Share

CHAPTER 6 ANG PAGBABALIK

Pagdating ni Nanay sa bahay ay bumungad sa akin ang napakalawak niyang ngiti. Hindi kasi siya magkandaugaga sa kaniyang mga dala. Naroon sa kabila ang isang basket na may iba-ibang imported na laman, katulad na lamang ng pabango, shampoo, lotion, sabon, toothpaste at iba pa. Sa kabilang basket naman ay mga imported na pagkain tulad ng de lata, chocolate, gatas, at mga junk foods.

"Tulungan mo nga akong bata ka, nakatingin ka lang sa akin na para bang nakakita ka ng multo." ani niyang hingal na ang boses.

"Bakit ba naman kasi pagkadami-rami ng bitbit mo, 'Nay? Para kang nag-grocery sa kabilang bayan." Sabi ko habang nilalapag sa mesa ang kaniyang mga dala.

"Binigay ito ni Don Ignacio. Ayaw ko ngang tanggapin, siya lang ang nagpumilit. Hinatid din naman ako rito ng driver nila kaya hindi ako napagod sa pagbitbit." ani ni Nanay na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi. Minsan lang kasi kami mag-grocery, tuwing sumasahod lang sila sa hacienda kaya naman malaking bagay na ang mga natanggap ngayon ni Inay galing kay Don Ignacio.

"Totoo po pa lang dumating na sila?" tanong ko kay Inay.

"Oo, ang sabi ni Don Ignacio, dapat daw sana nu'ng nakaraang taon pa. Kaso naudlot dahil may mahalaga raw siyang inasikaso sa America." paliwanag ni Inay.

Tumango-tango na lang ako dahil ayaw ko nang magtanong pa kay Inay kahit na gusto kong tanungin kung kamusta ba sina Marco at Franco.

"Kinakamusta ka nga ni Don Ignacio, gusto ka raw makita. Ang sabi pa niya 'siguro dalaga na ang magandang anak ni pareng Nanding'. Tumawa nga ako kasi hindi ka pa rin nakakalimutan ni Don Ignacio lalo na raw 'yung kakulitan mo kasama ang kambal niyang anak."

Napangiti ako kahit paano dahil ang mabait na Don ay hindi pa rin nagbabago. Siya pa rin iyong Don na kindhearted kahit kanibo. Naalala ko pa rati na huwag ko raw siyang tawaging Don Ignacio mas maganda raw pakinggan kung Daddy din ang itawag ko sa kaniya dahil ako lang naman daw ang nag-iisang matalik na kaibigan ng kaniyang kambal na anak nang sa ganu'n daw ay may matatawag din siyang anak na babae.

"At 'tsaka alam mo ba na ikaw agad ang hinanap ni Marco pagsalubong namin sa kanila kanina." nakangiting dagdag pa ni Inay sa akin.

Gusto kong matuwa, pero bakit si Marco lang yata ang nakaalala sa akin? Hindi na ba ako kilala ni Franco? Kung sabagay, ganu'n naman iyon dati pa. Kaya hindi na ako magtataka kung hanggang ngayon bugnutin pa rin siya at walang pakialam sa iba.

"Talaga po, Inay? Mabuti naman po kung hindi pa rin ako nakalimutan ni Marco. Paki-kamusta na lang ako sa kaniya, Inay pagbalik niyo po sa mansion bukas." nakangiting sabi ko.

"Babalik ako bukas doon pero kasama kayo." simpleng sabi ni Inay na kinagulat ko.

"Bakit naman po pati kami kasama? Maiiwan na lang po ako rito kasi marami pa akong gagawin bukas." pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan na parang ayaw kong makita ang kambal. Parang hindi ko yata ito napaghandaan. Okay, lang naman sa akin dati na labas pasok sa mansion, pero noon iyon, nu'ng wala pa ang pamilya De Hermosa.

"Hindi pwedeng hindi ka sasama, Trina. Si Don Ignacio ang nag-invite sa atin at nakakahiyang hindi tayo pupunta." ani ni Nanay na may inis sa kaniyang boses.

"Pero 'Nay, nakakahiya po."

"Bakit ka mahihiya? May dapat ka bang ikahiya? Oh, sa kambal ka nahihiya kung kaya't ayaw mong pumunta?" sunod-sunod na tanong ni Inay.

Tumahimik na lang ako. Wala akong nagawa kung 'di ang sumang-ayon na lang din kaysa dumami pa ang tanong ni Inay na hindi ko alam kung makakalusot ang sagot ko.

Kinaumagahan nga ay tumuloy kami sa mansion ng De Hermosa kasama ang aking pamilya. Nagsuot lang ako ng simpleng bestidang plain na kulay pink. Tinernuhan ko lang iyon ng puting sandal. Hindi ko na nagawang mag make-up sa mukha dahil hindi rin naman ako sanay na may kolorete sa mukha. Kaunting polbo lang at lipstick ay, okay na sa akin.

Pagdating namin sa mansion ay bumungad sa amin ang napakalawak na sala. Napakalinis ng mansion lalo na't hindi ito pinabayaan ng aking mga magulang sa mga panahon na wala ang magpamilya. Luminga-linga ako na para bang first-time kong pumasok dito kahit na parati naman akong pumupunta rito tuwing walang pasok para tulungan si Inay sa mga gawain. Pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata kung saan doon kami naglalaro nina Marco at Franco sa sahig at naglalatag ng kung anu-anong laruan. Hindi pa kami nakarating sa sala ng biglang lumabas si Don Ignacio kasama sina Marco at Franco. Natameme ako. Nalunok ko na yata ang dila ko. Wala man lang kahit isang salita na lumabas sa bibig ko nang makita ko ang dalawang lalaki na minsan kong naging kalaro at kaibigan. Narinig kong binati nina Nanay, Tatay, at Miko sina Don Ignacio pero ako kahit isang salita ay walang lumabas sa aking bibig. Totoo pala ang sabi ng aking kapatid. Ang mga dating patpatin, ngayon ay may mala-Adonis na katawan at kagwapuhan. Napakakisig nila sa simpleng suot na polo shirt at fitted short na hanggang tuhod. Magkaiba sila ng kagwapuhan pero hindi ko pa rin makakalimutan ang palatandaan ko sa kanila kung sino si Marco o si Franco. May maliit na nunal sa taas ng labi si Marco habang si Franco naman ay sa bandang ibaba.

