NABUHAY YATA NI Laura ang pagiging–competitive ni Rave at halos salihan na nito ang lahat ng games. Naloka naman talaga siya. Ang hirap pala nitong pilitin. Wow, grabe! Mula sa newspaper game na sinalihan nilang dalawa, sa three–legged race nila Ross at Rave, sack race nilang tatlo na makailang beses silang natumba. Pero tawa pa rin sila nang tawa habang sinusubukang makatayo. Sumali rin sila ni Ross sa trip to Jerusalem at sa pass the egg challenge.
At sa mga larong ‘yon, ‘yong apple eating challenge lang talaga ang naipanalo nila. Pero hindi naman matatawaran ‘yong saya ni Ross. Sa araw ding ‘yon, nakita niya ang isa pang ugali ni Rave. Hindi naman talaga pala ito KJ. Kailangan lang pilitin.
Tuwang–tuwa si Ross nang makuha nila ang Best Parent of the day award. Natawa siya sa pa crown na ipinasuot ng mga teachers sa kanila. Syempre, mawawala ba ang little prince ng king and queen? Hindi. Kasama rin nila si Ross sa award
NAGISING SI LAURA na parang pinupukpok ang ulo. Hindi niya magawang maimulat nang maayos ang mga mata at sobra siyang nasisilaw sa liwanag. Napahawak siya sa ulo. Anong bang ginawa niya at ganoon na lang ang pamimigat ng ulo at katawan niya?Nagtayo ba siya ng MOA sa panaginip niya?Wala siyang maalala maliban na lamang sa bumaba siya sa kusina kagabi para uminom ng tubig.“Gising ka na pala.” Naimulat niya ang isang mata nang marinig ang boses ni Rave. Bagong ligo at bihis na bihis na. Nakasuot ito ng itim na track pants at puti na shirt. Naupo ito sa gilid ng kama pagkatapos – nakahalukipkip. Basang–basa pa ang buhok nito.Buti pa ang ‘sang ‘to, fresh na fresh na. Gwapong fresh!“Nagluto ako ng spaghetti,” nakangiting wika nito.Naimulat niya ang mga mata. “Happy birthday.”Natawa ito sa kanya. “Kapag ba nagluto ng spaghetti ay may birthday?”“Hi
PADAPANG HUMIGA AGAD si Rave nang makapasok sila sa kwarto. Kanina, habang nasa sasakyan. Napansin niyang may malalim itong iniisip at mukhang pagod na pagod. Panay rin ang masahe nito sa likod ng leeg nito at ulo. Kahit ‘di sabihin ni Rave, alam na niyang may seryosong kinakaharap na problema ang family business ng mga ito.“Rave, maghubad ka muna.” Mabilis na umangat ang ulo nito. Kinuha niya ang efficascent oil niya sa bag at naupo sa gilid ng kama. “Mamasahein kita.”“Huh?” Ibinaling nito ang tingin sa kanya.Lumapit pa siya para hilahin ang katawan nito paupo sa kama. “Kagagaling mo lang sa sakit at ngayon mukhang stress na stress ka pa. Hubarin mo ‘yang suot mong polo at dumapa ka ulit sa kama. Mamasahein kita para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo. Ang dami mo na sigurong lamig sa katawan.”“No need –”“Need,” mariin niyang sagot niya rito. &ldq
BINATI si Laura ng isang tangkay ng pink rose mula kay Rave. Naingat niya ang tingin sa mukha nito. Nagtama ang mga mata nila. “Good evening, Laura,” may ngiting bati nito sa kanya pagkatapos. Ako ba ang dahilan ng pagdalas na pagngiti ni Rave? “Good evening din Rave.” Or assuming lang talaga ako? “Kumain ka na ba?” “Oo, ikaw, kumain ka na ba?” Ang awkward nito.Putik!Sisikatan pa kaya silang dalawa sa palitan ng linyahan nila? “I had dinner with the clients pero hindi ako masyadong nakakain. Ano bang meron sa kusina?” Ipinatong ni Rave ang itim na blazer nito sa backrest ng sofa. Mas lalo pa nitong niluwagan ang bukas ng polo nito sa pagkalas pa ng isang butones pagkatapos ng dalawa. “Ref, kawa, kalan, oven saka lababo.” “Huh?” “‘Yon ang meron sa kusina.” Malakas na tumawa si Rave. Napakurap–kurap siya. Naninibago siya sa ugali nito. Hindi no
“LAURA, WAIT!” Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Si Peter pala. Nauna sa sasakyan si Rave dahil naghanap pa siya ng banyo sa mall na ‘yon. Akala nga niya nakaalis na ang tatlo kanina pa. “O, Peter, nandito ka pa pala? Bakit?” “I forgot to give this to you.” Mula sa bulsa ng pants nito ay inabot nito sa kanya ang isang pamilyar na nakatuping papel sa kanya. “Kasama ‘to sa mga nakuha nila sa mga gamit mo. Mukhang importante kaya itinabi ko muna.” Halos nakalimutan na niya ang tungkol sa papel na ‘yon. Nakasulat doon ang pangalan ng totoo niyang ama na bigay sa kanya ng namayapa niyang tiyahin. “If you need help. I can help you find that person.” “Huwag na, ‘di naman importante ang taong ‘to.” “Are you sure?” Tumango siya. “Oo, wala ‘to. Salamat, Peter.” “Okay, basta, kung may maitutulong ako, sabihan mo lang ako Laura.” Tango lang ang sinagot niya rito. Akmang tatalikuran na siya ni Peter nang ibaling ul
