LOGINMaagang nagising si Ella Ramirez bago pa sumikat ang araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa labas. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kalendaryo sa dingding: First day of classes. BS Biology. Scholarship mula sa CHED. Part-time job sa coffee shop.
Marami siyang kailangan patunayan—sa sarili at sa mundong hindi niya pinili pero kailangan niyang harapin. Paglabas niya sa balcony, agad niyang nakita ang paparating na motor. Matte-black, makintab, at may presensiyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Jake iyong—kaibigan niya mula senior high, laging may ngiti, laging may energy, at laging handang sumalo sa mga araw na mabigat para sa kanya.
Huminto ang motor sa tapat ng mansyon. Nakasandal si Jake, naka-black helmet, naka-leather jacket, parang poster boy ng isang motorcycle magazine. Walang pakialam sa yaman ng mansyon. Walang pakialam sa mga taong nakatira rito. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit komportable si Ella sa kanya.
“Ella!” sigaw ni Jake ng matanaw siyang papalabas ng main door. “Ready?”
Ngumiti si Ella, at sa ngiting iyon, parang nabawasan ang bigat ng mundo. “Yeah. Thanks for picking me up.”
Pero bago pa siya makalapit sa motor, bumukas ang main door. Lumabas si Marissa, ang kanyang ina, at kasunod nito si Alexander—ang lalaking hindi niya lubos maintindihan.
Tahimik si Alexander. Pero ang paraan ng pagtigil niya sa may pintuan, ang tikas ng postura, at ang malamig pero matalim na tingin na ibinato niya kay Jake—sapat para maramdaman ni Ella ang biglang pagbigat ng hangin.
Hindi galit. Hindi selos. Pero may tensyon na parang pader na hindi mo basta mababasag.
“Hello po tita,” bati ni Jake kay Marissa.
Ngumiti si Marissa. “Hello Jake, long time no see. Kumusta ka na?”
“Okay lang po tita,” magalang na sagot ng binata.
Binaling ni Jake ang kanyang tingin kay Alexander, “Hello po, I’m Jake, kaibigan po ni Ella.”
Katahimikan ang sagot ni Alexander.
Napayuko na lang si Jake bilang respeto.
Lumapit si Ella sa motor, pero bago siya makasakay, nagsalita si Alexander—mababa ang tono, pero matalim, parang utos na hindi mo pwedeng balewalain.
“Helmet.”
Napatingin si Ella. “Ha?”
“Siguraduhin mong maayos ang pag-kakasuot,” dagdag niya, hindi tumitingin kay Jake. Kay Ella lang. Parang may invisible line na nag-uugnay sa kanilang dalawa.
“Safe naman po ’to, sir,” sagot ni Jake, magalang pa rin.
Hindi sumagot si Alexander. Pero ang tingin niya kay Ella ay malinaw:
Hindi ko gusto ’to.
Hindi niya sinabi. Pero ramdam.
“Text your mother when you arrive,” sabi ni Alexander, kalmado pero may bigat.
“Okay,” sagot ni Ella, mabilis na tumalikod.
Pero bago siya makasakay, naramdaman niya ang tingin ni Alexander sa likod niya—hindi possessive, hindi controlling, pero may silent tension na hindi niya maipaliwanag. Parang may gustong sabihin, pero pinipiling manahimik.
At hindi niya gustong isipin iyon.
Habang umaandar ang motor, naramdaman ni Ella ang hangin sa mukha niya—malaya, magaan, at malayo sa presensya ni Alexander. Sa wakas, nakahinga siya nang maluwag.
“Uy,” sigaw ni Jake habang nagmamaneho. “Mukhang hindi sanay si stepdad mo sa motor.”
Napatawa si Ella. “Hindi siya sanay sa kahit anong hindi mamahalin.”
“Pero parang… hindi niya gusto na ako ang sumundo sa ’yo.”
Napalingon si Ella, pero hindi sumagot. Hindi niya gustong pag-usapan si Alexander. Hindi niya gustong isipin ang reaksyon nito. Pero bakit ba hindi mawala sa isip niya?
