Share

CHAPTER 2: MAGINOONG CLYDE

"Oh hayan Binibini. Kumain ka ng marami at sesermunan kita ah." patawang sagot nito.

Natapos na silang kumain, icecream na lang nila ang inuubos nila. Tumikhim si Clyde.

"Ehem, Chloe Robles. Pakiusap hindi ka naman binabawalan uminom. Pero maging responsable ka naman sa sarili mo. Yung kaya mo lang at may katinuan pang natitira sayo." Umpisa nitong sermon.

"Yes father,sorry po hindi ko nakontrol ang sarili ko sa pag inom ng alak. Kasalanan ko po" Mabait nyang sagot,habang nakangiti.

"Paano kung wala ako,kung sino lang ang maghahatid sayo. Tulog ka,hindi mo alam kung saan ka dadalhin. Ingatan mo naman ang sarili mo!" Inis na sabi ni Clyde at medyo tumaas ang boses kaya Nagtinginan ang ibang mga customers sa kanila na nagbubulungan.

"Opo superman... Hindi na po mauulit." Paghingi nya ng paumanhin.

Tumayo na si Clyde,at nilagay ang kanyang mga kamay sa bulsa. At seryoso nyang tinitigan si Chloe.

"Ayaw ko lang mapahamak ka Binibini, dahil hindi sa lahat ng oras ay lagi akong nasa tabi mo. Matuto ka din mag-ingat sa sarili mo. Maliwanag ba, dahil nag-iisa ka lang sa mundo ko." Seryoso at walang kurap na sinabi nito.

Napatulala naman si Chloe sa narinig. Sa mundo ko,ano kaya problema ng kanyang bestfriend. Masyado yatang madrama ito ngayon. Nasa isip nya.

Ang ibang customers ay kinilig at nagkomento.

Customer 1: Sana all ay mundo ako.

Customer 2: Cashier may benta din po b kayo na Superman, pakyawin ko na po.

Cashier: Oorder pa lang po mam at makabili din po.

Natawa naman si Chloe sa mga reaksyon ng mga tao sa convenient store. Napangiti tuloy sya kay Clyde.

Ito naman ay nakasimangot,at seryoso pa rin ang mukha.

"Pasensya na po kayo sa Superman ko ah, protective lang po talaga sya. Hihih..." Natatawa nyang sabi sa mga ito.

Cashier: Saan po ba makakahanap ng superman nyo mam!?!.

Customer1: Apaka swerte, gwapo na superhero pa, na boyfriend.

Chloe: Out of stock na po eh. Limited edition lang. Para sa akin lang po ginawa. heheh,mauna na po kami. Pasensya po.

Hinila na sya ni Clyde at pinayungan. Naglakad na lang sila, malapit lang naman kasi ang bahay nila.

"Hindi ka na nahihilo, isasakay na lang kita sa likod ko Binibini." Mahinang tanong nito sa kanya.

Tinitigan nya ito,mukhang pagod ito at antok na. Nakonsensya tuloy sya.

"Hindi naman superman ko, kaya ko naman. Sorry ah,promise iingatan ko na sarili ko. Mukhang pagod ka at antok na." Sagot at tanong nya.

"Medyo,may tinapos kasi kami na project." Matamlay nitong sagot.

"Ahh, konting pagtitiis na lang Clyde. Pagkagraduate natin hndi mo na ako kailangan bantayan at alagaan" Malungkot nyang sabi at yumuko.

"At sino naman may sabi sayo na titigil ako sa pagbabantay sayo. Kahit pa hindi na ako scholar ng Daddy mo. Babantayan pa rin kita. Kasama kana sa sistema ng buhay ko." Nakatitig nitong sabi.

"Palabiro ka na noh. Hahah... Pag nagkalovelife ka na,makakalimutan mo na ako." sabi nya rito.

"Nandito na tayo. Ayusin mo ang galaw mo, siguradong nakaabang na ang Daddy mo. Ako na bahalang magdahilan. Maging malambing ka lang." Pag utos nito sa kanya.

"Salamat Superman ko." Nakangiti nyang sabi.

Nakapasok na sila sa loob ng mansion.

Nakatayo ang Daddy nya sa hagdanan.

Tumikhim ito at sinalubong sila.

"Gabi na ahh,bakit ngayon lang kayo" Tanong nito.

"Good evening po Daddy." Pagbati nya at humalik sya sa sa pisngi nito.

"Magandang gabi po Mr. Robles. Pasensya po at ginabi kami,may tinapos po kasi na project sila Chloe. Kaya hinintay ko po sya." paliwanag ni Clyde.

"Opo Daddy,dami na po kasi projects. Sorry po at hindi ako nakapagpaalam sayo." Paghingi nya ng paumanhin.

"Sige ayos lang,basta lagi mo kasama si Clyde. Pasensya ka na Clyde naistorbo ka pa" litanya nito.

"Ok lang po,may tinapos din po kami. Kaya hinintay ko na lang po sya." Sagot ni Clyde.

