Share

BMSBK 4

Author: Yza D. C
last update publish date: 2026-09-01 14:11:44

LILY'S P O V~

Kinabukasan, maaga akong nagising.

Tahimik ang apartment.

Paglabas ko ng kuwarto, wala si Rex sa sala. Siguro nauna na siyang pumasok sa office.

Mas mabuti na rin.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng nangyari kagabi.

Napahawak ako sa labi ko.

Agad ko iyong ibinaba.

“Stop it, Lily.”

Trabaho lang ang dapat kong isipin.

Pagdating ko sa office, abala na ang lahat. Dumiretso ako sa desk ko at inayos ang mga dokumentong kailangan kong tapusin.

Ilang minuto pa lang akong nagtatrabaho nang marinig ko ang pamilyar na boses.

“Miss Cruz.”

Napatingala ako.

Si Rex.

“Good morning, Boss.”

Tumango siya.

“Good morning.”

Saglit siyang tumingin sa hawak kong files.

“Done with the case digest?”

“Yes.”

“Good.”

Umalis siya.

Napatingin ako sa likod niya.

Ganun lang?

Parang walang nangyari kagabi. Muli akong napabuntong-hininga at ipinagpatuloy ang trabaho. Lumipas ang ilang oras na puro trabaho lang ang ginawa namin.

Bandang tanghali, tumunog ang cellphone ko.

Mama.

“Hello, Ma?”

“Anak, nasaan ka?”

“Nasa office po.”

“Lunch break mo na ba?”

“Malapit na po. Bakit?”

“May ipapakilala ako sa'yo.”

Napakunot ang noo ko.

“Sino po?”

“Yung kababata mo. Nasa restaurant na siya.”

“Ma, hindi naman kailangan—”

“Mag-lunch lang kayo. Matagal na rin kayong hindi nagkikita.”

Napabuntong-hininga ako.

“Ma…”

“Please, anak. Kahit lunch lang.”

Saglit akong natahimik.

“Sige po.”

“Good. Naghihintay na siya.”

Pagkababa ng tawag, kinuha ko ang bag ko. Hindi ko alam kung bakit parang ayaw kong umalis ng office. Siguro dahil may kung anong pumipigil sa akin na iwan si Rex.

Napailing ako.

“Ano ba 'yan?”

Hindi ko na iyon pinansin at lumabas na.

Pagdating ko sa restaurant, agad kong nakita ang kababata ko.

Tumayo siya nang makita ako.

“Lily.”

Ngumiti ako.

“Hi.”

Umupo ako sa harap niya.

“Ang tagal na.”

“Oo nga. Busy na tayo pareho.”

“Kamusta naman?”

“Okay naman. Ikaw?”

“Okay din.”

Nagkuwentuhan kami tungkol sa trabaho, sa mga dating kakilala at sa mga bagay na matagal na naming hindi napag-uusapan.

Maya-maya, dumating ang pagkain.

“Naalala ko pa rin kung ano ang gusto mo,” sabi niya.

Napangiti ako

“Naalala mo pa?”

“Of course.”

“Thank you.”

Kinuha ko ang cellphone ko para picturan ang pagkain. Balak ko sanang ipadala iyon sa isang officemate.

Mabilis kong pinindot ang send.

Pagkatapos ay napatingin ako sa pangalan ng recipient.

Rex Padilla.

Nanlaki ang mata ko.

“Oh, no.”

Mabilis kong chineck ang screen.

Delivered.

Hindi ko na iyon mabawi.

Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang cellphone ko.

“May problema?” tanong niya.

“Wala. May na-send lang akong picture sa maling tao.”

“Ah.”

Muli kaming nagpatuloy sa pagkain.

Hindi ko na lang inisip iyon.

Maya-maya, kumuha siya ng pagkain gamit ang chopsticks.

“Try mo 'to.”

Inilapit niya iyon sa akin.

Napangiti ako.

“Ang dami ko nang kinakain.”