Bakit ba parang may bigat sa dibdib niya tuwing naaalala niya ang tingin nito?
…
Pareho sila ng kurso ni Jake pero siya ay ahead ng isang taon.
“Natutuwa ako at nakabalik ka uli sa school, Ella,” masayang sambit ni Jake.
“Masaya rin ako dahil matutuloy ko na ang pangarap kung maging doctor,” sagot ni Ella sabay bukas ng kanyang libro. Magkaklase sila sa isang subject kaya pinili rin nilang magkatabi sa upuan.
“Pero di ko gusto ang stepdad mo, there’s something in him. Daig pa niya si tito,” pabulong na sabi ni Jake.
“Di ko rin naman siya gusto pero nakita kung masaya si mama kaya hinahayaan ko na lang.”
“Paano yan, si tita wala akong problema pero mukhang mag-kakaproblema ako sa stepdad mo.”
“Mag-kakaproblema? What do you mean?”
“Aakyat sana ako ng ligaw,” pabulong na parang may halong biro.
“Tumigil ka nga jan. Akyat ng ligaw,” sabay mahinang paghampas sa balikat nito.
“Seryoso ako,” pabulong ni Jake sa sarili.
“Good morning, class!” sabay sambit ng kapapasok nilang professor.
Si Jake ang kasa-kasama ni Ella tuwing nagpupunta siya sa ospital. Sa bawat araw na binabantayan niya ang kanyang ama—sa bawat oras na nakaupo siya sa gilid ng kama, nakikinig sa mahinang tunog ng mga makina—si Jake ang tahimik na sandalan niya. Siya ang laging tumatakbo sa pharmacy kapag may kulang na gamot, siya ang bumibili ng pagkain kapag hindi na nakakakain si Ella, at siya ang nag-aabot ng tubig kapag nanginginig ang kamay niya sa pagod.
At noong gabing iyon—ang gabing binastos siya ni Alexander, ang gabing hindi niya alam kung paano huminga sa takot at galit—si Jake ang una niyang tinawag.
At ang pagbibiro ni Jake nang mga sandaling ‘yon ay may nais ipahiwatig na siyang nagpapagulo ngayon sa kanyang isip. Bakit nga ba nandyan siya lagi? Bakit nga ba isang tawag lang niya ay nandiyan agad siya? Parang walang siyang maalala na hindi siya hinindian ni Jake.
…
Pagkatapos ng klase, pagkatapos ng shift sa coffee shop, at pagkatapos ng mahabang araw na puno ng bagong mukha, bagong pressure, at bagong pagod, umuwi si Ella sa mansyon. Tahimik ang buong lugar—mas tahimik kaysa karaniwan—pero hindi empty.
Pagpasok niya sa living room, agad niyang nakita si Alexander.
Nakaupo ito sa sofa, may hawak na tablet, pero halatang hindi nagbabasa. Hindi gumagalaw ang screen. Hindi nag-i-scroll. Parang matagal na siyang hinihintay. Parang may gustong sabihin pero hindi alam kung paano sisimulan.
“Kamusta ang first day?” tanong niya, hindi tumitingin.
“Okay lang.”
“Hinatid ka ni Jake.”
“Dinig naman siguro ‘yung motor,” sagot ni Ella, may bahagyang inis na hindi niya tinago.
Tumayo si Alexander. Walang pasabi. Walang paliwanag.
“Sumunod ka.”
“Ha?”
“Basta sumunod ka…”
Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya nakatanggi. May kung anong tono sa boses ni Alexander na hindi niya maipaliwanag—hindi utos, hindi pakiusap, pero may bigat na hindi niya kayang balewalain.
Tahimik siyang sumunod.
Ang mansyon ay may tatlong palapag. Ang unang palapag ay basement—isang lugar na hindi niya pa napuntahan. At doon sila patungo. Hindi na nagtanong si Ella. May something sa sandaling iyon na parang hinihila siya ng curiosity, o baka ng presensya ni Alexander mismo.
