro ka lang?”“Bakit naman ako magbibiro tungkol doon?”Bahagya siyang napapikit at huminga nang malalim. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya, na para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya muna.“Lily, galing tayo sa isang mabigat na pangyayari. Gusto mong pumunta sa carnival?”“Exactly, Boss.” Sinikap kong pigilan ang ngiti ko. “Gusto kong mag-enjoy kahit sandali. Ayoko namang buong araw na l

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 46

    LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 45

    LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 44

    LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status