Share

Chapter 3

Author: C.M. Santos
last update publish date: 2026-11-06 08:00:39

Ang unang umaga ni Ella sa mansyon ay hindi tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi siya agad bumangon nang may sigla; sa halip, nanatili siya sa kama, nakatitig sa kisame na parang may bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ang katahimikan ng kwarto ay hindi nakapagbigay ng ginhawa—mas lalo lang niyang naramdaman na nasa lugar siya na hindi niya pinili.

Mabagal siyang bumangon at naglakad papunta sa balcony. Pagbukas niya ng p***o, sinalubong siya ng malamig at sariwang hangin mula sa malawak na garden. Ang mga dahon ay kumikislap sa umaga, at ang mga ibon ay tila masaya sa kanilang awit. Pero siya? Hindi niya maramdaman ang saya. Para siyang bisita sa sariling buhay.

Habang nakasandal siya sa railing, napansin niya si Alexander sa di kalayuan. May kausap itong dalawang lalake na naka-puting barong—matipuno, seryoso, at halatang trained. Bodyguards. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking ito? Bakit may bodyguards? Ano bang business niya?

Hindi niya alam kung bakit, pero may kakaibang curiosity na kumislot sa kanya. Hindi niya gusto, pero naroon.

Natapos ang pag-uusap ng tatlo at naglakad si Alexander papasok sa mansion. Kahit mula sa malayo, agaw-pansin ang presensya nito—ang tindig, ang lakad, ang kumpiyansa. Para siyang si Ian Veneracion na hindi tumatanda at kahit sinong babae ay hindi maitatanggi ang lakas ng kanyang dating.

Napahawak si Ella sa dibdib niya, parang may kung anong kumalabog doon.

“Hoy, Ella…” bulong niya sa sarili, parang pinapagalitan ang sariling utak.

Agad siyang pumasok sa shower room. Pagbukas ng gripo, bumuhos ang malamig na tubig mula sa shower—tama lang ang lamig para gumising sa balat, pero sapat din para magpahinga ng dibdib. Tumulo ang tubig sa kanyang buhok, sa kanyang batok, pababa sa kanyang likod, at para bang bawat patak ay sinusubukan hugasan ang bigat ng gabing hindi niya maunawaan.

Huminga siya ng malalim, pilit na inuuga ang sarili, pilit na inaalis ang mga alaala na ayaw magpaalis. Ang biglang paghila ni Alexander. Ang tono nitong hindi mapigilang maging malapit. Ang alok nitong isang gabi—isang bagay na hindi niya hiningi, hindi niya iniisip, pero bakit parang may bahagi sa kanya na natigilan? At ang pagsampal… ang tunog nito, ang init sa pisngi, ang gulat sa mga mata ni Alexander pagkatapos.

“Ano ba?” bulong niya, halos hindi marinig sa tunog ng tubig. Bakit bumabalik? Bakit ngayon? Bakit sa gitna ng lamig ng shower ay parang mas malinaw ang lahat?

Pinikit niya ang mga mata, hinayaan ang tubig na dumaloy sa mukha, para bang kaya nitong burahin ang mga tanong na hindi niya kayang sagutin. Pero kahit anong lamig, kahit anong pilit, naroon pa rin ang mga alaala—kumakapit, kumikirot, at hindi niya alam kung dahil ba sa inis, sa takot, o sa isang bagay na ayaw niyang pangalanan.

Matapos maligo, pumasok siya sa walk‑in closet—isang espasyong napakalaki para sa isang taong sanay sa maliit na kwarto, at hanggang ngayon ay parang hindi pa rin niya matanggap na bahagi na iyon ng bagong buhay na ipinilit sa kanya. Ang ilaw mula sa ceiling ay malambot, warm, at tumatama sa mga hanay ng damit na maingat na inayos para sa kanya, pero sa halip na ikatuwa, may kung anong bigat na bumabalot sa dibdib niya. Hindi niya kailangan ang mga mamahaling tela, hindi niya kailangan ang mga bagong sapatos. Hindi niya kailangan ang marangyang closet na ito.

Kinuha niya ang paborito niyang jeans—medyo kupas na sa tuhod, pero sakto ang fit, parang yakap na hindi nagbabago. Isinuot niya ang simpleng pink na shirt, malambot sa balat, at kulay na nagbibigay sa kanya ng konting sigla kahit hindi niya inaamin. Hindi siya maarte sa katawan; hindi niya kailangan ng maraming accessories o kung ano pang pampaganda.