Pagbukas ng malaking p***o, bumungad sa kanya ang tanawin na hindi niya inaasahan. Dalawampung luxury cars. Iba’t ibang modelo, iba’t ibang kulay, iba’t ibang presensya. Parang museum ng kayamanan. Parang showroom ng isang taong hindi nauubusan ng pera.
Na-overwhelm si Ella. Hindi niya na pigilan ang pagliwanag ng mga mata niya. Isa-isa niyang nilapitan ang mga kotse, hinaplos ang makintab na pintura, tiningnan ang loob, at kahit tahimik siya, halata ang excitement sa mukha niya.
Nakasunod lang si Alexander, nakamasid, parang sinusukat ang bawat reaksyon niya.
“Pumili ka ng gusto mo,” sabi ni Alexander, kalmado pero may diin. “Marunong ka bang mag-drive?”
Bigla siyang natigilan. Parang bumalik siya sa sarili. Kanina lang ay tuwang-tuwa ang mga mata niya, pero ngayon, may malamig na hangin na parang pumuwing sa dibdib niya.
“Hindi ko kailangan ng sasakyan mo,” sagot niya, bumalik ang katarayan. “Puwede naman akong mag-commute.”
“Bakit mo pahihirapan ang sarili mo kung pwede mo namang gawing madali?” sagot ni Alexander, mas firm ngayon, mas may bigat.
“Bakit ba ayaw mo akong tantanan?” inis na balik ni Ella.
Tumalikod siya, pero bago pa siya makalakad ng tuluyan—
Nag-blackout.
Biglang nagdilim ang buong basement. Walang ilaw. Walang tunog. Walang kahit ano.
At sa sobrang gulat, hindi niya namalayan na napa-yakap siya kay Alexander.
Mainit ang dibdib nito. Malakas ang pintig ng puso. Ramdam niya ang tibok, mabilis, matatag, at mas malakas kaysa inaasahan niya. Nasa bisig niya ang lalaking lagi niyang inaaway, pero sa sandaling iyon, siya mismo ang nakayakap.
Limang segundo. Limang segundo ng dilim. Limang segundo ng yakap na hindi niya sinasadya.
At bumalik ang power.
Parang nagising si Ella mula sa isang panaginip. Mabilis siyang kumawala mula sa pagkakayakap kay Alexander, parang napaso, parang nahuli sa isang bagay na hindi dapat mangyari.
Hindi siya tumingin sa kanya. Hindi siya nagsalita. Mabilis siyang naglakad paakyat sa main floor, halos tumatakbo, halos hindi humihinga.
At si Alexander… nanatiling nakatayo sa basement, nakatingin sa direksyong nilisan niya, hawak ang dibdib na parang siya naman ang nawalan ng balance.
Maagang nagising si Ella Ramirez bago pa sumikat ang araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa labas. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kalendaryo sa dingding: First day of classes. BS Biology. Scholarship mula sa CHED. Part-time job sa coffee shop.Marami siyang kailangan patunayan—sa sarili at sa mundong hindi niya pinili pero kailangan niyang harapin. Paglabas niya sa balcony, agad niyang nakita ang paparating na motor. Matte-black, makintab, at may presensiyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Jake iyong—kaibigan niya mula senior high, laging may ngiti, laging may energy, at laging handang sumalo sa mga araw na mabigat para sa kanya.Huminto ang motor sa tapat ng mansyon. Nakasandal si Jake, naka-black helmet, naka-leather jacket, parang poster boy ng isang motorcycle magazine. Walang pakialam sa yaman ng mansyon. Walang pakialam sa mga taong nakatira rito. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit komportable si Ella sa kanya.