"Daddy akyat na po ako ah.Salamat din Clyde sa paghintay sa akin" Paalam nya,at humalik muli sa pisngi nito.

"Ok sige magpahinga ka na. Goodnight anak." Niyakap nya ang kanya anak.

"Goodnight din Chloe,mag alarm ka 8:00am. First class natin." Paalala ni Clyde

"Magpahinga ka na dn Clyde, bukas dumaan ka sa office. Para makuha mo ang allowance mo." Sabi ni Mr. Robles.

"Sige po Sir,salamat po. Goodnight po." Sagot nya.

Chloe's POV

Nasa kwarto na sila Clyde at Chloe.

Pero hindi sila parehas makatulog.

Iniisip ni Chloe kung ano ba yung sinabi ni Clyde na "sa mundo ko". Hindi nya alam kung dapat ba sya kiligin. Kasi ang alam nya,kapatid at bestfriend lang ang turing nito sa kanya. Pero paano na kung mainlove sya sa kanyang Superman. Hilingin nya kanya sa kanyang Daddy na maghired na lang ito ng bodyguard nya. Wag na si Clyde,baka matukso na ang puso nya at bumigay. Akala ng iba boyfriend nya ito, pero hindi nila alam dahil sa utos ng kanyang daddy kaya sya pinoprotektahan ni Clyde. Paano na lang kung masanay sya na lagi itong nasa tabi nya. Baka mawalan na siya ng gana mabuhay sa mundong ibabaw. Paano kung makahanap ito ng Girlfriend at ipagdamot na si Clyde sa kanya.

Ano ba ang dapat nyang gawin. Napasigaw sya ng biglang kumidlat ng malakas at bumuhos ang ulan. Natatakot talaga sya sa kidlat at ulan na malakas. Nagring ang celphone nya. Ang Superman nya tumatawag.

Chloe: Hello,... Superman.

Clyde: Binibini, rinig dito ang tili mo. Alam ko takot ka sa ulan at kidlat. Kung pede lang kita puntaha jan sa kwarto mo. Para masamahan.

Chloe: Salamat... Nagulat lang kasi ako Clyde. Naiiyak na sabi nya.

Clyde: Alam ko kaya nga tumawag ako agad sayo. Yumakap ka ng isang unan at isipin mo yan ang Mommy mo. Ipanatag mo ang isip mo. Matulog ka na maaga pa tayo bukas.

Chloe: Sige... Salamat. Goodnight Superman.

Clyde: Goodnight Binibini ko. Matulog ka ng mahimbing.

Natapos na ang kanilang pag uusap.

Paanong hindi ka maiinlove sa ganito sa thoughtful na lalaki. Lord thank you po binigyan mo ako ng Superman named CLYDE. Kahit po walang label ang relasyon namin. Masaya na ako. Nakatulog na sya.

Clyde's POV

Nakapikit na sya, nang marinig nya ang tili ni Chloe. May trauma kasi ito sa ulan at kidlat. Dahil nang mamatay ang mommy nito, nakita nya ito na walang buhay sa loob ng kwarto. Na umuulan at kumidlat ng malakas. Kaya lagi ito takot mag-isa pag umuulan ng malakas,sabayan pa ng kulog at kidlat.

Ang kanyang Nanay ang naging pangalawang ina nito mula ng maulila sa mommy nya. Kaya naawa din sya sa kanyang Binibini,kaya tinuring nya itong nakakabatang kapatid na handa nyang protektahan. Pero parang mas gusto nalang nyang maging prinsipe nito. Hinahanap-hanap na nya ito sa lahat ng oras, pag may ibang lalaki na lumlapit ay nagagalit sya. Gusto nya sya lang ang magprotekta sa kanya walang iba. Naging paborito nya ang ngiti nitong mala anghel at mga matang laging nangungusap. Pero kuya at bestfriend lang ang turing nito sa kanya. Ano ba. ang kanyang dapat gawin kung ang mundo nya ay si Chloe na. Saan sya lulugar,alam nya din na hindi sya nababagay kay Chloe. Dahil sa anak ito ng amo ng kanyang ina. Wala siyang ipagmamalaki sa pamilya nito. Bahala na si Lord. Basta masaya sya na kasama ito araw-araw.

Maaga siyang gumising para hindi sila malate ng kanyang binibini. Kumatok na sya sa silid nito.

"Binibini... Gising na, maaga pa ang ating unang klase." Malambing nyang pagtawag.

"Anak Clyde,kanina pa nasa komedor si mam Chloe. Dun ka na daw niya hihintayin. Nag-aalmusal na sya" Sabi ng kanyang Nanay Cynthia.

"Himala ang aga yata nito nagising at nag aalmusal na ito ngayon. Salamat po Nanay" Sagot nya sa kanyang nanay at niyakap nya ito ng mahigpit.

"Lagi ka mag-iingat anak ko. Alagaan mong mabuti si maam Chloe." Paalala ng kanyang Nanay Cynthia.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status