“CHEERS!”
Sabay na kinalansing nila Rave, Mykael, Kevin, Peter, at Laura ang mga wine glasses nilang hawak. Nasa rooftop pa rin sila ng building ng Mind Creatives. Iilan na lang ang nanatili at kumakain sa pa–reception ni Mykael pagkatapos ng halos dalawang oras at kalahating photoshoot sa kasal ‘di umano nila ni Rave.
Pare–pareho na rin silang nakapagpalit ng damit. Halos pare–pareho lang sila ng get up na lima. Pakulo na naman ni Mykael. Pareho silang nakasuot ng puting T–shirt at itim na pantalon. Ang kaibahan lamang ay ang nakasulat na statement sa harap ng T–shirt.
May malaking bold letters na BEAUTIFUL WIFE ang sa kanya. Kay Rave naman ay BLESSED HUSBAND. Kevin ay BEAST MAN. Mykael ay VERY BEAST MAN. Peter ay UNKNOWN MAN. Natawa siya nang magpa–picture silang lima. Ang kukulit ng tatlo. Lalo pa siyang napangiti nang makita niyang halos nakangiti lang si Rave simula pa kanina.
Sa ilang araw na magkasama sila ay mabibilang lang sa kamay ang pagngi
“ANONG SABI NG MAMA MO?” Hinarap siya ni Rave. “You don’t need to worry about her. Matanda na ako para pakialaman pa niya. I can decide on my own.” “Sabi ko naman kasi ipakilala mo na lang akong mai –” “Lar, let’s stop. My mother will not harm you hanggat nasa tabi mo ako. Just focus with our son –” Natigilan siya at napatingin kay Rave. “My son,” mabilis na bawi nito. Tinalikuran na siya nito at dumiretso sa working room nito na adjacent lang sa silid nila. Kahit na wala ‘yong pinto ay ‘di pa rin niya makita si Rave. Mag–a–alas singko pa lang ng hapon pero mukhang magta–trabaho na ito. Nabanggit nga ni Kevin sa kanya na madalas magkulong si Rave sa working area nito dahil marami itong tinatapos na trabaho. Isang linggo itong sinamahan siya kaya marahil marami na itong nakatinggang trabaho. Tumayo siya mula sa kama at lumapit sa hamba ng pintuan ng adjacent room kung saan pinaghiwalay ang bedroom at opisina nito. Nakita niya si Rave n
“RAVE GISING KA na, please.” Nakatunghay si Laura kay Rave. May sofa bed ito sa loob ng working area nito at doon ito natutulog. Nakasalampak siya ng upo sa sahig at nakaharap sa natutulog na anyo nito. Kanina pa niya ginigising ito pero ang himbing ng tulog nito. Alas sais na nang umaga at gising na siya pero natatakot siyang bumaba. Natatakot talaga siya sa nanay nito. Baka mag–breakfast siya ng sermon at taas kilay. “Gising ka na.” Gamit ang isang daliri ay sinundot–sundot niya ang pisngi nito. “Samahan mo ako sa baba.” Pero sa halip na i–pressure ang sarili na gisingin si Rave ay naaliw pa siyang pagmasdan ang gwapo nitong mukha. Napaka–peaceful ng anyo nito. Malayong–malayo sa gising na si Rave na laging seryoso. Alam niyang mas matanda ito sa kanya pero hindi naman ‘yon halata dahil sadyang pinagpala ito ng langit sa angking kakisigan at kagwapohan – mga halos sampung taon ang agwat nila kung ‘di siya nagkakamali. “Ang mantika mo matulog. Anong
“RAVE, SAAN KA PUPUNTA?” Nauhaw siya kanina kaya bumaba siya ng kusina para kumuha ng tubig. Pabalik na siya sa silid nila nang maabutan niya si Rave na palabas ng bahay. Nakasuot ito ng itim na track pants, gray T–shirt at itim na rin na running shoes. May nakapasak na headset sa isang tainga nito kaya narinig pa rin siya nito. Bahagya siya nitong nilingon. “Maglalakad lang sa labas.” “Alas diez na.” “Bawal bang maglakad nang ganitong oras?” “‘Di naman.” Lumapit siya rito. “Pwedeng sumama? ‘Di kasi ako makatulog.” Tumango lang ito at sabay na silang lumabas ng bahay. Binati agad siya ng malamig na hangin. Mabuti na lamang at naka pajama at long sleeve siya. “Madalas ka bang maglakad–lakad sa gabi?” “I like the feeling of walking alone.” “Sige, uwi na lang ako –” Tumalikod na siya nang mabilis na mahablot ni Rave ang hood ng long sleeve niya. “Rave?” “You chose to walk with me. Panindigan mong makasama a