Sa harap ng salamin, tumingin siya sandali. Walang foundation na makapal, walang contour, walang eyeshadow. Sapat na ang manipis na foundation para pantayin ang kulay ng mukha, at ang pink na lipstick na nagbibigay ng kaunting buhay sa kanyang labi. Sinuklay niya ang buhok—isang mabilis na pasada lang—at hinayaang malugay, basa pa, kusang tutuyo habang naglalakad siya palabas ng bahay. May kalayaan sa ganoong ayos, parang hindi niya kailangan magpanggap.

Pagkatapos, kinuha niya ang Nike rubber shoes na regalo ng kanyang papa noong debut niya. Medyo may gasgas na sa gilid, pero iyon ang paborito niyang parte—patunay na kasama niya ang sapatos sa mga lakad, sa mga araw na masaya, sa mga araw na mabigat. Nang isuot niya iyon, parang may dumaloy na init mula sa alaala ng ama.

Kinuha niya ang pink na backpack—may kalumaan na, may konting kupas sa zipper, pero hindi niya kayang palitan. Galing din iyon sa kanyang papa, at bawat tahi, bawat gasgas, may kwento. Sa sandaling iyon, habang inaayos ang strap sa balikat, may konting lakas siyang naramdaman. Hindi man niya kasama ang ama, pero naroon ang alaala. At iyon ang nagbibigay sa kanya ng tapang para harapin ang araw, kahit gaano pa kagulo ang mundo sa loob ng mansion na iyon.

…

Pagbaba niya sa grand staircase, hindi pa man siya nakakatapak sa huling baitang ay agad siyang nilapitan ni Alexander.

“Aalis ka?” tanong nito, kalmado pero may tono ng pag-aalala. “Breakfast muna. Nagluto ang mama mo.”

“No thanks,” mabilis niyang sagot.

“Breakfast ka muna, Ella,” sambit ni Marissa na papalapit. “Mahirap malipasan ng gutom. And besides, I cooked your favorite breakfast.”

Napabuntong-hininga si Ella. Halatang naiinis, halatang gusto nang umalis.

“Fine.”

Umupo si Ella sa dining table. Malaki ang mesa, may mamahaling chandelier, at may mga fresh flowers sa gitna. Pero ang presensya ni Alexander ang mas ramdam niya kaysa sa lahat ng iyon.

Hindi niya maiwasang mapansin ang paraan ng pag-upo nito—kalma, relaxed, parang walang bigat sa mundo. Samantalang siya? Parang may nakadagan na bato sa dibdib.

Habang kumakain sila, halos walang salita. Si Marissa lang ang nagkukuwento tungkol sa mga plano sa bahay, sa mga charity events, sa mga bagong proyekto ni Alexander. Pero si Ella ay tahimik, nakatingin sa plato, pilit na hindi tumitingin sa lalaki.

Pero si Alexander? Panay ang sulyap sa kanya. Hindi lantaran. Hindi halata. Pero ramdam niya. At lalo siyang naiinis.

“Hon,” sambit ni Marissa, “anong masasabi mo kung mag-umpisa kaya ako ng foundation para sa mga dialysis patients?”

“That’s a good idea, hon,” sagot ni Alexander, pero ang mga mata nito ay nasa kanya pa rin.

“Galing na ako doon at alam ko ang hirap,” tuloy ni Marissa. “Kaya sa pamamagitan ng foundation, matutulungan ang patient at ganun din ang pamilya.”

Ella felt it—Alexander’s gaze. Parang hinubaran siya ng tingin. Hindi bastos, pero sobra. Hindi lantaran, pero ramdam na ramdam niya.

“Ngayon na ba ang enrollment mo sa university?” tanong ng kanyang ina.

“Opo, Ma,” mahina niyang sagot.

May inabot na envelope si Marissa. “Kunin mo na ito para sa iyong tuition.”

Agad siyang tumanggi. “No, Ma. May ipon ako.”

“Anak…” malungkot na sambit ng kanyang ina.

Ella stood up. “I have to go. Salamat sa breakfast.”

...

Paglabas niya ng gate, mabilis siyang naglakad. Gusto niyang makalayo. Gusto niyang huminga. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay narinig niya ang pamilyar na boses.

