Share

Chapter 2

Author: C.M. Santos
last update publish date: 2026-11-06 07:51:21

Ang wedding reception ay ginanap sa isang marangyang ballroom na puno ng kristal, ilaw, at mga taong may kapangyarihan. Sa bawat sulok, may negosyanteng kilala sa industriya, may politiko, may kilalang personalidad. Para kay Ella Ramirez, parang isa itong mundong hindi niya kailanman gustong pasukin.

Habang naglalakad siya papasok, ramdam niya ang bigat ng mga mata ng mga bisita—hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa lalaking bagong asawa ng kanyang ina.

Si Alexander Cortez, ang bilyonaryo ng may presensya ng hindi mo pwedeng balewalain, ay gumagalaw sa gitna ng crowd na parang siya ang hari ng gabi. Nakikipag-kamay, nakikipag-usap, tumatawa—lahat ng tao ay tila humahanga sa kanya. Samantalang ang kanyang ina ay abala sa kanyang mga bagong kaibigan, na tila nakalaya sa hawla.

At si Ella? Pilit na iniiwasan ang bawat tingin niya.

…

Hindi pa man siya nakakalayo, narinig niya ang pamilyar na tinig sa likuran.

“Ella.”

Napapikit siya. Hindi na naman.

Paglingon niya, naroon si Alexander—nakangiti, parang walang nangyaring tensyon sa pagitan nila.

“You look stunning tonight,” sabi niya, may bahagyang biro sa tono.

“Hindi ko kailangan ng compliment mo,” sagot ni Ella, malamig.

“Hindi naman compliment,” sagot niya, bahagyang yumuko. “Observation lang.”

“Pwede bang lumayo ka?”

“Pwede,” sagot niya, “but you’re like a magnet.”

Napairap si Ella at mabilis na tumalikod, pero sumunod siya. “Ella, hindi mo ba ako babatiin? Newly married ako.”

“Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo pinakasalan ang mama ko?” sagot niya.

Natawa si Alexander sa sagot niya. “Kung maaga ko lang nalaman na ikaw pala ang anak niya, ay sana hindi ko na tinuloy. Pero bastos man ako sa paningin mo may isa akong salita at hindi ko na pwedeng bawiin.”

“Eh ‘di tigilan mo na sana ako,” inis niyang sagot.

“But when I saw you, bumalik ang gabing nakaranas ako ng unang sampal mula sa isang babae and that’s makes me intriguing,” sagot niya, may ngiting nanunukso.

Napahinto si Ella, mabilis na lumingon. “Wala ka na bang alam ungkatin kundi ang gabing yun?”

“You look prettier pag inaasar ka,” nakangiting sagot ni Alexander.

“Pwede ba asikasuhin mo ang mga bisita mo. Pabayaan mo na ako dito at huwag mo sanang ipagsabi sa iba na minsan ay may binastos kang babae na ang hangad lang ay magtrabaho ng marangal.”

“Hindi ko naman sinabi sa iba,” sagot niya, bahagyang lumapit. “Sa ’yo ko lang binabanggit. Para maalala mo.”

“Hindi ko kailangan ng paalala.”

“Ngunit simula nang makita kita bumalik sa aking alaala ang gabing ‘yun.”

Hindi niya alam kung bakit, pero ang paraan ng pagkakasabi niya—parang may lihim na kahulugan—ay nagdulot ng kilabot sa puso niya.

…

Sa buong reception, pilit na umiikot si Ella sa mga mesa, sa mga grupo ng bisita, sa mga lugar na alam niyang hindi pupuntahan ni Alexander. Pero sa bawat pagliko niya, naroon siya—nakangiti, nanunukso, parang sinasadya ang lahat.

Sa wakas, nakakita si Ella ng daan papunta sa isang maliit na terrace sa likod ng ballroom—tahimik, malamig, at malayo sa ingay ng mga bisita. Huminga siya ng malalim, sa wakas nakahanap ng sandaling kapayapaan.

Narinig niya ang pagbubukas ng p***o.

“So there you are.”

Napapikit siya. Of course.

Lumapit si Alexander, nakasandal sa railing, parang siya ang may-ari ng lugar. “Bakit mo ako iniiwasan?”

“Hindi kita iniiwasan,” sagot niya, pero halata sa tono ang kabaligtaran.

