Share

CHAPTER 8

"Ano'ng pakaway-kaway na iyon, Ate Trina?" Nagulat ako kay Miko na biglang pumasok sa loob ng bahay na wala man lang ingay. Nagulat ako at kamuntik ko pang ibato ang hawak kong remote sa kaniya. Ang ganda pa naman ng pinapanood ko na kdrama. Nawala tuloy ang focus ko sa panonood.

"Bakit ka ba sumusulpot na lang nang basta-basta? Paano kung mainit na tubig ang hawak ko at bigla kong naibuhos sa iyo, eh 'di sana laptos na iyang balat mo!" inis kong sabi sa kaniya.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Ate Trina." sabi ulit nito na parang nang-iinis pa ang ngiti at muling inulit ang kaniyang tanong.

"Bakit? May kakaiba ka bang nakita sa pagkaway ko? May malisya na naman ba diyan sa utak mo?"

"Bakit ka ba nagagalit? Nagtatanong lang ang tao. Masyado ka naman defensive." sabi ni Miko na may nakakalokong ngiti sa labi.

"Umalis ka na sa harapan ko Miko, habang hindi pa kumukulo ang dugo ko. Baka hindi mo maguhustuhan ang gagawin ko sa iyo." inis kong sabi habang nakatutok sa kaniyang harapan ang h
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Hermelyn Blacano
update pls
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status