Mag-log in
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mailibing si Gabriel Ramirez, ngunit para kay Ella, parang hindi pa nagsisimula ang paghilom ng sugat. Halos isang taon ding pabalik‑balik ang kanyang ama sa ospital para sa dialysis—isang taon ng takot, pagod, at pagkapit sa pag-asang gagaling pa ito. At sa bawat linggo ng gamutan, unti‑unting nauubos ang ipon ng pamilya, pati ang lakas ni Gabriel.
Dahil dito, napilitan si Ella na tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Iyon ang pinakamasakit para sa kanya—hindi dahil sa ambisyon, kundi dahil alam niyang iyon ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Pero sa harap ng lumalaking gastusin, wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang magtrabaho bilang waitress, magpuyat, magtipid, at gawin ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Masigasig din ang kanyang ina, si Marissa, sa paglapit sa DSWD at sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kahit gaano kahaba ang pila, kahit gaano kainit ang araw, kahit gaano kabigat ang hiya, tiniis niya ang lahat para lang masustain ang pagpapagamot ni Gabriel. Isang taon ng paghihirap, pag-aalala, at pagkapit sa pag-asang may bukas pa.
At ngayon… wala na ang kanyang ama.
Sa katahimikan ng bahay, sa bawat sulok na may alaala ni Gabriel, hindi maipaliwanag ni Ella ang bigat sa dibdib niya. Hindi niya alam kung galit ba siya, malungkot, pagod, o tulala lang. Ang alam lang niya—sa sandaling iyon, sa mismong oras na huminga siya ng malalim—namimiss niya ang kanyang ama nang sobra-sobra, na parang may bahagi ng puso niyang hindi na babalik.
Kaya nang isang hapon, habang nakaupo siya sa lumang sofa, hawak-hawak ang lumang picture frame ng kanilang pamilya, narinig niya ang tinig ng kanyang ina—magaan, masaya, halos kumikislap sa tuwa.
“Ella,” tawag ni Marissa, may kakaibang ningning sa mga mata. “May sasabihin ako.”
May kaba agad na gumapang sa dibdib ni Ella. “Ano po ’yon, Ma?”
Huminga nang malalim ang kanyang ina. “Magpapakasal na ako.”
Parang may sumabog na bomba sa loob ng puso ni Ella. Nabitiwan niya ang picture frame, at tumama ito sa sahig—nabasag ang salamin, parang simbolo ng panibagong yugto na pilit ibinubukas sa kanila.
“Ma… dalawang buwan pa lang mula nang—”
“Alam ko,” putol ni Marissa, ngunit hindi nawala ang ngiti. “Pero dumating si Alexander Cortez sa buhay ko sa panahong kailangan ko ng lakas. Sa maikling panahon, nakaramdam uli ako ng kasiyahan.”
“Ma!” Lumapit si Ella, nanginginig ang boses. “Ma, kakalibing lang kay Papa! Tapos magpapakasal ka na? Tapos kailan mo lang nakilala?”
“Kilalang-kilala ko siya, anak. Mabuti siyang tao,” sagot ng ina. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Ella. “Ella, makakaginhawa na tayo. Pagkatapos ng matinding hirap na dinanas natin mula sa pagbagsak ng negosyo ng papa mo hanggang sa siya’y nagkasakit… eto na. Makakaginhawa na tayo.”
“Ma! Alam mo ba ang sinasabi mo? Magpapakasal ka dahil sa pera? Dahil sa kaginhawaan?”
“Ella, matagal nating ipinaglaban ang papa mo. Lahat ng paraan ginawa natin para gumaling siya, kahit alam nating habang-buhay na gamutan ang dialysis. Pero ang papa mo na rin ang sumuko… at mas nahihirapan siyang nakikita tayong nahihirapan.” Tumulo ang luha ni Marissa. “Alam kong ito ang gusto niyang mangyari sa atin.”
“Ma…”
“Magpapakasal ako,” matatag na sabi ni Marissa, “sa ayaw mo't sa gusto mo.”
Parang binuhusan si Ella ng malamig na tubig. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit—ang bilis ng desisyon ng kanyang ina, o ang pakiramdam na parang pinapalitan nito ang ama niya.
“Hindi ko siya matatanggap,” mariin niyang sabi.
“Anak…” Lumapit ang ina, pero umatras si Ella. “Hindi ko hinihingi na tanggapin mo siya. Pero sana, huwag mo akong pigilan na gawin ito para sa iyo. Maipagpapatuloy mo na ang pag-aaral mo. Hindi mo na kailangan magtrabaho para may pang tustos ka lang. Matutupad mo rin ang pangarap mong maging doctor.”
“Ikaw ang may kailangan sa kanya, Ma!” sagot ni Ella, puno ng sakit. “Kaya kung suportahan ang sarili ko…” Tumalikod siya, palayo, hindi na kayang tapusin ang sasabihin.
