Share

CHAPTER 56

"Wala na po sila..."

Namayani ang simpatya sa sistema ni Rose nang mga oras na iyon. They both had no parents pero kung ikukumpara rito ay masyado pa itong bata para maulila. She must be thankful because despite having an evil aunt who raised them, may pamilya pa rin siya at may kapatid pa siya.

Nang yumuko na ang bata at sinunggaban ang mga pagkain na ibinigay niya ay hindi niya namalayan na tumulo na ang butil ng luha sa kanyang mga mata at agad niya namang pinalis iyon bago pa iyon mapansin ng mga bodyguards sa tabi niya.

Pinakalma niya muna ang kanyang sarili bago binalingan ang dalawa sa tabi niya.

"Pwede ba natin siyang dalhin sa Hacienda?" nagsusumaong aniya.

Nagkatinginan naman ang dalawa. "Pero, Ma'am. Hindi po pwede," wika ni Lester.

"Opo, hindi rin po ito magugustuhan ni Sir Xavion," sang-ayon naman ni Troy.

Kumunot ang noo niya. "At bakit? Mas maaalagaan siya sa Hacienda. Hindi ba kayo naaawa sa kanya?"

Bumuntonghininga ang dalawa. Sa ganitong sitwasyon, mahihirapan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status