Share

KABANATA 25

PADAPANG HUMIGA AGAD si Rave nang makapasok sila sa kwarto. Kanina, habang nasa sasakyan. Napansin niyang may malalim itong iniisip at mukhang pagod na pagod. Panay rin ang masahe nito sa likod ng leeg nito at ulo. Kahit ‘di sabihin ni Rave, alam na niyang may seryosong kinakaharap na problema ang family business ng mga ito.

“Rave, maghubad ka muna.” Mabilis na umangat ang ulo nito. Kinuha niya ang efficascent oil niya sa bag at naupo sa gilid ng kama. “Mamasahein kita.”

“Huh?” Ibinaling nito ang tingin sa kanya.

Lumapit pa siya para hilahin ang katawan nito paupo sa kama. “Kagagaling mo lang sa sakit at ngayon mukhang stress na stress ka pa. Hubarin mo ‘yang suot mong polo at dumapa ka ulit sa kama. Mamasahein kita para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo. Ang dami mo na sigurong lamig sa katawan.”

“No need –”

“Need,” mariin niyang sagot niya rito. &ldq

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status