“Ella.”

Huminto siya, mabilis na lumingon. “Ano ba ang problema mo? Bakit hindi mo ako kayang tigilan?”

Lumapit si Alexander, hindi agresibo, pero may kumpiyansa ng nakakainis. “Hindi kita titigilan. Ikaw ang umiiwas.”

“Dahil ayaw kitang kausapin.”

“Pero kailangan nating mag-usap,” sagot niya, kalmado. “We live in the same house.”

“Hindi ko problema ’yon.”

“Pero problema ko ’yon.”

Napataas ang kilay ni Ella. “Bakit naman?”

“Because you treat me like I’m the enemy.”

“Hindi kita kaaway,” sagot niya. “Ayaw lang kita.”

“Masama ba ’yon?”

“Para sa ’kin, oo.”

Tumawa si Alexander, mahina, parang hindi niya mapigilan. “Ella, hindi mo ako kailangan tanggapin. Pero hindi mo rin kailangang tratuhin ako na parang may ginawa akong krimen.”

“May ginawa ka,” sagot niya. “Hindi mo ba naaalala?”

“Of course I remember,” sagot niya, may ngiting nanunukso. “Ikaw ang babaeng sumampal sa akin.”

Ella froze.

“Pero hindi ko ’yon ikinagalit,” dagdag niya. “Ikaw lang ang babaeng naglakas-loob na gawin ’yon. And I respect that.”

Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong kumislot sa dibdib niya—hindi niya gusto, pero naramdaman niya.

“Pero hindi ‘yon ang dahilan kung bakit kita hinabol.”

“Eh ano?”

“Gusto ka lang tulungan ng mama mo. Sana tanggapin mo ito,” sabay abot ng sobre na may lamang pera.

“Hindi ko kailangan ‘yan lalo na’t alam kong galing sa’yo ang pera.”

“May problema ba kung galing sa akin? Ang pag-aari ko ay pag-aari na rin ng mama mo dahil kasal na kami.”

Natahimik siya.

Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya inaasahan ang tono. Hindi niya inaasahan ang sincerity.

Pero mas lalo siyang naguluhan.

Bakit ganito? Bakit parang mabait siya? Bakit parang hindi tugma sa pagkakakilala ko sa kanya?

Parang ang bilis naman yata niyang ipagkatiwala ang kanyang kayamanan sa isang biyudang katulad ng kanyang ina. Parang ang bilis niyang naging parte ng buhay nila.

At iyon ang mas hindi niya maintindihan.

“Please, Alexander. Huwag mo nang ipagpilitan. Kaya kong suportahan ang sarili ko,” sabay talikod.

Hindi na siya sinundan ni Alexander pero ramdam niya na nakatitig ito sa kanya habang siya’y papalayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 5

    Maagang nagising si Ella Ramirez bago pa sumikat ang araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging huni ng mga ibon ang maririnig mula sa labas. Huminga siya nang malalim habang nakatingin sa kalendaryo sa dingding: First day of classes. BS Biology. Scholarship mula sa CHED. Part-time job sa coffee shop.Marami siyang kailangan patunayan—sa sarili at sa mundong hindi niya pinili pero kailangan niyang harapin. Paglabas niya sa balcony, agad niyang nakita ang paparating na motor. Matte-black, makintab, at may presensiyang hindi mo pwedeng balewalain. Si Jake iyong—kaibigan niya mula senior high, laging may ngiti, laging may energy, at laging handang sumalo sa mga araw na mabigat para sa kanya.Huminto ang motor sa tapat ng mansyon. Nakasandal si Jake, naka-black helmet, naka-leather jacket, parang poster boy ng isang motorcycle magazine. Walang pakialam sa yaman ng mansyon. Walang pakialam sa mga taong nakatira rito. At iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit komportable si Ella sa kanya.