NAKAHINGA NANG MALUWAG si Laura nang bahagyang bumaba ang lagnat ni Rave. Mabuti na lang. Maayos na rin ang paghinga nito at mukhang mahimbing nang natutulog. Tinitigan niya ang mukha ni Rave. Gusto niyang kaawaan ito pero naiinis siya. Masyado nitong pinagod ang sarili. Hindi ito kumakain sa tamang oras at kulang din lagi ang tulog. Naiintindihan niya na trabaho nito ‘yon pero hindi tamang isakripisyo nito ang kalusugan para lang doon. Sino na lang ang mag–aalalaga kay Rave kung wala siya? Bata pa si Ross kaya hindi pa nito maaalagaan nang maayos ang daddy nito. Kilala niya si Rave, sigurado siyang sasarilihin lang nito ang nararamdaman. Hindi niya maiwasang mapabuntonghininga. “Hindi naman habang buhay na nandito ako,” aniya, habang tinitignan si Rave. “Dapat alagaan mo rin ang sarili mo.” Iniligpit na niya ang mga ginamit niyang pampunas dito. Ibababa na muna niya ‘yon at kukunin ‘yong naiwan niyang thermos ng mainit na tubig sa kusina. Malakas pa
ANG SAYA–SAYA NI Ross nang makarating sila sa school nito. Mabilis na lumapit ito sa mga kaibigan nito at masaya silang pinakilala. Nakakahawa ang saya ng bata. Nakakatuwa.Pareho sila ng kulay ng T–shirt na tatlo, light pink kasi ang assigned color sa team kinder 1 and 2. May naka print na Family Day sa harap ng T–Shirt na may kasama pang pangalan ng eskwelahan ni Ross. Pareho silang naka itim na pantalon ni Rave at white shoes. Itinali niya ang buhok sa likod dahil medyo mainit. Nakasuot naman ng kulay maroon na cap si Rave na kapareho kay Ross.Dala–dala niya ang Nemo backpack ni Ross. Nasa loob na ang pamalit na damit ng bata at water bottle nito. Mula sa baby powder at mga iba pang kailangan ni Ross ay nakahanda na. Hinayaan na muna nila si Ross sa mga kaibigan nito at dumiretso na sila sa registration table. Si Rave na ang nagsulat sa mga pangalan nila. Nang iabot sa kanya ni Rave ang ballpen nagtaka ito nang matigilan siya.“
NABUHAY YATA NI Laura ang pagiging–competitive ni Rave at halos salihan na nito ang lahat ng games. Naloka naman talaga siya. Ang hirap pala nitong pilitin.Wow, grabe! Mula sa newspaper game na sinalihan nilang dalawa, sa three–legged race nila Ross at Rave, sack race nilang tatlo na makailang beses silang natumba. Pero tawa pa rin sila nang tawa habang sinusubukang makatayo. Sumali rin sila ni Ross sa trip to Jerusalem at sa pass the egg challenge. At sa mga larong ‘yon, ‘yong apple eating challenge lang talaga ang naipanalo nila.Pero hindi naman matatawaran ‘yong saya ni Ross. Sa araw ding ‘yon, nakita niya ang isa pang ugali ni Rave. Hindi naman talaga pala ito KJ.Kailangan lang pilitin. Tuwang–tuwa si Ross nang makuha nila ang Best Parent of the day award. Natawa siya sa pa crown na ipinasuot ng mga teachers sa kanila. Syempre, mawawala ba ang little prince ng king and queen? Hindi. Kasama rin nila si Ross sa award
NAGISING SI LAURA na parang pinupukpok ang ulo. Hindi niya magawang maimulat nang maayos ang mga mata at sobra siyang nasisilaw sa liwanag. Napahawak siya sa ulo. Anong bang ginawa niya at ganoon na lang ang pamimigat ng ulo at katawan niya?Nagtayo ba siya ng MOA sa panaginip niya?Wala siyang maalala maliban na lamang sa bumaba siya sa kusina kagabi para uminom ng tubig.“Gising ka na pala.” Naimulat niya ang isang mata nang marinig ang boses ni Rave. Bagong ligo at bihis na bihis na. Nakasuot ito ng itim na track pants at puti na shirt. Naupo ito sa gilid ng kama pagkatapos – nakahalukipkip. Basang–basa pa ang buhok nito.Buti pa ang ‘sang ‘to, fresh na fresh na. Gwapong fresh!“Nagluto ako ng spaghetti,” nakangiting wika nito.Naimulat niya ang mga mata. “Happy birthday.”Natawa ito sa kanya. “Kapag ba nagluto ng spaghetti ay may birthday?”“Hi
PADAPANG HUMIGA AGAD si Rave nang makapasok sila sa kwarto. Kanina, habang nasa sasakyan. Napansin niyang may malalim itong iniisip at mukhang pagod na pagod. Panay rin ang masahe nito sa likod ng leeg nito at ulo. Kahit ‘di sabihin ni Rave, alam na niyang may seryosong kinakaharap na problema ang family business ng mga ito.“Rave, maghubad ka muna.” Mabilis na umangat ang ulo nito. Kinuha niya ang efficascent oil niya sa bag at naupo sa gilid ng kama. “Mamasahein kita.”“Huh?” Ibinaling nito ang tingin sa kanya.Lumapit pa siya para hilahin ang katawan nito paupo sa kama. “Kagagaling mo lang sa sakit at ngayon mukhang stress na stress ka pa. Hubarin mo ‘yang suot mong polo at dumapa ka ulit sa kama. Mamasahein kita para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo. Ang dami mo na sigurong lamig sa katawan.”“No need –”“Need,” mariin niyang sagot niya rito. &ldq