“May pinagmanahan,” nakangiting bulong ni Alexander sa sarili habang nakatayo sa gilid ng driveway, pinagmamasdan si Ella na papalayo. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat pag-irap, bawat pagtaas ng kilay, at bawat matapang na sagot ng dalaga, ay bumabalik ang kakaibang nararamdaman niya six months ago.At doon muling bumalik sa kanya ang gabing iyon—ang gabing hindi niya makalimutan.…Six Months AgoMaulan ang gabi, at ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap sa basang kalsada. Si Alexander, kasama ang kaibigan sina Marco at Dylan, ay nagpunta sa isang private hotel na may lounge bar—isang lugar na kilala sa tahimik na ambiance, imported drinks, at mga magagandang waitress.“Bro, relax,” sabi ni Marco habang naglalakad sila papasok. “You need a break. Work has been killing you.”Alexander didn’t argue. Sa totoo lang, pagod siya—hindi lang sa trabaho sa real estate, kundi sa mismong buhay na matagal na niyang tinatahak mag-isa. May pera siya, may pangalan, may respeto. May mga bab
Ang unang umaga ni Ella sa mansyon ay hindi tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi siya agad bumangon nang may sigla; sa halip, nanatili siya sa kama, nakatitig sa kisame na parang may bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ang katahimikan ng kwarto ay hindi nakapagbigay ng ginhawa—mas lalo lang niyang naramdaman na nasa lugar siya na hindi niya pinili.Mabagal siyang bumangon at naglakad papunta sa balcony. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng malamig at sariwang hangin mula sa malawak na garden. Ang mga dahon ay kumikislap sa umaga, at ang mga ibon ay tila masaya sa kanilang awit. Pero siya? Hindi niya maramdaman ang saya. Para siyang bisita sa sariling buhay.Habang nakasandal siya sa railing, napansin niya si Alexander sa di kalayuan. May kausap itong dalawang lalake na naka-puting barong—matipuno, seryoso, at halatang trained. Bodyguards. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking ito? Bakit may bodyguards? Ano bang business niya?Hindi niy
Ang wedding reception ay ginanap sa isang marangyang ballroom na puno ng kristal, ilaw, at mga taong may kapangyarihan. Sa bawat sulok, may negosyanteng kilala sa industriya, may politiko, may kilalang personalidad. Para kay Ella Ramirez, parang isa itong mundong hindi niya kailanman gustong pasukin.Habang naglalakad siya papasok, ramdam niya ang bigat ng mga mata ng mga bisita—hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa lalaking bagong asawa ng kanyang ina.Si Alexander Cortez, ang bilyonaryo ng may presensya ng hindi mo pwedeng balewalain, ay gumagalaw sa gitna ng crowd na parang siya ang hari ng gabi. Nakikipag-kamay, nakikipag-usap, tumatawa—lahat ng tao ay tila humahanga sa kanya. Samantalang ang kanyang ina ay abala sa kanyang mga bagong kaibigan, na tila nakalaya sa hawla.At si Ella? Pilit na iniiwasan ang bawat tingin niya.…Hindi pa man siya nakakalayo, narinig niya ang pamilyar na tinig sa likuran.“Ella.”Napapikit siya. Hindi na naman.Paglingon niya, naroon si Alexander—nakan
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mailibing si Gabriel Ramirez, ngunit para kay Ella, parang hindi pa nagsisimula ang paghilom ng sugat. Halos isang taon ding pabalik‑balik ang kanyang ama sa ospital para sa dialysis—isang taon ng takot, pagod, at pagkapit sa pag-asang gagaling pa ito. At sa bawat linggo ng gamutan, unti‑unting nauubos ang ipon ng pamilya, pati ang lakas ni Gabriel.Dahil dito, napilitan si Ella na tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Iyon ang pinakamasakit para sa kanya—hindi dahil sa ambisyon, kundi dahil alam niyang iyon ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Pero sa harap ng lumalaking gastusin, wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang magtrabaho bilang waitress, magpuyat, magtipid, at gawin ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.Masigasig din ang kanyang ina, si Marissa, sa paglapit sa DSWD at sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kahit gaano kahaba ang pila, kahit gaano kainit ang araw, kahit gaano kabigat ang hiya, tiniis niya an