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 4

    “May pinagmanahan,” nakangiting bulong ni Alexander sa sarili habang nakatayo sa gilid ng driveway, pinagmamasdan si Ella na papalayo. Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat pag-irap, bawat pagtaas ng kilay, at bawat matapang na sagot ng dalaga, ay bumabalik ang kakaibang nararamdaman niya six months ago.At doon muling bumalik sa kanya ang gabing iyon—ang gabing hindi niya makalimutan.…Six Months AgoMaulan ang gabi, at ang mga ilaw ng siyudad ay kumikislap sa basang kalsada. Si Alexander, kasama ang kaibigan sina Marco at Dylan, ay nagpunta sa isang private hotel na may lounge bar—isang lugar na kilala sa tahimik na ambiance, imported drinks, at mga magagandang waitress.“Bro, relax,” sabi ni Marco habang naglalakad sila papasok. “You need a break. Work has been killing you.”Alexander didn’t argue. Sa totoo lang, pagod siya—hindi lang sa trabaho sa real estate, kundi sa mismong buhay na matagal na niyang tinatahak mag-isa. May pera siya, may pangalan, may respeto. May mga bab

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 3

    Ang unang umaga ni Ella sa mansyon ay hindi tulad ng inaasahan ng lahat. Hindi siya agad bumangon nang may sigla; sa halip, nanatili siya sa kama, nakatitig sa kisame na parang may bigat na nakadagan sa dibdib niya. Ang katahimikan ng kwarto ay hindi nakapagbigay ng ginhawa—mas lalo lang niyang naramdaman na nasa lugar siya na hindi niya pinili.Mabagal siyang bumangon at naglakad papunta sa balcony. Pagbukas niya ng pinto, sinalubong siya ng malamig at sariwang hangin mula sa malawak na garden. Ang mga dahon ay kumikislap sa umaga, at ang mga ibon ay tila masaya sa kanilang awit. Pero siya? Hindi niya maramdaman ang saya. Para siyang bisita sa sariling buhay.Habang nakasandal siya sa railing, napansin niya si Alexander sa di kalayuan. May kausap itong dalawang lalake na naka-puting barong—matipuno, seryoso, at halatang trained. Bodyguards. Hindi niya maiwasang magtanong sa sarili: Ano bang klase ng buhay meron ang lalaking ito? Bakit may bodyguards? Ano bang business niya?Hindi niy

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 2

    Ang wedding reception ay ginanap sa isang marangyang ballroom na puno ng kristal, ilaw, at mga taong may kapangyarihan. Sa bawat sulok, may negosyanteng kilala sa industriya, may politiko, may kilalang personalidad. Para kay Ella Ramirez, parang isa itong mundong hindi niya kailanman gustong pasukin.Habang naglalakad siya papasok, ramdam niya ang bigat ng mga mata ng mga bisita—hindi dahil sa kanya, kundi dahil sa lalaking bagong asawa ng kanyang ina.Si Alexander Cortez, ang bilyonaryo ng may presensya ng hindi mo pwedeng balewalain, ay gumagalaw sa gitna ng crowd na parang siya ang hari ng gabi. Nakikipag-kamay, nakikipag-usap, tumatawa—lahat ng tao ay tila humahanga sa kanya. Samantalang ang kanyang ina ay abala sa kanyang mga bagong kaibigan, na tila nakalaya sa hawla.At si Ella? Pilit na iniiwasan ang bawat tingin niya.…Hindi pa man siya nakakalayo, narinig niya ang pamilyar na tinig sa likuran.“Ella.”Napapikit siya. Hindi na naman.Paglingon niya, naroon si Alexander—nakan

  • HATING MY STEPFATHER   Chapter 1

    Dalawang buwan na ang lumipas mula nang mailibing si Gabriel Ramirez, ngunit para kay Ella, parang hindi pa nagsisimula ang paghilom ng sugat. Halos isang taon ding pabalik‑balik ang kanyang ama sa ospital para sa dialysis—isang taon ng takot, pagod, at pagkapit sa pag-asang gagaling pa ito. At sa bawat linggo ng gamutan, unti‑unting nauubos ang ipon ng pamilya, pati ang lakas ni Gabriel.Dahil dito, napilitan si Ella na tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo. Iyon ang pinakamasakit para sa kanya—hindi dahil sa ambisyon, kundi dahil alam niyang iyon ang pangarap ng kanyang ama para sa kanya. Pero sa harap ng lumalaking gastusin, wala siyang ibang pagpipilian. Kailangan niyang magtrabaho bilang waitress, magpuyat, magtipid, at gawin ang lahat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.Masigasig din ang kanyang ina, si Marissa, sa paglapit sa DSWD at sa iba’t ibang programa ng gobyerno. Kahit gaano kahaba ang pila, kahit gaano kainit ang araw, kahit gaano kabigat ang hiya, tiniis niya an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status