“One more.”

Napatawa ako nang bahagya.

“Sige na nga.”

Bago ko pa makuha ang chopsticks, inilapit niya ang pagkain sa bibig ko.

At bago ko pa iyon makain—

“Lily.”

Nanigas ako.

Pamilyar ang boses na iyon.

Dahan-dahan akong napalingon.

Si Rex.

Nakatayo siya sa tabi ng mesa.

Tahimik.

Pero seryoso ang mukha niya.

Napatingin siya sa akin.

Pagkatapos ay sa kababata ko. At sa chopsticks na hawak nito, na malapit pa rin sa mukha ko.

“Boss?”

Hindi siya agad sumagot.

Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.

“You're having lunch.”

“Yes.”

“With him?”

Napatingin ako sa kababata ko.

“He's my childhood friend.”

Tumango ang kababata ko.

“Nice to meet you.”

“Likewise.”

Sandaling tumahimik si Rex.

Pagkatapos ay tumingin siya sa chopsticks.

“I don't think that's appropriate.”

Napakunot ang noo ko.

“What's inappropriate?”

“Feeding someone using the same utensil.”

Napatingin ang kababata ko sa chopsticks.

“It's just food.”

“I understand.”

Kalmado ang boses ni Rex.

“But as an attorney, I'd rather be cautious.”

Napatingin ako sa kanya.

“Boss, pagkain lang 'yon.”

“I know.”

“Then why are you making it a big deal?”

Bahagya siyang sumandal sa upuan.

“Because I'm responsible for my employees.”

Napairap ako.

“Attorney ka nga.”

“Exactly.”

Napatingin siya sa akin.

“That's why I notice things other people ignore.”

Hindi ko alam kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang mga salita niya. Pero bago pa ako makapagsalita, tumingin sa relo ang kababata ko.

“I have a meeting.”

Tumayo siya at inayos ang gamit niya.

“See you next time, Lily.”

“Okay.”

Tumingin siya kay Rex.

“Nice meeting you.”

“Likewise.”

Umalis siya.

Naiwan kaming dalawa ni Rex.

Tahimik.

Napatingin ako sa kanya.

“Happy?”

“What?”

“Umalis na siya.”

Hindi siya sumagot.

Kinuha niya ang menu.

“You're still hungry?”

Napatingin ako sa pagkain.

“Yes.”

“Then eat.”

Napabuntong-hininga ako.

Hindi ko na siya pinansin.

Kumain na lang ako.

Pero habang kumakain, hindi ko maiwasang mapansin na tahimik lang siya sa tabi ko. At hindi ko alam kung bakit parang masyado niyang napapansin ang bawat galaw ko.

Boss."

"Hmm?"

"Sorry."

Tumingin siya sa akin.

"For what?"

"About sa ginawa ng parents ko."

Tahimik siya.

"Yung tungkol sa restaurant..."

Huminga ako nang malalim.

"Hindi ko alam na ganoon sila kagalit sa'yo. Kung alam ko lang—"

"Hayaan mo na."

Natigilan ako.

"Pero—"

"Nangyari na."

Simple lang ang pagkakasabi niya.

Walang emosyon.

Parang ayaw na niyang pag-usapan.

Tumango ako. "Okay."

Hindi na siya nagsalita.

Maya-maya, tumayo siya.

“Let's go.”

“Bakit?”

“Lunch break is almost over.”

Tumayo rin ako.

“Okay.”

Sabay kaming lumabas ng restaurant.

Habang naglalakad kami pabalik, tahimik ako.

Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang ginawa niya.

Hindi ko alam kung bakit siya nakialam.

Hindi naman siya kailangang ma-bother.

Unless…

Napailing ako.

“Lily, stop.”

Hindi ko dapat iniisip iyon.

Pagdating namin sa office, bumalik kami sa trabaho na parang walang nangyari.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa isip ko ang isang bagay.

Bakit parang bothered si Rex?