“Talaga?” tanong niya, lumapit pa. “Kasi sa buong gabi, parang may laro tayong taguan.”

“Hindi ako naglalaro.”

“Pero ako, nag-eenjoy.”

Mahigpit ang hawak ni Ella sa railing. “Kung pwede lang, sana hindi na kita nakilala.”

Tumigil si Alexander, bahagyang nag-iba ang ekspresyon. “Say that again.”

“Sinabi ko na.”

“Hindi,” sagot niya, lumapit ng mas malapit, halos magkadikit na ang kanilang hininga. “Sabihin mo ulit. Habang nakatingin sa akin.”

Nagtagpo ang kanilang mga mata—malapit, masyadong malapit. Ramdam ni Ella ang init ng presensya niya, ang amoy ng cologne, ang bigat ng tingin.

Hindi siya makagalaw.

Hindi siya makahinga.

At ayaw niyang ipakitang naaapektuhan siya.

Kaya tumalikod siya, tinulak ng bahagya ang balikat niya, at diretso pabalik sa reception.

“Ella,” tawag niya, may halong tawa. “Hindi pa tayo tapos.”

“Sa ’yo, oo,” sagot niya, hindi lumilingon.

…

Pagbalik niya sa ballroom, naroon ang dalawang lalaking kilala niya mula sa nakaraan—ang mga kaibigan ni Alexander noong gabing sinampal niya ito.

“Pare!” sigaw ng isa, si Marco, habang nakikipag-kamay kay Alexander. “Congrats sa kasal!”

“Finally settled down,” biro ng isa pa, si Dylan.

At nang makita nila si Ella, halos sabay silang nagulat.

“Uy!” tawa ni Marco. “Ikaw ’yung waitress na—”

“Marco,” putol ni Alexander, malamig ang tono.

Pero hindi nakinig ang kaibigan. “Ikaw ’yung sumampal sa kanya, ’di ba? Don’t tell me you’re the daughter of Marissa?”

Namula si Ella sa hiya at galit. “Pwede bang tumigil kayo?”

Tumawa si Dylan. “Ang lupit mo noon, ha. Hindi namin makakalimutan ’yon. At tignan mo nga naman ang tadhana.”

“Guys,” ulit ni Alexander, mas matatag ang boses. "Leave her alone.”

Natigilan ang dalawa. Hindi sanay ang mga ito na pinagsasabihan ni Alexander.

“Sorry,” sabi ni Marco, nagkakamot ng ulo. “Hindi namin sinasadya.”

Napairap si Ella at mabilis na umalis, pero bago siya makalayo, narinig niya ang tinig ni Alexander.

“Seriously. Don’t bother her.”

Hindi niya inaasahan iyon.

Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kumislot sa dibdib niya—hindi niya gusto, pero nararamdaman niya.

…

Pagkatapos ng reception ay agad lumipat ang mag-ina sa mansion ni Alexander.

“Welcome to your new home!” pagbati ni Alexander.

“Welcome po Donya Marissa at senyorita Ella!” sabay sambit ng mga limang katulong na naka-uniform.

Napanganga si Ella sa laki ng mansion. Para itong isang palasyo—malawak, tahimik, at puno ng mga bagay na hindi kailanman naging bahagi ng buhay ni Ella Ramirez.

“Pakihatid niyo si senyorita Ella niyo sa kanyang silid,” malumanay na utos ni Alexander.

Lumapit ang isang katulong, “Senyorita Ella, ako na po ang magdadala ng gamit ninyo at maghahatid sa inyo sa iyong kwarto.”

“Salamat, pero huwag niyo na po akong tawaging senyorita. Ella na lang po.”

“Ay magagalit po si Senyor, bilin po sa amin na tawagin kayong senyorita,” sambit ng katulong.

Napatingin si Ella kay Alexander na parang sinasabing hindi mo ako pag-aari.

…

Pagpasok ni Ella sa kanyang kwarto, halos nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang ganitong klase ng silid — malaki, maganda, at mas elegante kaysa sa anumang lugar na napuntahan niya. May sariling balcony na tanaw ang malawak na hardin, may walk‑in closet na kasing laki ng dating sala nila, at may sariling dressing room na may mga ilaw sa paligid ng salamin, parang pang‑artista.

Napatingin siya sa paligid, hindi makapaniwala.

Dito na ba talaga ako titira? tanong niya sa sarili.

