LOGINKinabukasan, kapansin-pansin ang pag-iwas ni Lily sa akin.Hindi ko alam kung dahil ba sa nangyari kagabi, pero mas tahimik siya kaysa dati. Kapag nagkakatagpo ang mga mata namin, siya agad ang unang umiiwas.Napasulyapan ako sa kaniya. Napansin ko ang mahaba at straight niyang buhok, ang mahahabang pilikmata, at ang magandang hugis ng labi niyang mapula kahit kaunti lang ang makeup niya.Natural ang ganda niya.At hindi ko maintindihan kung bakit ngayon ko lang iyon napapansin nang ganito.“Boss?”Napakurap ako at napatingin kay Lily.“Nandito pa kayo?”“Of course.”Tumango siya at bumalik sa ginagawa niya.Napabuntong-hininga ako.Ano bang nangyayari sa akin?Bago pa ako makapag-isip nang maayos, tumunog ang cellphone ko. Si Adrien.Matalik na kaibigan ko at isa ring attorney.“Rex, huwag mong kalimutan mamaya,” bungad niya nang sagutin ko ang tawag.“Ano?”“May salu-salo tayo para sa mga attorneys. Darating din ang ibang co-attorneys mula sa iba't ibang law firms.”“Hindi ako pupun
REX'S P O V~ Tahimik ang opisina ko nang araw na iyon. Napatingin ako sa labas ng glass wall. Diretso ang tingin ko sa desk ni Lily. Wala siya. Binalik ko ang tingin ko sa dokumento. Makalipas ang ilang minuto, muli akong napatingin. Wala pa rin. Napakunot ang noo ko. Hindi naman ito ang unang pagkakataong wala siya sa desk niya. Intern siya. May mga ipinapagawa rin sa kanya sa ibang bahagi ng opisina. Pero bakit parang ilang beses ko nang hinahanap ang presensya niya? Napabuntong-hininga ako at pilit na ibinalik ang atensyon ko sa trabaho. Lumipas pa ang halos isang oras. Wala pa rin si Lily. Tumayo ako at kinuha ang mug ko. Iyon ang dahilan na ibinigay ko sa sarili ko. Lumabas ako ng opisina at dumiretso sa kitchen. Pagpasok ko roon, awtomatiko akong napatingin sa paligid. Wala siya. Napailing ako sa sarili ko. Bakit ko ba inaasahang nandito siya? Nagtimpla ako ng kape at saglit na nanatili roon. Habang hinihintay kong lumamig nang kaunti ang kape, narinig ko ang i
LILY'S P O V~ Kinabukasan, maaga akong nagising. Tahimik ang apartment. Paglabas ko ng kuwarto, wala si Rex sa sala. Siguro nauna na siyang pumasok sa office. Mas mabuti na rin. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari kagabi. Napahawak ako sa labi ko. Agad ko iyong ibinaba. “Stop it, Lily.” Trabaho lang ang dapat kong isipin. Pagdating ko sa office, abala na ang lahat. Dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga dokumentong kailangan kong tapusin. Ilang minuto pa lang akong nagtatrabaho nang marinig ko ang pamilyar na boses. “Miss Cruz.” Napatingala ako. Si Rex. “Good morning, Boss.” Tumango siya. “Good morning.” Saglit siyang tumingin sa hawak kong files. “Done with the case digest?” “Yes.” “Good.” Umalis siya. Napatingin ako sa likod niya. Ganun lang? Parang walang nangyari kagabi. Muli akong napabuntong-hininga at ipinagpatuloy ang trabaho. Lumipas ang ilang oras na puro trabaho lang ang ginawa namin. Banda
REX'S P O V~ Dati, gusto kong tahimik kapag nasa bahay. Ngayon, may isang taong palaging nasa paligid ko. At nakakagulat na hindi na iyon nakakainis. Nasa kabilang bahagi ng sofa si Lily, nakatutok sa laptop niya habang nagbabasa ng mga dokumento. Paminsan-minsan, napapatingin ako kay Lily. Hindi ko alam kung bakit ko napapansin ang maliliit na bagay tungkol sa kanya. Napatingin siya sa akin, kaya nagtagpo ang mga mata namin. Hindi agad siya umiwas. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago siya muling bumalik sa laptop niya. Napailing ako. ‘Ano ba'ng ginagawa ko?’ Binalik ko ang tingin ko sa files. Pero ilang minuto lang ang lumipas, napatingin na naman ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa biglang tumunog ang cellphone ni Lily. Napatingin siya sa screen. Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan nila, pero ilang segundo lang ay napatingin na siya sa akin. "Boss." "Yes?" "Darating parents ko." Tumango ako. "Ngayon." Napatingin ako sa kanya. "Now?" Tuma
LILY'S P O V~ Hindi ko alam kung paano ko natapos ang orientation nang hindi tuluyang bumigay ang tuhod ko. Paglabas ko ng Padilla Legal Group, saka lang ako nakahinga nang maluwag. Sa unang araw pa lang, agad kong naranasan kung gaano kataas ang standards ni Attorney Rex Padilla. Hindi man siya palaging nagbibigay ng papuri, alam kong kapag sinabi niyang ‘Good’, ibig sabihin ay maayos ang ginawa ko. At iyon ang sapat na para sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Bago pa man ako makasakay, nag-vibrate ang cellphone ko. May isang bagong message. Apartment Application Update. Napakunot ang noo ko. Agad ko iyong binuksan. Congratulations! Your application has been approved. Nanlaki ang mga mata ko. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan. Ilang araw ko ring hinihintay ang sagot na iyon. Malapit ang apartment sa trabaho kaya hindi ko na kailangang magbiyahe nang matagal araw-araw. Sa dami ng nangyari ngayong araw, ito lang ang magandang balita na kailang
LILY'S P O V ~ Kumukulo sa kaba ang dibdib ko habang nagmamadali ako sa paglalakad. Hawak ko sa isang kamay ang baso ng mainit na Americano, habang ang isang kamay ay mahigpit na hawak ang makapal na folder na kailangan para sa internship. Unang araw ko ngayon bilang intern sa Padilla Legal Group. Matagal kong pinaghirapan ang pagkakataong ito kaya ayokong mahuli. 'Malapit na mag-alas-otso.' Mabilis akong sumulyap sa relo ko. Sa pagmamadali ko, hindi ko na napapansin ang mga taong nakasalubong ko. Ang nasa isip ko lang ay ang makarating sa law firm bago magsimula ang orientation. Bago pa ako makatawid sa kalsada, isang matangkad na lalaki ang biglang humakbang sa harapan ko at yumuko upang pulutin ang isang bagay sa semento. Hindi ako agad nakapreno. Muntik nang tumapon ang mainit kong kape sa puting blouse ko kaya mabilis kong itinaas ang kamay ko. Napaatras pa ako para hindi tuluyang mawalan ng balanse. "Ano ba?! Mag-ingat ka naman sa dinadaanan mo!" bulyaw ko dito, salubo