At bakit parang may parte sa akin na gusto kong malaman ang sagot?

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (7)
goodnovel comment avatar
ash ford
seloso ka naman pala boss mwehahahah
goodnovel comment avatar
ash ford
Seloso ka naman mwehanahha
goodnovel comment avatar
Berta
Selos yarn? hahaha cute
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 49

    LILY'S P O V~Wala po.”“Lily.”“Good luck, Boss!”Umiling siya at muling pumuwesto.Sa ikalawang hagis, muntik nang matumba ang target pero nanatili pa rin iyon sa kinatatayuan.Sa ikatlo, tuluyan na niyang napabagsak ang isa.Napapalakpak ako.“Isa na lang!”“May dalawa pa.”“Ah, oo nga pala.”Napatingin siya sa akin na para bang gusto niyang bawiin ang lahat ng sinabi niya tungkol sa paglalaro.Pero nang tuluyan niyang mapabagsak ang mga natitirang target, hindi ko napigilang mapatalon sa tuwa.“Boss! Nanalo ka!”Kinuha ng attendant ang teddy bear at iniabot iyon sa kaniya.Tinanggap niya ang premyo bago bumaling sa akin.“Here.”Inabot niya sa akin ang teddy bear.Napangiti ako nang malawak habang tinatanggap iyon.“Thank you, Boss!”“It's just a stuffed toy.”“Pero ikaw ang nanalo!”Hindi ko alam kung bakit biglang naging espesyal sa akin ang isang simpleng teddy bear. Hindi naman iyon ang pinakamagandang laruan na nakita ko, at hindi rin iyon ang pinakamahalagang bagay na maaari

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 48

    LILY'S P O V~“Boss, paano kung doon tayo sumakay mamaya?”Napatingin siya sa akin. Pagkatapos ay tumingin siya sa Ferris wheel. At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi siya agad nakasagot.Nagsalubong ang mga kilay niya habang pinagmamasdan ang malaking ride na dahan-dahang umiikot sa gitna ng makukulay na ilaw. Mula sa kinatatayuan namin, kitang-kita ang mga taong nasa loob ng mga cabin. May mga magkasintahang magkahawak-kamay, may mga magkakaibigang nagtatawanan, at may ilang taong abala sa pagkuha ng litrato habang unti-unti silang umaakyat.Para sa akin, napakaganda ng tanawin na ito. Nabawi ang lahat ng pagod at sakit na mga nararamdaman, kabaliktaran naman para kay Rex, parang isa iyong malaking problemang kailangan niyang solusyunan.“Bakit Ferris wheel pa?!” nagtatakang tanong niya sa wakas.Napangiti ako. “Kasi maganda ang view sa taas eh. Sabi mo naman lahat gagawin mo para sa akin, ito na 'yon, gustong-gusto ko makita ang tanawin sa itaas,” pagpapa-cute ko sa kaniya pa

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 47

    LILY'S P O V~“Gusto ko po sana pumunta sa carnival. Alam ko kasing malapit lang iyon dito, Boss.”Ilang segundo akong tinitigan ni Rex matapos kong sabihin iyon. Nakatayo kami sa labas ng restaurant, at habang hinihintay ko ang sagot niya, hindi ko maiwasang kabahan. Kanina lang, sinabi niyang maaari akong humiling ng kahit ano bago kami umuwi. Hindi ko naman inakalang ganoon kahirap sabihin ang gusto ko kapag nasa harapan ko na siya.“Carnival?” ulit niya, para bang hindi siya sigurado kung tama ang pagkakarinig niya.Tumango ako. “Yes, Boss.”“Totoo ba ang sinasabi mo o nagbibiro ka lang?”“Bakit naman ako magbibiro tungkol doon?”Bahagya siyang napapikit at huminga nang malalim. Napansin ko ang paggalaw ng panga niya, na para bang may gusto siyang sabihin pero pinipigilan niya muna.“Lily, galing tayo sa isang mabigat na pangyayari. Gusto mong pumunta sa carnival?”“Exactly, Boss.” Sinikap kong pigilan ang ngiti ko. “Gusto kong mag-enjoy kahit sandali. Ayoko namang buong araw na l

