Share

CHAPTER 10

Marahang ibinaba ni Xavion si Rose sa medyo malilom na pwesto kung saan tanaw ang pinagkakarerahan ng mga magkakaibigan. Hindi lang pala sila ang mga naroon at nailang pa siya nang bumaling sa kanya ang atensyon ng mga ito. Hindi niya mawari kung ano ang klase ng tingin na ipinukol ng mga ito. Pero naiintindihan niya naman iyon dahil bagong salta lang siya sa lugar na iyon, at ang makitang nakasakay siya sa kabayo ni Xavion ay isang bagay na talagang magiging kuryoso ang mga tao.

Pinagmasdan niyang magtipon sila Xavion. Dito madalas nagkakatuwaan ang mga ito lalo sa mga ganitong panahon na nasa lugar si Xavion at Nikolas, hindi maiiwasang magkakayayaan.

Hindi niya maiwasang mamangha sa kakisigang taglay ni Xavion. Sa suot nitong puting polo na hapit na hapit sa kanyang matipunong pangangatawan. Dumagdag pa ang suot nitong khaki pants na pinaresan ng itim na paddock boots. He's so damn attractive. Hindi na nga rin nakaligtas sa kanya ang klase ng tingin ng mga kababaihang nanonood kasa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status