"Trina? Kinakamusta ka ni Don Ignacio." bulong sa akin ni Inay at bahagyang siniko. Bumalik ako sa ulirat dahil sa ginawa ni Inay.

"Hah? Ahm, pasensya na po. Okay, naman po ako Don Ignacio." nahihiyang sabi ko. Napalunok ako dahil sa hiya. Pakiramdam ko namumula ang aking mukha na parang kumain ako ng ilang kilong labuyo.

"You are so beautiful, Katrina. Dati, naglalaro lang kayo nina Marco at Franco ng kung anu-ano, ngayon mga binata at dalaga na kayo." ani ni Don Ignacio na may malawak na ngiti sa labi.

"You are beautiful, Trina." segunda naman ni Marco. "I never thought we would see each other again. It's been twenty years but you're still the only Trina I've ever known. Siguro may boyfriend ka na ngayon." Nginitian niya ako nang malawak at bahagyang lumapit sa akin. Nagulat ako sa kaniyang ginawa dahil mahigpit akong niyakap ni Marco.

"I miss the little Katrina, who used to mock Franco." bulong nito sa aking tenga na may halong biro. Napangiti ako dahil sa kaniyang sinabi. Madalas kasi kaming mag-away ni Franco noon. Asar talo kasi si Franco dati kaya ang lagay ay nauuwi kami sa away.

"Kung alam niyo lang po Kuya Marco, no boyfriend since birth si Ate Trina. Maraming nanliligaw sa kaniya pero kahit isa walang pumasa. Baka hindi pasado sa taste niya 'yung mga nanliligaw sa kaniya o 'di kaya'y may hinihintay lang siya." biglang sabat ni Miko na nanahimik lang kanina sa gilid.

Nilakihan ko siya ng aking mga mata pero hindi iyon tumalab sa kaniya.

"Oh, that's good to hear. At least walang sagabal sa pag-aaral mo." dinig kong sabi ni Don Ignacio.

"Tama po kayo, pag-aaral po ang nasa isip ko at ang pagkakaroon ng boyfriend po ay nasa pinakahuling listahan ko." sabi ko.

Lumayo ako nang kaunti kay Marco at lumapit sa aking kapatid. Tahimik ko siyang kinurot sa tagiliran. Napahawak siya sa aking kamay dahil sa sakit.

"Magtanda ka!" inis kong bulong sa kaniyang tenga.

"Oh, Franco, Hindi mo ba kakamustahin si Trina?" sabi ni Don Ignacio sa anak niyang walang imik at nakikinig lang sa usapan.

Lumapit naman sa akin si Franco pero hindi katulad ng ginawa ni Marco.

"Nice to meet you, Katrina." Sabi niya sabay abot ng kaniyang kamay upang makipagkamay sa akin. Para lang siyang nakipagkamay sa business partner niya hindi sa dating kaibigan.

Tumango na lang ako at simpleng ngumiti.

Pagkatapos nang ilang minutong kamustahan at kwentuhan ay dumalo naman kami sa hapag kainan. Hindi pa rin tumitigil sa pagbibida si Marco na sinabayan naman ng aking kapatid na si Miko.

"Kuya, Marco turuan mo naman akong magmaneho ng kotse. Pangarap ko kasing magkaroon ng kotse katulad ng sports car mo." sabi ni Miko.

"Yeah, of course. Kailan mo ba gusto?" nakangiting sabi naman ni Marco.

"Tuwing weekend lang po ako walang pasok. Pero kung busy po kayo, okay lang po. Kahit 'wag na lang po."

"No, it's okay. I always have time. Hindi naman ako ganu'n ka busy na tao. Si Franco yata ang may hawak sa ganu'ng trono." tumawatang sabi ni Marco.

Tumingin ako kay Franco na tahimik lang sa gilid. Nagtama pa ang tingin namin nang marinig niya iyon sa kaniyang kambal.

"I'm not that so busy person. I'm the boss kaya hawak ko ang oras ko. I'll go to my office anytime. I'll go home anytime I want."

Seryosong sabi ni Franco. Hindi naman iyon kayabangan, he is just being honest.

"So, pwede niyo rin po ako turuan kung paano sumampa at magpatakbo ng kabayo?" boses na naman iyon ni Miko.

"Miko? Tumigil ka na nga. Nakakahiya ka na." saway ni Inay sa kapatid kong makapal ang mukha.

"It's okay, Nanay Celia. I can help Miko. Para ma-relax rin ang isip ko." Franco said.

"Naku! Pasensya na kayo sa batang ito." hinging paumanhin ni Nanay.

"Hayaan mo na sila, Celia. Para naman hindi puro trabaho ang inaatupag nitong mga anak ko. Mabuti nga at nag-suggest ka Miko." nakangiting sabi ni Don Ignacio.

Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Nauna na akong umuwi dahil may gagawin pa sina Nanay at Tatay sa mansion. Ang kapatid ko naman ay naging busy sa pakikipagkwentuhan kina Marco at Franco na para bang close na close niya ang mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status