Lumapit siya sa dressing room. Pagbukas niya ng p***o, mas lalo siyang natigilan.

May mga magagandang damit — hindi mamahalin, pero maayos, simple, at malinaw na pinili para sa kanya. May ilang blouse, dalawang dress, at ilang pares ng jeans na sakto ang sukat. May maliit na note pa sa gilid:

“For Ella.”

Alam niyang galing ‘yun sa kanyang ina.

Hindi niya alam kung bakit, pero may bahagyang ginhawang dumaloy sa dibdib niya. Marahil ito ang sinasabi ng kanyang ina — ang kaginhawaan matagal na nilang hindi naramdaman. Hindi niya ito hinihingi, pero naroon na.

Humiga siya sa kama. Para siyang lumubog sa lambot ng kutson.

Hindi niya namalayan na unti‑unti nang bumibigat ang kanyang mga mata. Sa gitna ng katahimikan, sa gitna ng kuwartong hindi niya kilala, sa gitna ng kaginhawaan hindi niya alam kung karapat‑dapat ba siya — nakatulog siya.

Maya‑maya, may mahinang katok sa p***o.

Nagising siya, medyo groggy, hindi alam kung anong oras na. Bumangon siya, inayos ang buhok, at dahan‑dahang binuksan ang p***o.

At naroon si Alexander.

Nakasandal sa doorframe, parang hindi nagmamadali, parang sanay na sanay sa presensya niya.

“Ella,” sabi niya, mababa ang tono. “Gising ka na.”

Hindi niya alam kung bakit, pero biglang bumilis ang tibok ng puso niya — hindi dahil sa tuwa, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa tensyon na hindi niya maipaliwanag.

“Ano na naman?” malamig niyang sagot.

“Ella,” sabi niya, kalmado. “Alam kong hindi mo gusto ang sitwasyon. Pero kailangan nating masanay.”

“Hindi ko kailangan masanay,” sagot niya. “At hindi kita kailangan kausapin.”

“Pwede,” sagot niya. “Pero hindi mo maiiwasan na magkasama tayo sa iisang bubong.”

“Basta huwag mo akong lapitan.”

Tumango si Alexander. “I’ll respect that.”

Nagulat si Ella. “Talaga?”

“Talaga,” sagot niya. “Pero may isang kondisyon.”

Napatingin si Ella, halatang naiinis na agad. “Ano na naman?”

“Stop treating every conversation with me like a fight.”

Hindi siya sumagot.

Hindi niya alam kung paano sasagutin iyon — o kung bakit parang tumama iyon sa isang bahagi ng puso niyang matagal na niyang pinipilit na maging manhid. Ayaw niyang aminin, pero may punto ang lalaki. At mas lalo siyang nainis dahil alam niyang tama ito.

Tumango na lang siya, mahina, halos hindi halata. Isang maliit na pag-amin na hindi niya sinasadya.

Bago niya maisara ang p***o, narinig niya ang mababang tinig ni Alexander — halos pabulong, pero sapat para maramdaman niya sa balat ang bigat ng bawat salita.

“Goodnight, Ella.”

Hindi iyon sweet. Hindi iyon malambing. Pero may kung anong init sa tono niya na hindi niya alam kung paano tatanggihan.

At sa sandaling iyon, habang dahan-dahan niyang isinara ang p***o, ramdam niya ang tibok ng puso niya na hindi niya gusto… pero hindi niya rin kayang kontrolin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 5

    Maagang nagising si Ella Ramirez bago pa sumikat ang araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa labas. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kalendaryo sa dingding: First day of classes. BS Biology. Scholarship mula sa CHED. Part-time job sa coffee shop.Marami siyang kailangan patunayan—sa sarili at sa mundong hindi niya pinili pero kailangan niyang harapin. Paglabas niya sa balcony, agad niyang nakita ang paparating na motor. Matte-black, makintab, at may presensiyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Jake iyong—kaibigan niya mula senior high, laging may ngiti, laging may energy, at laging handang sumalo sa mga araw na mabigat para sa kanya.Huminto ang motor sa tapat ng mansyon. Nakasandal si Jake, naka-black helmet, naka-leather jacket, parang poster boy ng isang motorcycle magazine. Walang pakialam sa yaman ng mansyon. Walang pakialam sa mga taong nakatira rito. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit komportable si Ella sa kanya.