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 46

    LILY'S P O V~ Napatingin ako sa kaniya. “Hindi ko alam kung bakit mo ako ipinagtanggol nang ganoon kagabi. Pero salamat.” Natahimik si Rex. Sandali siyang tumingin sa akin bago niya inilapag ang kubyertos niya. “Hindi mo kailangang magpasalamat dahil lang hindi kita hinayaang sisihin sa ginawa ng ibang tao.” “Pero hindi naman lahat gagawin iyon.” “Hindi ibig sabihin na dahil hindi lahat gagawa, hindi na dapat gawin. Empleyado kita at ayaw kong may mapahamak ang mga empleyado ko lalo na kung tungkol sa trabaho.” Napakurap ako. Hindi ko alam kung bakit mas tumatak sa akin ang sagot niyang iyon kaysa sa lahat ng sinabi niya mula nang dumating siya sa hotel. Bahagya siyang yumuko, nakapatong ang mga braso sa mesa. Hindi nagbago ang tono niya nang muli siyang magsalita, pero may kung anong katapatan sa mga mata niyang hindi ko kayang balewalain. “Lily, hindi mo kailangang maging matapang sa lahat ng oras. Hindi mo kailangang akuin ang bawat problema para lang mapatunayan na kaya

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 45

    LILY'S P O V~ “Boss, hindi ko naman kayang kumain ng lahat ng ganiyan.” “Alam ko.” “Kung alam mo, bakit ang dami naman niyan?!” “Dahil hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin rito.” Napakurap ako. Iyon lang ang paliwanag niya. Walang malaking ngiti, walang pagyayabang, at walang bakas na iniisip niyang may kakaiba siyang ginawa. Para bang normal lang sa kaniya na maghanda ng ganito karaming pagkain dahil hindi niya alam kung ano ang gusto ko. “Puwede mo naman akong tanongin,” sabi ko. “Kung tinanong kita, baka sabihin mong kahit ano na lang.” Napanganga ako nang bahagya. “Paano mo naman nalaman?” “Dahil ilang beses mo nang sinabi sa akin ang ganiyan.” Napatawa ako, at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umupo ako habang umiiling, samantalang hinila niya ang upuan sa tapat ko at umupo rin. “Hindi ko naman akalaing matatandaan mo iyon.” Kinuha niya ang kutsara at tinidor, saka inayos ang mga ito sa tabi ng plato niya. “Marami akong na

  • Bawal Mahulog Sa Boss Ko   BMSBK 44

    LILY'S P O V~ Pagmulat ko ng mga mata, ang unang bumalik sa isip ko ay ang nangyari kagabi. Ang matigas na boses ni Rex habang kinakaharap si Xiam. Ang galit na pilit niyang kinokontrol sa bawat salitang binibitawan niya. At ang paraan ng pagtayo niya sa tabi ko, na para bang wala siyang pakialam kung sino ang makabangga niya basta hindi na ako muling masasaktan. Napapikit ako at napahigpit ang hawak sa kumot. Hindi ko alam kung alin ang mas mahirap kalimutan—ang ginawa sa akin ni Xiam o ang paraan ng pagdepensa sa akin ni Rex. Sanay akong ako ang humaharap sa sarili kong problema. Kapag may nang-aapi sa akin, pinipili kong manahimik kung iyon ang pinakamabilis na paraan para matapos ang gulo. Kapag may naninisi sa akin, madalas ay hinahayaan ko na lang dahil ayokong humaba pa ang usapan. Pero kagabi, hindi ako pinabayaan ni Rex na akuin ang kasalanang hindi naman sa akin. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang sinabi niya kay Xiam. Hindi niya ako hinayaang baligtarin ang nangyari. Hind

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status