…
Kinabukasan, naghanda si Marissa ng maliit na hapunan para ipakilala si Alexander. Ayaw sana ni Ella, pero hindi niya kayang iwan ang ina sa sitwasyong siya mismo ang nagpasimula ng tensyon.
Pagpasok niya sa dining room, nakita niya ang isang lalaking nakasuot ng dark suit—matangkad, maputi, may appeal na lahat ay mapapatingin, at may kumpiyansa ng parang pag-aari niya ang buong mundo.
At nang magtagpo ang kanilang mga mata, parang may humigop ng hangin sa paligid.
Hindi siya nagkamali.
Si Alexander Cortez—ang lalaking minsan niyang sinampal sa isang private room ng hotel, ang lalaking humila sa kanya sa kandungan nito at inalok siyang bayaran kapalit ng isang gabi—ay ngayon ang lalaking gustong pakasalan ng kanyang ina.
Napako si Ella sa kinatatayuan.
At si Alexander… ngumiti, pilit tinatago ang pagkabigla ng Makita siya.
“Ella, this is Alexander,” masayang pakilala ni Marissa.
Lumapit ang lalaki, may tikas sa bawat hakbang. “It’s nice to finally meet you, Ella.”
Hindi niya alam kung paano siya nakangiti pabalik. “Likewise.”
Pero sa likod ng ngiting iyon, nag-aalab ang galit, hiya, at pagkasuklam.
Ito ang lalaking papalit sa ama niya? Mababa ang tingin sa mga katulad niyang nagtatrabaho bilang waitress sa bar.
…
Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam si Marissa para saglit na kausapin ang wedding coordinator sa telepono. Naiwan sina Ella at Alexander sa sala—isang katahimikang puno ng tensyon.
Alexander leaned back sa sofa, relaxed, halos nanunukso ang ngiti. “Matagal na rin pala mula noong huli tayong nagkita. That was six months ago.”
Napakuyom ang kamao ni Ella. “Huwag mong banggitin ‘yon.”
“Bakit naman?” tanong niya, may bahagyang tawa sa tinig. “Hindi ko makakalimutan ang babaeng unang sumampal sa akin.”
“Hindi ko ’yon ikinakaproud,” sagot ni Ella, malamig. “At hindi ko kailangan ng paalala mula sa ‘yo.”
“Hmm.” Tumango si Alexander, parang lalo pang naaliw. “Pero ako, proud ako. Hindi araw-araw may babaeng hindi natitinag sa pera ko.”
“Hindi ako natutuwa sa pang-aasar mo.”
“Pero natutuwa ako sa reaksyon mo.”
Napa-atras si Ella, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa inis na hindi niya maipaliwanag. “Kung may respeto ka sa Mama ko, huwag mo nang banggitin ang gabing ‘yon.”
“Kung ‘yan ang gusto mo,” sagot niya, pero hindi nawala ang ngiti. “Pero hindi ko maipapangako na hindi kita aasarin paminsan-minsan. You’re… interesting.”
“Hindi ako interesado sa opinyon mo.”
“Pero ako, interesado sa ’yo.”
Tumayo si Ella, hindi na makayanan ang presensya niya. “Kahit kailan hindi kita matatanggap lalo na’t alam kong bastos ka sa mga babae.”
“Hindi ko kailangan ang pagtanggap mo,” sagot niya, tumayo rin. “Pero aaminin ko—mas magiging masaya ang buhay ko kung palagi kitang makikita.”
“Hindi mo ako kilala.”
“Pero gusto kong makilala ka.”
Hindi niya alam kung bakit, pero ang paraan ng pagkakasabi niya—kalma, tiyak, at may bahagyang lambing—ay nagdulot ng kakaibang kilabot sa puso niya.
Hindi niya iyon gusto.
Hindi niya iyon dapat maramdaman.
…
Pagbalik ni Marissa, masaya nitong inanunsyo ang isang bagay na nagpatigil sa mundo ni Ella.
“Anak,” sabi ng ina, halos nangingiti sa tuwa, “the wedding is in three days.”
Tatlong araw.
Tatlong araw para tanggapin ang lalaking minsan siyang inalok ng pera kapalit ng isang gabi.
Tatlong araw para tanggapin na papalitan nito ang ama niya.
Tatlong araw para harapin ang katotohanan na hindi niya kayang tanggapin.
Nalaglag ang tingin ni Ella sa sahig, habang si Alexander ay nakatingin sa kanya—hindi na nanunukso, hindi na nakangiti, kundi parang alam niya ang bigat ng nararamdaman niya.
Tatlong araw.
At wala siyang oras para huminga.