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 4

    “May pinagmanahan,” nakangiting bulong ni Alexander sa sarili habang nakatayo sa gilid ng driveway, pinagmamasdan si Ella na papalayo. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat pag-irap, bawat pagtaas ng kilay, at bawat matapang na sagot ng dalaga, ay bumabalik ang kakaibang nararamdaman niya six months ago.At doon muling bumalik sa kanya ang gabing iyon—ang gabing hindi niya makalimutan.…Six Months AgoMaulan ang gabi, at ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap sa basang kalsada. Si Alexander, kasama ang kaibigan sina Marco at Dylan, ay nagpunta sa isang private hotel na may lounge bar—isang lugar na kilala sa tahimik na ambiance, imported drinks, at mga magagandang waitress.“Bro, relax,” sabi ni Marco habang naglalakad sila papasok. “You need a break. Work has been killing you.”Alexander didn’t argue. Sa totoo lang, pagod siya—hindi lang sa trabaho sa real estate, kundi sa mismong buhay na matagal na niyang tinatahak mag-isa. May pera siya, may pangalan, may respeto. May mga bab

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 3

    Ang unang umaga ni Ella sa mansyon ay hindi tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi siya agad bumangon nang may sigla; sa halip, nanatili siya sa kama, nakatitig sa kisame na parang may bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ang katahimikan ng kwarto ay hindi nakapagbigay ng ginhawa—mas lalo lang niyang naramdaman na nasa lugar siya na hindi niya pinili.Mabagal siyang bumangon at naglakad papunta sa balcony. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng malamig at sariwang hangin mula sa malawak na garden. Ang mga dahon ay kumikislap sa umaga, at ang mga ibon ay tila masaya sa kanilang awit. Pero siya? Hindi niya maramdaman ang saya. Para siyang bisita sa sariling buhay.Habang nakasandal siya sa railing, napansin niya si Alexander sa di kalayuan. May kausap itong dalawang lalake na naka-puting barong—matipuno, seryoso, at halatang trained. Bodyguards. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking ito? Bakit may bodyguards? Ano bang business niya?Hindi niy

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 2

    Ang wedding reception ay ginanap sa isang marangyang ballroom na puno ng kristal, ilaw, at mga taong may kapangyarihan. Sa bawat sulok, may negosyanteng kilala sa industriya, may politiko, may kilalang personalidad. Para kay Ella Ramirez, parang isa itong mundong hindi niya kailanman gustong pasukin.Habang naglalakad siya papasok, ramdam niya ang bigat ng mga mata ng mga bisita—hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa lalaking bagong asawa ng kanyang ina.Si Alexander Cortez, ang bilyonaryo ng may presensya ng hindi mo pwedeng balewalain, ay gumagalaw sa gitna ng crowd na parang siya ang hari ng gabi. Nakikipag-kamay, nakikipag-usap, tumatawa—lahat ng tao ay tila humahanga sa kanya. Samantalang ang kanyang ina ay abala sa kanyang mga bagong kaibigan, na tila nakalaya sa hawla.At si Ella? Pilit na iniiwasan ang bawat tingin niya.…Hindi pa man siya nakakalayo, narinig niya ang pamilyar na tinig sa likuran.“Ella.”Napapikit siya. Hindi na naman.Paglingon niya, naroon si Alexander—nakan

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 1

    Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mailibing si Gabriel Ramirez, ngunit para kay Ella, parang hindi pa nagsisimula ang paghilom ng sugat. Halos isang taon ding pabalik‑balik ang kanyang ama sa ospital para sa dialysis—isang taon ng takot, pagod, at pagkapit sa pag-asang gagaling pa ito. At sa bawat linggo ng gamutan, unti‑unting nauubos ang ipon ng pamilya, pati ang lakas ni Gabriel.Dahil dito, napilitan si Ella na tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Iyon ang pinakamasakit para sa kanya—hindi dahil sa ambisyon, kundi dahil alam niyang iyon ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Pero sa harap ng lumalaking gastusin, wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang magtrabaho bilang waitress, magpuyat, magtipid, at gawin ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.Masigasig din ang kanyang ina, si Marissa, sa paglapit sa DSWD at sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kahit gaano kahaba ang pila, kahit gaano kainit ang araw, kahit gaano kabigat ang hiya, tiniis niya an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status