NAGULAT SI LAURA nang makitang bihis na bihis na si Rave. Linggo, kaya maaga silang nagsisimba ni Ross kasama ang Lola Emilia nito. Hindi sumasama si Rave kapag nagsisimba sila pero sa istura nito ngayon ay mukhang may maagang lakad ito. Gwapong–gwapo ito sa suot na itim na pantalon at white short sleeved polo. Nakabukas ang dalawang butones sa unahan ng polo nito. “May lakad ka ba?” “Magsisimba.” Literal na nanlaki ang mga mata niya sa saya. “Talaga? Magsisimba ka?” Tipid ang ngiti na tumango ito. Lumapit siya rito at inilahad ang isang kamay kay Rave. Bumaba ang tingin nito sa kamay niya. “Halika na, hinihintay na tayo nila Ross sa ibaba.” Nang hindi pa rin nito hinawakan ang kamay niya ay siya na mismo ang umabot ng kamay nito. “Huwag kang mag–alala, ‘di ka pa naman masusunog sa simbahan.” “That’s crazy. You think, I developed a demonic power?” “Oy, ‘di ah. Masyado kang gwapo para maging demonyo.” “I’ll take that as a compliment.” G
“ANYTIME NEXT WEEK, he’ll wake up.” Nakahinga naman nang maluwag si Laura sa good news ni Kevin. “Salamat sa Dios, thank you rin Kevin at sa mga magagaling na doctor na pinakilala mo sa amin.” “It’s my duty to save lives, Laura. I will do everything just to save a life hanggat sa kaya ng kakayahan ko. I believe, Rave should take all the credits here. He was the one who give you a miracle.” Napangiti siya. “Tama ka, kung hindi ko nakilala ang isang Rave Sanjercas, baka wala na ang kapatid ko.” Hindi niya napigilan ang bahagyang maging emosyonal. “And you were also his miracle, Laura.” Napatitig siya kay Kevin. “Hindi sa binubugaw ko ang kaibigan ko sa’yo, but it’s a fact. Hindi pa ba siya nag–o–open up sa’yo?” “Hindi pa. I–chika mo naman sa’kin.” “E, kasi, ganito ‘yon. Lumapit ka.” Itinukod ni Kevin ang isang siko sa mesa at iminuwestra ang isang daliri para lumapit siya. “Lumapit ka pa.” Isinandal niya ang dalaw
SA PENTHOUSE NAGHINTAY si Laura habang tinatapos ni Rave ang trabaho. Pagkapasok niya pa lang sa penthouse ay bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari sa silid na ‘yon. Tandang–tanda pa niya ‘yon.“Ayokong isipin. Ayokong isipin,” paulit–ulit niyang sinasabi sa sarili.Inabala na lamang niya ang sarili sa paghilata sa sofa sa sala. Kanina, pinadalhan siya ng pagkain ni Rave kaya ‘di siya nagutom. Natapos na rin niya ang pinapanood na movie. Tawang–tawa siya, ‘di na niya namalayan ang oras.Bumukas ang pinto ng penthouse tanda na dumating na si Rave. Agad siyang tumayo para salubongin ito.“Kumusta?” tanong niya agad dito. “Nainis ba siya sa’kin? Nagalit ba siya sa’yo? Nasira ko ba ang business deal n’yo?” Isa rin ‘yan sa mga inaalala niya kanina. Kahit na nakangiti si Mr. Go kanina, hindi pa rin siya mapakali. Hindi lang simpleng pagkabunggo ang nangyar
HABANG NAGLILINIS NG working room ni Rave si Laura, aksidente niyang napatid ang trash bin nito sa may mesa nito. Kumalat ang mga nakalamkumos na papel sa sahig. Mabilis na lumuhod siya sa sahig para linisin ang kalat. Natigilan siya nang mabasa ang pangalan niya sa ilan sa mga papel. Bakit naman kaya may pangalan niya roon? Alam niyang sulat kamay ‘yon ni Rave. Limang papel lang naman ‘yong nasa loob kaya inabala na rin niyang basahin ang mga ‘yon. ‘Yong unang nabasa niya. Mukhang bored lang talaga si Rave. Puro Laura lang ang isinulat nito. Parang nag–doodle lang ito ng pangalan niya. Baliw ‘yon. Talagang pangalan pa talaga niya ang pinag–trip–an. ‘Yong pangalawa, natawa siya. Nakasulat doon ang, Laura likes me. Laura likes me not. At ang huling nakuhang sagot nito ay, Laura likes me not. Halatang pinanggigilan ni Rave ang huling mga salita. May malaking ‘x’ pa sa katawan ng papel. Baliw! ‘Yong pangatlo, malaking