Maagang nagising si Ella Ramirez bago pa sumikat ang araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa labas. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kalendaryo sa dingding: First day of classes. BS Biology. Scholarship mula sa CHED. Part-time job sa coffee shop.Marami siyang kailangan patunayan—sa sarili at sa mundong hindi niya pinili pero kailangan niyang harapin. Paglabas niya sa balcony, agad niyang nakita ang paparating na motor. Matte-black, makintab, at may presensiyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Jake iyong—kaibigan niya mula senior high, laging may ngiti, laging may energy, at laging handang sumalo sa mga araw na mabigat para sa kanya.Huminto ang motor sa tapat ng mansyon. Nakasandal si Jake, naka-black helmet, naka-leather jacket, parang poster boy ng isang motorcycle magazine. Walang pakialam sa yaman ng mansyon. Walang pakialam sa mga taong nakatira rito. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit komportable si Ella sa kanya.
“May pinagmanahan,” nakangiting bulong ni Alexander sa sarili habang nakatayo sa gilid ng driveway, pinagmamasdan si Ella na papalayo. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat pag-irap, bawat pagtaas ng kilay, at bawat matapang na sagot ng dalaga, ay bumabalik ang kakaibang nararamdaman niya six months ago.At doon muling bumalik sa kanya ang gabing iyon—ang gabing hindi niya makalimutan.…Six Months AgoMaulan ang gabi, at ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap sa basang kalsada. Si Alexander, kasama ang kaibigan sina Marco at Dylan, ay nagpunta sa isang private hotel na may lounge bar—isang lugar na kilala sa tahimik na ambiance, imported drinks, at mga magagandang waitress.“Bro, relax,” sabi ni Marco habang naglalakad sila papasok. “You need a break. Work has been killing you.”Alexander didn’t argue. Sa totoo lang, pagod siya—hindi lang sa trabaho sa real estate, kundi sa mismong buhay na matagal na niyang tinatahak mag-isa. May pera siya, may pangalan, may respeto. May mga bab
Ang unang umaga ni Ella sa mansyon ay hindi tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi siya agad bumangon nang may sigla; sa halip, nanatili siya sa kama, nakatitig sa kisame na parang may bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ang katahimikan ng kwarto ay hindi nakapagbigay ng ginhawa—mas lalo lang niyang naramdaman na nasa lugar siya na hindi niya pinili.Mabagal siyang bumangon at naglakad papunta sa balcony. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng malamig at sariwang hangin mula sa malawak na garden. Ang mga dahon ay kumikislap sa umaga, at ang mga ibon ay tila masaya sa kanilang awit. Pero siya? Hindi niya maramdaman ang saya. Para siyang bisita sa sariling buhay.Habang nakasandal siya sa railing, napansin niya si Alexander sa di kalayuan. May kausap itong dalawang lalake na naka-puting barong—matipuno, seryoso, at halatang trained. Bodyguards. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking ito? Bakit may bodyguards? Ano bang business niya?Hindi niy
Ang wedding reception ay ginanap sa isang marangyang ballroom na puno ng kristal, ilaw, at mga taong may kapangyarihan. Sa bawat sulok, may negosyanteng kilala sa industriya, may politiko, may kilalang personalidad. Para kay Ella Ramirez, parang isa itong mundong hindi niya kailanman gustong pasukin.Habang naglalakad siya papasok, ramdam niya ang bigat ng mga mata ng mga bisita—hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa lalaking bagong asawa ng kanyang ina.Si Alexander Cortez, ang bilyonaryo ng may presensya ng hindi mo pwedeng balewalain, ay gumagalaw sa gitna ng crowd na parang siya ang hari ng gabi. Nakikipag-kamay, nakikipag-usap, tumatawa—lahat ng tao ay tila humahanga sa kanya. Samantalang ang kanyang ina ay abala sa kanyang mga bagong kaibigan, na tila nakalaya sa hawla.At si Ella? Pilit na iniiwasan ang bawat tingin niya.…Hindi pa man siya nakakalayo, narinig niya ang pamilyar na tinig sa likuran.“Ella.”Napapikit siya. Hindi na naman.Paglingon niya, naroon si Alexander—nakan
Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mailibing si Gabriel Ramirez, ngunit para kay Ella, parang hindi pa nagsisimula ang paghilom ng sugat. Halos isang taon ding pabalik‑balik ang kanyang ama sa ospital para sa dialysis—isang taon ng takot, pagod, at pagkapit sa pag-asang gagaling pa ito. At sa bawat linggo ng gamutan, unti‑unting nauubos ang ipon ng pamilya, pati ang lakas ni Gabriel.Dahil dito, napilitan si Ella na tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Iyon ang pinakamasakit para sa kanya—hindi dahil sa ambisyon, kundi dahil alam niyang iyon ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Pero sa harap ng lumalaking gastusin, wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang magtrabaho bilang waitress, magpuyat, magtipid, at gawin ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.Masigasig din ang kanyang ina, si Marissa, sa paglapit sa DSWD at sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kahit gaano kahaba ang pila, kahit gaano kainit ang araw, kahit gaano kabigat ang hiya, tiniis niya an







